Chapter Two
Flowers for you, Ate Gina
(Gio POV)
She’s
Lalaine and like she said, she’s my best girl buddy, the male version of Jules
but I can’t understand why they hate each other so much. Anyway, pumasok na
kami sa third and final subject namin today.
“Hi Ms. Lalaine, how’s your vacation at Korea ?”
Isa
sa pinaka-ayaw ni Lai ay ang tinatawag syang Ms. Lalaine ng mga classmates
namin, most especially ng mga girls na halata na gusto syang maging kaibigan.
“That’s none of your business lady so shut
the hell up.”
“So Gina, kailan pa kayo magka-kilala
nitong si Gio?” alam mo yung tingin ni Gina kay Lalaine? Yung tingin nya na
natatakot sya sa kaharap nya, baka sakmalin na lang sya bigla. “Hey, wag kang matakot sa akin. Friends
tayo ok.”
“Tama na ang kwentuhan, fill-up your class
cards then submit it to me without making any noise.” Naman, mukang ang
sungit pa nitong bago naming prof sa PolSci313. “Ayoko sa lahat ang maingay pati na rin ang tamad na estujante. Wala
akong pakelam kung every time na may quiz, recitation at exams kayo papasok sa
klase, just make sure na may maisasagot kayo sa mga tanong ko at sa exams.”
Ayos din naman pala tong si Mam eh, hindi nya pinipilit ang estujante nya na
gawin ang isang bagay na ayaw nila. “I
do give surprise quiz; sometimes it depends on the number of students who
attend the class that day. So, do you have any questions?”
Nung
turn na ni Gina na magpasa ng class card and magpakilala sa harapan eh bigla na
lang syang natalisod sabay sabi ng “Ay
ang pangit mo mam!” bwahahahaha!!! Isa ka palang alamat Gina hindi mo man
lang sinabi sa akin. Ahahahaha!!!
Well,
hindi naman talaga kagandahan yung prof na nasa harapan naming lahat ngayon no
wonder at Miss pa rin sya hanggang ngayon.
“I’m sorry mam, hindi po kayo yung
sinabihan ko, nagulat lang po talaga ako.” Iiyak na yan, iiyak na yan,
ahahaha… napasaya nya rin ako after so many days!!!
++++++++++++++++++++++++++
(Regina
POV)
Nakakahiya
lang talaga kay Mam Thesa yung mga nasabi ko kanina, leche namang mga
classmates ko na yon, ginatungan pa yung galit ni Mam. Kulang na lang sabihin
na sa akin ni mam na wala na akong aasahan na pasadong grade at the end of the
sem.
“Uwaaaaaaahhhh!!! Nakakahiya talaga!!!”
eto naman si Gio kanina pa ako pinag-tatawanan, try naman nya kaya na i-comfort
ako ng mabawasan ang bigat na nararamdaman ko! “Tumigil ka na nga sa pagtawa jan, naiinis na ako sayo!”
“Pakelam ko naman kung naiinis ka na sa
akin, masaya ako eh, bakit ba nangengelam ka sa trip ng may trip?”
Pwede
po bng palitan Mo ang pagmumuka ng lalake na to ng pwede ko po syang sikuhin sa
muka? Nakakapanghinayang po kasi if ganyang kagandang muka ang sisirain ko.
“Sa tinagal-tagal ng pag-stay mo sa amin,
ngayon mo lang talaga ako napasaya ng sobra. Iba ka Regina, iba ka!!!
Ahahahaha!!!”
“Ewan ko sayo, jan ka na nga!!! Hmmmp!!!”
at nag-marcha na ako papasok sa bahay dahil talagang nahihiya na ako sa kanya. “Uwaaaaaahhhh!!!”
“Hey Ate Gina, anong nginangawa mo jan?
Infairness ang sagwa kong umiyak ha!” isa pa tong si Monina eh,
pagbubuhulin ko pa silang dalawa ng Kuya Gio nya eh! “Where’s my Kuya Gio?”
“Gumugulong sa labas papasok ng bahay!”
Dire-direcho
naman ako sa kwarto ko sabay dapa sa malambot kong kama .
Kita nyo naman, feel na feel ko ang salitang KO na akala mo dito talaga ako
nakatira.
“Nakaka-inis lang kasi talaga, humanda
talaga sa akin sa susunod yung babae na namatid sa akin kanina. Sisiguraduhin
ko na kahit mata nya mapapahiya!!! Pero nakakahiya pa rin talaga yung nangyari
kanina eh, tapos nakita pa ni Gio at ni Lalaine, tapos si Cody naman hindi man
lang pinatigil yung mga classmates namin na babae na pinag-tatawanan ako. Mga
lalake silang walang wagbols!!! Leche silang lahat, simula bukas hindi na ako
papayag na api-apihin nila, lalaban ako!!!”
Sa
kakaiyak ko at kakaisip dun sa kahihiyan na nangyari kanina ay hindi ko
namalayan na nakatulog na pala ako. Hindi pa siguro ako magigising kung hindi
ko naramdaman na parang may something sa pagmumuka ko.
“Ran tama na yan!”
Mga
lapastangan na mga tao tong mga to oh, nakita ng natutulog yung tao eh, tama
bang pumasok pa dito. “H-hey, anong
meron?” tanong ko kay Ate Billy na kasalukuyang buhat-buhat na si Ran.
“You have plenty of beautiful and colorful
flowers on your face Ate Gina. Ate Monsi told me kasi kanina that you cry,
that’s why I gave you flowers.”
Niloloko
ba ako nitong bata na to, plenty of beautiful and colorful flowers sa muka ko,
eh wala naman akong nakikita. Jusko, parang hindi na yata ako tatagal sa bahay
na to, mukang puro baliw na sila dito eh.
“I told you Ran na bad yung gusto mong
gawin, bakit ginawa mo pa rin?”
“Does making someone happy is bad na ba
Nanny? I just want to make Ate Gina happy eh.” Ooohhh, touch naman ako sa
sinabi ni Ran. “If what I did is wrong,
I’m sorry Nanny. I won’t do that again, promise.” Then niyakap nya si Ate
Billy na ngayon ay asawa na ng Kuya ng Gio ko. “By the way Ate Gina, I hope you’ll like the flowers I gave to you.
Bye!” at lumabas na sila sa kwarto ko.
Flowers?
Nasaan nga ba yung mga bulaklak na sinasabi ni Ran na ibinigay nya sa akin, eto
bang nasa vase? Kanina pa to nandito eh! Nako, maka-ligo na nga ng maka-kain na
ako ng dinner, at ng makatulog na ulit.
“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!
Waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!” jusmio, anong nangyari sa magandang muka
ko, bakit puro drawing??? “Waaaaaaahhhhh!!!!”
Bigla
namang bumukas yung pinto ng banyo dito sa kwarto ko. “Gina, anong--- bakit puro drawing yang muka mo?” si Tita yung
nagtanong sa akin, tapos kasunod din nya si Billy na buhat-buhat si Ran, Monina
at si Gio. NAKAKAHIYA!!!
“Hindi ko po alam Tita, pag-gising ko at
pagpasok ko dito sa CR ganyan na sya. Tita baka may nagpapakulam na sa akin!”
“Ahahahahahahahahahahahahaha!!! Regina iba
ka na talaga ngayon, talagang pinaliligaya mo ako! Ahahahaha!!! Muka kang
clown!!!” lecheng Gio to, hindi kaya sya ang may gawa nito sa akin?
Oh
no! Kung sya ang may gawa nito sa akin malamang na nakita nya rin ang maganda
kong body. Pechay na buhay to, baka mamaya naka-nganga pala akong matulog tapos
nakita nya, MAJOR TURN-OFF YUN!!!
“Ikaw ang may gawa nito noh! Hindi ka pa ba
masaya nung mapahiya ako kanina sa school? Nakaka-inis ka na talaga!!!”
tamang mambintang Regina ,
tama ba yon?
“Gio???!!!”
“What? Wala akong ginagawa sa kanya,
magkasama kami ni Monina mula pa kanina nung dumating ako. Diba Monina kanina
pa tayo naglalaro ng Play Station?”
“That’s true Mom, kanina pa nga nya ako
tinatalo. Ayaw man lang nya ako pagbigyan, saka dinadaya nya ako Mommy.”
Sagot naman ni Monina.
“Sinong may gawa nyan kung hindi ikaw?” tanong
ulit ni Tita kay Gio. “Monina, baka
pinagtatakpan mo lang ang Kuya Gio mo ha.”
May
bigla na namang pumasok na kung sino dito sa kwarto ko na kumakanta-kanta pa. “Hello sweetheart!” at nag-kiss sya sa
lips ni Ate Billy, eh di ako na naiinggit! “Ran
ako na lang bubuhat sayo, baka hindi kami magkaron ng baby ni Nanny mo nyan.”
Ang tamis naman…hahaha…at kinuha nga nya si Ran kay Ate Billy. “Teka, ano bang meron dito? Bakit naman
dito nyo pa naisipang mag-meeting, tapos ganyan pa ang ayos mo Gina.”
“Tapusin mo na muna iha yang paliligo mo at
mamaya na natin alamin kung sino ang may gawa nyan sayo.” Tumango na lang
ako bilang sagot at nagsipag-alisan na sila sa kwarto ko…maliban kay Gio.
Tinitigan
nya ako na talaga naman ikinapula ng muka ko, akala ko kaya nya ako tinititigan
ay dahil sa maganda ako sa paningin nya, pero… “Bwahahahahaha!!! Kung ako sayo hindi ko na yan buburahin, ang ganda
oh! Ang dami mong bulaklak sa muka, at take note iba-iba pa ang kulay!”
bwisit talaga ang isang to, bwiseeeeeeetttttt!!!
Bilang
yung lotion bottle yung pinaka-malapit sa akin eh iyon ang nadampot ko at
ibinato sa kanya. Pero ang laki lang nyang tanga dahil hindi nya naiwasan yung
binato ko at tinamaan sya sa noo. Kasalanan nya kung bakit hindi nya yun
naiwasan, tawa kasi ng tawa eh.
“Why did you do that? Hindi mo ba alam na
pinaka-iingatan ko ang muka ko tapos babatuhin mo lang ng lotion bottle? Hindi
mo alam kung gano kalaking kasalanan ang nagawa mo?”
Hello,
kahit sino naman na merong ganyang kagandang muka iingatan. “H-hindi ko naman k-kasalanan kung tinamaan
ka nyang bote eh.” Tawa kasi sya ng tawa eh. “S-sa-saka karma mo lang yan, pinag-tatawanan mo kasi a-ako. K-karma mo
lang yan!!!” at pumasok na ako sa loob ng banyo.
Pero
nung isasara ko na yun pinto, bigla na lang nyang hinarang yung sarili nya.
Oohlhalha, hindi ko kayang ipitin ang ganitong ka-gwapo na lalake! “A-ano bang ginagawa mo? Lumayas ka nga
jan, maglilinis na ako!!!” sabay tulak sa kanya, kaya lang hindi man lang
sya natinag. Oh wag po, wag nyo pong hayaan na gawin nya sa akin ang hindi pa
dapat, hindi pa po ako ready.
Pinitik
nya yung tungkil nung ilong ko, potek masakit yun ah! “Bakit namumula yang pagmumuka mo? Malamang iniisip mo na may gagawin
ako sayo no, excuse me hindi kita type!” aaaay, pahiya naman ako dun, akala
ko pa naman hahalikan na nya ako, hindi pala. “Sa susunod na batuhin mo ako, talagang masasaktan ka na sa akin. At
kapag nagkaron ng bukol itong noo ko, hindi lang mga bulaklak na nalanta ang
makikita mo sa muka mo.” At tuluyan na syang umalis sa harap ko.
Nyutaness
lang talaga, bakit ba kasi ang tanga-tanga ko at ang manhid-manhid ko? Hindi
nga nya ako gusto pero pilit ko pa ring pinag-duduldulan ang sarili ko sa
kanya. ‘Excuse me hindi kita type!’ narinig mo ba yon Gina? Ilang
beses na nyang sinabi yan sayo, at ilang beses pa ba nyang kailangang sabihin
para lang matauhan ka jan sa pagpapantasya mo at pangangarap mo ng dilat na
magugustuhan ka nya?! Wake up Regina ,
wake up!
Sa
kaka-emote ko hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. “Packing tape na buhay to! Hindi ko dapat iniiyakan ang isang tao na
hindi marunong magpa-halaga sa nararamdaman ng iba!” humarap ako sa
salamin, balak ko sanang kausapin at pagsabihan ang sarili ko, pero hindi ko
agad yon nagawa. “Maryosep na pagmumuka
to, tinalo pa ang rainbow sa dami ng kulay.” Eh kasi naman humulas yung mga
naka-drawing sa muka ko. “Etong isaksak
mo sa isip mo mula ngayon babae ka, kalimutan mo na ang nararamdaman mo para
kay Gio, ibaon mo na kasama ng mga bulate sa ilalim ng lupa. Wala talagang
pag-asa eh, wala kang mararating jan. Maghanap o hintayin mo na lang yung
tamang lalake para sayo.” Tama, tama lahat ng sinabi ko at may tama na
talaga ang utak ko!
Pagsisisihan
mo Gregory Lopez ang araw na to, pagsisisihan mo na ipinamuka mo sa akin na
hindi mo ako gusto. I’ll show you what you’ve lost, ipapakita ko sayo na ang
tanga-tanga mo dahil hindi mo ako nagustuhan. Ipapakita at ipapa-realize ko
sayo na hindi lang ikaw ang gwapong lalake na pwede kong magustuhan. Balang-araw,
luluhod ka rin at magmamakaawa na mahalin ka!!! Tandaan nyo yan, tandaan nyo
yan!!!
walang hiya ka gio!!! kakainis ka at the same time kinikilig pa rin ako! malaks na nga topak namin ni gina! kahit ganyan yang kumag na yan, labs pa rin namin! hayyyys! at si ran naman, ang lupet maka-trip! nagbigay nga ng flowers, sa mukha naman nakalagay! hwahahahahaha! walanjong pamilya talaga sila!!!
ReplyDelete
Deleteabangan mo sis ang kasunod nyan...ahahahaha... kahit ako hindi ko pa ala kung pano ko yan susundan eh...bwahahaha...
pasensya na at napabayaan ni Nanny Billy eh, kaya ikaw ang napag-tripan...ahahaha...
siguro naman good girl talaga si lalaine. minsan kasi kung sino pa yung bestfriend, siya pa kontrabida. baka si jules ang partner niya.
ReplyDeleteat pagtiisan mo lang yan gina, pasasaan pa at magfo-fall din yang si gio sayo! pagselosin mo na lang muna siya gamit si cody! hindi naman masama lumandi e. haha! talagang tinuturuan ko si gina ha.
Deletegood girl yang si Lalaine, hindi ko pa alam kung anong klaseng kontrabida ang ilalagay ko dito eh...
maganda yang naisip mo piggylovespink... patatakbuhin ko na ulit ang imagination ko...ahahaha...
hwaaaaaaaaaahahahahah! ang laftrip q kei ran! kkmiss ung batang un!!!!! peo magasawa n c billy at nathan dito!!!! kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
ReplyDeleteahahaha..laftrip talaga yang si Ran!!!
DeleteNaku, ginawa ko na silang mag-asawa para naman hindi ako mahirapan...ahahaha...