Saturday, June 9, 2012

When Mr. North Pole meets Ms. South Pole : Chapter One

CHAPTER ONE

Fashion Trend Setter
(Gio POV)


            Anong klaseng magulang ba meron itong si Gina, why they allow this crazy lady to stay sa bahay namin? And pati naman ang parents ko mukang mga nabuwang na din at pumayag sila na dito tumira ang isa na to! The heaven must be crazy now, maybe dala ng climate change!



            “Gio bilisan mo naman jan, male-late na si Gina sa first class nya, first day pa naman nya sa school.”


            Anong ba ang pinakain ni Gina sa Mommy ko at gustong-gusto sya? Kita nyo, ginawa pa akong driver para lang sa may saltik na babae na yon.


            “Anjan na po Ma!!! Kung nagmamadali naman sya pwede naman sya mag-commute na lang eh. Hindi naman siguro sya aanga-anga para maligaw.”


            “Gregory lumabas ka na jan sa lungga mo ng maka-alis na kayo, ang dami mo pa sinasabi eh.” And so ako na naman ang masama. “Bilisan mo na jan!!!”


            Makita ko lang tong si Gina nasisira na araw ko, feeling nya yata ang ganda-ganda nya. “Tita I’m so excited for today, sana magkaron ako ng maraming kaibigan.” I’m so excited for today…leche, nakaka-sora lang talaga sya!


            “Tumayo ka na jan, mamaya ka na makipag-kwentuhan sa Mommy ko, excited ka na diba eh ano pang inuupo-upo mo jan?”


            Tumayo naman agad sya at humalik sa pisngi ni Mommy, pero ako dire-direcho na sa sasakyan para maka-alis na kami. Hindi nagtagal ay kasunod ko na rin si Gina na akala mo high school student pa lang dahil sa backpack na gamit nya. Balak ba nya na mag-camping sa school at ganong kalaki ang dala nyang bag? Oh baka naman nagdala sya ng sarili nyang locker!


            “Anong tinitingnan mo jan?”


            “Saan ka magca-camping? Dala mo ba yung tent mo?”


            “Eh???” ang slow!!!


            “Sa eskwelahan ang punta mo diba, eh bakit dala-dala mo yang luggage mo? Nakakahiya ka naman kasama eh, tingnan mo nga yang bag mo ang laki-laki, ang baduy-baduy!!!”


            “Alam mo kasi Gio hindi naman masama na manood ng TV o kaya magbasa ng mga fashion magazine ang mga lalake na katulad mo, kita mo ang epekto nun sayo napaka-outdated ng fashion na alam mo.”


            Fashion? The hell I care with that fashion, I have my own fashion statement; I’m a trend setter on my own! “I don’t give a damn with the fashion you’re talking about, I know who I am and I know what I want.” Wala syang alam sa fashion!


            “Ok, sabi mo eh! Pero ang outdated mo lang talaga! Look at yourself, ilang taon na bang ganyan ang porma na alam mo? Baka mamaya madamay pa ako sa pagiging fashion victim mo sa school!”


            Mas mabuti pa na hindi na lang ako sumagot sa mga hirit nya at baka masipa ko lang sya palabas ng kotse ko. Tingnan ko na lang mamaya kung masasabi pa rin nya na fashion victim ako.



+++++++++++++++++++++++++++++++++

(Regina POV)



Place: Mother Theresa International University


            ‘Hi Gio!!!’, ‘Hello Gio!!!’ puro ganyan lang ang naririnig mula pa kanina nung gumulong yung gulong ng kotse ng hambog na lalake na to sa university. Ganito ba talaga kalakas ang dating ng mayabang na si Gio dito sa school, wala sigurong eye clinic sa loob ng school na to!


            “So sikat ka pala!” bigla kong sabi sa kanya habang naglalakad kami sa hallway nung building namin.


            He didn’t even bother to look at me when he says “Sort of!” at bigla-bigla na lang syang lumiko at pumasok dun sa isang classroom na biglang natahimik nung makita sya.


            You got it all right, we’re classmates pero hindi aware si Tita Glenda sa bagay na yon (I didn’t tell her kasi, so don’t tell that to her too). Ano bang meron at bigla na lang silang natameme nung makita nila si Gio?


            “Tol kamusta na, sino naman yang babae na kasunod mo? Alalay mo? Ang laki ng dalang bagahe ah, pupunta ba sya sa Africa?”


            Eh kung ihampas ko kaya sya sa apat na sulok nitong classroom? Ako alalay ni Gio, hell no! Sa ganda ko na to alalay lang ako ng isang baduy na lalake na yan, hindi bagay sa ganda ko!


            “No, she’s nothing so don’t waste your time asking me about that lady.” Alam mo yung feeling na nakakita ka ng pulgas sa pinaka-mamahal mong alaga na aso, yung feeling na gustong-gusto mong tirisin? “Humanap ka na ng pwesto mo kung ayaw mo na sa tabi ng prof maupo.”


            Wala ba ni-kapirasong pagka-gentleman ang Gio na to? Naiinis na talaga ako sa sarili ko! Bakit ba kasi sa dinami-rami ng lalake sa mundo, BAKIT SYA PA, BAKIT SA KANYA PA!!!

           
            “Excuse me Miss, if you want you can sit beside me.”


            Eh ang gwapo din naman ng lalake na to at ang bango pa, pero panis pa rin sya sa sex-appeal na meron si Gio. “O-ok lang ba? Anyway, I’m Regina Reynolds and you are?” palalampasin ko ba naman ang pagkakataon na magkaron agad ng bagong kaibigan, of course not.


            “I’m Cody Castillo, my pleasure to meet you.”


            Ohohoho!!! Malandi rin ang isa na to, tamang halikan ang kamay ko! Feeling nya yata sya si Prince William. Pero syempre pa, sa pangamba na magselos ang mahal kong si Gio (asa naman daw ako) ay agad kong binawi ang kamay ko.


            “Hay nako, nadagdagan na naman ang higat sa classroom na to!” biglang sabi nung babae sa may right side ni Cody. “Ano ka ba girl, hindi ka na nasanay. Pasasaan ba at ang higat na yan ay magiging pupa na nagtatago sa kanyang lungga dahil sa kahihiyan.” Yung katabi naman nung mukang ewan yung bumanat non!


            Are they referring to me as the higad? Malamang ako nga yon kasi mukang ako lang naman ang mukang bagong salta sa classroom nila. BUT THE HELL I CARE!!!


            “You two, why don’t you try to shut your disgusting mouth off? Huh!!!” anu yun? Pinag-tatanggol ba nya ako? Dahil dun bigla akong napa-tingin sa kanya, pero inirapan lang nya ako. “Hey Jules, sino ba ang prof natin sa Marketing313?” tanong nya dun sa isa nyang katabi.


            At sumagot yung isang lalake na malamang ay si Jules “Wala akong idea, pero wag lang sana na si Sir Meno ang prof natin dahil talagang aabangan ko na sya sa labas.”


Aabangan sa labas? Mukang puro barumbado ang mga kaibigan ni Gio KO ah. Pero kung mga sanggano ang mga kaibigan nya, how come that he always got a high grades? Oh goodness, lalo ko lang tuloy syang nagugustuhan.



+++++++++++++++++++++++++++++++



            Napansin ko lang parang lahat ng estujante dito sa MTIU lahat katulad nung porma ni Gio. Fashion trend setter ang baduy na si Gio dito sa school, oh no that be!!! And hell, lahat sila tinititigan ako, bakit, dahil ba sa malaki kong bag? My gullible, bakit ba kasi nagtitiwala ako sa mga nakikita at napapanood ko sa mga fashion magazines and TV shows nagmumuka tuloy akong katawa-tawa.


            “Gio, can I borrow the key of your car?” ibabalibag ko lang talaga ang bag na to at isang notebook at ballpen na lang ang dadalhin ko para sa next subject namin. “Ilalagay ko lang tong gamit ko.”


            Bigla naman syang tumigil sa paglakad at hinarap ako. “Nahihiya ka na ba jan sa LATEST FASHION TREND na alam mo, ang fashion trend na naging basis mo para sabihin na ang baduy ko?” at talagang ngumiti pa sya ng nakakaloko, ang sarap lang tamyasin nung pisngi nya kung san nakahimlay yung nakaka-inlove nyang dimple. “Dun mo na lang sa locker ko ilagay yang luggage bag mo, kasya naman yan doon. Baka ma-late pa ako kakahintay sayo na maka-balik.” At lumakad na naman sya sa hallway ng Business building.


            “Gio pwede magtanong?”


            “Hindi pwede!” ang sungit talaga, eh di wag magtanong, hmmp!!! “Locker 010B, hanapin mo at gamitin mo yang susi na may nakalagay na ‘L’!”


            Talagang kailangan ko pang hanapin, hindi ba pwedeng ituro na lang nya agad? Apaka-sadista talaga ng isa na to, ang sama talaga ng ugali kung minsan. After five minutes sa wakas nakita ko na rin yung Locker 010B.


            “Baka naman pwede mo pang mas bilisan yang paglalagay ng gamit mo jan dahil in five minutes magsisimula na ang third class natin.”


            “Gio!!!”


            Ang landi naman ng boses na yon, sino ba yon? “Lalaine, it’s good to see you again.” So kailangan talagang i-beso si Gio ko? “How’s your vacation at Korea?” I’ve been there na rin naman, pero bakit ako hindi tinanong ni Gio my labs?


            “Who is she Gio, girlfriend mo? Ikaw Gio ha, nagiging malihim ka na sa akin.” At bigla syang humarap sa akin at nakipag-kamay. “I’m Lalaine, Gio’s best girl buddy. Don’t get jealous sa closeness namin because it doesn’t mean anything, we’re just pure friends, nothing more, nothing less.”


            Oh, she’s nice naman pala because she doesn’t have any intention na agawin si Gio. “Please to meet you Lalaine, I’m Regina and I’m not Gio’s girlfriend, soon to be pa lang, hahaha.” Eh di ako na ang biglang naambunan ng apog sa muka.


            “Don’t mind that crazy lady, I don’t even court her. Bakit hindi ka pumasok sa first two subjects, saan ka na naman nagpunta?”


            Hello!!! Hindi ba ako nag e-exist kay Gio when Lalaine is around? Hay nako, bahala nga sila sa buhay nila papasok na lang ako sa next subject ko.


            “Hey Regina, hintayin mo na kami nitong si Gio.” At syempre pa dahil may pagka uto-uto ako eh huminto ako sa paglakad. “Don’t mind the kasungitan of that asshole. Ganyan lang talaga ang isang yan kapag gutom. Tara na nga sa classroom.” So laging gutom ang timang na si Gio, lagi kasi syang masungit sa akin eh.


            Oh, baka naman kaya sya masungit sa akin ay dahil may gusto sya sa akin and that is his way for me to notice him! Feelingera kang Regina Reynolds ka!!!









6 comments:

  1. siguro type ka ni Gio,hehe....sa likod ng kasungitan sa iyo ay ang pagmamahala...

    ReplyDelete
  2. waaaaaaaaaaah~ baket ganun!!! may ginawa ka nanamang kakaiba espren!!!
    yung name na CODY!!! pangalan ng karas ko yun eh!!! omaygally!!!

    ayiiiieeh! itong gio na 'to, papakainin ko 'to ng chalk eh!!! ubod talaga ng sungit!!! pasalamat siya, mahilig talaga ako sa mga masusungit!!!

    more!!! i want more chapters!!!

    ReplyDelete
  3. kyaaaaaaaaaaaaaaaah! mgnda rin ang labstory nla gio at gina! cnong inggit? me!!!!!!! psali!!!!

    ReplyDelete
  4. ubod ng sungit ni gio! buti mapagpasensiya si gina.

    ReplyDelete
  5. ayyyiiiieeee... maraming thank you at nagandahan kayo!!! nikikilig ako!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^