Sunday, June 24, 2012

When Mr. North Pole meets Ms. South Pole : Chapter Three

Chapter Three

Kampihan na naman???

(Gio POV)


            Napaka-bilis talagang lumipas ng panahon, akalain mo yun mid-term exam na agad. Parang wala man lang akong natutuhan na kahit na ano for two and a half months na pagpasok ko dito sa university. Two months and a half na rin ang lumilipas simula nung dedmahin ako ni Gina. Diba dapat nga matuwa pa ako dahil iyon naman talaga ang gusto kong mangyare, pero bakit parang may kulang sa akin simula nung iwasan nya ako?



            “Nakapag-review ka na ba Reggie?” at sya na ngayon ang laging kasama ni Gina simula nga nung iwasan nya ako, si Cody. “Kung hindi pa sabay na lang tayo.” Di hamak naman na mas maganda akong lalake sa kanya noh, muka syang palaka.


            “Hindi pa ako nakakapag-review sa PolSci natin eh, turuan mo naman ako, dun ka magaling diba?”


            Eto namang palaka na to kung makapagpa-cute kay Gina wagas, akala mo wala ng bukas. Magaling sya sa PolSci pero mas magaling ako! Tangna ka Gio, dalawang buwan at kalahati mo na ring kinukumpara ang sarili mo jan sa lalake na yan, hindi ka ba nagsasawa?


            “Hey Gina and Cody, pwede bang maki-sabay na lang ako sa pagre-review nyo? Ang magaling ko kasing best-buddy ay tinatamad na namang mag-aral.” Hay Lalaine, sapakin na kaya kita jan? “Baka gusto mong maki-sabay sa amin Gio na mag-review?”


            But on second thought, mukang masisiyahan ako kung sasabay ako sa kanilang mag-review. Baka sakaling pansinin na ulit ako ni Gina kapag marami akong naitulong sa kanya. Please don’t take it all wrong, gusto ko lang na maging maayos kami ni Gina kasi wala akong naiinis at nasusungitan, masyadong boring ang buhay ko kapag wala sya.


            “Kung ok lang ba sa kanila, sure!” at agad naman akong lumapit sa pwesto nila at naupo ako sa tabi ni Gina at ni Lalaine, kaya naman ang kaharap ko ang mukang palaka na si Cody. “So, where we gonna start?”


            Ilang minuto na kaming nakapalibot na apat pero wala man lang ni-isa ang ibang nagsalita, putcha lang, anong mararating namin nito?


            “Hey, sali naman ako jan sa group study nyo baka sakaling maambunan din ako ng katalinuhan nyo.” And the Ice Breaker award goes to Jules Ignacio! “Huy, bakit ang tahimik nyo naman masyado?”


            “Pwede ba Jules ialis mo lang yang pagmumuka mo dito dahil nakakasira ka ng concentration!” at nagsimula na naman ang dalawang mortal na mag-kaaway.


            “Parang hindi naman sila affected, ikaw lang Lalaine ang apektado sa presence ko dahil malamang na may gusto ka sa akin.”


            At syempre pa hindi naman magpapatalo ang babae na to at sasagot din yan. “Ang kapal naman ng tinga mo Mr. Ignacio, kahit na ikaw pa ang nag-iisang lalake sa mundo, hinding-hindi kita papatulan!” nawa’y kaya nyang panindigan ang sinabi nya.


            Natigil lang yung dalawa sa pagsisigawan ng biglang tumayo si Gina sabay sabing “Kung wala kayong balak na seryosohin ang exam, ako at si Cody meron. Kaya kung mag-aaway at magsisigawan lang naman kayo, mas mabuti pa na dun kayo sa oval magsigawan.” Ang sungit lang, bakit pati si Lalaine at si Jules kailangan nyang idamay sa inis nya sa akin?


            “I’m sorry, umalis ka na nga lang dito Jules!”


            Umalis naman si Jules dahil siguro natakot sya sa tingin ni Lalaine at ni Gina sa kanya. “Alin ba ang hindi mo ma-gets?” biglang tanong ng epal na si Cody.


            “Ayoko ng mag-review dito, hindi ako makapag-concentrate.”


            Ano na naman ba ang drama nya, nauubusan na ako ng pasensya sa kanya. Nag-sorry naman na si Lalaine sa kanya, eh ano pang ine-emote nya? Bahala sya sa buhay nya, sya na nga ang nilalapitan para makipag-ayos sya pa tong umaayaw, newtaness!!!


++++++++++++++++++++++++++++


            “Kamustang exam Gio, pasado ba?” tanong agad sa akin ni Ate Billy nung makita nya akong papasok na ng bahay. “Bakit naman ganyan ang itchura mo, mahirap ba ang exam?”


            Hindi naman mahirap yung exam, tingin ko nga kayang bilangin sa kamay ang mali ko, pero ang hindi ko mainindihan eh bakit parang hindi ako masaya.


            “Madali lang yung exam Ate Billy, sisiw! Nasaan nga pala si Ran at si Monsi, Ate?” gusto kong gumala kasama ang dalawang makulit na yon para naman makalimutan ko rin naman yung mga problema ko. Pagkasabi ni Ate Billy na nasa kwarto ni Ran ang dalawa ay agad ko silang pinuntahan. “Thanks Ate, sama ka ha!”


            Pagkapasok ko sa kwarto ni Ran eh parang mejo nanlumo ako dahil tulog yung dalawa kong kapatid na balak ko sanang isama sa pagliliwaliw. Sabado nga pala ngayon kaya nasa bahay lang si Monsi at tulog ng ganitong oras, makalayas na nga lang mag-isa.


            “May problema ka na naman no, tara na at ilakad natin yan sa mall, pero ililibre mo ako ha.”


            Ate Billy is like a real big sister to us dahil kilala na nya talaga kami kung kailan kami may sakit, problema, masaya, malungkot, o kung kailan kami natatakot. Ang swerte lang talaga namin na sa amin sya napunta at naging asawa pa ni Kuya.


            “Kahit kailan talaga Ate ang kuripot mo, pero saksakan ka naman ng takaw.” Natatawa kong sabi sa kanya. “Sandali lang ha, maliligo lang ulit ako sandali.”


            “Eh sasamahan ko muna ang mga kapatid mo na matulog, maliligo ka pa pala eh.”


            “Sandali lang ako Ate kaya wag ka ng matulog, ok!” at pumunta na ako sa kwarto ko para maligo. “Kapag nagising sila Ate at wala pa ako isasama natin sila ha.”


++++++++++++++++++++++++++++

(Regina POV)


            Eto ako ngayon at mag-isang nagmumuni-muni dito sa garden ng mga Lopez, isang buwan at kalahati na na ganito ang drama ko sa buhay. One and a half month ko na ring hindi pinapansin si Gio simula nung nag-powertrip si Ran na mag-drawing sa muka ko.


            “Bakit nag-iisa ka na naman dito, bakit hindi ka sumama sa kanilang lumabas?”


            “Kuya Nathan naman, wag ka namang nang-gugulat at baka magkaron ako ng sakit sa puso nito.” Tama ba naman kasi na bigla na lang magsalita. “Kakadating ko lang from school eh.”


            “Baka magkaron ka ng sakit sa puso, hello Gina may sakit ka na sa puso.” Ha? M-may sakit ako sa puso matagal na, bakit hindi ko naman yata alam yun. “Simula nung makilala mo si Gio at magustuhan sya, nagkasakit ka na sa puso nun, pati nga sakit sa utak meron ka na rin eh.”


            Sus, akala ko pa naman yung sakit sa puso na baka atakihin ako kapag may nanggulat sa akin, ibang klaseng sakit sa puso pala ang sinasabi nitong si Kuya Nathan. “Si kuya talaga ibang klase kung mag-joke! Patawa much ka huh!” sige lang Gina, magkunwari kang hindi affected sa sinabi nya.


            “Bakit iniiwasan mo si Gio, pagod o suko ka na bang mahalin sya dahil lagi ka nyang sinusungitan, gusto mo abangan natin mamaya dun sa kanto?”


            Maang naman akong napa-tingin sa kanya, napapansin pala nya yon akala ko hindi eh. Eh kasi naman lagi naman syang late na kung umuwi tapos kapag darating sya si Ate Billy agad ang una nyang hinahanap.


            “Ang tunay na nagmamahal hindi napapagod mahalin ang taong talagang mahal nila kahit na ano pa ang mangyari. Kapag kasi nagmamahal ka ng totoo, you wouldn’t ask something in return, unconditional love ba, nagmamahal ka ng hindi naghihintay ng kahit na anong kapalit. Bakit parang inulit ko lang yung sinabi ko?” napansin ko din yun Kuya, tinagalog mo lang eh. “Pero yun nga, kapag napagod ka ng mahalin ang isang tao ok lang naman na huminto ng sandali, give your self time na pag-isipan ang mga bagay-bagay. Magka-iba ang suko na sa pagod na, ano bang nararamdaman mo ngayon, pagod o suko na?”


            “Napapagod at malapit ng sumuko. Eh, ano bang pagkaka-iba nung dalawa Kuya Nathan?”


            Mukang mahaba-habang paliwanagan to ah, umayos pa ng upo si Kuya eh. “Ang pagod na, mahal pa rin nya yung tao na yon at nagpapahinga lang sya at kumukuha ng bagong lakas para mahalin ulit yung taong mahal nya.Ang suko na, wala na, ayawan na hiindi na masaya, na kahit na anong gawin nya wala na talaga ayaw na nya, na kahit na anong gawin nung taong mahal nya hindi na nya mamahalin. Tama ba ako?” eh bakit akong tinatanong nya, sya nga tong tinatanong ko eh, adik!


            Eh ano nga ba, suko na ba ako o pagod lang ako? Lechugas na buhay to, ang gulo. “Nako Regina, ako ay aakyat na at nahihilo na ako dahil ang magaling na kaibigan kong si Oliver ay inaya na naman akong uminom dahil nag-away na naman daw sila ng pinsan ko.” tengene lang, lasing pala kaya kung ano-ano na naman ang sinasabi, five pa lang lasing na.


++++++++++++++++++++++++++++++

(Gio POV)


            Hindi na talaga nakasama yung dalawa dahil kahit na kalahating oras na akong naligo eh hindi pa rin sila nagising. Sigurado akong malalagay na naman ako nito sa hotseat ni Ate.


            Ate eto na nga, nagsimula na. “So, ano na?” simpleng tanong pero alam mong malaman. “Simulan mo na!” ano pa nga bang magagawa ko, eh di simulan na!


            “I don’t get her drama, bakit iniiwasan nya ako? Wala naman akong sinabing kaka-iba before nya ako hindi pansinin.” As in wala talaga akong matandaan na dahilan para iwasan nya, nakaka-gago lang talaga. “Bakit ganon sya Ate Billy?”


            Nakikinig ba ang isang to sa mga pinag-sasabi ko? Para kasing wala syang naririnig. “So Gio, care to tell me kung bakit affected ka sa mga ginagawa nya?” ahhh, nakikinig naman pala, pero pootek lang sa tanong. “Oh, bakit tumahimik ka jan, sagutin mo yung tanong ko.”


            Eh bakit nga ba affected ako sa ginagawang pandededma nya? “N-nakakainis lang kasi bigla na lang nya akong iniwasan, nawalan na ako ng laruan.” Laruan? Where the hell that word came from? Fuck you Gio, really! “Araaay!!!”


            “Hindi laruan si Gina, Gio. Tao sya na may pakiramdam, at kapag sinabing may pakiramdam ibig sabihin nun nasasaktan sya, sumasaya sya, umiiyak sya, at kung ano-ano pa. I can’t blame Gina if she’s avoiding you, gago ka kasi.” Ouch, ang sakit nung pagkakapalo nya sa likod ko ha, akala ko lalabas na baga ko sa lakas eh. “Pero Gio, yun lang ba talaga ang dahilan mo? Hindi kaya dahil may kaka-iba ka na ring nararamdaman para sa kanya?”


            Ako, may gusto kay Gina, kalokohan! Napapaghalata ka masyado eh, wala namang sinabi si Ate Billy mo na may gusto ka sa kanya eh, ang sabi lang nya kaka-ibang nararamdaman at hindi nya sinabi sayo na may gusto ka sa kanya. Tangina, wala nga kasi akong gusto sa kanya! Kapag ba nami-miss mo ang isang to, may gusto na agad? Hindi ba pwedeng… Hindi ba pwedeng mahal mo na sya agad at hindi lang basta gusto?


            “Oh, bakit naka-kunoot na ang noo mo jan, nakikipag-talo ka na ba sa sarili mo?” at bigla naman akong napa-tingin sa kanya dahil parang nababasa nya yung nasa isip ko, may super-powers ba si Ate Billy? “Wag mo akong titigan na parang ako ang may problema sa ating dalawa Gio.”


            “Ate, can you read minds? Pano mo nalaman na nakikipag-talo na ako sa sarili ko?”


            Natawa naman si Ate sa tanong ko, well nakakatawa naman talaga yung tanong ko eh. “I can’t read minds, it’s just that nangyari na rin yan sa akin before. Isa lang naman ang ibig sabihin nyan kapag ganyang nakikipagtalo ka na sa sarili mo, in love ka na!” what? What the--- ako in love? She must be kidding me! “Kapag nakikipagtalo ka sa sarili mo, nasa in denial stage ka, hindi mo maamin sa sarili mo na mahal mo na yung isang tao, or maybe gusto mo yung isang tao. Hindi mo lang maamin kasi she is not your type, pero wala ka namang ibang pupuntahan kundi ang aminin na may gusto o mahal mo na ang tao na to.” Oh yes, she’s just kidding me. May halong alak yung kinakain nyang cake kaya ganyan ang sinasabi nya ngayon.


            “Lasing ka?”


            She gave a big smile and said “Nope, naka-kain lang ulit ng cake na may alak. Want to give a try, it taste so good.” Nakngtucha, sabi na eh. “Seryoso ako, masarap nga to!” pano sila magkaka-anak kung ang hilig nitong si Ate Billy sa alak? “Ang pagkakaron ng alcohol sa katawan kung minsan ay hindi masama, tatandaan mo yan Gio.” Hay nako naman, nagastusan lang ako ng dahil sa kanya, mukang wala naman syang naitulong sa akin eh.


            “Umuwi na nga tayo, baka nagwawala na si Kuya sa bahay dahil akala nya eh na-kidnap ka na naman.”


            “Alam nun na nasa galaan tayo ngayon kaya alam nun na wala ako sa bahay.” Ayos ah… “Teka lang Gio, bibilan ko lang ng pasalubong yung mga kapatid mo.”


            “Hey, watch out! Stupid, see what you’ve done to my expensive dress? Dapat ipinagbabawal sa mall na to ang mga tatanga-tanga!”


            Parang kilala ko ang babae na to! “At dapat kasi miss na nagfi-feeling susyal hindi ka nagpupunta sa ganitong lugar, hindi ka nababagay sa ganitong klaseng lugar, susyal ka diba? At yang ugali mo naman nababagay sa palengke! Akala mo kung sinong maganda, kundi pa kasing laki ng plato yang muka mo!” teka lang, sino ba tong babae na ‘to?


            “Wait! You’re Gio Lopez right?” kilala nya ako? “Hindi mo na ba ako natatandaan? I’m Sofia, Sofie’s sister.” Sya yung kapatid nung ex ko na saksakan ng bait? “Hey, kasama mo ba yang tatanga-tanga na yan? Katulong nyo?” ang sama lang ng ugali, tama nga si Ate Billy na sa palengke nababagay ang isang toh!


            “I perfectly know your sister but you, I’m sorry but hindi ako nakikipag-kilala sa mga walang breeding na babae.” At umalis na kami ni Ate Billy.







4 comments:

  1. hwaw!!! i'm so super kaduper feeling high to the max!!! at sa wakas me update na!!! yehey naman, marunong ka rin naman palang maginarte gina! go go go si cody na muna ang pagkaabalahan mo at nagtatagumpay ka sa pagpapaselos jan sa gio na yan! hwahahahahahaha!

    naisnpire naman ako dito!!! maraming salamat espren! hwahahahahahaha!!!

    at buset na sopia yun! buti nga pahiyaness kina billy at gio!

    ReplyDelete
    Replies
    1. dapat iu-update ko to last Wednesday yata, kaya lang maling file yung na-copy ko sa usb kaya ayun hindi ko rin na-update...ahahahhaa...


      pambawi sa matagal kong pagka-wala, 2 chapters ang ni-post ko!!!

      Delete
  2. ~>angel is luv<~

    ay grabe po ang laughtrip ko dito. ang kulit niyo po talaga magsulat! nakakaenjoy basahin yung pov ng characters niyo. at mabuti naman nagseselos na rin si gio.

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku, sabi nila jan ako magaling, sa pagpapatawa kaya jan na lang talaga ako magco-concentrate...hindi ko nga alam kung bakit sa comedy ako eh seryoso naman akong tao!!! hahaha

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^