Saturday, October 18, 2014

My Ex is a Secret Agent: Chapter 14-18


:Chapter Fourteen:

Pagkatapos kausapin ni Noel iyong chambermaid o kinausap ba talaga o nilandi? Ewan sa dalawang doon. “Tapos ka na lumandi?”
“Trabaho lang ang ginawa ko.”
“Right. Trabaho. From the word TRABAHO ay kasali ba doon sa paglandi?”
Sumungaw ang pilyong ngiti na minsan ko lang makita. “Why? Are you jealous? Kung hindi ko lang alam na patay na patay ka kay Damon ay baka isipin ko talaga na nagseselos ka.”
“Hindi ako patay na patay sa kanya and I am not jealous!”
“Kinausap ko lang iyong chambermaid para maipuslit ko doon sa pillows iyong maliit na recorder. Natapunan daw kasi ng tsaa 'yong unan kaya papalitan niya.”
Ah, yon lang pala.
Teka ba’t ba nakahinga ako ng maluwag? Ewan!
Shit lang.
Sinulyapan ko si Noel na tumawag sa baba para um-order ng makakain. Pagkatapos niyon ay humiga siya sa king size bed.
Nameywang na humarap ako sa kanya. “Huwag mong sabihin na dito ka matutulog?”
“Ano bang klaseng tanong iyan? Siyempre. Isa lang ang kinuha kong room dahil mas mabilis ang proseso ng pag-check in. Besides, wala naman masama kung magkasama tayo sa iisang kwarto we’d done this before.” Makahulugan na sabi niya, namula ang mukha ko.
“Hindi ko ginusto iyon!”
“But your moan said otherwise.” He said, smugly.
“I was drug, you idiot!” Inirapan ko siya, naglakad ako patungo sa cordless telephone. Tumawag ako sa ibaba para um-order nang makakain, kanina pa nagwilga iyong tiyan ko sa gutom. Sinulyapan ko si Noel.
Since mabait naman ako ay isinantabi ko na lang ang inis na naramdaman sa kanya. For some reasons, kapag inis ako sa lalaking ito ay agad din humuhupa.
“Anong gusto mong kainin?”
Bahagyang nagulat pa siya nang itanong ko iyon sa kanya pero agad na nawala iyon. Tiningnan lang niya ako at hindi sumasagot. “What? Ayaw mong kumain dahil kung hindi ako na lang ang kakain.”
“Hawaian burger and beer in can na lang, thanks lexa.” Sagot niya tas nag-iwas nang tingin.
Tsk. Para naman kakagatin ko siya!
Pero teka, Burger and beer? May pagka-Damon din ang lalaking ito!
Kapag tinatanong ko kasi si Damon noon kung anong gusto niyang kainin ay puro burger o beer ang gusto. Ah! Nababaliw na ata ako!
“Burger talaga? Hindi ba pwedeng mas healthy food ang kainin mo? Ako na nga lang um-order para sa'yo!” Sabi ko sa kanya, kahit alam ko na hindi na nakikinig sa akin si Noel.
Bago ko pa ideal 'yong number sa baba ay sa gilid ng mata ko ay tiningnan ko si Noel na may isinaksak sa tainga ang earphone. Malamang nakikinig sa usapan sa kabilang kwarto. Sumeryoso ang anyo niya, hindi ko mapigilan na hagurin siya.
Syet! Ba’t ba tinitingnan ko ang lalaking iyan?! Tigilan mo na iyan, Alexa! Hindi siya sa Damon, okay?!
Um-order ako ng beef stroganoff, vegetable salad, rice at etc. At pagkatapos kong um-order ay binalik ko na sa side table ang telephone. Nakapameywang na humarap ako kay Noel. Mukhang seryoso ata ang pinapakinggan niya. Ay ano iyan?
Dirty talk ba?
Ha! Para naman alam ko!.
Lumapit ako sa kanya, tas hindi ata niya namalayan iyon kaya nakinig ako sa pinapakinggan niya.
“Hindi ko na kaya ito, Mike. Sawang sawa na ako sa buhay na ito!” Huh? Mike? Who’s Mike? Hindi ba silang dalawa lang sa loob ng kwarto? So pano nagkaroon Mike diyan?! Ah, siguro code name lang iyon.
“Bullshit, marian! Nandito na tayo, there’s no turning back now. At isa pa, wala naman nakakaalam na kasali tayo sa isang sindikato!”
Boses iyon ni Damon but somehow ay tila nagbago iyon pero sure ko sa kanya iyon.
“Hindi sana mangyayari ito eh kung hindi ka um-oo sa taong iyon! Sana…sana hangang ngayon ay buhay pa sana si Da—“ Pinutol ni Damon iyong sasabihin ni Marian. Oh gosh. Parang puputok ang ugat sa sintido ko sa narinig. Hindi ko talaga inaasahan na magagawa talaga ito ni Damon! Ang lalaki na mabait, sweet, caring at ang tao na minahal ko noon ay ganito na pala!
“Shut up! Who care’s if he’s dead? Mas mabuti na iyon! Lahat na lang ay nakukuha niya! Kaya tumigil ka na diyan okay? HUwag mon a siyang ipaalala sa akin! Bukas na bukas ay magkikita tayo kay boss para kunin ang drugs na pinapakuha niya sa at—“ Naputol iyong linya nang ilayo ni Noel iyong nakasuksok na earphone sa kanyang tainga. Stingy!
“Hindi pa tapos iyong pag-uusap nila.” Angal ko. Kahit na naging parte sa buhay ko si Damon ay hindi ko mapapatawad ang ginawa niya. Now I know he was part of illegal drug dealer ay sisiguruhin ko na makukulong siya. Kahit na nalulungkot ako.
“I know. Alam ko na kung saan sila magkikita n’ong isa pang drug dealer.”
“So what now?”
“Tinext ko na ang squat team para maghanda sa lokasyon kung saan saan ang bentahan ng drugs.”
“Ano?!” Gulat na bulalas ko. “Pano hindi ako nainform nito?!”
“Because you’d been lazying these past few days? But since you’d done a great things like putting a cctv camera ay may matibay na akog ebidensya sa kanya. If you want you can see for yourself.” Iniharap niya ang monitor ng laptop niya tas nag-browse siya and click a video icon na ni-record niya. Nandoon si Damon sa isang sofa, nakaupo. Sa harap niya ay may dalawang attache case. Ang isa ay puno ng pera and isa naman ay shabu ata.
“Napaka-bobo niya. Ang laki talaga ng kompyansa niya na ang babae pala na pinapasok niya ay isang secret agent.” Napapailing na sabi niya.
“Eh sa hindi naman niya alam na agent ako tange!” Pagtanggol ko kay Damon. Eh sorry na, nakalimutan ko saglit na myembro siya sa syndicate 'no!
Naningkit ang mata ni Noel. UH-oh!
Knock!
Oh save me! Tumakbo ako patungo sa pinto tas kinuha na lang iyong in-order ko sa room attendant.
Pagbalik ko ay ganoon padin ang hitsura ni Noel. “Why are you still defending that bastard?”
Inilapag ko iyong dalawang tray sa center table ng sofa. Sinimulan ko na kinain iyong sa akin at hindi pinakinggan si Noel. “Lexa!”
“Ay kabayong butiki!” Nabitiwan ko ang kubyertos sa pagkagulat. Muntik na akong atakehin sa puso! Bakit ba kasi parati niya ako tinatawag na Lexa, huh?! Parang si Damon lang kung magalit! “Huwag ka ngang manggulat! Shit! Sapak gusto mo? Nadumihan na iyong kubyertos ko!” I heard him grunt then rub his nape.
“Shit!”
Napalunok ako. Ganoon din ang gesture ni Damon kapag naiinis. Oh gosh!
Ayoko sanang isipin ito at ayokong maghinala dahil alam ko na imposible iyong iniisip ko. Pero what if lang naman, hindi kaya si Noel ay si Damon?
Posible? They have the same gesture, hilig sa pagkain at higit sa lahat ay ang mata niya!
Napansin ata niya na nakatitig ako kaya nag-iwas ako. “H-hindi k-ka pa ba kakain? L-lalamig na iyang pagkain mo.”
“Huh? Didn’t I order a burger and beer?”
“Huwag ka na nga magreklamo! Hindi iyon healthy 'no! At kung gusto mo ng beer nandoon sa mini bar! Meron doon! Doon ka kumuha!”
“Darn it, woman.” Inis na umupo siya sa upuan sa harap ko tas tahimik na lang na kumain. Ilang segundo ay tumigil siya. “Aren’t you going to eat?”
“As much as I love, man, nahulog iyong kubyertos ko! paulit-ulit la—amp!” Hindi natuloy iyong sinabi ko dahil bigla niya ako sinubuan ng makakain. Nilunog ko muna iyon kinain at uminom bago magsalita.
Oh em ji! Indirect kiss!
“—the hell…?”
“Gusto mo subuan kita?”
“No!” Kinamay ko na lang iyong kinain ko, ha! Minsan wala akong class na kumain at isa pa mas komportable ako na nakakamay.
Ilang sandali ay hindi parin ako makatiis, sinulyapan ko si Noel na kumakain. Left handed siya, kagaya din ni Damon. Mas lalo nakadagdag sa hinala ko. Ba’t ngayon ko lang napansin iyon? Ah, siguro dahil na din kay Damon na nasa kabilang room. Tinawag kasi siyang Mike ng babaeng iyon sa ibang pangalan kaya kung ano-ano na ang iniisip ko but still! It doesn’t change the fact na ang mga gesture ni Noel!
Iisa lang ang paraan para malaman ko!
Pagkatapos kong kumain ay iniwan ko muna siya sandali tas naghugas ng kamay.
 Paglabas ko sa banyo ay nandoon parin sa inupuan si Noel. Ang bagal kumain! Ilang oras kaya niya matapos iyan?
Hindi bale, sisimulan ko na ang acting ko.
I unzip iyong zipper na nasa harap ng shirt ko kaya expose iyong cleavage. Mabuti na lang C cup ako! Haha!
Napansin ata ni Noel iyon kaya muntik na siyang mabulunan. “Anong ginagawa mo?”
“Maghuhubad? Gusto ko maligo ngayon, kukunin ko na iyong towel sa closet.”
“Darn it. Nandoon na sa bathroom ang towel! There’s no need for you to strip in front of me!”
“Aba, ikaw pa iyong may ganang magalit? Sino kaya sa atin ang nag-book ng iisang room?” Nakataas ang kila na tanong ko sa kanya. Tiis lang, Alexa, malalaman mo iyong katanongan mo. Kung siya si Damon ay dapat may birthmark siya sa likod niya.
Hindi ko naman natingnan ng maigi iyong likod niya noon kaya kailangan ko makasiguro. Shape na parang w iyong hugis ng birthmark niya. Pano ko nalaman iyon? Aba, minsan naging basketball si Damon noon at hinubad iyong shirt niya kaya kitang-kita ko iyong likod. At isa pa, kapag nakainom na siya ng tatlong can ng beer ay lasing na! Grabe 'no?
Napailing na lang ako. Lumapit ako sa mini bar at kumuha ng apat na beer, initsa ko iyong tatlo kay Noel tas sa akin naman iyong isa.
“Bukas pa 'yong usapan nila 'di ba?” Panigurado ko, tumango lang siya tas binuksan iyong beer tas tinungga. Inubos niya iyong isa pero hindi niya ginalaw ang dalawa.
Oh gee, ano ba itong iniisip ko? Para akong eng-eng!
“Oh ba’t hindi mo pa iniinom yan?”
“Hindi pwedeng uminom while I’m on work.”
“Nonsense. Hindi ka naman malalasing unless tama iyong hinala ko.” May bahid na pagduda ang boses ko.
“Kahit na. Kailan e-monitor ko ang kilos nila.”
“Ba’t hindi ka muna mag-break? Ako ang bahala sa trabaho mo.” I smile at him.
“No. Isa lang pwede.”
Naiirita na ako sa lalaking ito! “Isa lang? Don’t tell me, Noel. Madali kang malasing sa tatlong beer? Daig mo pa palang babae eh! Ako kaya ko ng lima!” Parang nasalin ko ang ego niya.
“Hinahamon mo ba ako?”
“Yep!” I chirp.
Ganon na nga ang ginawa ni Noel. Ininom niya ang tatlong beer, nakikitaan ko din siya na tinatablan na siya ng espiritu ng alak. “Now’s your turnnn~ hick!”
Ininom ko nga iyong sa akin, isa lang na bote. Lumapit ako sa kanya. “Sabihin mo sa akin, Damon, ba’t kailangan mo pa magsinungaling sa akin?”
“Ano..hick! I didn’t lie…hick! To you…hick!” Napamura ako, shit! This can’t be happening! All the puzzle na nasa isipan ko ay naitanong pero panong nagbago ang hitsura niya?!
Teka, Mike…parang…ah! Micheal! Iyon iyong nickname ng kaibigan ni Damon! That’s explain it kaya nakipagkita ang lalaking iyon sa binatilyo dahil kapatid nito iyon!
Napahawak ako sa noo ko.
“Hick..am not…hick! Damon! Fuck!”
Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo o hindi dahil kitang-kita ko na ang lahat!
“Fuck you! Niloko mo ako!” Hinampas ko siya gamit ang unan na nakuha ko sa sofa na mukhang kahit pano ay nahimasmasan din ang manloloko!
“What the—shit!, Lexa, you got it all wrong!”
“Oh talaga? EH anong ma-explain mo sa lahat ng pinakita mo sa akin? If you’re not Damon then who the bloody are you? Sigurado ka na ikaw si Noel?” Napupuyos na ako! Bwisit! Hangang ngayon manloloko parin siya!
“I’m Noel.” Pilit parin niya.
 “Ows talaga?” Mas lalong lumapit ako sa kanya, walang kiminig hinila ang kwelyo niya para makatayo. Tinaas ko iyong laylayan ng shirt niya. “Akala mo ba na maloloko mo ako?! Eh ipaliwanag mo nga ang birthmark na ito…!” Nang tiningnan ko sa likod kung saan dapat naka-locate iyong birthmark. Parang umurong iyong dila ko.
damn it!
:Chapter Fifteen:
Namilog ang mata ko. No!
Gusto ko ng malubog sa hiya dahil sa ginawa ko! Bakit naman kasi padalos-dalos ako? Ayan tuloy ang napala ko! Walang birthmark si Noel! Pero paano niya `yong lahat ng sign na siya si Damon? Kinuyom ko iyong kamao ko, kung ano-ano na kasi ang iniisip ko eh! Kaasar!
“You were saying…hick?” He smirk.
Tinirik ko muna ang mata ko bago ko siya tinalikuran. “Whatever, Noel. And I’m sorry sa ginawa ko kanina na pinagkamalan kitang si Damon. Pareho kasi kayo ng kilos at hilig eh.” Nanghaba ang nguso ko sa sinabi. Shit! Nakakahiya!
“You better be…ah shit! Magpapahinga muna ako.” Naglakad siya patungo sa kama at natulog.
Hindi na lang ako umangal dahil may atraso pa ako sa kanya. Pasalampak na umupo ako sa kung saan siya kanina umupo tas kinuha ang laptop. Ilang oras ay inabala ko ang sarili ko, kinuha ko sa bag ni Noel iyong baril tas nilinis. Sinama din pala niya `yong baril ko. Meron kasing tatak na A.R sa gilid ng baril na nagpatunay na akin iyon.
Nilagyan ko ng bala iyon at pagkatapos ay sinulyapan ang oras. Shit. Alas dyes na pala ng gabi and then I look at the monitor. Hindi pa sila lumalabas ng room, ito kasi `yon naka-fully access kami sa CCTV dito sa hotel. Kahit gustuhin ko man matulog ay hindi pwede dahil kailanan ko bantayin `yon dalawa at isa pa paano naman ako makakatulog eh may nag-occupy sa kama!
Ang ang mokong ang lakas maghilik!
Tumayo ako at nilapitan si Noel. Sasapakin ko na sana para magising eh kaso nga lang hindi ko magawa dahil parang may pumipigil sa akin.
Ang gwapo talaga ng mokong!
Nangigil na kinurot ko iyong mukha niya na ikinagusto ng mukha niya. Parang ayaw naalimpungatan kaya naman ang ginawa ko ay binitiwan ko na ang pisngi niya na namumula. Dumistansya. “Ano ba itong ginagawa ko? First pinagkamalan ko siya si Damon tas naman kinukurot ko ang mukha? Ew!” Bulong ko sa sarili, bumalik sa kinauupuan at binalik ang buong attention sa monitor, isinuot ko din iyong earphone sa tainga ko tas nakinig kung may pa-uusap sa kabilang kwarto.
“I heard that you finally meet her again.” Boses iyon ng kasama ni Damon na si Marian.
“Who?”
I start fridgeting. Hindi pa pala sila tulog sa mga oras na iyon?!
Alexa Del Rosario.” She said in a duh tone.
“Oh that. What about her?”
“Don’t get me that look, you’re still into her right? So what’s your plan with that woman?”
“I’m planning to court her. Alam mo naman na malaki ang gusto ko sa babaeng iyon noon pa man?” 
“Kung ganoon naman pala bakit kaya iniwan mo ako? Buwisit!” Mahinang sabi ko, kahit na alam ko na hindi niya ako maririnig.
“Kaya nga nagawa ko ito, I killed him for the second time. Hindi mamatay matay ang gago!”
“Second time?”
“Yeah. N’ong hindi pa sila magkakilala ni Alexa, tinangka ko na siyang patayin dahil nakakakulo na siya sa dugo sa akin! He always have a\everything while me ay wala! N’ong malaman ko na nakaligtas siya sa sunog ay malaki ang paghihinayang ko. Pero hindi ko na sana ulit tatangkain ang buhay niya kung hindi kay Alexa. Kaya binaril ko siya sa dibdib. Sigurado ako patay na siya, I even throw him in the pasig river.”
Sapo ang noo ko, oh my gosh! Pinatay niya si Damon?!
Naramdaman ko ang pamamasa ng mata ko, he killed him!  
No!
My hand was shaking with disbelief. He was killed? Napalingon ako kay Noel. Alam ba niya iyon? Alam ba niya na patay na ang totoong Damon? Kaya ba niya sinabi sa akin na malaki ang kinalaman ko dito? This is bullshit! All these long, I’d been hating Damon for more than two years tas malalaman ko na lang na patay na siya!
“I see. Selos lang pala! Men, gagawin ang lahat para lang makuha ang gusto! Shit! Haha!”
Marahas na inalis ko iyong earphone. Doon na tuluyan bumuhos ang mga luha ko. Narinig ko na mahinang tinawag ako ni Noel na kakagising ata.
“Alexa. Ba’t hindi ka pa tulog?” Aba, ang kapal! Kanina napahiya ako sa kanya dahil napagkamalan ko siyang si Damon pero deserve pala niya ang hampas na iyon! Nang bumaling ko sa kanya ay gumuhit ang pag-alala sa mukha niya. “Why are you crying?”
“Kailan mo pa alam na hindi si Damon iyong lalaki na target natin?” Paos na tanong ko sa kanya, hindi man lang pinagkaabalahan na tuyuin ang basang pisngi at mata. Sigurado ako na pangit ako tingnan dahil pulang-pula na ang ilong ko, namamaga na din iyong mata ko!
Ang inaantok niyang mukha ay biglang nagbago, napalitan ng pagkagulat. That’s it. “Paano mo…”
“Paano ko nalaman? Simply lang! Nagkataon na narinig ko ang pag-uusap nila! Ano pa ba ang inililihim mo pa sa akin, ha?”
“Let me…”
“I don’t need your damn explanation! How dare you  hide it from me na patay na pala si Damon!” Nanginginig ang labi at kamay ko. Parang gusto ko magwala! Isa pa na ikinagalit ko ay partner niya ako sa mission na ito tas itinatago niya ito sa akin! How dare him! I deserve to know it. “H-hindi ko alam…all this time, I was fooled of thinking he betray me tas wala pala siyang balak na hindi ako siputin sa kasal!”
Naramdaman ko ang pag-higit niya sa braso ko pero pumiksi ako. “No! Let go of me, you jerk!” Pero masiyado siyang malakas kaya `di ko maialis ang kamay niya sa akin and pull me against his body.
“I’m…I’m sorry. I’m sorry.” Pinagbabayo ko iyong dibdib niya sa galit.
“Shit! I hate you! And I hate that bastard! Papatayin ko siya! Let go!”
“Damn it, Alexa! Tumigil ka. Maghintay ka sa tamang panahon! Kapag padalos-dalos dahil baka mabulilyaso ang plano natin! My brother…wouldn’t want to see you like this. May tamang panahon, Lexa!”
Natigagal ako. Ano? Tama ba akong narinig my brother?
“Anong pinagsasabi mo?!” Tinulak ko siya ng buong lakas. “Brother? Excuse me, I know everything about Damon! At wala siyang kapatid! Nag-iisa lang siyang anak ng mga mag-asawang Woodson!”
“Dahil…dahil hindi naman siya talaga Woodson! Lumaki kaming dalawa sa ampunan dahil namatay ang magulang namin. Walang pamilya ng magulang namin ang umako sa amin kaya dinala kami sa ampunan. Nakahiwalay kami n’ong ampunin siya ng mga Woodson at ako naman ay sa mga Dela Varga…” Nagbaba siya ng ulo at umiwas sa titig ko.
Oh my goodness! Ang sakit na nang ulo ko sa nalaman. Ang dami kong natuklasan! Una patay na si Damon tas ngayon naman kapatid?!
:Chapter Sixteen:
Nasa tuktok na kami ng building nang Hotel nang biglang bumaling sa akin si Noel sa akin. Ngayon gabi na ito ay kung saan ang usapan ni Mike at Marian, mahirap na daw kung sa umaga sila magbentahan dahil baka may makakita na ewan.
“Okay ka na ba?” Tanong ni Noel sa akin. Tumango na lang ako kahit na hindi naman. Kinuwento niya ang lahat sa akin pero hindi parin ako makapaniwala na kapatid pala sila ni Damon! That’s explain it why they have similarity between the two of them. Mas matanda ng one year si Damon kay sa sa kanya.
“Pero huwag mong isipin na pinapatawad kita sa ginawa mo.” Inirapan ko siya.
“I know and I’m sorry.” Parati na lang sorry sorry!
“Oh shut it. Pagtuonan muna natin ang mission natin. Doon ka sa kabila magtago, hintayin na lang natin na dumating silang dalawa. Sinuot ko ang webbing tas kinabit `yong doon at tinali ng mahigpit sa isang pole iyong dulo ng cord para malumbitin ako sa baba. Oh gee, nasa 10th floor kami ang taas, kung may takot lang ako sa height ay baka mahimatay ako but too bad I’d been train for it kaya walang-wala lang ito.
Wala rin naman ako choice `no dahil dito pa talaga sa rooftop ng building ng hotel ang usapan nila! Naka-standby na din ang ibang squad team, mayroon din helicopter sa himpapawid na nasa malayo pero gano’n pa man ay mabilis `yon makapunta dito kapag binigyan na ng signal.
“Be careful!”
“Whatever, Noel Dela Varga.” Sinuksok ko sa holster sa beywang ang baril muna bago ako mahina na bumaba sa kinatayuan na balustre, I was hanging myself like a spiderman.
Mahigpit ang pagkahawak ko sa cord gamit ang kaliwang kamay ko at ang isa naman ay hinugot ang night vision goggles at sinuot iyon. Hindi kasi gaano maliwanag dito. Sa pagkakaalam ko ay darating ang ka-deal ni Mike gamit ang helicopter din kaya nagsuot ako ng tight black suit para ma-camouflage ako sa dilim.
Para walang sagabal ay tinali ko ng meatbun style iyong buhok ko gamit ang matulis na chopstick.
Any minute ay nandito na sila.” Sabi ni Noel sa kabilang linya.
“I got it, Noel Dela Varga.” Itinirik ang mata na reply ko sa kanya. I only heard grunt from him then said pero hindi ako `yong kausap niya kundi `yong kasama niya na nasa himpapawid.
Naputol lang `yong linya nang may narinig akong bumukas ang pinto, at n’ong sumilip ako. I saw that bastard, Micheal and the woman na kasama niya. Some friend, huh? Dahil lang sa inggit at selos ay ginawa niya iyon kay Damon! Mas lalong kumulo iyong dugo ko nang isipin iyon. Kahit na siguro hindi kami nagkatuluyan ni Damon ay hinding-hindi ko siya magugustuhan!
“Akala ko ba nine-thirty na ng gabi ang usapan?” Reklamo naman ng  babae.
“Nandito na iyon...” Napatigil ang hinayupak sa pagsasalita dahil narinig na namin `yong tunog na palapit na helicopter. Nagtaas ako ng tingin, isang private helicopter, lumilipad parin iyon nang makalapit na iyon sa tuktok ng rooftop. Bumaba ang ladder at may tatlong lalaki na naka-itim na business suit ang bumaba. Nang makaapak na `yong paa nilang tatlo sa sahig ay sinalubong naman sila ni Micheal at Marian.
Bawat sila ay may hawak na brief case na alam ko na drugs at milliones din ang laman!
“Dala niyo ba?” Tanong naka-men in black.
“Oo. Eh ang pera?”
Binuksan n’ong itim na kalbo iyong dala niyang brief case na laman ng pera. Shit! Ang dami!
Ganoon din ang ginawa ni Da—I mean Micheal. Pinakita niya ang sankaterbang shabu! Walanghiya talaga, ginamit na nga ang pangalan at mukha ni Damon tas sinisira pa niya ang reputasyon nito!
Now.” Iyon na ang signal ni Noel tas hinablot ko ang baril sa gilid. Walang kimi na binaril ko sa tuhod si Micheal.
“Fuck!”
“What in the world?!”
I swing myself back and forth and when my feet landed on the wall I used my whole stregnth to swing in the highest na tila trappist lang sa circus. Mabuti na lang naglanded ang paa ako safely, although, nanginginig ang paa ko dahil sa lakas ng paglanding ko.
“Walang kikilos kung hindi ay baka magaya kayo ng gago na iyan!” Tinutok ko ang baril sa kanila. “Ngayon na!” Sigaw ko pero hindi sila `yong tinutukoy ko kung hindi si Noel na kakaakyat lang din. Pinutok niya sa langit iyong baril tas hindi nagtagal ay may dalawang helicopter na lumapit sa direksyon namin, pinalibutan iyong isang helicopter na kasama.
“Boses na iyon…”
“No! No! This can’t be! Ayokong makulong!” Tili ni Marian, dahil sa asar ako ngayon ay pinutokan ko siya pero daplis lang kaya napahagulgol siya. Nagtangka na barilin ako pero mabuti na lang maagap na niligtas ako ni Noel. Pinutokan niya ang baril na hawak ng mga ito.
Si Noel na ang bahala sa tatlo habang ako naman ay sa dalawa. Madilim ang mukha na palapit sa kanila. “Kamusta, Damon?” Inalis ko `yong goggles sa mukha ko, namilog ang mata niya.
“Alexa?!”
“The one and only, Damon, ah no or shall I call you micheal?” I smirk.
Pinaikot-ikotan ko siya habang nakatutok parin sa ulo ni Micheal ang dulo ng baril ko. One wrong move and he’ll be dead. “Why are you doing this?”
“Wow, pre! Why am I doing this? To answer that simple question, asshole. I’m a secret agent, I do things beyond your expectation. My boss gave me this mission to capture people like you who sell illegal drugs. Gee, alam mo ba na hindi ko pinaniwalaan noon na isa ka palang drug pusher? Akala ko kasi pinagbintangan ka lang. Thought you were good but I was wrong. All along you are not Damon, you killed him!” I strike him in the head gamit ang baril ko. Napaigik siya at nagkaraon ng sugat sa ulo kaya umagos ang dugo mula doon.
“P-pan…”
“Pano ko nalaman?” Ngumiti ako sa kanya, ngiting hindi umabot sa tainga ko. “I heard it yesterday. Matagal ka na namin minamanman. Now we have bigger evidence na dakpin ka ay bye bye. Kung ako lang masunod ay papatayin na kita.”
“No! No! This is bullshit!”
“Alexa.” Lumapit sa akin si Noel. He handed me the two cuff but I don’t think that Micheal need to cuff his hand because it was no used for him to escape from us especially in his condition.
Si Marian na lang `yong nilagyan ko ng cuff tas pilit na pinatayo. “I’ll kill you if you don’t do as I say.” Banta ko sa kanya. Hindi kumibo ang babae bagkus na nakatitig lang sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay. “Or do you want to get kill in excruciating agony, bitch?”
Nahindik naman siya sa takot nang itinutok ko ang baril sa kanya.
“Tama na iyan, Alexa. We need to bring these five to interrogation room.”
Hindi tumitingin kay Noel na nagsalita ako. “Saan naman? Sa amin o sa inyo?”
“Of course sa amin sila sasama. Huwag ka na din mag-alala sa pera dahil nandoon na sa banko mo ang pera dahil sa pagtulong sa akin.”
“Bastards! You will never get away from our boss!” Sabi nang black american.
Tumango ako kahit na labag sa kalooban ko parin. Lumanding na din `yong helicopter na gamit ng tatlong men in black at `yong dalawa naman sa amin ay lumilipad parin sa ere. Pinababa ni Noel ang piloto tas pinusasan. Para makaiwas sa mga tao na nasa hotel ay ginamit namin `yong fire escape ladder.
Wala rin kami nagawa kundi itali na lang siya sa cord kahit ayaw nito. Aba, reklamo na? Pasalamat na hindi ko pa siya pinatay!
“Fuck! I can’t go down there! You fucking shot my legs!” Reklamo ni Micheal.
“Shut the fuck up, Micheal. Ang dami mong reklamo!” Singhal ni Noel dito habang inalis ang goggles. Nang mapabaling si Micheal dito ay napaawang ang labi niya nang makita ang mukha ni Noel.
“I-ikaw!” Namimilog ang mata niya.
“Ako nga, Micheal.”
“No! K-kasa—“
I didn’t let him finish his word because I had push him at deretsong nahulog mula sa tenth floor, maswerteng na nakalumbitin siya at hindi tuluyan na bumangga ang ulo sa lupa kung hindi ay patay na. Nahimatay lang siya sa tindi ng takot.
            Sayang!
Bumaba na din kami, may mga kasama na ni Noel na nakaantay sa baba kaya hindi makakatakas ang lima ay apat pala kung gustuhin man nila.
“Nice work, Noel!” Salubong ng isang magandang babae, bigla na lang siyang niyakap nito ng mahigpit at ako naman ay nagulat.
“Err. Thanks, misty,  but I’m not the only one who completed this mission.” Bumaling sa akin si Noel, parang wala lang sa kanya ang pagkayap sa babaeng iyon.
“Oh of course! Ba’t ko naman makakalimutan iyon na may tumulong sa`yo.” Humarap sa akin ang nagngangalan Misty tas lumapit ako sa akin. Hindi ko maiwasan na mapasulyap sa right hand niya na may wedding ring. Teka, kasal na ito then don’t tell me na kasal sila ni Noel? That’s explain it pero ba’t walang wedding ring si Noel? “You must be Alexa?”
Sa naisip ko ay pakiramdam ko parang may ngumangatngat sa dibdib ko. Hindi ko pa naman siya gaanong kilala at sa mukhang matanda lang sa akin ng dalawang taon si Noel at isa pa nasa tamang edad naman siya na magpakasal pero agh!
What the heck was I thinking?
“Yes. Isa pa, obligasyon ko naman na tulungan siya dahil may atraso ako sa kanya at binabayaran rin naman ako dito.” Napapasulyap ako kay Noel. “Mrs. D—“
“Misty Ariz but you can call me Misty.”
“Ariz?”
“Oo baki…” Natigil siya sa pagsasalita na tila nakakaunawa sa sinabi ko. Tumawa siya ng mahina tas pinapat ako sa `di malaman. “Haha! No need to fret, dear.” Inilapit niya ang bibig sa tainga ko at bumulong. “We’re just friends kaya nakakasiguro ako na hindi mo ako karibal.”
Namula naman ang mukha ko. “No, you got it all—“
“Susme! Alam ko na ang ganyan style pa-wala wala lang pero ang totoo niyang tumitibok na yang puso mo sa kanya hehe” Paano niya nasasabi iyan eh hindi pa nga kami magkilala tas kung magsalita sa akin ay parang best friend kami for one year o higit pa doon.
“No. Nagkakamali ka lang na akala, Misty. Akala ko lang kasi na kasal kayo kasi ang lapit na lapit kasi ninyo.”
“Ganoon?” Hindi naniniwala na tiningnan ako pero hindi na lang nagsalita.
Good. Dahil hindi ako MAGKAKAGUSTO sa KAPATID ni DAMON! Even I know now the reason why Damon didn’t show up in our wedding, still doesn’t chane a thing that I promise myself I won’t fall in love.
“Yes. Anyway I have to go, my uncle’s expecting me to report on what happened today.”
“You have to? Say, why don’t we celebrate your success? Libre ni Noel!”
“Misty naman! Ang lakas mong ma-announce na celebrate tas ako `yong pababayarin mo?” Naasar na sabi ni Noel sa kanya. Parang atat na atat na makaalis ah. Siguro ayaw na akong makita. Ganoon naman iyon, we don’t like each other from the beginning kaya ba’t pa niya patatagalin na makita ako?
“Ah huwag na kayong mag-abala at isa pa, alam ko na gusto na din magpahinga ng lalaki na iyan at ako naman err…mag-celebrate na lang kasama an friends ko. Oh siya aalis na ako.” Tinawag ako ni Noel pero hindi ko na siya pinakinggan dahil mabilis ko sila iniwan.
:Chapter Seventeen:
Naglalakad sa pasilyo while chewing her strawberry flavor bubble gums, hindi ko maiwasan na mapasipat sa painting na nasa pader, pinalitan `yon. Ngayon ay nakaukit sa kwadrado ay isang asul na phoenix. Ang iba naman kasamahan ko naman ay mukhang may pinagkaabalahan na wala ng oras na makipag usap sa akin.
Napatigil ako sa harap ng pinto ng office ni Tito. Tinangka ko buksan `yon pero hindi bumukas. Napansin ko na bagong pinto ito, iyong last ako nagpunta dito ay hindi naman ito parating lock pwera na lang kung wala si Tito.
Kumatok na lang ako.
Pero imbes na boses ni Tito `yong narinig ko ay boses ng pamilyar na babae ang narinig ko. “Come in.” Pumasok na ako, nakakunot ang noo ng makita sa loob si Mrs. Hanazawa, ang kaibahan na ngayon ay nakasuot na siya ng business suit and oddly wear a strange half mask.
Anong ginagawa niya dito? Why was she sittin my uncle’s chair?
Well, wala naman problema doon pero hindi ba’t nandito ngayon si Tito dahil working days ngayon?
“Ah…” Wala akong masabi kasi naman naguguluhan ako!
“Confused?” she smirk.
“I don’t want to be rude but what are you doing here, Ma’am?”
“Hindi ba sinabi sa`yo kahapon ng tito mo?”
“Sinabi?”
“Inilapit ko na siya sa ibang branch ng PHOENIX EMBLEM  Agency na nasa Austrilla. Starting now I’ll be your new boss. So, Ms. Del Rosario, what brings you here?”
“Ah nandito po ako para e-report na tapos na `yong mission ko.”
“Great. Good job, Ms. Del Rosario. Anyway there’s something I’d like to tell you, since I will be handling this PHOENIX EMBLEM  Agency main branch ay lilipat tayo ng headquarters. This place doesn’t suit my likings, old fashion and to think na ang ibang branch nito ay mas modern kesa dito na.”
Magbabago ng location? Mas sanay ako dito dahil hindi malayo sa bahay ko, naku naman.
“Gusto ko sabihan mo ang ibang secret agent.” Tumango ako, mukhang magkakaroon ng MAJOR PAGBABAGO sa PHOENIX EMBLEM  Agency. Pero bago pa ako umalis sa office ay humingi ako ng vacation for one and half week lang at pumayag din naman siya. Lumabas ako na bitbit ang maraming cards na may location sa bagong headquearters. Hindi rin ako nahirapan na sabihan ang iba dahil hindi naman kami kadami dito. Isa na lang ang hindi ko pa nasabihan kundi si C.M.
“Dana.” Tawag ko kay Dana nang makasalubong ko siya.
“Yo, Alexa!” Maaliwalas na bati niya. “Meron na naman drag racing ngayon gabi, gusto mo sumali uli?” Oh. Na-miss ko na din iyon ah. Mabuti na lang naipaayos ko na `yong baby girl ko at nasa condition iyon para na mag-race.
“Sus alam ko na kung bakit mo ako niyaya dahil pagpupustahan mo na naman ako `no?”
“Of course! Sayang naman kung hindi ko e-take advantage iyon. So ano na, Sali ka?”
“Oo naman basta hatian mo ako sa kita mo, sayang din iyon.”
“Nge! Huwag na may premyo ka naman matatanggap eh!”
“Dana, alam ko na mas malaki iyong panalo mo sa pusta kaya manlibre ka o hindi?”
Wala rin naman siya magagawa kundi umuo. “Ah nga pala, nakita mo ba si C.M?”
“Si Cedric Madrigal?”
“Ay hindi! Si Cedric Madrigal lang.” Iyon kasi ang buo ng pangalan ng lalaki.
“Nandoon oh! Mukhang kasama na naman niya `yong kliyente.”
“Hey! Cedric! Cedric! Hello? May momo ba diyan? Makinig ka naman!” Isang chinita na babae na humahabol sa binata, agad ko din naman nakilala kung sino ito kasi naman, sino naman hindi makakilala sa kanya na isang actress? Siya si Maxine!
 Halatang bad mood si Cedric. Tatawagin ko na sana si Cedric tungkol sa palilipat ng headquarters pero hindi ko natuloy dahil bago ko pa siya matawag ay humarap na siya sa babae na humahabol dito.
“Woman. Can you just stop pestering me for a day?”
“No! I’m still your employer `no. Hindi ako mag-sorry sa`yo sa ginawa ko kagabi.”
“Oh em ji, friend, si Maxine ba iyon? Iyong sikat na artista? Oh yes! Magpapa-autograph ako!” Pinigilan ko si Dana na lumapit dahil mukhang hindi maganda wala sa mode ang dalawa na mag-entertain ng tao.
“Mamaya ka na sumingit sa dalawang iyan. Anyway, aalis muna ako dahil magpapahinga muna ako. Pakisabi na lang kay Cedric na lilipat ng headquarters tayong lahat. Heto ang location.” Ibinigay ko ang card tas nagpaalam na sa kanya.
*
 Chineck ko muna ang kotse ko uli mahirap na kasi kung magkaberya `no. Binigyan kami ng organizer ng twenty minutes para maghanda. Sa gilid ng mata ko, hindi ko mapigilan na mapalingon sa nakita. There’s one teenager taking a picture, anong ginagawa niya? Bawal ang mga teenager dito. Hindi sa illegal itong lugar kaso nga lang ay baka may mangyari sa kanya.
“Oh looks who’s back.” A woman, wearing a strapless shirt at short shorts na halos pinakita na ang katawan lumapit sa akin. Karylle.
“Oh it’s you.”
“Yeah it’s me. Nandito lang ako para makasiguro na totoo bang bumalik ka na. Ang tagal mo din hindi nagpakita dito ah.” Hindi kami good terms ng babaeng ito, may galit siya for only one reasons. Natalo ko ang trophy boyfriend niya sa paligsahan iyon lang. Hindi ko nga alam kung bakit eh, we used to be best friends pero tumigil na siya sa pagiging kaibigan ko three years ago sa hindi ko malaman. “Just to let you know, my new boyfriend will win. Alam mo ba na champion din siya sa car racing? Sino kaya sa inyo ang mananalo?”
Hindi ko na lang siya pinansin, nilagpasan at naglakad patungo sa teenager na nagtatago sa poste pero laking dismaya ko na wala na siya doon.
“Hindi pa ako tapos!”
Bumaling ako sa kanya. “Sorry. Did you say something?”
“Why you!—oh well, hindi ko na aaksayahin ang oras ko sa`yo. Oh,  There’s my boyfriend, he’s so hot and oozing with sex appeal! . Unlike you hangang ngayon ay hindi pa naka-move on kay Damon. Hindi na babalik si Damon sa`yo!
Internally, mapait na ngumiti ako. Naalala ko na naman ang nangyari, this time iba na kundi nanghihinayang. Hay, siguro dapat ko na talaga siya nakalimutan! Kung hindi ko lang sana nakilala si Noel eh di sana hangang ngayon ay baka hindi ako magkaganito.
Tumakbo si Karylle sa lalaki. I cuss when I saw who it was. Si Noel!
Girlfriend niya si Karylle?!
At ang malanding ex-best friend ko ay nanguyapit dito at walang babala na hinalikan sa labi si Noel!
Wala ngang asawa pero may girlfriend naman! Ah, why is it I feel something stirr inside me? Hindi ko gusto ito!
Mayroon sinabi si Karylle na ikinalingon ni Noel sa direksyon ko. Surprise na makita niya ako, ha ha? hindi inaasahan na makita niya ako dito?
Hindi ko mapigilan na irapan siya at nagmartsa palayo doon. Pupunta lang sa rest room dito. Sandali lang ako sa loob ng stall at lumabas na din agad pero bago pa ako makalabas ay tinulak ako sa loob ng walanghiyang tao na ito!
“Anak ng tokwa! Bakit ba…”
Nang magtaas ako ng tingin, it was Noel! How in the world—
“Anong ginagawa mo dito?” Deretsong tanong niya. Naningkit ang mata niya na nakatitig sa akin.
“Ako dapat ang magtanong niyan, anong ginagawa mo dito?”
“I’m working.”
“Ha? Working? Ahh…working!” tila nakakaunawa pero hindi.
Hindi niya ata nagustuhan ang tono ng pananalita ko. “I’m on a mission, Lexa. Karylle and I only pretending to have a relationship para protektahan siya sa kanyang ex na hindi matanggap na hiniwalayan siya. Pinagtangkaan na siya ng dalawang beses kaya umupa na siya ng isang secret bodyguard.”
Oh. Akala ko kasi na meron talaga silang relasyon! Aba, malay ko ba? eh katatapos lang ng mission tas meron na naman siya?
Nanatili lang kami tahimik sa loob ng stall at n’ong akmang lalabas na kami sa loob dahil weird na makita sila ng mga tao na nasa CR! Pero may kumatok. “Hey! Bilisan niyo naman diyan!” Boses iyon ni Karylle.
Naku naman!
Ayaw kong malaman niya na magkakilala kami ni Noel dahil baka maghinala siya sa akin. Tiningnan ko naman si Noel na mukhang balak na lumabas na talaga pero pinigilan ko. Hinawakan ko siya sa balikat na naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin.
“There’s only one way…” he said.
Shit. “Do I have to?” Alam ko na kasi kung anong iniisip niya eh.
“Oo.”
“Fine.” I muttered and sigh for a seconds.
“ANO BA?” naiirita na talaga si Karylle! Kinalampag pa niya ang pinto.
“Ahh…Ricks! H-huwag diyann…” Maharot na sabi ko, seriously namumula na ata ang mukha ko! Naalala ko kasi `yong kanta na title wag diyan nakikiliti ako ah basta iyon!
“Sh…” Tinakpan niya ang bibig ko nang muntik na ako bumunghalit sa tawa. Ah, shit! Para akong nakuryente ng maliit na boltahe sa ginawa niya!
“Oh my! Shit! I’m sorry!” Narinig na namin ang papalayong yabag niya. Nakahinga ako ng maluwag. Nagkatinginan lang kaming dalawa ni Noel pero maya’t maya ay bumunghalit kami sa tawa. Ano pa kaya kung makita namin ang hitsura ni Karylle? Shit! Nakakatawa!
Lumabas na kami doon sa rest room habang tumatawa pa din. “Do you still want to continue the race?” He ask me.
“Yes and you can’t stop me dahil may iiyak kapag mag-back out ako. Ano ba kasi ang problema?”
“Wala lang. You’re a girl and girls shouldn’t do something dangerous like this one.”
“Danger? Iniisip mo ba na hindi ako sanay sa delikadong bagay? Noel, I’d been facing a lot of danger at itong drag racing ay hindi exemption. Makapagsalita ka naman parang hindi ka kasali. Oh siya mauna na ako baka kasi kung anong isipin ng girlfriend mo kapag makita tayong magkasama.” I wink at him before I leave.
Limang minuto na lang ay magsisimula na, nandoon na ang lahat ng contestant pwera sa amin ni Noel. Dahil sa pagmamadali na makalapit sa kotse ko ay muntik na akong madapa dahil nakaharang sa paanan ko ang isang bagay. Hindi ko na lang pinansin iyon tsaka pumasok na ako sa kotse. May sinabi ang M.C ng gabing iyon hangang sa nagpaputok na ito sa ere na ibig sabihin ay start. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko si Noel na binuksan ang kanyang bentana ng kotse, magkatabi pala ang kotse namin. Sinenyasan ko siya na magiging LOSER siya ngayon gabi dahil ako ang mananalo!
“Not gonna happen.”
Pinaharurot na namin ang kotse. Kami nga ang dalawang nangunguna eh sa lahat ng player dito. I smirk, hindi niya alam kung sino ang kinakalaban niya! Mas lalo ko pa `yong binilisan at n’ong nanguna ako ng ilang distansya sa kanya ay humarang ako sa daanan niya, pilit siyang lumagpas pero hindi ko siya hinayaan. Ilang minuto ay nanatiling gano’n ang sitwasyon namin pero hindi nagtagal ay bigla ko narinig na sumabog! Pero bago ko malaman kung ano `yon ay parang nawawalan ako ng balanse sa pagpatakbo. Paikis-ikis na `yong kotse ko at hirap na patigilin, lumikha pa `yon na matinis na tunog na ikinangiwi ko.
Nakaapak parin ang break at ilang sandali ay sa wakas ay tumigil din. Mabuti na lang at hindi ako nasaktan dahil maliban sa naka-seatbelt ako ay biglang lumubo sa harap ko `yong air bag para pigilan din ako na mabundol sa break o glass. Nahihilo ako kaya nanatili ako sa gan’on position.
Anak ng tufo naman! Anong nangyari?!
:Chapter Eighteen:
“Saan mo naman balak pumunta?” I stop myself going out from the house when my mother, Raquel, suddenly apeared behind me.
“Ma! Don’t scare me like that!”
Humalukipkip siya at nakatikwas ang isang kilay. Nalaman kasi ng magulang ko ang tungkol sa aksidente dahil sa picture. Oo. Iyong teenager na nakita ko two days ago before nangyari ang aksidente ay nakunan pala iyon at in-aplaud sa social sites kagaya ng facebooks and knowing my mother na mahilig sa facebook ay nakita niya iyon. At agad niya nakilala iyong kotse ko at iyong paglabas ko din sa kotse kaya hayun. Nag-hestirical siya kaya hayun pinauwi niya ako.
Nalaman din namin ni Noel kung sino ang sumabotahe sa kotse ko. Boyfriend ni Karylle, galit na galit ito sa akin at sinisisi sa akin kung bakit hiniwalayan siya ni karylle.
“Hindi ka lalabas, Alexa, dito sa bahay. Is that clear? Aba, hindi pa namin malalaman ng ama mo na sumasali ka pala sa drag race kung hindi ko pa nakita iyong picture mo na naaksidente! My goodness, baka may mangari sa`yo!” I rolled my eyes. I was always been a good girl for them but right now at this moment ay parang gusto ko pagsisihan kung bakit sunod sunuran ako. OA lang kasi eh.
Lahat ng gusto niya ay ginagawa ko except sa totoo kong trabaho at n’ong naging kami ni Damon noon. Hindi sila in good term eh. “Ma, twenty-three years old na ako. I’m not kid anymore.  Kaya ko na ang sarili ko. Isa pa, aksidente lang naman iyon eh.” Hindi na rin namin pinaalam sa kanya o kay papa ang totoo.
“Kahit na, you’re still our baby girl. I don’t want you to get hurt kaya ginawa namin ito sa`yo.”
“I know, Ma, pero exagerated naman ito. I’m not a kid anymore na pwedeng e-grounded mo kapag gusto mo. Hindi naman ako nasaktan eh.”
“But you’re still my baby girl. Ayokong masaktan ka na naman.”
I let out a heavily sigh before I look at her. Kapag ganitong bagay ay nagiging matigas ang ulo nang mama ko. I guess I have to tell her the half truth about myself. “Mama, may gusto akong sabihin sa`yo.”
“Okay. Pero bago iyan ay umupo muna tayo doon sa sofa.” This is it.
*
SA WAKAS napapayag ko din si mama na umalis sa bahay. Naglalakad ako sa pasilyo patuno sa condo unit ko. Pagkatapos nang pagtapat ko kay mama na hindi ako ganoon klaseng anak na iniisip nila. Yes. I didn’t told them that I was a secret agent pero sinabi ko kay Mama na mahilig ako sa mga delikadong bagay na hindi niya ikinagusto. She even warn me kapag sumuong uli ako kagaya ng drag racing at iba pa na delikadong activities ay hindi siya mapapatawad.
As if naman na susunod ako sa kanya. Wala na siyang magagawa pa kung ayaw niya o hindi.
Napatigil ako sa paglalakad nang mapansin ko na nakabukas iyong pinto ng isang room na ipinagtaka ko. Sa totoo lang, dito sa fourth floor ay ako lang ata ang nakatira dito. Wala pa kasing nakakabilis sa condo dito pwera sa akin kaya naman solong-solo ko itong buong floor pero ngayon mukhang magkakaroon na siya ng bagong kapitbahay. Marahan kong sinara iyon, baka kasi nakalimutan ng may-ari na sarhan iyon, saka ako dumeretso na sa sariling condo.
NOEL’s POV
“Sigurado ka na ayaw mo ng magtrabaho dito?” tanong sa akin ni Misty.
Tumango ako. “Yes. Alam niyo naman iyon di ba na kapag natapos ko na talaga maikulong ang tao na iyon ay aalis na ako sa organization na ito. I had promised my parents that I will be managing our business. Tumatanda na sila kaya it’s time for them to take some rest.” Tama. Ang purpose ko noon ay makulong ang impostor na Damon. Sila Misty at ang boss na ang bahala sa sindikato na tinatrabuhan ni Mike at ako naman ay aalis na. Supposedly ay dapat ilang araw na ako wala dito pero dahil nalaman ko na sasali pala si Alexa sa drag racing ay tinanggap ko iyong mission na naka-pending sa list ni Sir Macky na kailangan kong magpanggap panandaliang boyfriend ni Karylle dahil hindi kasi nito matanggap na hiniwalayan ito ng babae.
“Sayang naman ang skills mo. Hindi ba matagal ka na sa ganitong klaseng trabaho. Why now?”
Because I don’t want to put myself In danger. Iyon ang gusto kong sabihin pero tinikom ko lang ang bibig habang naglalakad kami palabas ng naturang gusali. Isa pa pangarap ko na maging tahimik ang buhay ko pero di ko lang magawa dahil noon ay tanging laman ng isip ko ay adventure lang. Walang commitment. Hindi nga sumagi sa isip ko na magpakasal sa isang babae dahil hindi noon ay hindi ako naniniwala sa pag-ibig.
Pero nagbago iyon ng makilala ko si Alexa. Yes. Hindi ko ikakaila ito. Pero mahal ko siya simula’t sapol na. Ang girlfriend ng kuya Damon ko. Naging magkasintahan ang dalawa pero one week lang dahil sa isang trahedya kasama ako noon ni Damon na mangyari iyon. Doon kasi ako sa bahay niya nanatili ng gabing sinunog ni Mike ang bahay.
Ah, ang ala-ala na iyon. Minsan lang kami nagkasama ng kapatid ko pero ganoon din kabilis na mawala siya…
“Hangang kailan ka naman dito, Noel?” Tanon ni Damon habang nagsalin ng alak. 
“Ngayon lang kuya, tumirik kasi iyong kotse ko.” Sagot ko habang pasipat-sipat sa buong kabahayan. I was really happy ng magkita uli kami last week at n’ong malaman ko kung saan siya nakatira ay binisita ko na siya. Siya lang pala ang nakatira dito, ang  mga katulong ay pumupunta lang dito once in a week para linisin ang bahay. Napatigil ang kanyang patingin-tingin sa paligid sa isang particular na picture.
Isang picture na babae na kasama ni kuya Damon.  She was beautiful, napaka-inosenteng tingnan. There was something about her that drown her. Base na sa picture ay magkasintahan sila ni kuya. Sayang. Oh damn it, bakit ko ba iyon pinaghihinayangan?
There’s a lot of women na mas maganda at sexy sa kanya kaya hindi dapat ako maghinayang.
“Girlfriend mo?” tanong ko, hinawakan ko iyong picture frame. Nilingon ko si Kuya, nakita ko na kumislap ang mata niya na bangitin ko ang kanyang girlfriend. Ang loko, in love talaga sa babaeng ito.
“Yep.”
“Serious relationship o baka naman niloloko mo lang ito?”
Naging seryoso ang mukha niya. “I’m serious about her, Noel. I love her. Siya na ang gusto ko makasama habang buhay.” Puno ng determination ang boses niya. Lucky for him because he found her but as for me? Nope. Wala.
“Corny mo.”
“Haha. Sinasabi mo lang iyan dahil hindi mo pa nahahanap ang babae para sa`yo.”
“Dude, hindi ako naniniwala sa love na iyan. Corny mo.” Isa pa, sa klase ng trabaho ko? Wag na.  
Nang gabi  matapos namin mag-inoman ay doon ako natulog sa guestroom. Hindi ko alam kung anong oras na pero ng mga sandali na iyon ay naalimpungatan na ako dahil sa mga kaluskos sa baba, my instinct was telling me na may mangyaring hindi maganda ng gabing iyon. Pero pinili ko na ignorahin iyon dahil na din masakit pa ang ulo ko dahil sa hangover. Gusto ko pa namnamin ang pagtulog ko.
I was sleeping back then pero ilang segundo lang ay may naamoy akong sunog at narinig din akong pagsabog kaya napabalikwas ako.
…Bigla ko pinilig ang ulo ko nang maalala iyon. Heavy sleeper pala si Damon kaya kahit ano pang ingay o mangyari sa paligid niya. Nagsimula ang apoy mula sa kwarto niya kaya kahit na gusto ko siyang iligtas ay hindi na nangyari. Kumalat na din ang apoy niyon kahit ako ay nadaplisan ang mukha ko sa apoy.
Kung hindi lang ako naging pabaya ay siguro buhay pa si Kuya. Determinado ako na maghingante ako sa nangyari sa kanya kaya pikit matang nagpanggap ako na ako si Kuya Damon, walang imposible sa makabagong teknolohiya.
“Oh hindi ka na sumagot?” Untag ni Misty sa akin.
“Wala. Basta hindi na magbabago ang decision ko, Misty. Hindi ka pa ba papasok? Hindi ba at hinahanap ka na ng asawa mo?”
“Ay oo nga pala. Sige na nga bye na. Pupuntahan ko pa pala si my labs ko.”
“Okay.” I said before I cleared my throat para kasing nangangati ang lalamunan ko. Pumasok na ako sa kotse, hinilot ko ang sintido ko. Hindi ata maganda ang pakiramdam ko. Itutulog ko na lang ito. Pinaharurot ko na ang kotse patungo sa bagong bahay at nang makarating na ako ay dumeretso na ako sa loob at nagpahinga. Inalis ko muna iyong mga damit ko bago pasalampak na humiga sa malaking kama.  Pero kahit anong pilit ko na matulog ay di ko magawa.
Naiisip ko na naman iyong nangyari n’ong nagpanggap ako…
“Sigurado ka ba sa binabalak mo, Noel?” Tanong ni Mrs. Woodson sa akin, nanlalim ang mga mata nito dahil sa kulang ito sa pagtulog. Alam nito ang balak ko dahil na rin sa sidhi niyang malaman kung sinong gumawa sa pagkamatay ni Damon.
“Oo.”
“Hindi ko alam kung tama itong ginagawa natin pero sana malaman mo na kung sino ang gumawa sa anak ko.” Itinigil ni Mrs. Woodson ang kotse. Napakunot ang noo ko na nilingon siya.
“Bakit tayo tumigil dito? Akala ko ba ay magkikita tayo ng asawa mo?”
“Da…I mean Noel. Hindi na kailanan pa, sinabi ko na sa asawa ko ang plano natin na magpapanggap ka bilang si Damon pero mayroon din akong gustong gawin mo bago natin isagawa ang plano.” Bago pa ito magpatuloy ay napadako siya sa isang babae na lumabas ng isang bahay.
“Mommmmm!!! Hindi na ako bata, I can manage naman eh! Pupuntahan ko lang si Damon kasi hindi na niya ako tinatawagan o nakipagkita sa akin!” Siya iyong nasa picture kasama ni Damon.
“Siya si Alexa Del Rosario, his girlfriend.”
“At ano naman gagawin natin sa kanya?”
“Wala. I just want you to pretend Damon and break up with her, she’s a good girl and I know how much she love my son kaya naman ayokong malaman niya na patay na si Damon.” Hindi ako makaimik. “kaya mo ba gawin iyon?”
“Oo.” Although, may kung anong sumundot sa dibdib ko. Kawawang babae, hindi niya alam na wala na pala si Damon. Lumabas na ako sa kotse, at naglakad palapit sa kanya. Nakatalikod ito sa kanya. Hawak ang cellphone na alam ko na si Damon ang tinawatag nito.
“Amon! Grr! Pinagtataguan kaya niya ako? Ilang linggo na siyang hindi nagpapakita! Ahh!”I find her cute kapag frustrated. Sigurado si Damon na ito ang gusto niyang makasama? Tumigil siya sa paglalakad at nagpapadyak.
Tumigil ako sa likod niya, sa hindi ko malaman ay nagin tahimik siya at sa hindi ko malaman ay bigla siyang humarap sa akin. Sa hindi ko inaasahan ay bigla niya ako sinipa sa balakang kaya napangiwi ako sa sakit.
Anak ng tokwa!
I groan.
“Oh my gosh! Damon! I’m so sorrryyyy!!! Akala ko kasi stalker ko eh! Ikaw naman kasi lumalapit hindi ko alam na ikaw pala iyon!”
“You really good at kicking, woman!”
Natigilan siya at tinitigan ako. Shit. Hindi dapat ako magpadala sa galit. Ah, mukha lang maamo at inosente tingnan pero parang may chance na maging amazona!
“Ay…err… iyon? Tsamba lang iyon!”
Tsamba? Mukha ba iyon tsamba? Para ngang expert!
Nagpakawala ako ng marahas na hininga, tumayo ng maayos. Hinawakan ang balikat niya. Deretsuhin ko na siya kaya ako nandito. Pagkatapos kong sabihin na break na kami ay aalis na ako. Iyon lang.
“Lexa.”
“Oh ba’t ganyan ang tawag mo sa akin?”
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Nagbaba ako ng tingin at sinalubong ang titig niya. “May gusto akong sasabihin sa`y—“
She didn’t let me finish my sentence when she suddenly kiss me on the lips. Ah her soft lips. “I miss you! Kainis ka! Hindi mo sinasagot ang tawag ko!” Tears stream down her cheeks.
A pang of guilt hit me. Sa mga oras na iyon hindi ko alam kung anong gagawin ko. What now? 

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^