Thursday, June 28, 2012

100 Days With Mr. Idol: Chapter 6


CHAPTER SIX

       Rest day ngayon ni JiYeon kaya naman may pag-kakataon sya para makita ang mga kaibigan at ate nya ngayon. Nakipag-kita sya kanila Mina at Aiko sa coffee shop. Excited ang mga ito sa mga ikukwento ni JiYeon.


      "Kamusta kana? Ano? Okay ba yung SHINee kahit sa off cam? Mababait ba sila? Sino yung may pinaka-malaking katawan?"hindi makapaniwalang napatingin sina JiYeon at Mina kay Aiko. Pabirong hinampas ni Mina si Aiko sa braso.


      "Hay! Ano bang klaseng tanong yan?"dismayang tanong ni Mina.


      "Bakit? Gusto ko lang naman malaman!"depensa nya sa sarili.


      Napailing na lang si Mina sa kanya. Natatawa lang silang pinanunood ni JiYeon. "Okay ka lang ba dun? Mukhang stress ka ah? Pinahihirapan ka ba nila?"alalang tanong ni Mina ng ibaling nya ang atensyon kay JiYeon.


      "Oo naman, Okay lang ako. Mababait silang lahat, wala kang masabi."saad ni JiYeon. "Mukha lang akong stress kasi hindi ako nakatulog kagabi. Excited kasi akong makita kayo ngayon."palusot nito sa mga kaibigan para hindi na lumalim pa ang issue tungkol sa stress. Mukha naman na-touch ang dalawa kaya naman niyakap nila ang kaibigan.


      Matapos nya sa mga ito ay dumiretso naman sya sa ate nya. Sa isang coffee shop lang din sila nag-kita malapit sa trabaho ni Eun. Doon nya na lang ito dinalaw dahil masyado ng late kung umuwi ito. Hindi pwedeng mag-pagabi si JiYeon dahil maaga poa bukas ang schedule ng SHINee.


     "Oh, kamust naman ang pagiging Road Manager?"pangangamusta ni Eun saka humigop ng Espresso.


     "Okay lang naman ako unni."pilit nitong kinakalma ang sarili dahil natatakot sya na baka may mahalata sa kanya ang kapatid nya na sya mismo ay hindi iyon alam. Matagl syang in-examine ng kapatid. At gaya nga ng inaasahan may napansin nga ito.


     Umubo ito para i-clear ang throat tapos ay bumuntong hininga. "Hindi yan ang inaasahan ko na sasabihin mo."wika nito.


     Natawang ninenerbyos si JiYeon. "Unni naman. Okay nga lang talaga ako."pangungumbinsi nito.


     Inilapag ni Eun ang tasa  ng kapeng hawak bago nag-salita. "Okay. Yan ang sabi ng utak mo. Pero alam kong hindi iyan ang sinisigaw ng puso mo. Wala kang maitatago sa akin. I know you more than you know yourself."humito saglit si Eun, inaaral nito ang reaksyon ni JiYeon na ngayon ay umiiwas ng tingin sa kanya. "Advice ko lang. You can always have your choice. Pero sana alam mo kung hanggang saan ang limitasyon mo sa choice na yun."huminto sya ulit para uminom ng kape sabay napalingon sa isang babaeng dumaraan sa labas na may dalang maraming shopping bag. "Tingnan mo sya."turo ni Eun, sumunod naman JiYeon. "Ang taong shopaholic walang pakialam kung mag-kano na ang nagagastos nya sa mga gamit nagusto nyang bilhin. Basta bibili lang sya ng bibili dahil gusto nya yun e."saad ni Eun habang nakatingin sa babae pag-kuway lumingon ito kay JiYeon. "Pero alam mo ba kung ano ang pinaka-masakit para sa isang shopaholic? Iyong gusto pa nyang mamili pero wala na syang maibili dahil ubos na ang pera nya. Wala na syang maibigay."


       Nakakunot lang ang nuo ni JiYeon. Ano naman ang koneksyon ng isang shopaholic sa itinatago nyang nararamdaman ngayon. Hindi nya maintindihan ang kapatid. Parang para sa kanya napaka-nonsense ng sinabi nito.


       Napangiti si Eun sa reaction ng kapatid tapos ay tumayo ito. "Pag dumating yung time, maiintindihan mo rin kung ano ang ibig sabihin ng shopaholic."hinimas himas nya ang kapatid sa ulo. "O sige balik na ako sa trabaho. Tapos na ang luch break ko. Sana dumalaw ka sa bahay para mas mahaba haba nag bonding natin. Miss na kita e."nang marinig iyon ni JiYeon sa ate ay ikinatuwa nya iyon.


      "I miss you too unni!"sagot nya. Ngumiti si Eun at kumaway sa kanya bago tuluyang umalis.


       Gabi na nag makarating si JiYeon sa dorm ng SHINee. Nang mag-doorbell ito si MinHo ang sumagot. Halata sa mukha nito ang saya nang makita si JiYeon. Pag-pasok sa gate ay naroon na si MinHo nakaabang sa kanya. Parang biglang tumigil ang oras ng bigla syang yakapin ni MinHo. Parang bigla syang nawala sa sarili. Lumipad ang kaluluwa nya sa kalawakan. Anong nang-yayari? Iyon ang expression ng mukha nya ngayon.


       "JiYeon."bulong ni MinHo. "Okay na kamu ni HaRa. Maraming salamat talaga sayo."sabi nito.


       Parang goma na biglang tumalsik pabalik sa kanya ang kaluluwa nya at parang kamao ni Packman na sumuntok sa kanya ang kamalayan nya kaya naman nagising sya gad sa sinabing iyon ni MinHo. Ang akala nya ay na-miss sya nito kaya naman niyakap sya. Iyon pala ay mag-papasalamat lang ito dahil sa okay na sila ni HaRa. Parang gusto nya itong sampalin ng mag-asawang sampal pero hindi nya magawa. All she can do is pretend even though hinihiwa na ang loob nya.


      "Ta-talaga"utal nyang saad saka bumitaw ang nakayakap na si MinHo.


      "Oo! Salamat talaga! Hindi ko alam kung paano kita mababayaran. Pero promise babawi ako!"itinaas pa nito ang kanang kamay.


      "Hi-hindi na kailangan. Okay na yung na-treat mo ko sa canteen nun."pinaalala nya ang treat ni MinHo sa kanya.


      "Iba naman yun e! Basta! Babawi ako!"giit ni MinHo.


       "I-ikaw ang bahala."pigil na pigil ni JiYeon ang sarili.


       "Tara pasok na tayo!"hinawakan ni MinHo ang kamay nya saka inakay papasok sa loob.


       Naiinis si JiYeon sa kanya. Mas okay pa yung unang meeting nilang dalawa na cold si MinHo kaysa ngayon na hindi nya malaman kung bakit kailangan pa nitong maging sweet kung mag-papasalamat lang ito. Hindi na naman kailangan yun. Gusto itong pigilan ni JiYeon  pero deep inside ayaw nya. Iyon din ang kinaiinisan nya sa sarili nya. Bakit kasi hindi nya kayang tumanggi pag si MinHo na ang nasa harap nya?


      Hindi makatulog si JiYeon sa kaiisip sa mga sinabi ni MinHo kaya naman naisipan nya munang lumabas at mag-punta sa balkunahe nila. Doon ay naabutan nya si Onew na nag-iisa. Napaisip sya kung anong ginagawa nito doon. Nilapitan nya ito para samahan.


      "Gusto mo rin bang mag-isip?"bungad ni JiYeon na agad naman nilingon ni Onew saka sinalubong sya ng ngiti.


      "Bakit? Gusto mo rin bang mag-isip? Sige, aalis na lang muna ako para maka-pag-isip ka ng maayos."biro pa ni Onew na ikinatawa ni JiYeon.


     "Pwedeng maupo?"paalam nya kay Onew.


     "Karangalang makatabi ang aming dakilang Road Manager."muling biro ni Onew sabay umurong ito ng kauntipara mag-karoon ng space na mauupuan si JiYeon sa bench.


      "Salamat, prinsepe."ginantihan nya naman ito ng biro. Natawa naman si Onew.


      "Gusto mong makarinig ng kweto?"ilang saglit pa ay tanong ni Onew. interesado naman tumingin sa kanya si JiYeon.


      "Ano ba yan?"kunot nuong tanong ni JiYeon. Ngumit muna si Onew bago nag-simulang mag-kwento.


      "May isang batang lalaki na nangakong pakakasalan nya ang isang batang babae pag-lumaki sila. Nangako syang hindi nya ito iiwan. Binigyan nya ito ng isang vial na maliit, may mga lavender sa loob at may maliit na papel at doon nakasulat ang pangako nya."habang kinikwento iyon ni Onew ay makikita ang senseridad sa mukha nya. "Totoo, mahal talaga ng batang lalaki ang babae. Wala itong nakikitang ibang babae kundi sya lang. Sabay silang lumaki, kaya lang isang araw kinailangan umalis ng lalaki. Nang malama ito ng babae nagalit sya. Sumama ang loob nya sa lalaki. Hanggang sa hindi na ito nag-pakita sa kanya. Hanggang sa pag-alis ng lalaki ay hindi nag-pakita ang babae. Lumipas ang taon muling binalikan ng lalaki ang babae pero laking gulat nya ng wala na ito doon. Ang sabi ng mga taga doon ay nag-punta na sila sa ibang bansa. Simula noon ay hindi na huminto sa pag-hahanap ang lalaki sa babaeng pinangakuan nya ng kasal."bumuntong hininga si Onew. "Iyon ang ending ng story."wika nito.


       "Ang lungkot naman ng ending."comment ni JiYeon. Nang maisip ang narinig na kwento ay napatanong si JiYeon. "Kanino bang kwento yan? Sayo o nabasa mo lang sa isang romance book?"pabirong banat ni JiYeon. Natawa si Onew.


       "Nabasa ko lang syempre."sagot nito.


       "Mahilig ka pala sa mga dramatic romance story hu?"sabi pa ni JiYeon at sabay silang nag-tawanang dalawa.


        Kapwa nila inaliw ang mga sarili sa mga oras na iyon. Salamat kay Onew dahil saglit na nawala ang atensyon ni JiYeon kay MinHo. Sandali syang namanhid sa bagay nahumuhiwa sa loob ng katawan nya. Mabuti na lang at naabutan nya doon si Onew. At least makakatulog sya ng mahimbing ngayong gabi.






4 comments:

  1. kyah!!! ang sweet n ni minho sken! kinukumbolsyon n aq! hhhahahhaa!

    at cno kya ung tinutukoy ni onew! nde nia lng nbsa un! story nia tlga un! wushu!!!!!!!!!!!! nde kaya ako un??? joke lng!!! bka may mgwala jan! klala q p nmn ang may crush s knya! hahhahaha!!!

    @anew_beh, ikaw b un? ayiiiiiiiie!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  2. omg! ouch naman yun for jiyeon. mas masakit kung alam mong sweet si guy but only because friend lang. and bakit ako kinilig kay onew?


    to miss author, si maknae taemin po ang bias ko!

    ReplyDelete
    Replies
    1. cge po .. bigyan ko rin kayo moment ni TeaMin .. nu po gusto mu name?

      Delete
  3. ~>angel is luv<~

    y u so sweet kasi minho! and y u so martir naman jiyeon! and y u so suspicious onew! hahaha!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^