Friday, August 29, 2014

My Ex is a Secret Agent: Chapter 5

CHAPTER 5

In the end, wala akong gaanong nakuhang impormasyon sa kanya. Puno din ng mysteryo ang lalaking ito. Pero kahit na pari pa siya ay hindi ibig sabihin niyon na kakalimutan ko iyong ginawa niya. Tatlong araw na din ang nakalipas ng mangyari iyon at sariwang-sariwa parin sa isipan ko iyon.

I place my palm over my face. Bakit sa lahat ba naman tao ay siya pa iyong napagkamalan kong ex? Agh!
“Hindi maari ito.” Mahinang sabi ko.
Nginangatngat ko na lang iyong daliri ko sa matinding frustration na naramdaman ko. Hindi ko din siya matingnan ng deretso kaya ang ginawa ko ay iwasan na lang siya kaya nandito ako ngayon sa palengke, nagpresenta na ako na lang ang bumili ng mga kinakailangan namin, malapit na kasing maubos iyong stock namin sa kusina.
“May sinasabi ka, Sister Alexa?” Baling sa kanya ni Paulo, matangkad siya sa akin ng isang pulgada at mukhang nasa twenty na ata ang edad. I silently curse myself from realization na may kasama pala ako. Nagpresenta kasi sina Paulo at Carl na tulungan ako sa pinamili ko.
Ang bait-bait nila `no? Though, nasa edad na ata sila sa nineteen at twenty. Har har! Minsan ka lang makakita ng ganyan edad na tulungan ang isang kagaya ko na walang kapalit.
“Ikaw naman, pre! Ang liit liit ng dala mong gamit, baka nahirapan na si Sister Alexa sa kanyang dinadala. Ah ako na lang po ang bitbit niyan.” Presenta ni Carl, akmang kukunin ang dala kong plastic bag. Pero iniiwas ko iyon sa kanya.
“Naku, huwag na, kaya ko naman ito. Thank you na lang.”
See? Ang bait-bait. Minsan iniisip ko kung bakit ganito sila kabait sa akin—may kinalaman kaya sa alindog ko? Ayie! Ang haba ng hair ko pero `di ko sila type, ha?
Nang matapos na ako sa pamimili ay habang naglalakad kami ay kailangan ko munang isagawa ang plano ko. Hindi naman ako pumayag na sumama sila sa wala `no? bumuka iyong bibig ko para magsimula na magtanong sa kanila tungkol sa killer pero walang boses na lumabas sa bibig ko nang may tumawag kay Paulo.
“PAULO! NANDITO KA LANG PALA BATA KA! PESTE KA TALAGA! IMBES NA MAGTRABAHO KA AY DITO KITA MAKIKITA?!” Nasa early forties na lalaki ang lumapit sa amin at biglang binatukan si Paulo. Siguro ama niya ito.
“Tinutulungan k—“
Binatukan uli siya ng kanyang ama. Aba, nakakarami na siya ah.
“Eh ano naman? Wala ka talagang silbi! Peste! Nagugutom na ako hala magluto ka na! peste talaga!” Patpatin kasi si Paulo kaya daling-dali lang na mahila siya sa kanyang ama.
Pinagtitinginan na ang direksyon namin dahil sa kanya.
“Mawalang galang na po, pero nagmagandang loob lang naman po ang anak ninyo na bitbitin ang pinamili ko.”
“At sino ka naman?” pinagtaasan niya ako ng boses. Aba, walang modong matanda ah! Kahit kagaya ko ay pagtaasan niya ako?!
Relax ka lang, Alexa! Huminga nang malalim.  Iyon ang ginawa ko, huminga muna nang malalim tas nginitian siya. “Ah, ako nga po pala si Sister Alexa. Hindi naman po sa nakikialam ko pero hindi pong tama na pagtaasan ng kamay ninyo ang inyong anak kung nagmagandang loob naman siya na tulungan ako.”
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at nag-iwas ng tingin. Hindi niya ako pinansin at pilit na hinila si Paulo na tahimik na hindi nagsasalita. “Huwag kang mamikialam, Sister.” Iyon lang ang sinabi tas iniwan kaming dalawa ni Carl.
“Kainis talaga ang matandang iyan.” Napalingon ako kay Carl na masamang tiningnan ang matanda.
“Bakit naman?” Okay~ hindi ko dapat itanong iyon. Na-gets ko naman kung bakit eh.
Pasalampak na humiga ako sa aking kama at inalis ang belo sa ulo ko. At pinaypay iyon sa sa aking mukha. Kaloka itong nadiskubre ko.
“Sinong hindi maiinis sa matandang iyan? Parating binubugbog si Paulo `pag may topak. Kilala iyan dito sa bayan namin eh. Lasenggero, sugarol, labas-masok sa kulungan at minsan nga pinaghinalaan na nga namin na baka siya `yong mamatay tao eh. Nalaman ko kay Paulo na parating gabi na iyan umuuwi sa kanilang bahay—lasing! Hindi naman siya ganyan dati eh pero nang iwan siya ng kanyang asawa ay naging ganyan na iyan.”
Iyon ang huling sinabi ni Carl na nagpagabag sa akin. Bumalikwas uli ako tas kinuha sa pinagtataguan ko ang laptop at pinapanood ang CCTV footage. Ilang minuto din ako nagmatyag sa kinikilos ng mga tao doon sa footage. Napalis ang tingin ko sa monitor ng laptop ko ng marinig ko ang click sa pintuan.
Namimilog ang mata ko ng makita ko si Father Noel na pumasok sa kwarto ko. Dafuq? Pano niya nabuksan ang pinto kung nakalock iyon?
Mabilis na kinuha ko iyong baril ko tas tinutok sa kanya. “Whoa!”
Sigurado talaga ako sa lalaking ito eh. “Hindi ka na talaga nadala, Father. Kakalabitin ko na talaga itong baril ko, sigurado ka na pari ka?”
Pero imbes na sumagot ay nagtanong siya sa akin. “How’s your investigation?” Akmang lalapit siya pero pinigilan ko siya.
“Huwag kang lalapit dito! At anong pinagsasabi mo ha?”
“Come on, Lexa, I know now that you’re a secret agent. Someone hired you here para mag-imbestiga tungkol sa isang killer na umaaligid dito.”
Muntik ko ng mabitiwan ang  baril ko nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin. Iisa lang ang lalaki na tumawag sa akin ng gano’n but I know na hindi siya iyon despite na may pagkapareho ang boses niya sa lalaking iyon ay imposibleng siya iyon dahil sa hitsura niya. Besides, mas matangkad siya at mas malaki ang pangangatawan kesa sa Ex ko.
Ayaw kong banggitin ang pangalan ng lalaking iyon. Shit.
Parang may bikig sa lalamunan ko na kay hirap alisin. Bwisit talaga, gusto ko ng makalimutan ang lalaking iyon tas parati ako pinapaalala ng lalaking kaharap ko sa walanghiyang ex ko!
“Iyon naman pala eh. Alam mo na, kaya kung maari lang sana huwag mo akong guluhin sa trabaho ko, makakasalang pari. Madiin na tawag ko sakanya niyon. Patindi na patindi ang hinala ko sa kanya. Sigurado na ako ngayon na hindi siya pari.
“Huwag kang mag-alala, Sister Alexa,wala naman akong balak na masama sa`yo. Meron kasing nag-iwan ng box na ito sa labas ng simbahan at nakasulat dito na para sa`yo daw ito.”
Ngayon ko lang napansin na may hawak pala siyang box na naka-ribbon pa. Kanino naman nanggaling? Malayo pa naman ang birthday ko ah `di bale na nga. Hindi binibitiwan ang baril na kinuha ko iyong box sa kamay niya. Masama na tiningnan ko siya, hindi kasi siya umaalis eh.
Binaba ko iyong baril ko sa gilid ng kinauupuan kong kama at mabilis na binuksan iyong box.
What the—? Sobre lang naman ang laman niyon ah.
Daling-dali na binuksan ko iyon. Napasinghap ako nang makita ko ang laman niyon. Picture ko ito! Ang isang picture ay nakunan iyong naliligo ako sa banyo, ang pinagpasalamat ko na lang ay nakatalikod ako niyan!
Bigla ko iyon nilumukos at itinapon.
“I’m going to kill him!” Matalim na ipinukol ko kay Father Noel. “Papatayin talaga kita, Noel!”
“Anong problema mo? Wala naman akong ginagawa ah.” Pinulot niya iyong picture ko tas biglang napasipol. “Nice back, Lexa.”
“You asshole! Huwag kang mag-maangan alam ko na ikaw ang may kagagawan niyan!”
Tumayo uli ako at binawi iyong picture.
“Inosente ako diyan, Sister Alexa.” Mukha naman nagsasabi siya ng totoo.
“Tse! Bwisit!” nagtungo ako sa banyo ko at ininspection ko iyon and there! Tinabing ko iyong  maliit na kurtina na nagsisilbing pantakip sa window blade, siya iyong isang blade pero gano’n may ay natatakpan iyon sa labas ng mayayabong halaman. Shit. This is so fucking shit!
I hate it!
Napupuyos na ako sa galit!
At ang loko, may balak pa na ako ang susunod na target niya! Ha!
Mali siya piniling bibiktimahin, ako si Alexa Del Rosario, walang inuurungan. May nabubuong plano sa isipan ko. May posible na ang salarin na iyon ay malayang nakakapasok dito sa kumbento dahil hindi niya ako makukunan ng ganitong picture kung hindi eh.
Sumipol pa si Noel sa akin kaya bumaling ako sakanya. Prenteng nakasandig siya sa frame ng pintuan ng CR ko.
“Lumabas ka nga!”
Lumapit ako sa kanya at inilagay ang palad ko sa malapad niyang dibdib at itinulak palabas ng banyo hanggang doon sa pintuan ng kwarto ko.
Nahagip ng paningin ko iyong kwentas na sumungaw sa white shirt niya. “Oi, Father Noel, ngayon ko lang napansin maliban pala sa cross ay may accessories ka pa—“ Akmang kukunin ko iyon pero tinalikuran na niya ako.
Aba’t ang selfish naman niya! Titingnan lang naman iyong kwentas eh! Grr!


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^