Wednesday, July 11, 2012

100 Days With Mr. Idol: Chapter 18

CHAPTER EIGHTEEN


         NAISIPAN NILANG kumain matapos nilang mamili. Ibinagsaki ni MinHo ang katawan sa upuan dahil pagod na pago ito sa dami ng binili nila. Lanta na rin ang bitbit nitong mga bulaklak.


       "Hay. Kawawa naman 'tong mga bulaklak. Lanta na."saad ni MinHo sa mga Hyacinth at Roses habang hinihingal-hingal pa. Nangi-ngiti syang tinitingnan ni JiYeon. Ayaw mang aminin ni JiYeon, ang masayahing MinHo na ngayon ang kaharap nya. Ang MinHo na biglang nagiging sweet kahit walang dahilan. Ang MinHo na parating may nakahandang surpresa. Ang MinHo na may hawak ng title na 'Flaming Charisma'. Ito na nga iyon. Masayang masaya sya dahil bumalik na ito sa dati. Isa na lang ang bumabagabag sa isip nya ngayon. Kung si HaRa parin ba ang dahilan kung bakit sya ganito ngayon. Bigla tuloy syang nalungkot habang pinanunuod nyang iniisang tanggalin ni MinHo ang mga nalalantang bulaklak.


            Ilang saglit pa ay kumakain na silang dalawa. Tahimik silang dalawa habang kumakain ng makaisip ng kapilyuhan si MinHo. Tinitingnan nya si JiYeon, busy ito sa pag-kain kaya naman pasimple nyang binali ang chop stick na kahoy habang kumukuha sya ng pag-kain. "Ay! Naku! Ano ba yan! Ang rupok naman ng chop stick nila! Hay!"reklamo nya  kahit na sya naman ang may kagagawan nun. Inis syang tinginan ni JiYeon. Nag-kunyaring tumawa si MinHo saka hinawakan ang kutsara. "Buti na lang may kutsara pa!"inismid sya ni JiYeon at nag-patuloy parin ito sa pag-kain. Isinagawa na ni MinHo ang sunod nyang plano. Hinawakan nya ang kutsara at nag-kunyaring nahulog ito. "Hala! Nahulog ko yung kutsara! Ay! Naku! Madumi na yan."dahilan nya kahit sya naman ang mag-kasalanan.


        "Ano bang ginagwa mo? Una yung chop stick. Ngayon naman yung kutsara. Pano ka ngayon kakain?"galit na saad na kaniya ni JiYeon. Tatawag na sana ng waiter si JiYeon kaso pinigilan sya ni MinHo.


        "Wag na!"aniya. Nag-tataka syang tiningnan ni JiYeon. Pag-kuway ibinuka ni MinHo ang bibig nya na parang isang bata. "Ahh."sinyales na gusto nya mag-pasubo kay JiYeon. Nag-salubong ang kilay ni JiYeon. Parang gusto nyang batukan si MinHo pero hindi nya kaya. "Hay! Subuan mo na ko. Wala akong kutsara tsaka chop stick. Unfair kung ikaw lang ang kakain. Nag-buhat ako ikaw ang ginawa mo lang mamili ng mamili ng mamili."kinuha ni MinHo ang plato saka lumipat sa tabi ni JiYeon. Kahit masikip ay isiniksik nya ang sarili sya sa tabi nito. "Ahh."ulit nya ng makatabi sya kay JiYeon.


       "Hay! Tumigil ka nga MinHo!"nakakaramdam na ng hiya si JiYeon dahil pinag-titinginan na sila pero ayaw talaga tumigil ni MinHo.


       "Ano ba? Nagugutom na ko, gusto ko nang kumain kaya subua-"natahimik sya ng subuan syya ni JiYeon. Nginuya nya ang sinubo nito saka ngumiti ng ubod ng tamis. "Wow! Ang sarap!"wika nya. "Isa pa nga."nag-request pa sya ng isa. Sinubuan ulit sya ni JiYeon. "Hmm! Pag sinusubuan mo ko mas lalong sumasarap yung pag-kain!"bola pa nito na ikinatawa ni JiYeon.


      INIS NA INIS si TaeMin habang nag-lalakad sila papasok ng market habang si Onew naman ay natatawa sa kaniya. "Nakakainis naman! Akala ko ba o-order tayo? Eh bakit tayo nan dito ngayon hyung?"kakamot kamot pa ito.


      "Kasalanan mo rin naman e. Kung hindi ka nakipag-pustahan kanila Key at JungHyun wala tayo dito ngayon."tugon nito saka kumuha ng isang plastic ng strawberry. Saglit pa syang natigilan ng may maalala sya sa strawberry na yun. Si Janey, favorite ksi ito ni Janey. At madalas sya noong mag-dala ng strawberry sa tuwing papasok sila sa school. Napangiti sya at napasulyap sa katabi ng mapansin din nyang kukuha ito ng strawberry. Nagkabiglaan pa sila ng mag-tama ang mga mata nila. Si SiWan iyon. The guy who claimed to be as Janey's boyfriend. Ang nag-iisang lalaking kinaiinisan ni Onew. Si SiWan with his annoying looks.


       "It's nice to see an idol like you here."panimulang bati ni SiWan. Ngiting walang kasing bitter ang isinagot ni Onew.


       "Hindi porque idol hindi na pwedeng punta sa market."halata ang inis sa boses nito.


       "That's not what I mean bro. You're an icon, pero you're here. Namimili. I mean it's rare to see idols going to market just to buy food."pag-e-explain nito sa gustong sabihin. Kaso imbis na matuwa ay mas lalong naiinis si Onew. Hindi nya lama kung bakit, basta kumukulo ang dugo nya sa lalaking ito.


       Tatalikod na sana si Onew nang bigla nyang marinig ang boses ni Janey. "SiWan!"sabay na napatingin sina Onew at SiWan kay Janey. Parang nakakita ng anghel si Onew sa katauhan ni Janey. Bakit ba sa tuwing makikita nya ito ay paganda ito ng paganda sa paningin nya? The more he sees her the more he wants her. Kung hindi lang umiepal ang SiWan na 'to malamang nasa kanya na si Janey. "Anong ginagawa mo dito?"nagulat si Janey ng makita si Onew. "Onew, oppa!"tawag ni Janey. Mukhang hindi nagustuhan ni SiWan ang word na 'Oppa' dahil umasim ang mukha nito. Samantalang si Onew naman ay abot tenga ang ngiti.


        "Janey! Kamusta ka na?"nilapitan pa ni Onew si Janey at inakbayan. Tila nang-aasar pa ito kay SiWan. Pigil na pigil naman ang inis ni SiWan.


        "O-okay lang naman ako."nauutal na sagot ni Janey dahil naiilang ito.


        "Buti naman!"mataas ang tono ng pag-kakasabi nito. Inakay nya palayo si Janey, hinawi pa nya si SiWan para lang makadaan silang dalawa. "Excuse us."wika pa nya dito. Lalong nang-galaiti sa inis si SiWan. Ngayon nga ay inililibot na ni Onew si Janey sa kabuuhan ng market. Imbis na ang pag-kain nila ang bilhin nito ay mga pag-kain para kay Janey ang pinipili nya. Sumusunod lang sa kanila si SiWan na para bang body guard. Sa sobrang busy ni Onew kay Janey ay hindi na nito namalayan na nawawala na si TaeMin.


         "Bakit ba parang biglang lumaki 'tong market? Hindi ko makita si Onew hyun. Saan ba kasi sya nag-punta? Sa pag-hahanap ni TaeMin kay Onew ay may nasalubong syang grupo ng mga kababaihan na nag-kataon pang mga avid fans nya.


         "Grabe! Diba si TaeMin opaa yan?"kinikilig na saad ng isa.


         "Oo! Sya nga!"excited namang sagot ng isa.


          "TaeMin oppa!!"sigaw naman ng isa. Nahihiya namang nag-bigay galang si TaeMin. Iniisip na nya kung paano sya makakatakas sa mga ito dahil siguradong susugurin sya ng mga ito. At tama nga sya sa naiisip dahil nag-ragasa ang mga ito papunta sa kaniya. Hindi mag-kanda ugaga si TaeMin sa pag-salag sa sarili nya habang dinudumog sya ng mga babae. Nagulat na lang sya ng may biglang humatak sa kamay nya. Sabay nilang tinakasan ang mga nag-kakagulong mga babae.


           Namukhaan ni TaeMin ang babaeng may hawak ngayon ng kamay nya. "Pi-piggy?"iyon kasi ang pangalang naalala nya dito dahil hindi nya naman alam ang tunay na pangalan nito. Huminto sila sa isang vegetable stand at nag-tago doon. Pareho silang hingal na hingal sa kakatakbo. Walang kurap na nakatitig lang si TaeMin sa babae na ngayon ay sinisilip kung nasundan ba sila ng mga babae. Nag-tataka si TaeMin dahil sa kakaibang nararamdaman nito. Naisip nya na lang na siguro dala iyon ng pag-takbo nila.


           Agad syang umiwas ng tingin ng lingunin sya ng babae. Bigla syang nakaramdam ng hiya. "Hay! Ang dami mo talagang fans."biro pa ng babae. Ilang na ngumiti si TaeMin. "By the way. It's Jasmine not Piggy. That was just my code name on blog."ngumiti ito. Ngiti na parang ikinatigil ng pintig ng puso ni TaeMin. Seems like he is going to have a hiccup. Kailangan nyang huminga ng malalim at yun nga ang ginawa nya ng muling sumilip si Jasmine para tingnan kung nan dun ang mga babae. Para syang hihkain, ano bang meron sa babae na 'to? Bakit irregular ang pintig ng puso nya? Ni hindi rin sya maka-hinga.


           Samantala, nabayaran na ni Onew ang lahat ng binili niya para kay Janey. Kinuha ni Onew ang mga plastic bag saka ipinasa kay SiWan. Padabog naman iyong kinuha ni SiWan. "A-ang dami naman yata nun."hanggang ngayon ay nasa state of shock si Janey. Ngumiting pa-cute si Onew bago nag-salita.


           "Okay lang yan. Para hindi ka mangayayat."binalingan nya si SiWan. Tinapik nya ito ng pag-kalakaslakas. "Ikaw kasi, alagaan mo si Janey! Dahil kung hindi! Malalagot ka sakin!"pag-babanta nito.


           Hindi makapaniwalang natawa si SiWan. "Bakit ba kung umasta ka parang kilang kila mo si Janey? Nag-kakilala na ba kayo dati?"inis na wika ni SiWan.


           "SiWan."mahinang saway naman ni Janey sa kaniya. Unti unting nawawala ang cute smile ni Onew habang tinitingnan nya si Janey. She really looks like she doesn't remember anything about him. Iniisip ni Onew kung bakit wala itong maalala. Ayaw nyang biglain si Janey, gusto nya munang malaman ang dahilan bago nya aminin dito kung sino ba tagala sya sa buhay ni Janey.


           "Ano ka ba! Ganito talaga ako sa mga taong loyal sa akin. Fan ko si Janey sabi mo diba? That's they way of my saying thank you to her."palusot nito. "So, I'll go ahead. I'll see you on our album launching. I'll see you there."hinawakan pa ni Onew ng mahigpit ang mga kamay ni Janey saka lumakad na palayo.


           Saka lang pumasok sa isip ni Onew si TaeMin ng malapit na sya sa dorm nila. Nag-palinga-linga pa sya sa likuran nya, nag-tataka sya dahil walang nakasunod sa kaniya. Napasapo na lang sya ng ma-realized nga nya na wala si TaeMin. Agad nyang kinuha ang cellphone sa bulas ng pantalon at tinawagan si TaeMin. Kasalukuyan nang namimili si TaeMin kasama si Jasmine.


          "Hyun! Nasan ka na ba? Nabili mo na ba yung mga kailangan natin?"saad ni TaeMin sa kabilang linya.


          "Hu?"muling lumingon sa paligid si Onew. "Hi-hindi pa e. Pero namimili na ako ng ibang pag-kain."pag-sisinungaling nito dahil ayaw nitong magalit si TaeMin. Baka masabihan pa syang walang kwentang leader.


          "Sige. Ako na bahala sa iba. Kita na lang tayo sa cashier."yun lang at pinutol na ni TaeMin ang line. Napakamot sa ulo si Onew saka nag-mamadaling bumalik sa market.


         "Sino yun?"tanong ni Jasmine.


         "Ah-si Onew hyung."nahihiya nyang sagot. Tumango si Jasmine. Nang mapadaan sila sa isang free taste stand ay agad na hinatak ni Jasmine si TaeMin para tumikim ng free taste cookies. Kumuha si Jasmine at walang ano ano ay isinubo nya ito kay TaeMin. Naiilang naman iyong tinanggap ni TaeMin.


         Para kay TaeMin, iyon na ang pinaka-masayang araw nya sa buhay bukod sa naging miyebro sya ng SHINee. Salamat kay Jasmine dahil nakakaramdam ngayon ng ganun si TaeMin.







3 comments:

  1. kinikilig nmn daw aq kei taemin! ngkksala 2loy aq kei minho! ay ano b yan! mgkksakit n yta aq s puso dhil nagppalpitate aq s twing ngbbsa at kinikilig ehhh!!

    ReplyDelete
  2. ANG GANDA-GANDA NA! NEXT PO!

    ReplyDelete
  3. waaaaaaaaaaaaaaaaaaah! ung eksena q d2! mmtay n yata aq s sobrng galak!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^