Saturday, June 9, 2012

10 Million Worth of Life : Chapter 2

~C H A P T E R  2~
(Esmie Saavedra POV)



Walis dito. Punas dyan. Pagpag doon. Linisin ang buong kwarto ng bagong amo ko. Ito na ang trabaho ko simula nang bilhin ni Meiro ang buhay ko sa halagang sampung milyon para ipambayad sa utang ko sa isang nakakatakot na Yakuza gang.


Ang gawain ko, sundin ang lahat ng utos niya. At bilin niya na siya lang ang amo ko kaya sa kanya lang rin ako tatanggap ng utos. Lahat ng walang kinalaman sa kanya, wag ko na daw pakelaman.



Bukod pa pala doon, libre na akong nakakapag-aral sa school na pagmamay-ari ng pamilya niya. Libre din akong na nakikitira sa malaking mansyon niya at nakakakain na ngayon ng higit tatlong beses sa isang araw.



Speaking of swerte, mukhang ito na yun! Pino-provide niya ang lahat ng kailangan ko basta ba susundin ko rin lahat ng utos niya.



At bilang amo, hindi mo aakalaing ang rich kid na si Meiro at may kakaibang ugali. Ang tyan niya kasi, maihahalintulad sa mga taong tambay lang sa kanto.



“Nasaan yung bagoong?”



“Kumakain ka rin nun?”



“Tingin mo naman saakin!? Mas masarap ang singkamas with bagoong! Sabihan mo si yaya na kumuha ng bagoong. Gusto ko yung matamis na medyo maanghang ha!”



“Okay…”



“At tsaka padala na rin ng fishball at kikiam dito. Ipaluto mo dun sa chef. Spicy vinegar naman ang gusto kong sawsawan nun. At samahan mo na rin ng palamig na maraming-maraming sago ha!”



Naglilihi ba ‘tong si Meiro? Ang daming gusto! Samantalang kanina pa ‘to pumapapak ng merienda habang may ka-chat siya.



“Opo… may iba ka pa bang gusto?”



“Wala na~”



Kahit palautos siya minsan… ay hindi pala. Kahit MADALAS siyang mag-utos, okay lang. Katanggap-tanggap naman dahil lumaking napapalibutan ng katulong ang lalaking ‘to. Lahat ng mga gawain, iuutos niya lang at iba na ang gagawa nun.



Kaya nga nakakapagtaka, sa kanya palang higit sampu na ang nagsisilbi, pero kinuha pa niya ako as his personal assistant.



(✿◠‿◠)



“Heto na po yung pagkain niyo, Sir.”



“Thanks!” Ang isip-bata pa niya kung minsan.



Babalik na sana ako sa paglilinis kaso…



“Esmie, halika nga rito!” Ano na naman kayang iuutos niya? Don’t tell me pagkain na naman! Nakakapanghinala na talaga ang appetite niya ha!



“Ano po?”



“Get a chair. Sit here for a while at may itatanong ako sayo.” Sinunod ko naman ang sinabi niya. Pagkapwesto ko sa tabi niya at nakaharap dun sa computer screen, “What do you think of this girl?”



“Um… maganda naman po.”



“And her nose?”



“Parang… parang retokada po.”



“I knew it! Tsk!” At ni-delete niya yung profile nung girl na tinuro niya. Tapos, pumunta siya ulit sa homepage at nagturo na naman ng ibang babae. “How about her? Anong masasabi mo sa kanya?”



“Maganda po siya. Parang model… actually parang artista nga po eh.”



“Too good to be true?”



“Opo. Parang ganun.”



“Yeah-yeah! Much like edited picture lang ‘to noh?” Tumango ako sa sinabi niya at ni-delete niya ulit yung profile nung babae. “And what about her? Anong tingin mo sa kanya?”



“Teka…” Tinitigan kong mabuti yung picture ng babae na tinuro niya. “Familiar po siya! Parang taga-school natin!”



“Lahat naman ng mga yun schoolmates natin. So what do you think of her?”



“Ah yan po! Maganda talaga!!!”



“Really?”



“Oo! Nakasabay ko minsan yan sa CR. Tinitigan ko ang mukha, ang ganda! Para ngang walang kapintasan sa kagandahan! Makinis pa!!!”



“Talaga!!!” At nag-twinkle bigla ang mga mata niya. “Sige-sige!” Nakita kong in-accept niya yung babae and he started chatting with her. Ako naman ‘tong nawili sa tingin, pinanood ko lang ang ginagawa niya at syempre binabasa ko rin ang usapan!



Natatawa pa nga ako kasi may pagka-naughty rin itong si Meiro! Hay naku talaga!



Maya-maya pa, biglang may in-accept si Meiro na video. He was just smiling at nung mapanood ko yun…



O____________O - Ohmaygally!!! Nagla-live show na yung babaeng ka-chat niya!!! Naka-bold as in!!!



Napaatras tuloy ako kaya natumba pa yung upuang inuupuan ko! “Ay ano ba yan Meiro!!!” Tumalikod na lang ako para hindi ko makita yung ginagawang kalaswaan nung babae! “Nanonood ka ng ganyan!!!” At walang hiyang Meiro, wala man lang pasintabi na manonood pala siya ng ganun!



“What!?! It’s not like I did a crime!!!”



“Eh bakit wala ka man lang sinabi na ganyan ang panonoorin mo!!! Isipin mo naman, nandito rin ako kasama mo habang pinapanood mo yan!”



“You’re yelling as if you’re a virgin.” Open-wide lang talaga ang mga mata ko nang direchahan niyang itanong yun.



“You’re not a virgin… are you?” Tapos tumayo na siya with a weird smirk and look on his face. Nakakaloko na nakakadiri na nakakainis na nakakaaning na tingin at ngiti!!!



“Ewan ko sayo!!!” Aalis na nga ako!!!



Kakakilabot siya! Gwapo, mabait, mayaman and all nga siya… pero ang worst pala sa kanya! Isa siyang perverted playboy!!!



Malapit na ako sa pinto nang biglang humarang yung kamay niya sa pintuan at pinigilan ang pagbukas nun. Kaya nga paglingon ko… “O… oy… ano ba…?”



“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko… virgin ka pa ba, Esmie?” Nakakailang naman! Halos isang dangkal na lang ang layo namin sa isa’t isa!  Tingin ba niya magagawa kong sagutin yun nang ganito ang ginagawa niya saakin?



“L… lumayo ka nga!!!” Pinilit ko siya itulak pero hinawakan niya lang ang dalawang kamay ko. Anong bang trip ‘to? Pinagti-tripan niya ako, panigurado!!!



“What?” Tapos lumapit pa siya hanggang sa mapaatras na talaga ako sa pinto. So… you’ve never been kissed… and touched by anyone?” And slowly he bent down his head…



Pero imbes na magpanic, naglakas-loob ako na lumaban kaya inapakan ko yung paa niya, sabay tulak sa kanya at…



*paaaaaaaaaaaaakkkk!!!*



Sinampal siya ng pagkalakas-lakas! Yung tipong madi-dislocate yung panga niya.



“Bastos ka!!! Oo virgin pa ako!!! Kaya hindi ako papayag na gawaan mo ako ng masama! Subukan mong lang ulitin yun!!! Idedemanda kita ng sexual harassment!!!”



Matagal lang siyang nakatitig saakin! Parang in shock pa yata sa lakas ng pagkakasampal ko sa kanya! Bumakat pa nga yung kamay ko sa pisngi niya!



Kaso imbes na umaray o ipakitang nasaktan siya, tinawanan niya lang ako.



“Ano ka ba naman! I’m just kidding! Nananampal ka kaagad.” Sabay tawa ulit!



“Kidding? Hindi ka dapat nagbibiro ng ganun! Nakakadiri ka!”



“Ganyan ka kasi virgin ka pa.” Aba’t nang-asar pa!



Mukhang balewala lang sa kanya yung ginawa ko kaya kinuwelyuahn ko siya kahit mas matangkad pa siya saakin. “Binabantaan kita Meiro Pamplona, hindi ako katulad ng ibang babae jan ha! Hindi mo ako laruan na pwede mong ganunin!”



“Yeah. Of course. You’re not like the other girls kasi binili na kita worth 10 million.” At talagang pinaalala pa niya yun sa sitwasyon namin ngayon! “And don’t worry. Rest assured na hindi kita paglalaruan! You’re too hot to be played!” At sabay kindat ang malanding lalaki!



Kakainis! Tinulak ko na lang siya ulit at nagmadali nang lumabas ng kwarto niya!



Mukhang nagkamali pala ako sa napasukan ko!!! Ubod ng manyak ang boss ko!!!



()



Sa school nakahinga ako ng maluwag. At least dito, alam ng lahat na hindi kami close ni Meiro. Kahit pa magkaklase kami, iba naman ang grupong sinasalihan niya.



Mga kaibigan niya kasi, puro mayayaman! And yes, may record barkada nila as playboys and womanizers… and I bet tulad rin ni Meiro, mga pervert din ang mga yun!



Nagre-review ako ng notes namin just in case magka-surprise quiz ang first subject. Maingay nga ang lahat at ako lang ang tahimik which is normal dahil sa totoo lang, may pagka-loner talaga ako at wala akong close friends sa mga classmates ko.



Kaso maingay na nga, lalo pang umingay nung biglang dumating na sa classroom namin si Meiro. Agad siyang binati ng mga ka-tropa niya at ganun din ang iba naming girl classmates na obviously may crush sa kanya.



Hindi ko na lang sana papansinin nang marinig kong may bumanggit sa pangalan ko.



“Si Esmie? Ayun siya oh!” Sabi nung isa niyang kabarkada.



Hindi ako tumingin sa kanila pero naramdaman kong papalapit na sila. At ngayon, nakatayo na nga sa gilid ko si Meiro. “Bakit hindi ka sumabay sa sasakyan? Naglakad ka lang? Hindi ka ba napagod Esmie?” At nag-aalala niyang tanong.



Napansin ko naman ang iba naming classmates na parang nagtataka. For them kasi, it’s actually the first time na nag-usap kami.



“Bakit Meiro? Nabingwit mo na rin ba si Esmie bilang girlfriend mo?” Si Cliff yan. Isa sa mga kabarkada niya.



What the!!! Lalong lumalala yung commotion! Lahat na nagtatanong pero hindi man lang sumagot si Meiro!



Saka na ako tumayo, “Hindi!!! Hindi niya ako girlfriend ha!”



“Yup!” Ngumiti siya saakin na parang hinihintay niya lang pala na magsalita ako. “Esmie is not my girlfriend because she’s my personal assistant.”



“Ahh~! Yun naman pala!” So parang na-enlightened na ang lahat sa sinabi niya!



Makakahinga na rin sana ako ng maluwag dahil lusot na kung hindi lang niya dinagdagan pa ang sinabi niya…



“And not just an ordinary personal assistant. So guys, listen up…” At umakabay siya saakin bigla. “I also own her so she’s mine.”



What. The. Pyok.



(..)

5 comments:

  1. mlndi k meiro! anu yang pinapanood mu ha! pg13!!! kumbga mei S sa rated SPG! hahhhahhaha!

    peo kinilig nmn aq s pashe's mine she's mine p xah! khit mei pagkaperv ang bida ntin, ok lng!

    nxt po!!!

    ReplyDelete
  2. woah! it's the first time you're writing a real perv character. am i right miss aegyo? i like it though! that's just reality! for men like meiro, ordinary at normal na yun! mali lang na manood siya nun while kasama niya si esmie!

    natawa ako dun ha!


    and i observe that this is a fast pace story. konti lang chapters nito noh?

    ReplyDelete
  3. manyak ka pala meiro ha! so naughty! nakakatawa lang si esmie nung makakita siya ng ganung video eh!

    ReplyDelete
  4. haha.. meh gosh!.. ang landi!.. haha.. mbait,gwapo,mayaman nga,wla nmang abs.. mahangin kce hahaha.. peace po!.. i like the story..

    --DemiDoLL

    ReplyDelete
  5. Ay~ grabe! Manyakol ang fafa Meiro! Hahaha. At si Esmie naman dalagang-dalagang Filipina!!! Hahaha. Nakakatuwa lang din ang katakawan ni Meiro! Nakakagutom! Kainis XDDDD at curious din ako... bakit nga ba binili ni Meiro si Esmie? E marami nga naman siyang katulong! Hay!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^