Tuesday, March 17, 2015

My Ex is a Secret Agent: Chapter 28



Chapter Twenty Eight
Ilang linggo din ako nanatili sa ospital mula n’ong mahulog ako sa malaking butas, nagkaroon ng fractured sa ankle at sa braso kaya hindi ko gaanong maigalaw iyon. Mayroon din akong sugat sa ulo, medyo namamaga din dahil tumama ang ulo ko sa bato.
 Tatlong araw akong walang malay and when I woke up, the first thing happen to me ay sinalubong ako ng nag-alalang mukha ng magulang at kaibigan, may pagkakataon ngang may particular na tao akong hinahanap pero pilit ko iyon iwinawaglit sa isipan.
Walang dahilan para hanapin ang lalaking iyon.
Pero ba’t ganun? Mas lalo akong nagagalit sa kanya because he didn’t visit me.
Pinilig ko na lamang ang ulo dahil sa ginawa ko ay biglang kumirot ang ulo ko.
“Ba’t ba kasi hinahanap iyong tao eh, letse! Hindi ko dapat hinahanap ang manlolokong iyon!” Sabi ko sa sarili ko.
“May sinabi ka ba, nak?” Tanong ni Daddy sa`kin nang mapansin niyang gising na ako.
“Ha? Ah sabi ko po masarap po `yong dala ninyong cakes! Isa pa nga po.” Binigyan niya uli ako ng isang pirasong cake at sinimulan uli iyon lantakin, kahit na tahimik si Daddy ay pansin ko na matiim na nakatitig siya sa`kin.
“Sabihin mo sa`kin, Alexa, may tinatago ka ba sa`min ng mommy mo?”
Muntik ko ng maibuga ang lahat ng kinain ko sa tanong niya.
Oh right, di pa nila alam ang dahilan sa nangyari sa`kin dahil sa tuwing tinatanong nila sa`kin kung bakit naaksidente na naman ako ay parati akong umiiwas kagaya ng nahihilo ako at etc.—just to avoid them.
“Clumsy lang po ako kaya ganun.”
May kung anong sumusundot sa dibdib ko.
Ayaw ko talagang magsinungaling pero anong magagawa ko?
Kapag inamin ko sa kanila ang totoong trabaho ko ay alam ko ay magagalit sila at baka pahihintuin nila ako.
Isa din dahilan mas lalo akong na-guilty dahil si Daddy na ito eh! Unlike my Mom ay mas close kami, parati kasi niya ako pinagbibigyan sa gusto kesa kay Mommy na napaka-strict. Pero di ibig sabihin niyon na di ko mahal ang Mommy ko.
Napabuntong hininga bago ilapag ang cake sa side table ng kama ko. Hindi naman disable iyong isang kamay ko kaya iyon ang ginamit ko.
“Um. Ang totoo po niyan…” Simula ko, minsan kasi napag-isip ko na kailangan ko din sabihin sa kanila ang totoo. Ipagpapatuloy ko sana iyong sasabihin ko pero biglang dumating si Mommy, sabay kami napalingon ni Daddy sa kanya. May dala siyang mga prutas.
“Nakausap ko ang doctor kanina at ang sabi niya pwede ka na daw namin iuwi bukas.” Anang ni Mommy sa`kin. Walang kaalam-alam sa nangyayari. “Iyon nga lang hindi ka pa pwedeng magtrabaho dahil sa fractured mo.”
Tumango ako.
“Ano nga iyong sasabihin mo, Alexa?” Baling sa`kin ni Daddy.
“Oh did I miss something?” Singit naman ni Mommy.
“Wala pa po. You’re just in time, Mom. May sasabihin po ako sa inyong dalawa.” Nagkatinginan silang dalawa bago bumalik ang tingin sa`kin, umupo si Mommy sa tabi ni Daddy.
“Matagal ko na itong tinatago sa inyo at maiintindihan ko kung magagalit kayo sa akin. Remember n’ong tinanatanong niyo ako kung anong trabaho at kung saan kompanya?”
Tumango silang dalawa.
“Di ba sinabi ko sa inyo na isa akong  accounting consultang sa isang malaking firm? Ang totoo niyan ay hindi po talaga iyon ang propesyon ko kundi isang secret agent. Isang Spy. Isang investigator. Whatever you want to call it.”
This is it. Mag-hestirical na silang dalawa pero hindi nangyari `yong inaasahan ko, instead—
“Alam namin.” Sabi ni Mommy.
“Ha?” at dahil doon ay nakatanggap ako ng kurot sa gilid. “Aray! Mom!” Angal ko. “Pano niyo nalaman?! Kailan pa?!” Sunod-dunos kong tanong.
“Two days ago, may isang weirdong babae kumausap sa amin tungkol dito. At sinabi sa amin tungkol sa totoong trabaho mo.”
“Weirdong babae?”
“Oo, dahil nakatakip kasi ang mukha niya sa itim na veil ng sombrero niya.” Ah, kilala ko kung sinong tao iyon. Walang iba kundi ang boss nila. Pero bakit?
Nabasa ata ni Daddy ang iniisip ko kaya sinagot niya iyon.
“She said it was only because if anything happen to you ay mas makakabuti na malaman na lang namin.” Agh. Parang sinabi nila na lapitin ako ng kamatayan which is true naman pero iba kasi iyong pagkasabi eh!
“Oh that reminds me, nakausap mo na ba iyong nobyo mo?”
Nagtataka na tiningnan ko si Mommy.
“Nobyo?”
“Oo iyong, lalaki na pumunta sa bahay? Noong wala kang malay kasi ay parati ka niya. Mukhang nag-alala siya sa`yo.” Ano bang pinagsasabi niya? Sure, siguro may sense iyong sinabi ni Mommy kung iyong habang tulog ako pero n’ong may malay na ako hangang ngayon ay walang Noel na nagpakita sa akin!
Pilit na ngumiti na lang ako. “Ah siya! Hindi ko po siya boyfriend, Mommy! And yes nakausap ko po siya kahapon.” Pagsisinungaling ko sa last part.
Ha! Si Noel? Bibisitahin siya? No way. At kahit na totoo iyon ay tama lang ang ginawa niyang hindi magpakita sa`kin dahil kung hindi. Ewan ko na lang kung anong gagawin ko sa kanya.
Pagkatapos ng visiting hours ay nakahinga ako ng maluwag, sino naman hindi? Sermon ang inabot ko sa kanila. Hinihintay lang pala nila ako na magtapat bago nila ako sermonan. Ah, my ears, it’s breaking apart dahil kinurot ni Mommy ang tainga ko.
They even suggest na tumigil na ako sa trabaho but I can’t do that. Mas sanay ako sa ganitong trabaho.
Hindi rin nagtagal ay bumukas ang pinto akala ko ay may nakalimutan ang magulang ko but I was wrong.
Si Mrs. Zia Torres lang pala.
“How are you feeling?”
Hindi ako makasagot ng maayos, naiinis ako sa kanya dahil inunahan niya ako at dahil na rin sa nangyari sa isla.
“Okay na ako, sabi ng doctor pwede na daw akong lumabas dito sa ospital. Ano nga po pala ang kailangan mo?”
“Nangamusta lang ako, anyway, aside doon ay may bagong kliyente kasi at may gusto siya ipagawa.”
Nagtataka na tinitigan ko siya. Ano naman ang related sa trabaho ang pagpunta niya rito? It’s not like her. Pwede naman din siya mag-utos ng ibang tauhan para gawin iyon.
“This one was the most outrageous and the most silliest request I ever known. Kaya naman gusto ko makita ang kalalabasan na ito. Seirra.” Tawag niya, then, may isang nurse na matangkad na nakasuot ng mask ay pumasok.
Bigla tuloy akong kinabahan.
“A-anong…” I shifted.
Lumapit sa akin si Seirra at kahit gusto ko man umalis sa kama ay di ko magawa dahil masakit parin ilakad iyong paa ko. 


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^