Chapter Four
Mr. and Ms. Mary Mediatrix
University
(Regina POV)
Lately parang ang weird ng kinikilos
ni Gio, bakit parang ang bait na nya yata sa akin?
“Akin
na yang mga libro mo, ako na lang ang magdadala.”
Syempre naman bilang shock ako sa
sinabi nya na yon eh hindi na ako naka-palag nung agawin nya sa akin yung mga
libro ko. “Natulala ka na jan, may sakit
ka ba?” tapos sinalat nya yung noo ko kung mainit, naku naman!
“O-ok lang ako, may naalala lang
ako. Sige Gio, punta muna ako sa library.”
Dali-dali akong humakbang palayo sa
kanya dahil baka mamaya bigla pa syang sumama, ayoko lang dahil talagang ang
weird nya! “Ay kalabaw!” napasigaw
ako nung naramdaman ko na bumangga ako sa isang mejo malambot na matigas na
bagay. “S-sorry po!” di-direcho na sana ako sa library ng
biglang magsalita yung nabunggo ko.
“Ikaw
si Regina
Reynolds ng Management 3A diba?” eehhh??? Sino ba ang isang to, bakit
kilala nya ako? “I’m Drake Yamato of
Management 4C, and I’ll be your partner on the upcoming Mr. and Ms. Mary
Mediatrix University.” Ano daw, kasali ako sa Mr. and Ms. MMU, baliw na ba
sya? Sayang ang gandang lalake pa naman nya. “Please to meet you Ms. Reynolds.”
Tinitigan ko lang yung palad nya na
nakalahad sa harapan ko. “Eh excuse me
lang ha, nagmamadali kasi ako eh.” Tapos bigla naman nya akong hinawakan sa
braso ko, nyutaness lang.
“Hey
Drake!” teka lang, boses ni Gio yun ah! “Back-off, she’s mine!”
Waaaaaahhh!!! Anu yung sinabi ni
Gio, teka nabingi na yata ako. Grabe, ano ba kasi ang nangyayari dito, bakit
may ganitong mga eksena? Alam mo yung titigan nung dalawang weird na lalake na
to, parang may kuryenteng nagi-spark sa pagitan ng mga mata nila, holy cow!
“A-ah
eh, ano ba kasi ang problema nyong dalawa?” ang pakelamera ko lang diba? “Saka b-bakit magka-kilala kayo?”
“Gina!!!”
eto pa isa, si Cody. “Pupunta ka ba ng
library, sabay na tayo?!”
Eh di ikaw na ang maraming boys
Gina, it’s you already! Ay leche, bahala silang lahat sa buhay nila. “Sorry Cody but I want to be alone, bye!”
at nag-marcha na ako paalis sa eskandalosong lugar na yon ng biglang…
“Hoy,
bakit ba? Saan mo ba ako dadalhin at kailangan mo pa akong kaladkarin?”
jusko naman talaga, naiinis na ako. “Gio
ano ba?!” at hinila ko yung braso ko na hawak-hawak nya sabay sampal sa
kanya.
Nababaliw ka na talaga Regina ! “Kailangan mo pa ba talaga akong sampalin?”
at natigilan naman ako sa tanong nya na yon.
Malakas ba yung sampal na naibigay
ko sa kanya at nagti-teary eyes sya, oh hinde, hindi ko kayang makita na
umiiyak si Gio. “Eh gago ka kasi, sa
tingin mo ba tama yung ginawa mo na basta mo na lang akong hinila? Eh kung
itulak kaya kita dito sa building?” nakaka-taas ng presyon ang isang to!
“Sige
nga Ms. Regina Reynolds, kung hindi ba kita hihilahin o kakaladkarin palayo sa
lugar na yon sa tingin mo aabot ka sa first subject natin? In five minutes
magsisimula na ang Stat313 natin at nasa kabilang building pa ang room natin.
Oh ngayon, dapat mo ba akong sampalin dahil sa ginawa ko?”
At literal na napa-nganga ako dun sa
sinabi nya sabay tingin sa wrist watch ko. Tinamaan ka ng magaling Gina, paano
mong nakalimutan ang oras ng first subject mo? At eto naman si Cody isa pang
may sakit na kalimot, naman oh!
Ngayon ako naman ang kumaladkad kay
Gio para lang hindi kami ma-late sa Stat. “Bilisan
mo naman Gio, wag ka ng magpabigat jan, akala mo ang gaan-gaan mo.” Sige
Gina, takbo pa! Kasalanan lahat ni Gio to eh.
Mabuti na lang at late ng nakapasok
si Mam Armel, kung nagkataon na-award na nya kami. Pero kahit na hindi kami
na-award ni Mam eh nakamamatay naman ang tingin ng mga classmates naming babae
sa akin, syempre except kay Lalaine.
“Saan
kayo galing at talagang magka-holding hands pa kayong dumating kanina? Care to
share the story para naman hindi ako OP?” kinikilig na tanong ni Lalaine sa
amin ni Gio. “Hey, kanina pa kayo
magkasama and yet hindi pa rin kayo nagsasawa to look at each others eyes.
Pag-ibig nga naman!” eh di syempre pa wagas akong nag-iwas ng tingin kay
Gio.
“Nai-inggit
ka ba sa kanila Lala, gusto mo gawin din natin yung ginawa nila?”
At syempre pa, na-badtrip na naman
ang magandang si Lalaine dahil sa sinabi na yon ni Jules. “You know what Jules, hindi naman mortal sin ang manahimik kung minsan
eh. Kaya pwede ba manahimik ka this time!” kahit parang laging asa’t-pusa
ang dalawang best friends ni Gio, they look good together. “Ay nako, mag-kwento ka na kasi Gina.”
“Ano
kasi eh---ahmm…” sasabihin ko ba sa kanila yung nangyari kanina? “Anu
kasi…”
“Ano,
anong nangyari kanina Regina ?”
hindi naman sya excited diba? “Hey,
anong nangyare!”
Ay bahala na nga! “Nabunggo ko kasi si Drake Yamato ng
Management 4C while I’m on my way to the library. Tapos sabi nya sa akin ako
daw yung makaka-partner nya para sa upcoming Mr. & Ms. Mary Mediatrix
University. Hello, wala naman akong sinasalihan na kahit na anong contest.” Ok
na yon, di ko na sasabihin yung ginawa ni Gio baka magalit pa yon.
“Iyon
ba, I write your name dun sa bulletin board ng Management kaya siguro ikaw ang
napili nila. Don’t look at me like that Gio like I did a crime, I just want her
to have my crown as Ms. MMU.”
Hindi ko alam kung anong gagawin ko
dito sa kaibigan na to ni Gio eh, ang sarap lang pilipitin ng leeg. Ano bang
alam ko sa mga beauty contest na yan? Never pa akong sumali sa kahit na anong
klaseng beauty contest dahil sa bansa na pinanggalingan ako, lagi akong judge.
I can’t imagine myself being judge by others.
“Hindi
ako sasali sa contest na yan! AYOKO!”
“Kahit
si Gio na ang magiging partner mo?” kalokohan, as if namang sasali si Gio
sa ganitong klaseng contest. Pwedeng-pwede na nga syang i-declare as Mr. MMU
kahit na wala ng contest. “Ano Regina,
sasali ka na ba if Gio will be your partner?”
Pero hindi pa rin talaga ako sasali
kahit pa si Gio ang partner ko. “Hindi
pa rin, ayoko talaga sumali.” Kahit na si Brad Pitt o si Justine Timberlake
pa ang i-partner nyo sa akin, HINDI AKO SASALI!
“Kung
ayaw mong sumali, then magba-backout na lang din ako.”
Pwedeng bawiin yung sinabi ko?
Really, sasali talaga sya para lang maka-partner ako? Oh geez, malapit na
talaga ang end of the world kaya nagiging mabait na sa akin si Gio. Pero habang
hindi pa naman end of the world, ie-enjoy ko muna ang pagiging mabait nya sa
akin.
“Ano
Gina, hindi ka pa rin talaga sasali? Here’s a fast fact Gina, never pang sumali
sa kahit na anong contest si Gio na walang kinalaman sa academic subjects
natin, ngayon lang. Actually, last year I asked him if he can be my partner for
this contest too, but he refused my request.”
Tologo? Seryoso sya, sasali talaga sya sa
search na yon dahil sa akin? Sure ba yon? “You
mean sasali sya dahil sa akin? But I never ask him to join that contest in the
first place.” Eh wala nga akong balak na sumali sa contest na yon eh.
“Maybe
because ayaw nya na mapalapit ka dun sa playboy at malanding Drake na yon. Oh
baka naman…”
“Baka
naman ano?” tama bang mambitin, ka-badtrip lang talaga.
“Dahil
ayoko na napa-bilang ka sa mga tatanga-tangang babae na nagpaloko at
nagpaka-gullible ng dahil sa kanya, he’s not worth it.”
Kung minsan hindi ko talaga
maintindihan ang bwisit na lalake na to eh, kanina lang mabait ngayon naman
nagsusungit na naman. Saka anong akala nya sa akin, tatanga-tanga at may balak
magpaka-tanga para lang dun sa mistisong nawawalan ng mata kapag ngumingiti?
Sya kaya ang tanga, dahil hanggang ngayon hindi pa rin nya alam na sa kanya
lang ako nagpapaka-tanga.
“You
don’t have to worry anything Mr. Gregory Lopez dahil wala akong balak na
mapa-bilang sa mga uto-utong babae para lang sa singkit na yon!”
This time talagang pupunta na ako ng
library dahil naiinis na talaga ako sa mga ipinapakita at ginagawa ni Gio.
Nyutaness sya!!!
“Saan
ka pupunta?” nakuha pa nya talagang magtanong, ibato ko sa kanya tong mga
libro na hawak ko eh! “Hoy!”
“It’s none of your business so
shatap!!!”
Nakaka-inis lang talaga. Uuwi na nga
lang ako at magkukulong sa kwarto ko, o kaya naman makikipag-laro na lang ako
kay Ran at kay Ate Billy. Pero sana
naman this time hindi na drawing-an ng kung ano-ano ni Ran ang muka ko kapag
naka-tulog ako.
“Bumalik
ka nga dito, meron pa tayong isang klase baka nakakalimutan mo. PolSci ang next
subject natin, baka kapag nag-absent ka eh wala ka ng maisagot sa exam kahit
isa.”
Wala akong pakelam kahit na wala na
akong maisagot sa mga susunod na exam sa PolSci dahil kahit ma-perfect ko pa
lahat ng mga susunod na exam, hindi na nun mababago na pasang-awa lang ang
nakuha ko nung mid-term. Mas gugustuhin ko pa na umuwi ngayon at
makipag-kulitan dun sa dalawang tao sa bahay kesa mabwisit minu-minuto dahil sa
kanya.
“Hi
Ms. Regina Reynolds,
see you later at the rehearsals.” Eto pa isang impakto sa buhay ko, at
talagang nakuha pa nyang kumindat. Tusukin ko kaya mata nya ng hindi na sya
makakita para naman matapat sya sa panget na nagmamaganda. “Anyway, ang cute mo pala kapag salubong ang kilay. Bye!” ahhh…leche
lang talaga, ang landi-landi nya!!!
Asdfghjkl nya!!! Feeling close naman
sya masyado! Saka anong akala nya, madadaan nya ako sa pakindat-kindat nya.
Lalo lang nyang sinisira ang araw ko, uuwi na lang talaga ako!
Kaka-labas ko pa lang ng gate pero
biglang may kotseng huminto sa gilid ko, pero dahil nga badtrip ako eh dedma
lang. “Tara
na, sabay na tayong umuwi.” So si Gio pala ang laman ng kotse na to, ayoko!
Hindi ako sasabay sa kanya, maaga pa naman kaya hindi pa delikado na
mag-commute.
“Ayoko,
may pupuntahan pa ako!” at naglakad na ulit ako papunta sa sakayan ng jeep.
Bakit ba bigla na lang din naisipan
nitong si Gio na umuwi na rin, eh may PolSci pa nga kami diba? Kung uuwi sya,
useless din kung uuwi ako kasi nandon lang din sya, maguguluhan pa rin ako.
Pero saan naman ako pupunta diba?
“Hey
ano ba, walang PolSci kaya uwian na rin. Mapapagalitan na naman ako ni Mommy
kapag hindi na naman tayo sabay umuwi. Maawa ka naman sa tenga ko, lagi na lang
akong sinesermonan at pini-pingot.”
Si Tita naman kasi, ayaw pang sumuko
sa pagma-match sa aming dalawa ni Gio eh hindi nga ako gusto ng gung-gong na to.
“Wag kang mag-alala tatawag ako kay Tita
at sasabihin sa kanya na hindi tayo sabay uuwi ngayon.” Kinuha ko yung phone
ko nag-dial, pero badtrip lang dahil hindi sinasagot ni Tita yung phone nya
kaya nag-iwan na lang ako ng message.
“Tita
si Gina po ito, inform ko lang po ikaw na hindi kami sabay uuwi ni Gio ngayon
dahil may pupun…”
Hindi ko pa tapos yung sinasabi ko
ng biglang agawin ni Gio ang cellphone ko. “Ang
bastos mo talaga eh noh, ano ba kasi ang problema mo ha! Sinabi na nga na hindi
ako sasabay sayo ang kulit-kulit mo pa rin! Hindi ka ba marunong maka-intindi?”
pero hindi man lang sya nag-abala na tignan ako at makinig dahil pinakekelaman
nya ang phone ko.
“Hello
Ma, the first message from Regina
was just a big joke. Sabay kaming uuwi dahil ayoko ng makatikim ng pingot from
you, nade-deform na ang tenga ko. Pano pa ako magugustuhan ng gusto ko kung
pangit na ang tenga ko?! Sige na Ma, pauwi na kami.”
“Gina,
get back in here. Wag mong ubusin ang konting pasensya na meron ako!”
Sino ba naman kasing gago ang may
sabi sa kanya na sundan nya ako, tinawagan ko na nga si Tita Glenda para
sabihin na hindi kami sabay na uuwi tapos nag-iwan sya ng ganong klaseng
message. Tapos ngayon sasabihin nya sa akin na inuubos ko ang pasensya nya,
pwes inuubos na rin nya ang katiting na pasensya na meron ako!
“Pwede
ba Gio tigilan mo na ako! Noong kinukulit kita pilit mo akong pinalalayo sayo,
ngayon naman na nilalayuan na kita at hindi ginugulo ikaw naman tong lumalapit
at nagpapapansin. Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo eh. Minsan mabait ka sa
akin, pero kadalasan sinusungitan mo ako. Gio marunong din naman akong masaktan
at magsawa sa mga ginagawa mo sa akin, kaya nga nilalayuan na kita para hindi
ko na maramdaman yun. Pero anong ginagawa mo, nananahimik na ako dito pero
pilit ka naman na nangugulo, pilit ka naman pumapasok sa mundo ko na isinara ko
na sayo mula nung ipagduldulan mo sa pagmumuka ko na hindi mo ako gusto.
Tangina ka Gio, tigilan mo na ako!”
“G-Gina! I’m sorry, hindi ko alam na
nasasaktan na pala kita.”
“Don’t be sorry Gio, you don’t have
to feel sorry dahil wala naman na lahat ng yon eh, it’s all in the past now. Saka
wag kang mag-alala dahil babalik naman na ako ng Singapore after ng semester na to,
kaya wala ka ng magiging problema sa akin.”
Uuwi na talaga ako ng Singapore
para naman tong lecheng nararamdaman ko para sa kanya eh mawala na at
makalimutan ko na! Ayoko na kasi eh, masyadong ng masakit ang nangyayare sa
lovelife ko, ayoko na ng ganito.
ang haba ng kair ni gina!!! may gio na, may cody pa at ngayon nadagdagan ng drake!!! ohmaygawd!!! kinilig ako sa umpisa pero nadala ako sa katapusan!!!
ReplyDeleteat nice one sa ginawa ni lalaine! ms. mmu pala ha!!! witwit~ gusto ko partner si drake para magselos pa rin si gio! hwahahahahaha!!! ang sama ko lang talaga eh. pinagdudusa ng bongga si gio. hwahahahaha!
espren, dumadrama ka na talaga!!! uuwi na si gina sa singapore??? owno!!!!! pigilan mo siya gio!!! lintek kang lalaki ka, kapag hindi ka pa umamin, ako magdedeform niyang tenga mo! ahahahahaha!!!
ang tanong eh sasali ka ba talaga? at kung makaka-uwi ka ba talaga sa SG? hahaha!!!
Deletetapos ko na din yung chapter five pero hindi ko muna ipo-post bilang ayoko lang...ahahaha...saka na kapag tapos na yung six...ohohoho...
duma-drama ba? naks naman, mukang may future na ba ako sa mga pang-drama na story??? ayeeeehhh!!!
~>angel is luv<~
Deletepakipost na po ate pls. pls. pls.
eeeeiiiiii... saka na lang po...hahaha... kasi, magiging busy ako next week at may gorabelles ako kaya kailangan ko ng reserved update...hahaha... pero malay mo naman ilagay ko sya as scheduled...hohoho...
Deleteintayin nyo na lang po yung trip ko mamaya...hehehe...
~>angel is luv<~
ReplyDeleteang ganda naman ni regina. 3 guys ang naghahabol sa kanya. at nakakaloka si gio! may pa back-off she's mine na siyang nalalaman! hala kinilig ako dun! but what happen to the last part? nag-away sila! wag kang umuwi gina! can't you see what gio is doing now? ayaw lang umamin dahil baka torpe pero obvious na po siya!
naku, may balak yatang sumali si Gina sa Artista Academy eh...hahaha!!!
Deletethanks for the comment!!! :)
kyaaaaaaaaaaaaaah! buti nmn at nkbsa ulit aq ng ud ni ate richelle! ang gondo nmn tlga ni gina!
ReplyDelete