Monday, June 25, 2012

100 Days With Mr. Idol: Chapter 2

CHAPTER TWO

        Napanganga si MinHo sa reaction ni JiYeon. Para kasi itong nag-di-day dreaming habang naka-upo sa harapan nya. Parang lumilipad ang isip nito at nasa malayo na kaya hindi nito napansin na para na itong ewan.


      "Parang ewan."umiling si MinHo saka iniwant si JiYeon sa ganung state of condition.


       Hanggang ngayon hindi parin alam ni JiYeon na wala na sa harapan nya si MinHo. Para kasi syang na-hypnotized ng mga tingin nito. Nakakawala sa sarili. Pakiramdam nya may mga nag-liliparang mga butterfly at mga puso sa paligid nya. Parang biglang napuno ng mga bulaklak ang paligid. Hinarangan na ni MinHo ang kaisipan nya kaya ito na lang ang nakikita nya sa mga oras na iyon. Ni hindi na nga nya napansin na dinaanan na pala sya ng apat pang myembro ng SHINee.


       Natatawa syang tinitingnan ni Key habang paakyat ito ng hagdan. "Okay lang ba sya? Baka mamaya mapag-kamalan syang baliw dyan."sabi nito.


       Curious naman syang nilapitan ni TaeMin para kamustahin kung anong nang-yayari sa kanya pero talagang wala sya sa sarili. Ilang saglit pa ay si Onew na ang lumapit. Walang ano-ano ay marahan nya itong itinayo. Doon lang nagising si JiYeon sa kahibangan dinanas nya. Naguguluhan pa sya sa mga nang-yayari. At nang makita nya kung sino sino ang nasa harapan nya ay agad syang napaatras dahil sa gulat. Nag-tawanan naman sina JungHyun, Key at TeaMin. Nag-taka naman si Onew sa kanya.


       Agad na binati ni JiYeon ang mga ito sa mataas na tono. "Ka-kamusta ka-kayo!"nauutal pa ito at inalala ang mga nang-yari. Nakaramdam sya ng hiya dahil para syang baliw kanina. Dun lang din natawa si Onew.


       "Noona! Kala namin baliw ka. Sasabihin ko sana bakit nag-papasok ng baliw dito."singit agad ni TaeMin na ikinatawa nila. Pilit naman ang pinakitang tawa ni JiYeon.


       "Haist! Ano ba yan! Nakakahiya naman!"bulong nya sa sarili. Tapos ay pasimple nyang tiningnan ang nasa harap nyang si Onew. Nakangiti lang ito sa kanya kaya tuloy naiilang sya.


       "Tara na! Late na tayo sa photoshoot!"yaya ni JungHyun sa kanila ng maalala na may shoot pa pala sila.


       "Sige, mauna na kami."paalam ni Onew saka sumunod na ito sa tatlong nauunang mag-lakad.


        Naalala ni JiYeon na dun din pala sa photoshoot ang punta nya at nawawala sya. Mas mabuti nang sumabay sa kanila para hindi nanaman sya mapunta sa kung saan.


       "E-excuse me!"tawag nya sa nahuhuling si Onew. Nakangiti naman itong lumingon.


        "Bakit?"friendly namang tanong ni Onew.


        "Pwe-pwede bang makisabay? Dun din kasi ang punta ko. Kaso hindi ko na alam kung paano yung pabalik."nahihiya pa nyang request. Syempre mga idol ang mga ito, at inaamin nyang nakita nya at nalapitan ang mga ito ng walang kahirap hirap pero nahihiya parin sya.


         "No problem!"inakbayan sya ni Onew. Pakiramdam nya ang swerte nya ang swerte nya dahil nakasama at naka-akbay pa sa kanya ang leader ng SHINee. Ang saya-saya nya talaga, pero iba ang mararamdaman nya kung si MinHo ang naka-akbay sa kanya. Mas magiging swerte sya kung si MinHo ang kadikit nya ngayon. Pero ayos lang, dahil parang nayakap nya na rin si MinHo kanina nang bumag-sak ito sa kanya.


        Na-surprise naman sina Aiko, Mina at ang tatlong babae ng bumalik si JiYeon kasama ang SHINee. Natuwa sina Aiko samantalang ang tatlong babae ay inis na inis sa kanya. Pag lapit ni JiYeon sa mga bago nyang kaibigan ay agad syang inintriga ng mga ito. Natutuwa at rpoud naman si JiYeon dahil walang effort nyang nakasama ang SHINee. Dun pa lang ay lamang na sya.


        Ilang saglit pa ay natapos na ang shoot. Excited ang lahat lalo na si JiYeon dahil mag-uumpisa na ang Meet and Greet. Hinanda na nya ang camera nya, ang ballpen at ang maliit na notebook na may laman ng tungkol lahat kay MinHo. Inihanda na rin nya ang letter na isinulat nya para dito. Agad na nanguna ang tatlong babae ng papilahin na sila ng organizer para sa authograph signing kaya tuloy nahuli si JiYeon. Kaso nang silipin nya ang grupong SHINee ay parang may kulang? Nasaan ang mylabs nya? Nasaan si MinHo? Bakit hindi nila ito kasama? Hindi!!!! Parang guguho ang mundo ni JiYeon. Si MinHo lang ang dahilan kung bakit nan dun sya ngayon! Si MinHo lang ang gusto nyang makita! Pero bakit? Nasaan si MinHo???


       Wala na syang gana ng lumapit sya sa apat na member. "Oh! Noona! Ikaw yung nakita namin kanina!"hindi kasi napansin ni TeaMin na kasabay nila si JiYeon. Pilit namang ngumiti si JiYeon sa kanya. "Okay ka na ba?"pangangamusta pa nito. Tumango si JiYeon bago sumagot. "Oo, okay lang ako."deep inside hindi naman. "Noona! Picture tayo!"hindi na sya nakapag-handa dahil hinatak sya agad ni TaeMin. Kukuha na sana ito ng picture kaso sumingit sina Key, JungHyun at Onew.


       "Teka! Isama mo naman kami dyan!"napagitnaan si JiYeon ang apat. Swerte nya dahil nakuha nya ang loob ng mga ito pero pakiramdam nya ay malas parin sya dahil wala naman dun si MinHo. Kung nandun lang sana ito e di mas masaya. Naiinis sya, gusto na nyang umuwi at mag-review na lang para sa entrance exam nya sa U.P. Nakakawalang gana naman kasi kung wala ang taong inaasam asam mong makasama.


      Wala sya sa mood ng makauwi sa bahay. Mabuti na lang at wala ang ate nya dahil kapag nalaman nito ang nangyari malamang ay aasarin lang sya nito. Pabagsak syang humiga sa kama, ilangn segundo syang nag-isip at pag-kuway nag-lulumpasay sa sya.


       "Nakakainis! Bakit ba biglang nawala si MinHo?! Hindi ko tuloy naibigay tong sulat na 'to sa kanya! Ni hindi man lang ako naka-pagpa-autograph! Nakakainis talaga!"sinasabunutan na nito ang sarili sa inis sabay biglang tayo. "Di bale! May bukas pa naman e! Siguro naman bukas hindi na sya aalis ng biglaan."determinadong saad nya sa sarili. Nang-hihina sya uling humiga sa kama. "Pero bakit nga ba bigla syang nawala? May nang-yari ba? May emergency ba? Ano?"para itong mababaliw sa kaiisip ng reason kung bakit biglang nawala si MinHo. Bumangon ulit, "Hindi kaya napilayan sya dahil sa pag-pagsak namin sa hagdan?"worried nyang tanong sa sarili. Umarte pa itong parang naiiyak ng kuhain nya ang sulat sa bag nya. "Sana naman maibigay ko 'to sa kanya."


      Kinabukasan, last day ng Meet and Greet. Masayang nag-kita kita sina Aiko, Mina at sya. Syempre present din ang tatlong kontrabida sa buhay ni JiYeon na nakilala ni Aiko sa pangalang Jennica, Bridget, at Mari.


      "Pano mo naman nalaman ang mga pangalan nila? E ni hindi ga tayo kinakausap ng mga yan?"inismid pa ni Mina ang tatlo nang mag-tanong ito kay Aiko.


      "Narinig ko lang sila kanina na nag-uusap. Ang aga kaya nila dito."wika ni Aiko. Ngayon kasi ay nasa shoot naman sila para sa MV ng kanta nilang Hello ng SHINee.


      "Ikaw din e. Mukhang kanina ka pa dito."saad naman ni JiYeon. Nangiti namang nahihiya si Aiko.


      "Medyo lang."sagot ni Aiko na may pakamot kamot pa sa ulo.


     "Teka! Nakita mo na ba si MinHo myLabs?"pag-kuway hanap ni JiYeon. Nag-palinga linga pa ito sa paligid.


      "Kanina nan dito sya pero bigla nawala. Siguro pumunta na sa dressing room nila."si Aiko parin ang sumagot.


      "Hay! Alam nyo ba!"pinalapit ni Mina ang dalawa sa kanya. "Ang sabi ng ibang fans may kakaiba daw kay MinHo ngayon. Lagi syang wala sa sarili, mainitin daw ang ulo nya lately at lagi na syang nakasimangot. Hindi nga daw nila malaman kung anong gagawin. Worried na sila sa nang-yayari kay MinHo Oppa."kwento ni Mina.


      Kung worried ang ibang mga fans mas worried si JiYeon ngayon. Anong gagawin nya? May pinag-dadaanan si MinHo, kailangan nito ng karamay. Kilala na nya si MinHo kahit pa hindi pa nya ito nakaksama. Alam nyang hindi nito forte ang mag-open up sa mga ka-grupo tungkol sa mga bagay na pinag-dadaanan nito. Naaaligaga na sya. Gusto nyang hanapin si MinHo at i-comfort ito pero paano? Bibigyan ba sya ni MinHo ng chance? Sigurado naman syang ire-reject lang sya nito. Sino ba naman kasi sya? Isa lang syang fans. Fans lang sya sa mga mata ni MinHo.


      Ilang saglit pa ay nakita ni JiYeon ang manager ng SHINee sa laba ng studio may kausap ito sa cellphone nito. Kilala nya ito dahil napapanood din nya ito sa reality show ng SHINee. Halata sa mukha nito na problemado ito sa kausap. Tapos ay binaba nito ang cellphone saka nag-dial ulit. Segundo lang ang hiningtay nya sa pag-sagot sa tawag. "Hello? Jason! Ihanap mo nga ako nga panibagong Road Manager! Kahit sino na lang! Kahit Walang experience! Basta alam ang pasikot sikot sa daan!"galit na saad ng manager. Agad ding binaba ng manager ang cellphone nya. Na-maywang na ito dahil sa sobrang galit.


      Gustong mapalapit ni JiYeon kay MinHo para malaman nya kung gaano katotoo ang balita. At mukhang ito na nga ang isa sa paraan. Tama! Mag-aapply syang Road Manager tutal gala naman syang tao. Marami syang alam na pasikot sikot kaya siguradong papasa sya.

       "Uhm~Excuse me sir."mahinahong tawag ni JiYeon. Inis syang tiningnan ng manager.

 
       "Wag mo ko kausapin ngayon! Busy ako!"reklamo nito.

      "Narinig ko po kasi na nag-hahanap kayo ng Road Manager."saad ni JiYeon. Humahanap pa ito ng tyempo para sa sabihin ang plano nya.

       "Oo! Bakit? May kilala ka bang pwedeng ipalit sa bwisit na Road Manager namin?"

       Mabuti na lang at ganung klase ang tanong ng manager. "Ah~Ako po. Marunong po ako."walang kyeme nyang presenta sa sarili. Dudang tumingin sa kanya ang manager. Ang nakikinig na sina Aiko at Mina ay duda rin sa kanya.

      "Hoy! Sigurado ka ba dyan?"bulong ni Aiko kay JiYeon. Kindat lang ang sagot nya.

      "Marami ka bang alam sa daan?"paninigurado ng manager.

      Masayang tumango si JiYeon. "Opo! Marami po akong alam!"confident nyang sagot.

      "Okay! Sige! Sumama ka sa akin!"nakumbinse din ang manager. Hindi naman makapaniwala sina Aiko at Mina sa nangyari.

 
      "Kuhaan mo ko ng kahit anong gamit ni TaeMin dun hu! Souvenir lang!"pahabol pa ni Aiko na parang nag-mamakaawang gawin iyon ni JiYeon. Tumango tango naman sya.

      Nang makarating sila sa dressing room ay naabutan nilang nag-haharutan sina JungHyun at Key. Nag-uusap naman sina TeaMin at Onew. At si MinHo na naroon lang sa tabi tahimik na nakaupo, nakapikit pa ito habang nakikinig ng music. Napatingin sila kanila JiYeon maliban kay MinHo.

 
      "Noona!"patakbong lumapit si TaeMin kay JiYeon. "Anong ginagawa mo dito? Bakit kasama mo si manager Kim?"kunot nuong tanong ni TeaMin. Tumayo si Onew at lumapit din ito sa kanila. Kinalabit ni JungHyun si MinHo para malamang nan dun na ang manager saka sabay silang lumapit ni Key. Tinatamad naman tumayo si MinHo. Nang makita kung sino ang kasama ng manager ay natawa ito ng walang kasing pait.

      "Kilala mo sya?"tanong ng manager Kim kay TeaMin. Tango lang ang sinagot nito. "Siya si JiYeon, sya muna ang substitute Road Manager nyo. Marami naman syang alam sa daan. Katatawag lang sakin ni Sheena. 3 months daw syang mawawala dahil may aasikasuhin sya."inis nanapakamot sa ulo ang manager. "Bwisit naman! Bakit ngayon pa nang-yayari ito?!"pahabol pang sabi nito.

 
      "Talaga? Ibig sabihin makakasama namin sya sa dorm for 3 months?"gusto pang makasiguro ni TaeMin. Ikinagulat naman ni JiYeon ang narinig.


      "Ano po? Ti-tira ako sa dorm nila?"nauutal na tanong ni JiYeon. Gusto nyang  makasama si MinHo para i-comfort ito pero hindi sa punto na doon sya titira sa kanila. Ano na lang ang sasabihin ng ate nya? Paano na ang exam nya? At mag-papasukan pa. Hindi pwede!

 
      "Oo. Dahil 24/7 ang schedule ng mga iyan kaya kailangan talagang kasama ka nila. Bakit? Hindi mo ba kaya? Hahanap na lang ako ng iba."mainit talaga ang ulo ng manager dahil hindi ito makausap ng mahinahon.

      "Pumayag ka na. At isa pa, komportable kami sayo."pakiusap ni Onew.

      "Hu? Ah-"hindi alam ni JiYeon ang sasabihin.

      "Pumayag ka na nga. Wala na kaming iba pang choice kundi ang pag-tsagaan ka. Kailangan namin ng Road Manager ngayon dahil maraming inaasikaso si Manager Kim hindi sya madalas makakasama sa amin."si MinHo na ang nakiusap which is hindi kayang tanggihan. 

 
       Unti unting sumilay ang mga ngiti nya. Muli syang nabuhayan ng loob. Masaya sya dahil si MinHo mismo ang nakiusap na pumayag sya. Syempre naman hindi nya iyon tatanggihan! Titira na sya sa dorm ng SHINee makakasama pa nya si MinHo sa loob ng tatlong bwan si MinHo. Ibig sabihin lang nun ay araw araw na nya itong makikita. Gabi gabi nya itong makakasama sa pag-kain at makakasama nya itong matulog sa iisang bubong. Exciting naman nun! Kung kahapon ay malas sya ngayon naman ay napaka-swerte nya. Ang problema na lang ay kung paano nya ito sasabihin sa ate nya?

       





4 comments:

  1. ntwa aq s reaction q nung mkita c minho! hahahhahahhaha!!!!!!!!!!! grbe, pra lng daw aqng ewan! kilig kilig nmn aq d2 khit ganun! feeling q tlga nkaeye-to-eye q xah! hwhahahahah! nbbliw n aq mag-isa d2! anubyan!!

    ReplyDelete
  2. shinee pla ang bida d2! onew aq!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Onew ka po ba? cge2 .. bigyan ko kayo moment sa kwento ni JIYEON .. nu po name na gusto mu?

      Delete
    2. jane or janey po! waaaaaaaaaaaaaaaah! thank u po ate!

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^