Wednesday, March 25, 2015

My Ex Is A Secret Agent: Chapter 29-30





Twenty Nine
I can’t believe it! Hindi ako makapaniwala na magagawa nila ito sa akin! Ano bang kalokohan ang naisip nila and kidnap me?
Pagkagising ko ay nasa isang malaking kwarto ako, hindi ko alam kung saan nila ako dinala. Walanghiya! I never thought those two could actually make something stupid as this one! I can sue them for kidnapping me!
Bumangon ako upang umupo ng maayos sa kama. Inilibot ko ang tingin ko pero tumigin iyon nang napansin ko ang isang saklay na nasa gilid ng kama ko. Ginamit ko iyon upang makapaglakad ako ng maayos. Lumapit ako sa pintuan, akala ko n’ong una ay lock iyon pero mali pala ako.  
Really! Ano ba kasing pumasok sa isipan nila?
Ah! Now my heads clearer, naalala ko na may sinabi silang kliyente at may ni-request daw ito. Anong kinalaman sa`kin iyon? Ugh! Kainis! Kainis! This is so frustrating.
NOEL’S POV
Sa mga nakaraang nakalipas ay hindi ko talaga kayang layuan si Alexa, ngayon alam na niya ang lahat tungkol sa akin ay there’s no turning back. Gagawin ko ang lahat para maging akin siya uli. Hindi bilang si Damon kundi ako. Kaya nga ginawa ko ito eh, kidnapping her at dalhin sa isang lugar na ma-solo siya at makausap ng masinsinan, dinala ko siya dito sa San Isidro. Malayo ang rest house ko dito sa bayan. Of course, hiningi ko ang approval ng magulang niya. Pinagtapat ko sa kanila ang atensyon ko.
Binigyan ko na siya nang oras para makapag-isip at maging huminahon. But I had enough of it, when I heard that she was admitted to hospital dahil sa isang aksidente ay agad ko siyang binisita. Wala siyang kamalay malay noon na parati ko siya binabantayan pero n’ong nagkaroon na siya nang malay ay dinadalaw ko parin naman siya, iyon nga lang ay kapag tulog siya. Alam ko kasi na kapag makita niya ako ay magagalit siya.
Kung noon ay pinagbigyan ko siya ngayon naman ay hindi ba ako naman iyong pagbigyan niya? Inaamin ko naman ang kasalanan ko eh.
“May tao ba?!” Napatigil ako sa pag-akyat ng hagdan nang marinig ko ang boses ni Alexa. Gising na pala siya. Paniguradong gutom na siya kaya naman may dala akong pagkain ngayon, puro paborito niya ang niluto ko.
Nang makaakyat na ako ay madali ko lang siya nakita, hindi naman kasi kalayuan ang kwarto niya dito sa hagdan. Nang mapansin niya ata ang presensya ko ay napalingon siya sa`kin at nagtama ang aming mata.
“Damn! Ikaw ang nag-utos na kidnap-in ako?! Ganyan ka ba ka desperado?” Sarap sabihin na OO pero di ko na lang ginawa, baka madagdagan na naman ang kasalanan ko sa kanya.
“Kumain ka mun—“
“I hate you! Iuwi mo na ako! Saan ba ito ha?!”
 ALEXA’S POV
“You’re not going home unless I say so.” Namilog ang mga mata ko na nakatingin sa kanya, baliw na ba siya? As in, hindi ko talaga naisip na magagawa niya ito sa `kin!
Strange, kahit na ginawa niya ito sa`kin ay hindi ako nakaramdam ng takot. Siguro dahil iniisip ko na wala siyang balak na masama sa`kin. Kapag ginawa niya iyong iniisip ko ay lintik lang na hindi ako makaganti. “You’re just making me hating you more, Noel.”
“I’m willing to take a risk, Alexa. Kahit anong sabihin mo sa`kin ay walang magbabago. You’re staying here wether you like it or not.” He said with determination in his voice.
“I don’t think so!” Kahit na nahihirapan akong maglakad ay sinikap ko parin, lalagpasan ko sana siya subalit hinigit ang braso ko.
“Alexa! Hindi ka parin ba nagsasawa sa pag-ignora sa`kin? Alam ko na kasalanan ko kung bakit galit ka ngayon sa `kin pero sana naman mapatawad mo ako sa ginawa ko.”
“Mahirap `yong gusto mo, Noel. All the thing you’ve done its hard for me to forgive you.” Napapailing ako.  “I’ll be a liar kung sasabihin ko sa`yo napatawad na kita.”
Noel sighed before he let go my arms. Naglakad siya papunta sa kwarto kung saan ako nanggaling. “Hindi naman kita minamadali. Halika, kumain ka muna.”
Naningkit ang aking mata. Is he a deaf? Sabi ko sa kanya uuwi na ako!
I was about to protest when my stomach betrayed me. Naramdaman ko na nagwawala na ang tiyan ko sa gutom.
Sumunod na lang ako sa kanya, kailangan kong magpalakas `no para makaalis dito. “Just so you know, kahit na kinain ko pa itong niluto mo doesn’t mean na pinapatawad na kita.” Sabi ko nang pumasok ako sa kwarto.
Inilapag muna niya ang tray na hawak niya bago ako nilingon, he flash me with his killer smile. “I know.”
Just one smile ay binubulabog na talaga ang kalooban ko. Darn it!
*
Sa dalawang araw ko dito sa bahay niya ay hindi ko siya kinikibo. Magsasalita lang ako kapag kailangan ko kagaya ngayon…
“Pahiram ng cellphone.” Sabi ko sa kanya. Napatigil siya sa paglilinis ng kanyang kotse.
“Kung tatawag ka naman sa magulang mo tungkol sa nangyari sa`yo, forget it.”
Inirapan ko siya, bwisit talaga! “Gusto ko lang ipaalam sa kanila kung saan ako!”
“They already know, humingi na ako nang permiso sa kanila bago kita dalhin dito.”
“Nagpapatawa ka ba? Pa—“
“Akala kasi nila may lover’s quarrel tayo kaya hinayaan nila na kunin kita. Wala naman akong balak na masama sa`yo.”
“You’re such a good liar. Ah basta pahiram ng cellphone, tatawagan ko na lang ang kaibigan ko.”
“Kung tatawagan mo naman si Dana para humingi ng tulong. Sorry to disappoint you pero hindi mo siya matatawagan dahil busy siya ngayon.”
“Ang bo—“
“At kung boss mo naman, hindi ka rin naman niya matutulongan dahil kliyente niya ako.”
Nauubosan na talaga ako ng rason. Pinagplanuhan talaga niya ito nang maigi!
Umupo na lang ako sa upuan at masamang nakatitig sa kanya. Wala akong pera kaya imposible na makaalis ako sa pader niya.
If looks can kill ay matagal na sigurong patay si Noel sa titig ko. Halos kalahating oras na siya sa labas ng bahay, hindi ko talaga siya maintindihan. Bakit nililinis niya ang kotse niya eh mukhang wala naman dumi do’n. Mukha ngang bago eh. “Walang mangyayari kahit na titigan mo pa ako.” He said. Shit. Nahuli pala niya akong nakatitig sa kanya!
Shit!
Inirapan ko siya. Pinagpatuloy ko na lang ang ginawa ko. “I can stare at you whanever I want. Kung gusto ko patayin kita sa titig ay gagawin ko!” Ngumisi naman siya na ikinataas ng kilay ko.
“Kaw nagsabi niyan ah.”
Napaawang ang bibig ko sa sumunod na nangyari. Hinubad niya ang kanyang t-shirt kaya expose ang malaking pangangatawan niya.
“What the hell! Why did you take off your shirt?!” Kontra ko. Iniiwas ko ang tingin ko.
“Basa ang damit ko kaya hinubad ko na lang. Why?” Painosenteng tanong niya. Sa inis ay tiningnan ko uli siya. “Hindi naman siguro masama di ba?”
Relax ka lang Alexa. Obviously, sinusubukan ka lang niyan!
Huminga ako ng malalim and recompose myself. Ngumiti ako sa kanya. “Wala naman masama.”
“Oo nga naman, wala naman masama since you already saw me half naked anyway.” Nag-init ang pisngi ko sa narinig.
“Hindi naman maganda ang katawan mo `no! Madami na akong nakitang mas malaking katawan.” I retorted. Totoo naman `no. Sa magazine lang.
Nang sinulyapan ko si Noel upang makita ang reaction niya ay hindi na siya nagsalita at tahimik na lamang naglilinis ng kotse niya. Hindi ko tuloy maiwasan na ma-guilty sa sinabi ko—ay! Ano ba naman iyang iniisip mo Alexa! Tumigil ka! Dapat lang iyan `no! Isa pa, hindi naman big deal `yon!
Babalik na sana ako sa loob ng bahay ngunit naudlot iyon nang may isang babae na tumawag kay Noel.
“NOELLLLL!!!!!”
Napalingon uli ako sa direksyon niya.
“Nessa!” Tawag ni Noel sa babae tsaka lumapit sa kanya.
Niyakap siya ni Nessa nang mahigpit which only makes me grip on the headrest.
“Kailan ka pa dumating, Noel?” She ask coyly. Base from the way she act ay alam ko na may gusto siya kay Noel. May pa-deamour pa nalalaman ha!
“Three days ago.” Sagot naman ni Noel sa babae.
Tila nawala ang existence ko habang nagsasalita sila. “Talaga? Ba’t hindi mo man lang ako binisita? Kainis ka ha! Kung hindi pala sinabi sa`kin kay Tito na dumating ka na ay hindi ko pa malalaman.”
“Pasensya na, Nessa. Busy kasi sa pag-asikaso sa…” Napasulyap sa akin si Noel. Aba, sino bang gustong mag-asikaso sa`kin? Ako? Hindi ba siya?!
I never ask him to take care of me naman `no!
“S-sino siya?” Nabanaag kong nasaktan siya sa nalaman. Of course, wala naman kaming special relationship ni Noel pero sure ko nasaktan siya at nagselos!
Pinakilala kaming dalawa ni Noel sa isa’t isa.
“May nobya ka na pala, Noel. Ba’t wala ka man sinasabi sa text? Kainis ka!” Pilit na tumawa si Nessa.
Inunahan ko si Noel. “Dahil hindi naman talaga niya ako girlfriend, Nessa.”
Tila nabuhayan siya ng loob nang marinig ni Nessa iyon. “Alexa…” Saway sa akin ni Noel.
“Totoo naman `di ba? Pinilit mo lang ako pumunta dito `no!” Inirapan ko si Noel. Naiinis ako sa kanya, dapat ay galit ako sa kanya dahil sa panloloko niya sa akin kaso ba’t ganito ang pakiramdam ko? Parang nagseselos ako kahit wala naman silang ginagawa?
Bago umalis si Nessa ay inimbitahan muna niya kami na maghapunan sa kanilang bahay. Pinaunlakan naman iyon ni Noel. Ang dense naman nang lalaking ito!
 Chapter Thirty
“Oh ba’t hindi ka pa nakabihis?” Tanong ni Noel sa akin nang maabutan niya akong hindi pa nakabihis. Sa totoo lang wala naman akong balak na sumama 'no.
“Hindi ako sasama sa'yo. Kung gusto mo pumunta ka na doon sa bahay niya para kumain.”
“But she was also expecting you to come, Alexa. Kung ayaw mo naman pala pumunta ba’t umuo ka kanina?”
“Oh.My.Gosh. I can’t believe how dense you are.” Sa inis ay sumama na lang ako kasi—what’s the point?
Mabuti na lamang at naisipan pa nang lalaking ito na bilhan ako ng damit dahil kung hindi ay ewan ko na lang kung anong susuotin ko sa susunod na araw. Simple lang ang sinuot ko, plain shirt and jeans.
Malayo-layo ang bahay nang Nessa na yun kaya wala kaming choice kundi gamitin ang kotse ni Noel. Kuh, confirm talaga na may gusto siya kay Noel. Hindi siya pupunta sa bahay ni Noel nang ganitong kalayo para kamustahin si Noel. She wanted to see him because she like her!
“Magkaibigan ba kayo ni Nessa?” I broke the silence between us.
Noel’s suddenly plaster a smile on his face. “We’re childhood friends.”
“No wonder.” Na makakapit siya sa'yo ay parang linta.
“Selos ka?”
“You wish.”
Nang makarating kami sa bahay ni Nessa ay ang babae ang sumalubong sa amin. She was wearing a summer dress at may make up pa! Obviously, pinaghandaan niya ang pagdating ni Noel. Pero nabura lamang ang matamis na ngiti niya na Makita ako. Pigil kong taasan siya nang kilay. Welcome na welcome kami doon sa bahay at kung nakipag-plastikan lang sa akin si Nessa. Wala akong pakialam. Siya naman ang nag-imbita kaya siya dapat ang magtiis kung hindi niya mapasolo si Noel. Ugh. Ano ba itong iniisip ko? Para naman akong nagseselos na nobya!
Habang nasa hapag kami ay patuloy lang sa pagsasalita ang ama ni Nessa. “Akala nga naming ay ang anak ko at si Noel ang magkakatuluyan eh. Napaka-close naman kasi nilang dalawa kaya naisip ko na naghahanap ng tyimpo itong si Noel na ligawan ang anak ko. Wala naman kasi kaming nababalitaan na naging nobya niya pwera na lang sa fring.”
“Tay, fling. Hindi fring.” Pagtatama ni Nessa sa kanyang ama.
“Oo na, Oo na. Fling na kung fling.”
“Isa pa, Tay, hindi naman po nobya ni Noel si Alexa. Kaibigan lang siya.” Napalis ang ngiti na nakaplaster sa mukha ko. Alam ko naman na hindi kami magnobyo ni Noel. Kaso nga lang hindi ko maiwasan na mainis talaga! Dapat galit ako sa kanya eh! Anong nangyari dun?
Agh!
Mas lalo pang napasimangot ako at nawalan na ng ganang kumain nang magsalita si Noel. “Tama po si Nessa, Tito. Hindi ko naman po nobya si Alexa.”
Masaya pa silang nag-kwentuhan habang ako naman ay tila nawalan na nang existence. Nagpaalam akong magbanyo lang pero sa totoo lang ay dumaan na lang ako sa bintana para makaalis sa bahay na 'yon. Kapag kasi magtagal pa ako sa loob niyon ay sisikip na ang dibdib ko.
Patay sindi ang ilaw ng poste kaya nakakatakot maglakad sa kalsada lalo na walang tao o sasakyan dumaan.
“Nagsisi ka na tuloy?” Kinausap ko ang sarili ko. “Ayan ang napapala mo, kung bukas lang ang isipan mo at pinatawad na si Noel ay hindi sana mangyari ito.” Ugh! Oo na ako na ang tanga. Pero masisi ba ako kung magalit ako sa kanya? Ako ang naloko!
Hindi ko lang matanggap na niloko niya ako noon. Kung pinagtapat na lang sana niya nang mas maaga eh hindi sana mangyari 'yon. Alam kong matagal na nangyari iyon pero…ugh! Aside kasi sa galit ako sa kanya ay galit rin ako sa sarili ko. All this time kasi hindi pala si Damon ang mahal ko kundi si Noel.
Dapat ko na bang kalimutan ang ginawa noon ni Noel and forgive him?
Huminga ako nang malalim. What am I saying, even if I do that. Wala naman mangyayari 'no. Nagdadalawang isip parin ako, what if kaya lang naman niya ginawa ito all this time ay dahil guilty siya?
“ALEXA!”
“AY BUTIKING PALAKA!” Muntik na akong napatalon sa gulat. Nilingon ko kung sino iyon, si Noel pala. Tumatakbong lumapit sa akin.
“Alexa! Ba’t iniwan mo na lang ako na walang pa sabi?”
“Ba’t iniwan mo ang kotse mo?” Pag-iba ko ng topic.
“That’s not important, Alexa. Sagutin mo na lang ang tanong ko.”
“Bored na ako. Kaya umalis ako.” Iniiwas ko ang tingin ko. Namumula ang pisngi ko, mabuti na nga lang nasa madilim na parte na kami ng kalsada kaya di niya nakita ang pamumula ng pisngi ko.
“Kahit na nababagot ka na, mas maganda parin na magpaalam ka. Para naman masamahan kita.”
“Ano ba, Noel. Kailangan ko pa bang sabihin 'yon sa'yo? Eh busy kayong lahat sa pag-uusap. Hindi ako maka-relate sa mga pag-uusap ninyo! Hindi kita gaanong kilala, Noel. Oo, siguro nga nagkasama din tayo ng matagal pero totoo ba 'yong pinapakita mo sa akin noon? Baka kaya mo lang ginagawa ito ay dahil guilty ka sa ginawa mo noon. Nai—“ Hindi natuloy ang sasabihin ko dahil bigla na lamang niya sinakop ang mga labi ko. Nanlaban ako pero dahil wala naman saysay ang ginagawa ko kaya nagpaubaya ako.
He kissed me gently na tila kailangan ingatan upang hindi mabasag. Nang maghiwalay ang labi naming ay naiwan lang akong natameme. Nakalimutanang lahat ng dapat kong sabihin.
“Don’t you ever doubt my feelings for you, Alexa. Oo, I deceive you, pretending to be my brother but only his identity. Lahat ng pinapakita ko sa'yo ay totoo iyon. Mahal kita noon at hangang ngayon. Kung guilty lang ang naramdaman ko, magpapakahirap ba akong suyuin ka? Hahalikan ba kita ng ganito kung hindi kita mahal?” His voice was sincere and there’s no way na iisipin kong nagsisinungaling siya.
Napaiyak na lamang ako. Wala kasi akong masabi eh.
“Kaya ko pang patunayan na mahal kita, Alexa. Ugh…” Napakamot siya sa ulo na pinagtaka ko. Weird man pero 'yon ang naramdaman ko. May kinuha siya sa bulsa at bago pa niya ipakita ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Hindi ko pa sana gagawin ito kaso nga lang, you leave me no choice.”
Namilog ang mata ko nang Makita ko ang isang kahita. Binuksan niya iyon at tumambad sa paningin ko ang isang singsing. “Will you marry me and spend for the rest of my life? Okay lang kung ayaw mo pa ngayon maghihintay naman ako. I am willing to wait. Kahit na i-reject mo pa ako ngayon ay hindi ako magsasawa na mag-propose sa'yo hanga’t hindi kita mapa-oo.”
Halos sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kilig at saya, it made me speechless. Napaisip din ako kung kailangan ko ba siyang bigyan ng second chance.  Mas inuna ko pa ang pagiging matigas ang ulo, nagpakabulag ako sa galit. I know it’s foolish of me kung gagawin ko ito pero…
“A—“ Hindi na naman niya ako binigyan na makapagsalita. Langya naman! At least bigyan naman niya akong chance na makapagsalita.
Mas iba ang klase nang paghalik niya ngayon, mas marubrob. The same kisses no’ng nagpapanggap palang akong madre. Nanghihina ang aking binti. Parang robot ako, automatic na ginantihan ko siya nang halik and wrap my arms around his neck to deepen our kiss. Ang mga kamay naman niya ay nakahawak na ngayon sa beywang ko, hinila ako palapit sa kanya kaya naglapat ang aming dibdib. Noel nibble my lips, wanting me to open my mouth at sinunod ko naman ang gusto niya. Then, he slid his tongue inside my mouth. Habang tumatagal ay mas lalong naging mapusok at mapaghanap na si Noel. 
Naalarma na ako nang mapagtanto iyon. I love kissing him but I am not ready yet and on top of that I don’t want to do it in the middle of the roads!
I place my hands on his chest and pulled away. Mukhang na-gets naman niya ang ginawa ko kaya umatras siya ng kunti upang bigyan ng distansya ang pagitan namin. He was now smiling pero halata parin na kinakabahan siya sa sagot ko. “I…guess we’re okay now…?”
I press my lips, suppressing my smile bago ako magsalita. “Hindi. Hindi tayo okay.” Sagot ko.
Naglaho ang kanyang ngiti pero agad din naman bumalik `yong ngiti niya. Iyon nga lang pilit na. “It’s okay. No need to rush. I guess you’re not ready to marry me and still not forgive me.”
Napapailing na lamang ako. “Idiot.”
“Idiot? Siguro nga, I jump into conclus—“
“Oo kasi ano sa tingin mo kung bakit kita pinayagan na halikan ako?”
“Pe…pero sabi mo…”
“It’s far from being okay between us, Noel. Yes, I am giving you a second chance and hopefully you will not disappoint me. Kapag niloko mo uli ako ay lagot ka sa akin. I’m willing to take a risk and spend the rest of my life with you, Noel because I love you.” Kahit na madilim sa lugar na ito, I can tell he was happy.
“Talaga?”
“Talagang-tala!”
“Then you’ll marry me?”
Napasimangot ako. Hindi niya na-gets `yong sinabi ko sa kanya kanina. Kaya ang ginawa ko ay piningot ko ang tainga niya. “Aray!”
“Dummy! Kung ayaw mo eh di wag!” Aniya tsaka binitiwan ang tainga niya. Akmang iiwan ko siya pero hinigit niya ang braso ko.
“Wala naman akong sinabi ah. Bawal na bang manigurado ako? Baka mali lang akong iniisip eh.” Napakamot na sabi niya. “Wala nang bawian iyan ha? I love you, babe.”
“Yuck. Baguhin mo nga iyang endearment mo. Napaka-common.”
“Oh sige ito, my angel.”
“Bakit?” Nagtatakang tanong ko. Then, inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko at binulong niya sa akin. Akala ko maganda iyong sasabihin niya, grabe ang expectation ko tas isang word lang?!
“Secret.”
“Agh! Ang daya!”

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^