Friday, August 29, 2014

My Ex is a Secret Agent: Chapter 6-8



:Chapter 6:
“Wala ka parin makuhang impormasyon tungkol sa taong iyan, Alexa? Ilang araw ka na diyan and it isn’t like you na hindi mo ma-solve ang problema na iyan.” Panenermon ni Tito Ben sa akin. Alas dose na ng gabi at nasa labas ako. Palakad-lakad lang ako dito kagaya ng plano ko at hihintay na may umatake sa akin.

“I’m so sorry, Tito. Hindi ko din naman ito ginusto. Isa pa, ba’t isang madre naman kasi ang gusto mo eh. Tingnan mo oh? Ang hirap. Kung nagpanggap lang sana ako na isang bakasiyonista ay baka effective pa. Pwede akong magsuot ng sexy na damit para naman na ma-tempt ko iyong taong iyon eh.”
Narinig ko siyang bumuntong hininga. “Well, akala ko ay mas effective iyon. Ipagpatuloy mo na lang iyong pag-imbestiga mo. Anyway, iyong ini-request mo sa akin na impormasyon kay Noel, kahapon, ay may nakuha na ako. Ang hirap mahack iyong impormasyon niya.”
“So, isa siyang secret agent?” Pakiramdam ko ay parang nawala iyong tinik sa dibdib ko. Hay naku! Ano ba itong iniisip ko? Bakit naman ako maging-relief na hindi siya pari? Asar.
“Yes, he’s working under the scorpion agency, 5 months palang siyang nagsimulang magtrabaho…”
“Then?”
“Sorry pero iyon lang ang nakuha kong impormasyon. Mahirap talagang ma-hack iyong computer nila.”
“Gano’n po ba? Tsk, siguro isa siya sa ini-hire na mag-imbestiga dito.”
“Yep. 2 months na siya diyan na nagpapanggap na pari.”
Kung 2 months na siya dito, hindi kaya may mga impormasyon na siyang nakuha? Lihim akong napangiti sa isipin na iyon. That’s it. Aalamin ko kung ano iyon. “Sige po. Thank you po sa impormasyon. Dahil diyan may plano ako.”
“At ano naman iyon?”
“Secret. Ako na ang bahala.” Pagkatapos ng usapan namin ay bumalik na ako. Wala naman akong mapapala dito eh.
Dumeretso muna ako kwarto ko para kunin iyong injection na parang hair stick, design iyan ni Dana by the way, at nilagyan ng pampatulog. Maliit lang iyon naman iyong injection kaya kung itutusok ko iyon ay parang maliit na langgam lang. Pagkatapos niyon ay nagsuot ako ng night dress na kulay itim. Iginawa kong meat bun style iyong mahaba kong buhok at isinuksok ko iyon doon.
Gusto niyo malaman ang plano ko? Papatulugin ko lang naman siya though kailangan ko muna siyang eseduce before mangyari iyon. Yes. Ganito na ako ka-desperada. Hindi lang naman si Tito ang naiinip eh pati na ako. Nakakasawa na kayang magsuot ng pang-madre.
Naglagay pa ako na Chanel Perfume na matagal ko ng ginagamit.
Maingat na naglakad ako patungo sa kwarto niya, may bantay kaya. So anyway, nasa harap na ako ng kwarto niya. Huminga ako ng malalim. Okay~ Alexa, kaya mo iyan! marunong ka naman mang-seduce `no at tsaka muntik na nga may mangyari sa inyo! Aja!
Kumatok na ako ng ilang beses at sa ilang beses na iyon ay parang sasabog na `yong ulo ko sa inis. Ang tagal magbukas eh! Mabuti na lang iyong huli kong katok ay bumukas na. Parang gusto ko magmura sa sarili sa nakita ko, napaka-gwapo niya talaga lalo na hindi siya nakasuot ng cleric clothes! He was oozing with sex appeal dahil wala siyang suot sa pang-itaas kaya kitang-kita ko ang six pack abs. Ah, shit! Dumaloy sa ala-ala ko ang gabing iyon na muntikan ng may mangyari sa amin.
Nagkasalubong ang kilay niya na makita niya ako. “What are you doing here, sister?” baritonong boses na tanong niya sa akin.
Snap out of it, Alexa! Huwag kang magpadala sa kagwapuhan niya!
Ngumiti ako sa kanya. “Alam mo kasi, Father…” Lumapit ako sa kanya, sinadya ko pa na magkadikit iyong dibdib ko sa dibdib niya at nag-drawing ng bilog gamit ang hintuturo ko sakanya. I smile at him seductively. “Ang totoo niyan, gusto ko sanang mag-sorry sa`yo n’ong sinagawa kita at `yong ginawa ko sa`yo. Na-sopresa lang talaga ako, hindi ko kasi inaasahan na isang pari na kagaya mo ay madali lang pala matukso.” Mahinang tinulak ko siya para mapaatras para makapasok ako sa kwarto niya. Walang personalan Noel.
“Whoa whoa, hold it right there, Alexa. Alam mo ba ang pinaggawa mo ngayon? Pumasok ka sa kwarto ko ng hating gabi.” Ha! Feeling gentleman ka ngayon ah!
“Balak? Oh Father Noel. Alam ko naman ito talaga ang gusto mo. Huwag kang mag-alala father dahil okay lang sa akin na ibigay ko ito sa`yo kahit na first time ko ito.” Ni-lock ko iyong pinto at hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na magprotesta. N’ong una ay hindi siya tumugon pero mamaya naman ay ginantihan na niya ang halik ko. Lihim ako na napangiti.
Habang tumatagal ang halik na iyon ay mas naging mapusok siya, binuka ko iyong bibig ko kaya nakapasok ang kanyang dila sa loob. Kahit na parte lang ito sa plano niya ay hindi ko ikakaila na naeenjoy ako sa halik na iyon. He was a good kisser, ilang babae na kaya ang nahalikan niya?
Ah, nakakainis! Ba’t ko ba naiisip iyon in the middle of my mission? E-erase dapat iyon!
I wrap my arms around his neck at ang kamay naman ni Noel ay bumaba ng bumaba na naramdaman ko na parang nakuryente ako bawat haplos niya sa akin, tumigil iyon sa likod ng hita ko and lift me up. Pinulupot ko iyong binti ko sa waist niya. Naramdaman ko na umupo siya sa kama at ang mga kamay niya umalis sa hita ko at hindi ko na namalayan na nasa dibdib ko na pala. Napapitlag ako ng pinisil niya iyon.
Iniwan niya ang labi ko tas bumaba sa leeg ko. He was kissing my neck, nibbling it. Alam ko na mag-iiwan iyon ng marka pero hinayaan ko nalang siya.
Ah, dapat ko na talagang isagawa iyong plano ko. Masiyado na akong naenjoy sa ginagawa niya! Tinanggal ko iyong hair stick sa buhok ko kaya tuluyan ng bumaba iyong mahaba kong buhok na lagpas balikat ko na. Hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi at pinaalis sa leeg ko and then smash his lips against mine.
4
3
2
1
Agad na tinusok ko iyon sa likod niya. Nakita ko siyang natigilan. Nginitian ko siya ng ubod ng tamis at kinintalan sa labi. Yep. Remembrance na lang iyon hahaha! Plano ko kasi kapag nakuha ko na ang impormasyon na ito ay aalis na ako dito at magtatago ng ilang araw pero siyempre ipagpapatuloy ko na iyong imbestigasyon though sa ibang tauhan nga lang. Yes. Magdisguise uli ako. Mahusay naman akong mag-make up and etc kaya walang problema sa akin iyon. Ako na ang bahala sa sarili ko basta `wag na maging madre.
“I’m sorry, lover boy.” I said before ako umalis sa pagka-straddle sa kanya.
“You got to be kidding me right?!” Naiinis na sabi niya na halatang nagsimula na umepekto iyong pampatulog. “Shit!”
“Sorry pero hindi ako marunong niyon. All I need is a piece of information that you have na alam ko na hindi mo iyon ibibigay ng basta-basta sa akin.” Hinahaplos ko pa `yong balikat hanggang abs niya. Tsinatsansingan ko na, Hindi na siya nakapagsalita dahil tuluyan na siyang nakatulog. “Walang personalan dude dahil magkalaban ang agency natin. Kung hindi ka ba naman uto-uto hindi iyan mangyayari sa`yo.” Sabi ko pero bago ako magsimula maghalungkat ay pinisil ko muna iyong abs niya. Nakakagigil kasi eh!
Makalahating oras sa paghahanap ay nakita ko na din documents. Nang basahin ko iyon ay tama nga ang hinala ko na pareho kami ng mission. And buwisit! Alam na pala niya kung sino iyong salirin! Siguro ay may balak na niya ito e-report sa boss niya bukas.
Hinalikan ko iyon, worth it naman pala ang ginawa ko kahit na ngingatngat na ako ng konsensiya.
“Hay naku, Alexa, wala ng personalan. Sabi nga ni Tito. Alisin ang konsensiya sa dibdib. At isa pa, mukhang enjoy na enjoy naman siya sa`kin. Isipin nalang niyan kabayaran iyon.” Sinipat ko uli iyong picture. Napapailing na lamang ako, sino naman mag-aakala na siya pala ang salarin?
Makaalis na nga at e-report ko na ito kay Tito at pupuntahan ko na iyong salarin para arrestuhin though kailangan ko parin mag-act `no.
:Chapter 7:
“Sister Alexa, anong ginagawa mo rito? Maaga pa ah.”  Sabi ni Paulo. Alas siyete pa ng umaga ng pumunta ako dito, napakalayo ng lugat na ito sa simbahan at malayo din sa mga residente dito.
“Gusto lang sana kitang makausap, regarding about your father.” Huminga ako ng malalim. “Nabalitaan ko kasi na panay pambugbog ng ama mo sa`yo. Wala ka pa bang balak na iwan ang ama mo?”
Natigilan siya at tiningnan ako ng madiin. “Pumasok muna kayo.” Pumayag naman ako. “Wala dito si tatay, siguro naglasing na naman siya at nakatulog sa kung saan-saan. Ah, pagpasensyaan na ninyo dito kung makalat.”
“Okay lang. So I was saying awhile ago, wala ka bang balak  na iwan siya? I mean, you are old enough para mamuhay na mag-isa.” Nag-de quatro ako kaya naman napansin ko na napababa siya ng tingin. Hindi na kasi ako nakasuot ng pang-madre. Simple lang ang damit na suot ko ngayon, turtle neck long sleeve shirt at palda na lagpas tuhod.
“Hindi ko magagawa po `yon kasi kahit na masama ang ugali ng tatay ko at parati ako binugbog ay kami na lang dawala ang pamilya. Hindi parin ako nawawalan ng pag-asa na magbago siya.” Napapailing na lamang ako sa kanya. “Ahm. Iyon lang po ba ang pinunta mo, Sister Alexa? Hindi po ata kayo nakasuot ng pang-madre.”
Nag-angat ako ng tingin. “Ah oo, aalis kasi ako dito sa San Isidro. Pinabalik na ako doon sa Maynila.”
Malungkot na tiningnan niya ako. “Gano’n po ba? Sayang naman po nabawasan na ng magandang babae dito sa bayan namin.”
Tumawa lang ako ng mahina. “Palabiro ka pala. Anyway, maliban doon ay ang sadya ko talaga ay makausap siya.”
“Eh wala po siya eh. Ano po ba iyon para ako na lang ang maghatid ng mensahe mo.” Nababagot na sabi niya.
“Ah huwag na. Hahanapin ko na lang siya.” Akmang aalis na sana ako ng bigla niya ako pinigilan.
“Alam mo minsan ang labo mo talaga, akala ko noon mahinhin ka at iba ka sa mga babae na may takot sa Diyos. Siguro isa ka din sa kanya.” Nang nilingon ko siya at nakita ko sa kanyang mukha ang pagkamuhi. Hindi na ako nagulat—in fact I even expect this to happen. Oo. Isa siya sa suspect sa pagpatay ng mga babae dito! May sakit pala siyang dissociative identity disorder. It was cause by a trauma noong bata pa siya ay parati na pala siya in-abuse ng kanyang ama at kahit ang ina niya noon ay hindi nakayanan ang pambugbog ay iniwan sila kaya, kinikimkim na pala niya `to. “Bwisit ka talaga Jerry `wag kang mamikaalam!” Sita niya sa sarili. “Huwag ka ngang KJ! Sexy ni Sister oh!”
Naglalaway na siya at pinagpapawisan. Minsan ko lang naman siya nakasama akala ko talaga ang bait-bait pero hindi pala! So anyway, maliban sa kanya ay ang kaibigan din niya na si Carl din ang suspect. At ang shit lang! Hindi ko talaga naisip na sila iyon eh dahil ang bait! Kaya pala madali nila ako nakunan ng picture dahil malaya naman sila nakakapasok doon sa loob ng kumbento dahil tagalinis o taga-ayos sila sa sirang gamit. Sinasamantala din pala ng Carl na iyon ang kondisyon niya. Bwisit!
Ang sama talaga! Pero ang pinagtaka ko bakit hindi pa ini-report ni Noel sa boss niya tungkol dito kung tapos na pala siya? Oh well, bahala na nga. Basta aalis na ako dito. Tumawag na din ako ng police para dakpin si Carl at ano mang oras ay nandito na din sila.
“Akala ko pa naman mabait kang bata, dude, pero you’re one fucking bastard pala.” Naiinis ako sa kanya dahil siguro siya o si Carl iyong kumuha ng picture. Kaya naman walang kimi na hinugot ko iyong baril sa holster na nasa ilalim ng palda ko at pinutok iyong binti niya.
“Agh! B-bakit mo ito ginagawa sa akin Sister?” naging maamo na naman siya na parang tuta.Hinipan ko iyong umuusok na bibig ng baril at binalik iyon sa holster. “Hindi ako masamang tao, Paulo, pero sadya lang talaga sadista ako kapag ako na iyong kinanti.” Umalis na ako sa bahay nang marinig ko na iyong sirena ng police. Nasa harap na pala sila ng bahay ng makalabas na ako.
Sumugod sa loob ang apat na police at habang papalayo na ay nakita ko iyong tatay ni Paulo. Kailangan ko mag-one on one kami ng damuhong ito.
“Yo! Tanda!” Nilinis ko iyong balikat niya. Hindi pala `to lasing eh. Hindi siya nagsalita bagkus ay nakatitig lang siya. “Alam mo malaki talaga ang pagtataka ko sa`yo, bakit mo pala pinapalayo iyong anak mo sa akin? Hindi ka rin ba natatakot na baka ikaw iyong biktimahin ng anak mo dahil may sira siya sa utak.” Akala ko ay hindi siya nagsasalita pero nang lalagpasan ko siya pero narinig ko siyang nagsalita.
“Alam ko na ikaw iyong susunod nilang bibiktimahin.” Tiningnan ko ang mukha niya, matigas iyong ekspresyon niya. “Aaminin ko na naging masama akong ama sa kanya at ng ina niya kaya nga iniwan kami eh. Pero kahit na ganito ako ay hindi ko gusto ito na mangyari. Pinipigilan ko sila na pumatay pero ayaw talagang umawat at kahit na e-report ko iyon sa pulis ay wala naman maniniwala sa akin. Sino ba ang maniniwala sa akin na pabalik-balik na sa presento? Wala. At iyong tinutulungan ka nila, sinadya ko iyon na pagalitan siya at ilayo dahil may plano sila sa`yo.”
“Whatever. Tapos na ako dito. I’m out of here.”
*
NOEL’S POV
“Damn!” Inahilamos ko ang dalawang palad sa mukha ko. Hindi ko akalain na magagawa niya sa`kin `to! Pinapatulog niya ako matapos e-seduce? What a cheeky woman! Kung gusto lang naman niya ang documents na iyon eh di sana ay sinabi sa akin. Tsk, I won’t mind after we make out. Hindi importante sa akin ang mga iyon. Hindi naman iyon ang original na mission ko kundi iba.
Nagkataon lang na dito sa San Isidro ang lalaking iyon kaya kinuha ko na lang iyon pang-sideline ang pag-imbestiga kung sino ang killer. Umalis na ako sa pagkahiga sa kama at kinuha ang cellphone ko dahil kanina pa tumutunog iyon.
“Hoy kalabaw! Bakit ba ang tagal mong sumagot ha?!” Singhal sa akin ni Misty. Kaibigan ko since college at kagaya ko ay isa din siyang secret agent pero ngayon ay isa na lamang siyang secretary ng boss namin na si Mark na pinsan ko. Tumigil na kasi siya sa pagiging secret agent ng magpakasal na siya sa pinsan ko na si Francis.
“Shut up.”
“Ano itong nalaman ko na may ibang secret agent na nakatuklas kung sino ang killer diyan?! Alam mo ba nakakahiya sa kliyente natin dahil naungasan tayo? Sa lahat pa naman ang nakakuha ng impormasiyon na iyon ay iyong Phoenix Emblem Agency pa!”
Napakamot ako sa ulo. “I didn’t mind at all. In the first place that’s not my real mission—what I’m after was that fucking bastard!”
“Watch you mouth boy. Anyway, you still failed that mission. Once you get back here ay asahan mo na paulanan ka ng sermon ng pinsan mo.”
“Hindi pa ako uuwi dahil nandito pa si—“
“He’s not there anymore. Bumalik ka na dito sa maynila.”
“That’s bullshit! Kahapon la—“ hindi na naman niya ako pinatapos sa sasabihin ko.
“Kagabi lang siya umalis. Mukhang hindi ka nakabantay sa kanya ngayon ah. Anong nangyari?” Usisa niya sa akin.
“Nothing.”
“Oh come on! It’s not like you!”
“I said it’s nothing, Misty!”
Bumuntong hininga siya. “Fine. I won’t force you to tell me.” I ended the call after our conversation. Then I put on my clothes and pack up all my things and made my way outside my room para magpaalam kay Father Jose na aalis na ako dito.
Once his out of this place I will not just only find that bastard but also that wicked woman who had once fool me. A smirk appeared on my face. Ano kaya ang gagawin ko sa kanya `pag nagkrus ang landas namin?
:Chapter 8:
ALEXA’s POV
“Hahahaha! Ikaw kasi eh! Hahaha!” Walang tigil na tawa si Dana sa akin.
It was a hell day for me, I should be happy because my mission was a success. However it turns upside down dahil napagalitan ako ni Tito Ben dahil daw sa maikli ang pasensiya ko sa mission na ibinigay niya sa akin. Nagpapakita daw ako ng kahinaan ko.  Dahil daw do’n in-assign niya ako na maging trainor sa mga bagong secret agent. Next week ay pupunta na ako sa isla kung saan ko e-train ang mga newbie. Letse. Hindi ako mahusay magturo in verbal!
Sigurado ako na pagtatawanan nila ako. Huhu! I hate it! Kaya nga Criminology ang kinuha kong kurso imbes na education eh. Yeah. Criminology pero doon ako sa states kumuha ng kursong iyon.
“Shut up.” I said tas nilagok ko iyong isang shot ng martini. Nasa Tronix Bar kami at dahil nga naipangako ko kay Dana na ilibre ko siya ngayon ng drinks dahil sa natapos ko iyong mission ko kaya nandito kami. “Wala naman masama sa ginawa ko. Ayaw niya ba mabilisan trabaho? Alam din naman niya na ayaw ko iyong matagalan trabaho.”
“Kaya ka hindi umuunlad eh. Alam mo naman na kapag matagalan mission ang kinuha mo malaki ang sweldo mo kesa sa maikli lang.”
“Marami akong pera.”
“Oo nga. Ang dami mong pera pero ito lang dalawang shot lang ang mailibre mo sa akin.” Reklamo niya. Habang nagkwentuhan kami ay biglang gumana ang six sense ko. Pakiramdam ko kasi may nakatitig sa akin.
“Excuse me, ma’am. Kayo po ba si Alexa Del Rosario?”
Napatigil kami sa pag-kwentuhan ni Dana nang biglang lumapit sa akin `yong waiter. Maingay sa loob kaya hindi ko gaano narinig iyong sinabi ng waiter. “What?”
“Kayo po ba si Alexa Del Rosario?” Ulit niya.
“Yes. Ako nga. Bakit?”
“Inutusan po kasi ako na ipabigay ko raw ito sa`yo ang sulat niya.” Isang maliit na papel ang inabot niya sa akin tas isang red rose.
Hindi ko paborito ang rose pero kahit pano ay naappreciate ko naman `to kung sino man ang nagbigay sa akin niyon.
“Uyy~ may secret admirer! Waiter, sinong nagbigay niyan?” Singit ni Dana. Napakamot lang ang waiter at tinuro iyong isang lalaki sa malayong mesa. Hindi ko gaano nakita `yong mukha dahil dim light ang kapaligiran.
“Sabi niya alam mo na daw kung sino siya.” Sabi ng waiter tas umalis na.
Biglang may bumundol sa dibdib ko. Kahit na saglit lang `yong disco light na tumama sa mukha niya ay sigurado ako na siya iyon. Damon? Nakita ko siyang tumayo at naglakad patungo sa exit kaya naman nagmadali na sinundan ko siya pero dahil madaming tao sa loob ay kailangan ko pa makipaggitgitan sa mga tao. Narinig ko na tinawag ako ni Dana pero hindi ko siya pinansin. Ang importante sa akin ngayon ay ang lalaking iyon. I want to know the reason why he didn’t come to our wedding.
Nang sa wakas ay nakaalis na ako sa mga nagkumupalan tao ay tumakbo ako patungo sa exit pero sakto na paglabas ko ay may nabunggo akong malapad na dibdib.
“Watch where you going, stupid!!!” Akmang lalagpasan ko siya pero bigla niya akong hinaklit sa braso kaya napangiwi ako. Nilingon ko siya pero sakto na dumapo sa pisngi ko ang ubod ng lakas na sampal.
“You bitch! Ako pa ngayon ang tanga?!—ouch! Aray!”
Mas lalong dumilim ang paningin ko. Hinigit ko iyong pulso niya at isang iglap ay na ako sa kanya at pinalipit sa likod ang kanyang braso at tinulak papunta sa pader. “Do that again and I will kill you.”
“Help!!! Agh!”
Wala naman kasing guard dito sa exit. Ang ibang tao naman na lumabas ay napatingin lang sa direksyon naming at ni isa ay walang tumulong sa kanya or so I thought. May kamay kasing pumigil sa akin. “Itigil mo na `yan, Lexa.”
Para akong lion na biglang huminahon dahil sa boses na iyon. That voice. This stupid heart of mine, hindi na talaga nadadala!
Marahas na binitiwan ko ang babae at sinamantala naman ng babae na tumakbo palayo sa direksyon.
“Hindi ko alam, Sister Alexa na mas lalo kang naging mabangis na amazona kapag nakawala ka sa isang hawla.”
Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig. Nilingon ko siya at laking dismaya na hindi pala si Damon iyon kundi si Noel.
Mas lalong naging gwapo siya sa paningin ko dahil sa suot niya na white polo shirt at black pants. Bahagya pa nakabukas iyong tatlong batones kaya sumungaw iyong malapad na dibdib sa paningin ko. Oh god, bakit ba parati ko napapansin ang magandang pangatawan niya?
“Oh it’s you.” Matabang na sabi ko sa kanya. Inaalis ang tingin sa katawan niya.  
“Is that all you can say after you did to me?!” may kalakip na irritasyon sa boses niya.
“Meron ba akong ginawa sa`yo?”
“Huwag ka ng magmaangan pa! You stole all the information na nakuha ko! Because of you I was scolded by my boss!”
“It’s not my problem anymore. It’s you and your stupidity’s fault. Now if you’ll excuse me. May hina…shit!” Napamura ako dahil `yong tao na hinahabol ko ay wala na.
“Ha! Akala mo ba paalisin pa kita ngayon nakita kita? Well, baby doll, not in a million chance I’ll slip this opportunity. Sumama ka sa akin.”
“Ano?!” Naging alerto ako dahil bigla niya akong hinigit sa beywang at walang kaabog-abog na pinasan niya ako na para bang bigas ako! letse! “Let go off me! You jer—agh!!!!” Bigla akong napatili ng bigla niyang pinalo ang likod ko. “Manyak!!! Help!” pinagbabayo ko ang likod niya pero parang wala lang sa kanya iyong ginawa ko.
“Don’t mind her. Ganito lang kami ka-sweet sa isa’t isa.” Narinig kong sabi niya sa mga tao na nadaanan namin. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha dahil sag alit. How dare him slap my butt!
Hindi rin nagtagal ay ibinaba niya ako sa harap ng itim na kotse niya which I assume that he owns it. Akmang kukunin ko iyong baril sa likod ko pero laking gulat ko na lang na nasa kamay nap ala niya iyon! Iwinasiwas pa niya iyon sa mukha ko at n’ong tinangka ko na kunin iyon sa kanya ay itinaas lang niya iyon para hindi ko maabot. “Give it back!”
“Ang mga babae kagaya mo ay hindi dapat humahawak ng baril.”
“Who cares? Nasa modern world ka na, dude, kaya kung anong kaya ng lalaki kaya na din ng babae. Kagaya ng nangyari sa`yo, you were fooled by me.”
Tinaasan niya ako ng kilay and I find it adorable—oh snap out of it! Hindi siya adorable! Gorilla siya! Gorilla! Pero siya lang ata ang Gorilla na gwapo huhu!
“Well that because you seduce me. Lalaki lang ako.”
“Lalaki nga naman. Gasgas na `yang linya na `yan eh. So bakit mo ako dinala rito. Hoy, kahit na gwapo ka pa ay hinding hindi kita papatulan at higit sa lahat wala kang mapapala sa akin.” Sumandal ako sa kotse niya at dinistract ang sarili sa kakatingin sa kuko ko.
“I didn’t bring you out of that place dahil doon. Since you owe me one thing ay kailangan mo akong tulungan.” Nagtataka na nilingon ko siya. When did I owe him? Napansin ko na naging seryoso siya subalit inignora ko na lang iyon at kampante na sumandal sa magara niyang kotse uli.
“I don’t owe you a thing,  Noel. Kung may kinalaman iyan sa mission mo, I’m sorry to say this but I am preoccupied. You see, my uncle was pissed off for what I did to you that’s why he assign me to become a trainor sa mga bagong recruit sa agency naming.”
“Oh I have a very good news for you, Ms. Del Rosario. I had talk to your un—I mean to your boss and since may malaki kang kinalaman sa taong iyon ay pumayag siya na tulungan mo ako kapalit ng ginawa mo sa akin.” Binigyan diin pa niya ang huling sinabi niya. I hate this guy. Pinamukha talaga niya ang ginawa ko sa kanya. It was not as if I rape him. Siya pa nga `yong muntik na akong ma-rape! Agh! This jerk! Ayoko! Pero anyway kahit na gusto ko siya karatehin ura mismo ay hindi ko ginawa dahil nakuha niya ang attention tungkol sa sinabi niyang may malaki akong kinalaman sa mission niya. And whatever it is, I have to find what it was.
“At sino naman taong iyon aber?” Tinaasan ko siya ng kilay, napansin ko din na napadako ang kanyang mata na nasa bulsa ko. Right, isinuksok ko iyong stem sa bulsa ko at iyong card. He murmur something pero ang huling word lang ang narinig ko.
“…Rose?
“Anong binubulong mo diyan ah?”
Namutla siya at bahagyang pinilig ang ulo. “N-nothing. Anyway, what I said before may naging parte ka sa buhay ng taong ito and hopefully hindi ka mabibigla sa sasabihin ko.”
 Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit but there was something about it na hindi ako mapakali. He was staring at me intently at nag-iisip na kung anong dapat o tamang sasabihin. 

1 comment:

  1. hello!
    i'm here to testify how dr ozama helped me to cure my cancer after he has sent me some of his herbal medicine which i used for a month and 14 days. he told me it was going to work but i was just too scared that i'm going to die anyways and so decided to use all the herbal medicine he gave to me and i thank God now that i'm still alive with the help of his herbal medicine and God and want to thanks dr ozama for the help of making me still being alive today. i learns that he also cast spells to solve relationship issues and so many others. you can as well contact him if you like at ozaspelltemple (at) gmail (dot) com.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^