Sunday, June 24, 2012

100 Days With Mr. Idol : Chapter 1

CHAPTER ONE








         Nagulat si Eun sa biglaang pag-dating ng nag-sisigaw na si JiYeon. Halata ang pag-tataka sa mukha nito habang pinapanood ang nakababatang kapatid na nawawala na sa sarili. May patalon talon pa ito.


         "Yah! Tumigil ka nga! Ano bang nang-yayari sayo? Parang sinisilaban yang pwet mo!"inis na saway sa kanya ni Eun. Naiistorbo na kasi ito sa panood ng isang Korean Movie na My Sassy Girl.


         "Unni!"excited niyang tawag sa ate niya.


         "Bakit?"inis paring sagot nito.


          "Unni!"tawag niya ulit. Lalong nainis sa kaniya si Eun kaya naman hindi nakatiis ay binatukan na siya nito. "Ah!"reaction niya sa ginawa ni Eun.


          "Kung may sasabihin ka, sabihin mo na!"sigaw ni Eun.


          "Tsi! Sungit talaga!"saglit din siyang sumimangot pero excited niyang pinakita kay Eun ang hawak nyang gold na sobre. "Tada!"hindi talaga maitago ang saya nya.


         "Oh? Ano yan? Sana naman pera ang laman nyan!"hula ni Eun sa hawak na gold envelope ni JiYeon.


         "Nabunot ako para makasama sa Meet and Greet ng SHINee!"nag-tatatalon nanaman ito sa tuwa. Hindi naman nagustuhan ni Eun ang announcement nyang yun kaya tuloy nakatikim nanaman sya ng isa pang batok. "Ah! Aray naman!"kakamot kamot si JiYeon sa ulo nya.


        "Imbes na yung entrance exam mo ang inaasikaso mo kung ano ano yang ginagawa mo! Anong SHINee? Hindi ko na nga alam kung saan ako kukuha ng tuition mo para sa college! Inaatupag moa pa yang Meet, meet, greet, greet na yan!"parang machine gunang bibig nito dahil walang hinto na sapag-sasalita.


        "Ang O.A mo naman! If I know gusto mo rin pumunta dito. Bias mo kaya si Onew!"pang-bubuko nya sa kapatid na mukhang tama dahil natahimik saglit si Eun. "Hindi ko naman akalaing mapapasama ako sa event na 'to. At isa pa pinag-hahandaan ko naman yung entrance exam ko sa U.P e."paliwanag ni JiYeon. Nang maintindihan ni Eun ay kumalma na sya.


       "Okay, sige. Basta siguraduhin mo lang na makakapasa ka sa U.P!"paninigurado ni Eun. Ulila na kasi silang dalawa. Eighteen si Eun at Ten Years old naman si JiYeon ng mamatay ang mga magulang nila sa isang aksidente. Nang mangyari iyon, si Eun na ang pumalit sa naiwang responsibilidad ng mga ito. Working study ang tema nya. Kahit hirap na ay nag-titiis sya para mapaaral ang kapatid nya. Laking pasasalamat na lang nya dahil scholar sya noong college sya sa kursong MASCOM. Ngayon nga ay nag-ta-trabaho na sya sa isang local news paper bilang isang Editor.


      Todo kayod sya dahil malapit na ang enrollment ni JiYeon para sa college. Masyadong expensive ang course nya at kahit pa sabihing sa U.P sya kukuha ng Fashion Designing. Kahit pa sabihing kaya ni JiYeon ang entrance exam doon, alanganin naman ang pang-bayad nila sa tuition fee. Kaya naman ganun na lang ang kagustuhan ni JiYeon na makuha ang scholarship ng U.P para kahit pano ay kaunti na lang ang babayaran nila.


       Pero  hindi muna nya aalalahhanin iyon dahil ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang Meet and Greet kung saan makikita nya ng personal ang Idol na SHINee na noon pa mang mag-debut ang mga ito ay sinuportahan na nya. Lalo na si Choi MinHo na mas kilala sa tawag na flaming charisma dahil nga naman sa charisma na dulot nito sa mga kababaihan at isa na nga doon si JiYeon. Gustong gusto nya si MinHo kaysa sa apat pang member nito. Lima kasi ang member ng grupo. Una doon ang pinakabata sa grupo, si Teamin. Sunod naman si JunHyung, si Key ang leader nilang si Onew at syempre si MinHo ang apple of the ni JiYeon.


      "Teka! Kelan ba yang Meet and Greet na yan? Alalahanin mo! May exam ka para sa scholarship mo sa bwan na 'to."paalala ni Eun.


      "Sa katapusan pa naman yung exam ko. April 14 pa lang naman e. Sa 20 yung Meet and Greet tsaka two days lang naman yun."mnay halong excitement ang boses nito sa huling sinabi.


       "Siguraduhin mo lang na makakapasa ka sa U.P hu!"muling paninigurado ni Eun sa kanya.


       "Ang kulit? Oo nga sabi. Paulit ulit?"asar pa nya sa kapatid.


       Hindi makatulog si JiYeon sa excitement sa nalalapit na Meet and Greet. Iniisip na nya ngayon pa lang kung ano ang ibibigay nyang regalo kay MinHo. Iniisip din nya kung susulat pa ba sya kay o wag na. Ang dami nyang gustong gawin para kay MinHo. Parang gusto na nyang mag-April 20 para makita na nya ito. Nag-halungkat na rin sya ng mga damit na pwede nyang suotin sa two days na fan meeting. Sa isip nya ay dapat maging maganda sya para makuha nya ang atensyon ni MinHo. Maya maya ay lumapit sya sa bulletin board na naka-dikit sa ding ding ng kwarto nya. Doon nakadikit lahat ng pictures ni MinHo. Umaabot hanggangg tenga ang mga ngiti nya at walang kapantay ang kilig na nararamdaman nya.


        "Grabe! Hindi ako makapaniwalang makikita na kita ng personal!"kausap nya ang nakangiting picture ni MinHo. "Kung pwede lang sana na hindi lang kita makasama nhg two days. Kaso malabo yun."bumuntong hininga si JiYeon tapos ay muling ngumit. "Di bale! Ang importante nag-kita tayo!"para syang baliw na kinakausap ang mga pictures ni MinHo. Nang matapos sya sa kahibangan ay naupo sya sa study table nya at kinuha ang diary sa drawer. Gusto nyang isulat ang sayang nararamdaman nya sa nalalapit na pag-kikita nila ni MinHo. Masayang masaya talaga sya dahil isa sya sa nabigyan ng pag-kakataong makaharap ang grupong SHINee. Kaya nga lulubusin na nya pag dumating ang araw na yun.

  

APRIL 20
MEET AND GREET WITH SHINee


     Parang may nag-liliparang mga butterfly sa belly nya dahil sa sobrang excited habang papunta ito sa venue ng fan meeting kung saan may photoshoot ang SHINee para sa bagong album nila. Gusto nang tumakbo ni JiYeon papuntang doon para salubungin ng yakap si MinHo at paliguan ito ng halik. Ayaw nyang isipin na isa syang fan na pumunta sa doon para um-attend ng Fan Meeting. Instead, She was thinking that she is MinHo's girlfriend. Ang nag-iisang babae sa buhay ni MinHo, siya yun at wala ng iba. Alam nyang napaka-assuming nya but who cares? Kanya kanya ng trip yan. Sya ang GF ni MinHo wala ng iba pang papalit sa kanya. Domodoble ang excitement nya lalo na kapag naaalala nya ang mga ngiti ni MinHo.

         Pag dating doon ay sinalubong sya ng babae. "Isa ka ba sa mga napili para fan meeting?"tanong nito.


      "Opo."sagot naman ni JiYEon.


      "Okay. Pakisuot na lang to tapos mag-hintay na lang kayo dun sa gilid."ibinigay nya kay JiYeon ang isang I.D passes saka tumunta sa gilid na itinuro ng babae. Mayroon na doong limang babae. Siguro ito rin ang mga nabunot sa Meet and Greet.


      "Hi! Ako si Aiko! Nabunot ka rin ba?"masayang tanong sa kaniya ng isang may kataabang babae. Katabi nito ang isang pang babae na naka-salamin. Sa kanan nila sy may tatlong babae na sa tingin ni JiYeon ay mga feeling maganda.


     "Ako si JiYeon. Oo! Excited na nga ako e!"obvious naman sa JiYeon na excited talaga sya.


     "Mina nga pala! Ako din e! Bias ko si TaeMin! Ikaw?"sabi naman ng babaeng naka-salamin.


     "Si MinHo oppa ang sa akin!"may kasama pang kilig ang sagot ni JiYeon.


     "Ako si Key!"singit naman ni Aiko. Pare-pareho silang kinikilig. Naudlot lang iyon ng mag-parinig ang isa sa tatlong babae.


     "As if naman! Tingnan mo nga mga itsura nila. Parang mga ewan!"sabi ng isang babaeng curly ang buhok at naka-dress na pink. Nag-tawanan naman ang dalawa. Sabay sabay tuloy silang napatingin sa mga suot nilang damit. Naka-dress din si JiYeon pero rubber shoes ang suot nya sa paa. Sinuklay nya ng kaya ang buhok na mahaba. Para sa kanya ayos naman ang suot nya. Ano bang problema ng mga 'to?


      "Itsusera! Tingnan mo nga yang buhok mo! Parang pansit canton!"patol naman ni Aiko na ikinatawa nila JiYeon at Mina.


      "Anong sabi mo?"nilapitan ng babae si Aiko pero hindi ito umatras. Sa pag-lapit ng babae ay hindi niya napansin ang kape na nakapatong sa gilid ni JiYeon kaya tumilapon tuloy ito sa damit nya.


      "Yah! Hindi ka nag-iingat!"sigaw ni JiYeon. Sa halip na mag-sorry ay tinawana lang siya ng babae.


      "Buti nga yan sayo. Ang baduy mo kasi!"humalukipkip pa ito.


      "Aba! Talaga!"nag-pipigil sa galit na sabi ni Aiko. Pinigilan na lang sya ni Mina.


      "Pabayaan mo na nga yan. Mga papansin lang yang mga yan."saad ni Mina tapos ay kumuha ito ng tissue sa bag para ibigay kay JiYeon. Kaso kitang kita parin ang matsa dahil puti ang dress ni JiYeon.


      "Punta lang ako sa C.R. Lalabhan ko na lang yung part na may matsa baka matanggal pa."paalam ni JiYeon. Tumango naman ang dalawa.


       Medyo malayo sa studio ang C.R at pasikot sikot pa kaya naman nahirapan si JiYeon na makita ang C.R. Ilang inuto syang nanatili doon dahil sa kakakusot sa damit nya at sa wakas ay nawala din ito. Pinatuyo nya ito sa hand dryer. Nakahinga na sya ng maluwang dahil hindi na sya mukhang dugyot. Nang mapatingin sya sa nang-laki ang mata nya ng makitang pasado alas tres na. Ang sabi ng staff, alas tres saktpo mag-uunmpisa ang shoot. Halos mag-kadarapa si JiYeon sa kakatakbo. Nag-kanda loko pa dahil mukhang mali pa ang dinaanan nya. Kung kanina ay wala syang nadaanang hagdanan bakit ngayon mayroon na? Nang makita nyang may tao ding paakyat ay tinakbo nya ito para tanungin. Kaso, nasa ikalawang palapag na sya at sa ikatlo naman ang lalaki ay sakto nadulas pa sya. Napakapit sya sa damit ng lalaki kaya tuloy sabay silang bumagsak sa lapag.


      Hindi makahinga si JiYeon sa bigat ng lalaking nakahilata sa kanya. Halos hindi sya makagalaw dahil sya. Guminhawa lang ang pakiramdam nya ng bumangon ang lalaki sa pag-kakahiga sa kanya. Nananakit naman ang katawan nya ng bumangon. "Aray~"parang naiiyak pa nyang sabi.


      Padabog na tumayo ang lalaki bago nag-salita. "Sira ka ba? Kung gusto mong mag-pakamatay wag mo kong idamay!"sigaw nito.


      Nahihiya naman itong nilingon ni JiYeon. Parang tumigil ang pag-tibok ng puso nya ng malaman kung sino iyon. Parang biglang huminto ang pag-ikot ng mundo at parang biglang naging makulay ang paligid. Biglang nakarinig si JiYeon ng mga nag-kakantahang anghel at nasa harap nya ngayon ang perpektong obra maestra. Hindi sya  makapaniwala sa nakikita.


4 comments:

  1. ~>angel is luv<~

    ang swerte ni jiyeon! si minho pala yun!

    ReplyDelete
  2. omaygash! kilig n kilig nmn daw aq dun s meetup wid shinee!!!!!!! peo ang fail nung 1st meeting nmin ni minho KO ahhhhahhaha! ngalit xah? ok lng, bka hlikan q pa xah eh!!! hahhhah!!! at nde lng pla kiss, rarapin q p xah s tingin! yay ang green q! hwhahhhahahha!

    ReplyDelete
  3. ay gusto ko rin ito kasi shinee ang bida. hahaha. taemin naman ang bias ko. >___<

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^