Tuesday, November 11, 2014

My Ex is a Secret Agent: Chapter 19-25



 :Chapter Nineteen:

Lumabas na ako sa kwarto ko matapos ko manood ng movie kanina, wala kasing magawa dito sa condo unit ko kaya naisipan ko na lang na mamasiyal muna. Pagkatapos ko e-lock ang pinto ay naglakad ako, and there’s go again. My new neighbor, nakabukas na naman ang pinto. Napapailing na lang ako, tamad siguro ito na sarhan ang pinto.

Bahala na nga siya. Sumusobra na ata.

I was about to leave when suddenly I heard a noise coming from inside. Parang may nabasag na kung ano doon. Naku! Alexa, mind your own business na nga! Baka mag-asawa lang iyan at nag-aaway pero kung ganoon naman bakit wala akong marinig na ingay na nag-aaway? Nagpakawala akong buntong hininga. Bahala na nga.

I knock at the door but no one answered. Ilang beses ako kumatok and because of my curiousity ay hindi ko mapigilan na pumasok. “Hello?”

Wala parin sumagot. Parang walang tao pero imposible naman wala dahil nakabukas iyong pinto tas may narinig pa akong ingay na tila nabasag. Dumeretso ako sa kusina at hindi naman ako nagkamali. I gasp, there was man lying on the floor, may basag pang bago malapit sa kanya!

Kaya naman daling-dali ko nilapitan siya.

“Hey! Are you okay?” Pinihit ko paharap siya. Anong ginagawa niya dito?!

Sinalat ko ang noo niya. Ohmygulay! Napakainit niya!

Humugot muna ako ng hininga at saka ko siya pilit na pinatayo, inilagay ko ang malaking braso niya sa balikat ko para 'di ako gaano mahirapan. Pinasok ko siya sa kwarto niya at marahan inihiga sa kama. Mamaya ko na aasikasuhin iyong basag nandoon sa kusina. Mahinang idinilat niya ang kanyang mata at bumaling sa akin.

Parang may kung anong tumahip sa dibdib ko. “A-alexa?” Paos na sabi niya. Humalukipkip na lamang ako para itago ang reaction ko sa pagtawag niya sa pangalan ko.

“Marami akong gustong itanong sa'yo, Noel, but seeing you in a state like that I will set it aside. For now, magpahinga ka muna. Seriously, may sakit ka na pala pero hindi ka man lang tumawag sa kahit sinong kakilala mo para tulungan ka? o di kaya pumunta sa doctor para magpa-check up?”

Hindi siya sumagot, akmang babangon siya pero tinulak ko siya pahiga. “Why are you here?”

“That’s what I want to know to you too. What the heck are you doing here? Of all the places why here? Para naman hindi mo alam na dito ako sa condominium nakatira!”

Hindi niya sinagot ang tanong ko. “Fine. If you don’t want to answer it bahala ka.” Napansin ko na may sugat siya sa kamay. “May gamot ka ba para sa sugat mo?”

Iling lang ang sagot niya. “Wait here.”  Pero bago pa ako makaalis sa kwarto niya ay bigla siyang umusal.

“Sorry…” He said na pinagtaka ko. Sorry dahil nakakaabala siya sa akin?

I shrug at mabilis na lumabas sa kwarto niya at bumalik sa bahay ko para kunin ang medicine kit. Then pagkatapos ko makuha iyong kinakailangan ko ay bumalik na uli ako sa kanya. Naabutan ko siya sa loob na mahimbing na natutulog. Sinimulan ko na gamotin iyong mga sugat niya lalo na sa kamay. Mayroon din siyang maliit na hiwa sa mukha kaya naman nilagyan niya ng band aid iyon na ikinatigil ko.

Napatitig ako sa mukha niya. Napakapayapa niya tingnan habang natutulog. Peo agad ko sinaway ang sarili ko na titigan siya. Pagkatapos ko gamotin 'yong sugat…and well since I’m a good sammaritan ay lulubusin ko na siguro. Base sa suot niyang damit ay may pinuntahan ito kaya naman…err…papalitan ko na lang ang shirt niya.

Nanginginig ang kamay na hinawakan ang shirt niya. Oh come on! I should feel nevous this way, I’m only going to take his shirt off. Wala nang iba pa! Humugot ako ng malalim na hininga bago ko inalis iyong shirt. Nakahinga ako sa wakas ng matanggal ko na iyong shirt niya pero bago pa ako makaalis sa tabi niya

“I’m sorry…I won’t leave you again…sorry.”

Weird, something stir inside me. Bakit naman siya nag-sorry? Sigurado na hindi ako iyon dahil 'di pa naman kami nagkita and even if it is bakit naman niya sinabi na I won’t leave you? Kaya hindi talaga ako iyon.

 EYES HERE: BINAGO KO ANG MYSTERIX BUTTERFLY AGENCY TO PHOENIX EMBLEM AGENCY OR ORG. DAHIL, WELL, MAS COOL KASI ANG PHOENIX EMBLEM HEHHE!
:Chapter Twenty:
“Wow!”

“Yes. Wow.”

“Wow!”                                                                                                        

“Oo na, Dana, wow na kung wow! Could you please refrain from saying wow? You’re getting on my nerves.” Humalukipkip na sabi ko sa kanya. Ilang oras ang biyahe namin papunta dito sa bagong headquarters namin which I don’t understand why kailangan lumipat. Maganda naman ang location sa dati namin H.Q unlike dito pa sa Baguio. Maliban sa malayo ay malamig pa ang klima. One thing that’s worth coming here is that we could buy a fresh strawberry here and, well, also the tourist attraction dito.

Ayoko sana pumunta dito pero no choice eh. Boss na ang nagsabi na mandatory daw ito kaya kailangan pumunta, excuse iyong mga agent na on-a-mission. I was planning to spend my time na alagaan si Noel. Wala kasing mag-aalaga sa kanya kaya nakaawa. Nag-iwan na lang ako ng sticky note sa table, katabi n’ong kama niya at sinulat doon na inihanda ko iyong pag-kain niya doon sa kusina. Sana okay na siya sa mga oras na ito.

“I mean ma-wow ka talaga ng bongga dito! Alexa! Naalala mo ba iyong sinabi ng tour guide natin dito sa loob ng bago nating headquarters? Halos lahat ng nandito ay napaka-high tech! Meron na din Laboratory dito, iyon nga lang ay ang full access lang doon ay mga scientist at higit sa lahat ay napaka-strict na ng rules dito.”

“I know. Er, matagal pa ba itong meeting?” Nandito kasi kami sa conference, almost lahat ng mga agents ay nandito talaga. Mahigit twenty lang kaming mga secret agent dito at ang iba ay sa office lang nagtatrabaho. May grupo din ng mga tao na 'di ko kilala pero familiar sila sa akin, di ko nga lang alam kung saan ko sila nakita. Kasama ng mga ito si C.M na kinakausap ang isang babae na naka-eye patch.

Napasulyap silang dalawa sa akin. May sinabi iyong babae kay C.M then tumatango-tango. “Dana, kilala mo ba ang mga grupong iyon?” I nudge her shoulder.

“Saan?”

“Iyon.” Tinuro ko iyong grupo.

“Oh em ji! For real, Alexa?”

“Familiar sila sa akin pero 'di ko matandaan kung saan ko sila nakita. Mukhang hindi naman sila member ng P.E.O”

“Iyan. Hindi kasi updated sa website natin kaya 'di mo alam.” She said, slightly nod her head. Anong website ang pinagsasalita niya? “Are you lost on your mind? Member din kaya iyan sa org. natin. Hindi mo lang kilala dahil nasa ibang branch sila. Did you see that woman na kasama ni C.M? Siya si Seirra Partington. The Tyrant Queen in Manhattan Phoenix Emblem Agency. Pure Filipina iyan ah kaya kung sakali na mag-nosebleed ka sa English tagalog-in mon a lang siya.”

“Huwag mo nga akong ikompara sa'yo Dana.”

“Hehe! And oh oh! Iyong isa na Moreno—the one who has a bulky body? Ohmygosh! Ang wafu niya! Hindi ko akalain na makikita ko siya ng personal.”

“What’s the new? Lahat naman ng lalaki sa'yo ay gwapo.”

Inignora niya ang sinabi ko at nagpatuloy. “His name Mason Munteiro! Balita ko daw na nakakatakot siyang trainor! Ah, gusto ko bumalik sa pagiging trainee tas siya ang instructor ko.”

Grabe naman siya. “Saan mo ba iyan nakukuha at madami kang alam sa kanila?” Natigilan ito na parang may bikig sa lalamunan.

“Uh-oh! Oh my gosh! Wag mo ipaalam na sinabi koi yon sa'yo, Alexa.”

“Bakit naman?”

“Alam mo kasi may…” Sinenyasan niya ako na lumapit, ibinulong na lang niya sa akin ang sinabi niya. “Mayroon kasing deep website ang P.E.O. Nandoon lahat ng mga latest information about sa mga member ng P.E.O sa iba’t ibang branch.”

Deep website o mas magandang salita na hidden website na kukunti lang nakakaalam.

“Ano—“

“Shhh! Wag kang maingay!”

“Kailan pa nagkaroon ng deep web ang org na ito?”

“One year na 'no.”

“Bakit ngayon ko lang nalaman ito? Hindi mo man lang sinabi sa akin.”

“As if naman interesado ka sa ganoon 'no. Tsismis at forum lang naman ang nandoon, err, isali na din iyong mga picture na ini-share nila!”

“AND WOULD YOU KINDLY SHARE WHAT YOU’RE TALKING ABOUT MS. DEL ROSARIO AND MS. CASTILLO?” Umalingawngaw sa conference room ang boses ni Boss na nakakatitig sa gawi namin. Napaawang ang labi ko. Anak ng tofu! Napansin pala kami, namula ang buong mukha ko dahil halos lahat ng nandito ay nakatitig sa amin.

“Um…err…” Parang maiihi na si Dana sa takot. Kahit na nakasuot ng mascara ang Boss namin ay 'di maitatago ang naningkit na mata niya. “Sorry po. Hindi na po mauulit.”

“You should be. I was having an important speech here and yet you two aren’t listening to me. I hope this will serve as your first lesson and warning, dear, because I don’t tolerate anyone who’s disrespecting me.” Sabi niya then ibinaling na niya ang buong attention sa lahat. “Anyway, next month, we will be having a tournament. Alam naman siguro ninyo kung anong ibig kong sabihin 'di ba?” tumango kaming lahat, mamaya na lang kami mag-usap ni Dana tungkol sa website na tinutukoy niya.

Siguro nagtataka kayo kung anong tournament 'no? This tournament will only held once in a year, isang labanan, pinapakita ng mga napiling player ang kanilang buong kakayahan such as hand to hand combat, sharp shooting and etcetera at kung sino man mananalo dito ay maliban sa malaki ang premyo ay ma-promote sila—from ordinary to elite!

Ang mga elite na agent ang mag-handle sa pinaka-delikadong mission.

“Tatawagin ko kung sino ang lalaban for the tournament. Cedric Madrigal, you’re one of my top list who has a great potential to become an elite…” mayroon pa siyang limang agent na tinawag na malaking pasalamat ko ay hindi ako isinali dahil wala akong amor doon. Ganoon din si Dana.  “And oh I almost forgot, bibigyan ko din ng chance ang dalawang agent na isasali ko, bawal ang tumangi. Ms. Castillo and Ms. Del Rosario.”

Nanigas kaming dalawa ni Dana. No! Ayoko!

“I hope you’ll show me what you got. Base from the information I got kahit na may mga flaw kayo sa trabaho ninyo ay kahit paano ay maganda parin naman ang performance ninyo.”

:Chapter Twenty One:

ANONG gagawin ko ngayon? Ayokong sumali, kuntinto na ako sa kung ano meron ako at isa pa, sakit lang iyan sa katawan ang sumasali sa isang tournament. Napanood ko 'yong tournament noon and it was quite awesome yet dreadful at the same time. Halos ang sumali sa tournament noon ay nakaratay sa ospital ng ilang buwan dahil sa natamo nila sa laban.

Sure, wala pang namamatay pero nakaratay naman sa ospital. No way.

As in ayoko talaga, gusto ko sana kausapin si Mrs. Torres eh pero hindi ako binigyan ng pagkakataon dahil napaka-busy niya ng matapos ang speech niya ay nagmadali na umalis siya.

“So what are we gonna do about it?” I ask Dana sa kabilang linya, lulan ng sasakyan. Manantili pa raw sa bagong H.Q si Dana dahil gusto niya mag-explore doon.

“Wala na tayong magagawa, Alexa. Hindi ba at sinabi niya na bawal ang tumanggi unless na gusto mong umalis sa trabaho.”

“Kainis naman eh!”

“Haha! Hindi lang ikaw, pero…isipin mo na lang. Kapag mananalo tayo nito ay may malaking premyo pa at promotion! Hahaha!”

I roll my eyes. Mabuti na lang at madaldal si Dana kung hindi ay baka mabagot ako sa biyahe. Malapit na ako sa condominium and thank God, makakapagpahinga na ako. “Basta pera talaga ay gagawin mo talaga ang lahat 'no? kahit sigurado ako na sa ospital ang bagsak mo.”

“Ang sakit mo naman magsalita. Parang sinabi mo na wala akong chance na Manalo.”

“Ikaw lang nag-isip niyon pero kung iisipin mo. Mahuhusay din naman ang makakalaban natin 'no.”

“Hmp! Hindi na kita friend! Bahala ka na! I-I hate you!”

I burst into laugh, believe me, she didn’t mean about hating me. Drama Queen lang iyan.

“Okay. I hate you too.”

“No. I really mean it, I hate you!”

“I hate you too.”

“Kainis ka naman eh.”

“Ako pa ngayon ang nakakainis?”

“Hindi. Joke lang iyon, highblood ka naman. Sige ka, magiging matandang dalaga ka ni—“

“Daniella Castillo!” Isang boses ng lalaki na galit nag alit ata na tinawag si Dana.

“Ay naku po!” She gasp.

“Dana, sino 'yon?”

“Talk to you later, friend! Bye and I’m going to miss you!” I frowned, stare at my phone after she ended the call. Meron na naman siguro siyang ginawang masama kaya ganoon. Si Dana talaga.

Napapailing  na lang ako at tinuon ang pagmaneho sa kotse. Nang makarating na ako sa condo unit ko ay minamasahe ko ang balikat ko sa sakit while tossing my sandals. I was so tired and I don’t have time to cook something to eat for dinner kaya naman tumawag na lang ako sa isang restaurant para um-order then naalala ko si Noel.

Gising na kaya yun? Kinain niya kaya yung porridge na hinanda ko sa kanya o ang gamot?

I sigh and decided na um-order ako ng makakain namin. Matapos niyon ay nagpalit muna ako ng damit bago dumeretso sa condo unit ni Noel. N’ong nasa harap na ako ng pinto ay hinawakan ko ang knob at pihitin iyon pero laking dismaya ko ay lock na 'yon.

Aw, I forgot na wala pala akong spare key ng condo unit niya! Oh man, kung alam ko lang eh di sana hindi ko na lang ini-lock ito. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tinanggal 'yong hairpin na nasa buhok ko.

Sinimulan ko kinukutingkuting ang knob until may narinig akong click. Phew! I thought it would take me forever!

Ibinulsa ko na lang 'yong hairpin at walang anumang binuksan iyon, napakadilim sa loob kaya naman kinapa ko ang nasa gilid para buksan ang ilaw pero bago ko pa mahanap iyon ay kusang bumukas ang ilaw. Napapitlag ako. Na naman? Pangalawang beses na niya ginagawa ito!

He was standing in front of me at tila hindi nagustuhan ang ginawa ko pagpasok sa kanyang pamamahay.

“Hey!” I chirp to ease the tension.

“Barging inside someone else property is a crime, Lexa.”

I start twiddling my index fingers. “Alam ko naman iyon eh, akala ko kasi tulog ka ngayon kaya hindi ko na inabalang kumatok.” He scoff. “So anong ginagawa mo dito?”

“Um, er, um, checking kung maganda na ang pakiramdam mo.” I trotted all the way in front of him then sinalat ko ang kanyang noo. “Wala ka na palang lagnat, mabuti naman.” I smile at him, bigla naglaho iyong ngiti ko ng ma-realize ko ang ginawa ko.

Nag-init ang magkabilang pisngi ko. Alexa Del Rosario!

AWKWARD.

Mabilis na inalis ko ang kamay sa noo niya at nagsimulang malikot ang mata ko. Hindi ko matingnan ng straight in the eye siya eh!

Bakit ba kasi naiilang ako? Ah! Isipin mo na nga lang Alexa ang ginawa niya noon na kinaiinisan mo para mawala iyang ilang-ilang na iyan! Pero ano naman? Eh di yung sinamantalahan ka niya tange!

A half-naked Noel was sleeping beside me, iyon ang imahe na nakita ko. Ah!  That’s it!

Tumikhim muna ako. “So, kinain mo na ba 'yong porridge na niluto ko?” Tanong ko sa kanya.

“Yes and it taste awful.”

“For your information, masarap iyong luto ko kahit simpleng pagkain lang iyon!” Inirapan ko siya. Narinig ko siyang tumawa ng mahina.

“Nagbibiro lang naman ako and thank you. Paano ka nga pala nakapasok dito?” Akal aba niya mapapatawad ko siya ng ganoon lang?

“Naiwan mong nakabukas ang pinto at may narinig akong nabasag kaya pumasok ako dito para tingnan. Sinong mag-aakala na ikaw pala ang bagong kapitbahay ko dito?” Nakasimangot na sabi ko sa kanya. “And now you mentioned it, care to explain why you’re here?”

Matiim na tiningnan ko siya. Naging mailap ang mata niya.

“Nagugutom ka na ba? Punta—“

“Nakapag-order na ako sa isang restaurant at habang naghihintay na dumating ang in-order ko ay magpaliwanag ka. Huwag mong sabihin na coincidence lang ito o mission dahil hindi ako naniniwala sa'yo.”

“That…” He was hesitating to answer me but later ay sinapo niya ang noo niya na tila ba may maalala.

“That?”

“I am not feeling today bukas na lang tayo mag-usap.” Hinawakan niya ang balikat ko at iniikot and push me out from his house. Umiiwas talaga siya sa akin! Gah! Hindi ko siya hahayaan na makaiwas dahil 'pag hinayaan ko 'yon ay baka pagtaguan niya ako!

“Wait!” Hinawakan ko ng mahigpit ang door frame ng pinto, supporting myself not to get out.

“Umuwi ka na, Alexa. Mas mukhang pagod ka pa kesa sa akin and I really appreciate it na inalagaan mo ako. Babayaran kita.”

“ANO?!” Marahas na hinarap ko siya. Dinutdot ko 'yong dibdib niya. “Kailan pa ako humingi ng bayad sa pag-alaga sa'yo, hmm?!” Dinutdot ko uli ang hintuturo sa dibdib niya na ikinaatras niya and I step forward.

“Alexa, I don’t have a time. Umuwi ka na.”

“Bakit ba?!”

“Basta kailangan mong—“

“No.”

“May problema dito, hijo?” Napalingon ako, isang matandang babae na nasa mid fifties ata pero bakas parin ang magandang mukha niya. Sino naman siya?

Pero sinagot na ni Noel ang tanong sa isipan ko. “Mama.”

:Chapter Twenty Two:

“Mama?” Gulat na banggit ko. It was unexpected to meet his mother lalo na dito. Goodness! Kaya ba niya ako pinaalis dahil sa darating ang kanyang ina? Kung sinabi lang sana niya na darating pala ito eh di sana matiwasay na umalis ako. Awkward.

Her gaze shifted on me. Sumungaw ang ngiti niya na hindi ko inaasahan, akala ko kasi susungitan o hindi ako papansinin. “You must be Alexa, right?”

“Po? Ehh, Opo.” Paano niya nalaman ang pangalan ko?

“Gracious! Sa wakas at nakita na kita nang personal. Ito kasing anak kong si Noel, napakalihim. Minsan ka lang niya binabanggit sa amin. Akala ko nga ay hiwalay—“

“Ma!” Saway ni Noel sa Mama niya. “Gee, pumasok nga muna kayo sa loob.”

“Oh. Okay.” Masayang pumasok ang Ginang. Hiyaan ko muna siya na maunang pumasok at bago pa sumunod si Noel dito ay hinablot ko ang kwelyo sa likod ng shirt niya.

“Madami kang dapat ipaliwanag sa akin, Noel. Ano itong sinasabi ng Mama mon a girlfriend mo ako?”

“Um. Mahabang kwento.”

“Mahabang kwento o ayaw mo lang magpaliwanag? Langya!” Pinalo ko ang braso niya. “I’m out of here! Wag mo akong isali sa karantaduhan mo, Noel. Tama na nga nagkasala ako sa Diyos na nagpanggap akong madre noon tas dagdagan mo pa?”

“There’s something that I wanted to tell you pero hindi pa itong tamang panahon, Lexa kaya kung pwede lang sana sakyan mo na lang ang sinasabi ng Mama ko?”

“Mangilabot ka naman sa sinasabi mo, Noel. You’re going to lie to your mother?”

He mumble incoherently under his breath that I didn’t hear it. “Hindi mo ba talaga akong pwede tulungan?” Sumamo niya siya sa akin, his looks were begging me to help him. Parang nasa mga movie lang itong nangyari sa akin ngayon.

“No.”

“Bakit? Wala ka naman problema na magpa—“

“Iba iyon, Noel. Trabaho iyon. Eh ito? Hindi na nga trabaho ay magsisinungaling pa ako sa inosenteng tao dito!”

Bumuka ang bibig niya na magsasalita sana pero subalit hindi siya hinayaan ng Ginang. “Hijo, hindi pa ba kayo papasok?”

Tinapunan ko ng masamang tingin si Noel. It’s so unfair, even though I hate him right now, he still look adorable wearing white shirt and pajama pants.

“Papasok na po, meron lang po kaming pinag-usapan importante.” Pumasok na nga kami sa loob, umupo ako doon sa isang sofa na opposite direction ng kinauupuan ng Ginang. “Ma, ano nga po pala ang ginagawa mo dito? Gabi na ah.” Tanong ni Noel sa kanyang ina.

“Nalaman ko kasi sa Papa mo na lumipat ka ng matitirhan and decided to take you visit. I tried to call you to tell you about it but you never answer my question.”

“Nakalimutan kong e-charge.”

“No need to explain. Siguro busy kayo…haha!” Tumawa ang matanda na hindi ko ma-gets ang sinabi niya ngunit hindi nagtagal ay na-realize ko din kung anong ibig niyang sabihin.

Anak ng tofu! Magulang ba talaga ito ni Noel?!

Bakit parang open ata siya sa premarital sex? Oh My Gosh! Hindi lang pala iniisip ng matandang ito na nobya ako tas nasa ganoon na din kaming level ng relationship? Well except na lang n’ong muntik nang may mangyari sa amin but I was under by some sort of libido drugs and second was I was desperate to get the document that he have back then!

Oh by just thinking those sizzling hot scene that we had ay nag-init ang pisngi ko!

“Ma, we’re not in that kind of relationship.”

“Oh? Oh sorry, akala ko kasi ay nasa ganoon na kayong level besides sa ilang taon na ninyong…”

“Ma, kukuha lang ako ng maiinom sa kitchen, anong gusto mo?”

“At pakikuha na din 'yong pinapa-deliver kong makakain sa baba ha? Nandoon na siguro iyon.” Inilabas ko ang phone ko at chineck ang email. Yep. Meron.

“Pineapple juice, nak.” Iniwan muna kami ni Noel at lumabas muna ng bahay. “So anyway, where was i? Oh yeah, ilang taon din kayo may relation di ba? Ano ba kasing problema ni Noel at takot parin ata sa commitment. Pero huwag kang mag-alala, hija, sa tagal na ninyo ay sigurado ako na mahal ka ng anak ko.” Napakadaldal naman niya.

“Eh Mrs…”

“Oh you can just call me Tita Beth.”

“Tita Beth eh kasi po, nagkakamali po kasi kayo.”

“Mali?”

“Hindi ko alam kung anong sinasabi sa'yo ni Noel pero we don’t have a relationship.”

“Nonsense.” Tumayo siya at lumapit sa mga drawer at nagsimulang maghalungkat ng kung ano sa loob. “Saan ba 'yon inalagay ng anak ko? ah heto!” May kinuha siya sa loob ng pinakahuling drawer na picture ata. “Don’t tell me na hindi ikaw 'to?”

Lumapit siya sa akin at ibinigay ang picture. Namilog ang mata ko dahil picture ko 'yon, kasama ko diyan si Damon noon pero teka, bakit hindi nakunan ng ang mukha niya dito na parang sinadya talaga. Naalala ko ito eh, Damon ask me na magpa-picture kami after ng date namin at kahit gusto kong humingi ng copy niyon ay hindi niya ginawa!

Ang pangalawang picture I stolen shot na pero sa likod ng picture ay may nakasulat na girlfriend 7-18-12.

Natameme ako doon. Paanong meron picture si Noel niyon?

Parang sasabog ang utak ko sa kakaisip, how come may ganoon siyang picture? Facebook? No. Walang in-upload na ganoon picture si Damon sa FB.

“That’s me alright.” Ngumiti ako ng pilit sa kanya. “Actually I was kidding a while ago.  Meron lang kaming maliit na pag-aaway kanina.”

“Ganoon ba? Can’t blame you, matigas din kasi ang ulo ng batang iyon pero sana hindi hahantong sa hiwalayan. Ang tagal din ninyong may relation eh.”

“Parati siguro niya ako kinukwento sa'yo?”

“Naku hindi gaano, like I said. Malihim din kaya kunti lang ang alam ko, hija.”

“Eh paano niyo naman nasabi na matagal na kaming may relasyon?”

“Intuition at sa picture na iyan two years ago na. At wala na akong naririnig tungkol sa kanya noon na papalit-palit ng babae. Ikaw siguro ang pinagkaabalahan niya anim na buwan siguro? Ma-limit lang kasi ang pag-uusap namin noon and after those months ay bumalik siya sa amin. Parang ang lungkot niya? Akala ko ay naghi—okay masiyado na ata akong nagiging madaldal. Hindi lang pagbisita ko dito ang pinunta ko rito.”

Ah, babaero. Pero 'di nga? Tumigil siya sa pagiging babaero two years ago at iniisip ng matandang ito na may relasyon kami ni Noel? Tsk! Baka naman heartbroken? Like may nagustuhan siyang girl pero ayaw sa kanya dahil babaero? Ha! As if naman 'no!

Napaka-mysteryoso naman niya. Parang gusto ko tuloy alamin ang tungkol dito eh.

Napapitlag ako ng may malamig na bagay na dumapo sa palad ko. “Nakalimutan ata niyang dalhin iyang kwentas kaya dinala ko na lang para ibigay sa kanya ito.”

Singsing. Napalunok ako. Bakit nasa kanya ito? Nanginginig ang kamay ko na hinawakan ko ng maigi iyon. Kinuyom ko ang kamay ko at tumayo. Nagtataka man ang matanda ay nagpaalam na lang ako sa kanya ng maaga dahil masama ang pakiramdam ko. Nagpumilit pa nga siya na dito na lang daw ako magpahinga pero tumangi ako at sinabi sa kanya na magkapitbahay lang kami kaya hindi na lang nagpumilit ang matanda.

Paglabas ko ng bahay ay nakasalubong ko si Noel Nagtataka na tiningnan niya ako.

“Saan ka pupunta?”

“Uuwi. Magpapahinga na lang ako. Bye and oh you’re a lucky bastard today dahil hindi ko sinabi ang totoo sa Mama mo.”

*

Pabaling-baling ako sa higa ko. Hindi makatulog ng maayos dahil sa walang tigil sa kakapindot ng doorbell. Sino naman kasing tao na iyan at gabing gabi na ay nambubulahaw?!

I groan in annoyance before I hop off the bed.

Sumilip muna ako sa peephole at nakita mula sa labas si Noel na may dalang Tupperware or something.

Inaantok na binuksan ko iyon. “Oh?”

“Naistorbo ba kita?”

“Oo. I was sleeping when you keep pressing the poor bell.”

“Sorry.”

“You should be. Iniistorbo mo talaga ang tulog ko.” I stretch out my hand kaya tumaas ng kunti ang laylayan ng shirt ko kaya expose ang flat kong tiyan. Napadako ang mata ni Noel doon na agad ko naman hinila pababa para itago ang tiyan. “Basos!”

Ngumiti naman ng nakakaloko si Noel. “Bastos na ako ngayon? You were the one who show it, lalaki lang naman ako at naattempt na titigan lalo na kapag ikaw.” He wink at me.

Tuluyan nawala ang antok ko at inihilamos ang palad sa mukha. His flirting me! And I said ako talaga. Kahit na ayaw ko ay parang kinilig naman ako sa ginawa niya. Gah! What’s wrong with me anyway?

At ito naman si Noel ay parang wala sa sarili dahil iba ang kinikilos!

Mula n’ong magpunta sa bahay niya ang kanyang ina ay iba na talaga ang kinikilos nito. Alam niyo kung bakit?  Ako hindi eh!

Minsan nakakasabay ko siya na mag-dinner pero sa umaga, well, nalaman ko na tumigil na pala siya sa pagiging secret agent at naka-focus na sa negosyo ng parents niya. Hindi ko rin binalik kay Noel ang singsing dahil hindi naman sa kanya iyon and I don’t know kung sinabi ba ni Tita Beth ang tungkol doon dahil hindi naman ako hinanapan ng singsing ni Noel.

“Ano na naman ito?” Hindi 'yong Tupperware na laman ay pagkain kundi ang ticker na ibinigay sa akin.

“Malicificent Movie?”

“Binigay lang iyan sa akin, hindi kasi makakapunta sina Misty at ang asawa niya para manood ng movie dahil may bago na naman silang mission at dahil sayang naman kung itapon ay ibingay na lang niya sa akin ito. Libre ka naman siguro this Sunday di ba?”

“Oo.” Nakatitig parin sa ticket.

“It’s a date then.”

Huuuwaat?! Date? As in D.A.T.E? Sa kanya?

Oh my gosh! Ayokong maging OA at kiligin pero…kinikilig ako! And yes, there’s really something with me today! Para naman kasi akong bamalik sa pagiging teenager tas first time ko na magkaroon ng date. Tsk!

*

NOEL’S POV

Tinitigan ko siya ng maigi para malaman kung anong reaction niya na niyaya ko siya ng date. Yeah. Magsisimula ako sa umpisa bilang Noel at hindi si Damon. Alam ko na malaki ang kasalanan ko sa kanya dahil sa paglihim ko sa kanya pero ano baa ng magagawa ko?

Mas maganda na hindi na niya malalaman ang katotohanan…

“Date?” Nakakunot ang noo niya.

“Ayaw mo?”

Unting-unti nawawalan ako ng pag-asa nang tila nagdadalawang isip siya na pumayag o hindi.

“Hindi naman sa ayaw, gusto ko nga panoorin itong Maleficent nga eh. Pero nakakabigla lang kasi 'yong sinabi mo na date.”

Umaliwalas ang mukha ko  sa sinabi niya. “We’ll that what they called, di ba? I don’t see any reason na ikabigla mo iyon.”

She shrug. “Hmm.”

Chapter Twenty Three

Sinipat ko ang sarili ko sa salamin kung bagay ba sa akin ang suot kong white halter top and black skinny jeans. I was preparing for my date. Yes. Isang date. Kay Noel. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan niya at gusto niyan makipag-date sa akin.

We’re not that close. At kung iisipin din ay parati kaming nag-aaway at asar na asar ako sa kanya. Pero ngayon…sigh. Hindi ko na alam kung anong dapat kong sabihin sa sitwasyon na ito. Nagpakawala uli ako ng hininga bago umalis sa harap ng salamin. Kinuha ko sa shoe rack ang two inches sandals ko at sinuot iyon.

Habang naghihintay kay Noel na pumunta dito sa condo unit ko ay pumunta ulit ako sa vanity table at naglagay ng light make up, para naman hindi ako mukhang plain na kasama niya. Kasalukuyan ako naglagay ng lipstick nang biglang narinig kong may nag-doorbell sa labas. Sa pagkagulat ko ay napahid ko pisngi ko ang lipstick. Out

Naiinis na umungol ako. It was just a bell! For pete’s sake ba’t ba nagulat pa ako?

Nang mabuksan ko ang pinto ay bumungad sa paningin ko si Noel. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hangang paa. Nakasuot siya ng white T-shirt na may printed Pepe La Pew character ng Looney Tunes at khaki cargo shorts. Pfft! Ano ba naman iyan, pambata ang shirt! And here I am, nakasuot ng, well, nag-ayos pa talaga ako!

Napapitlag ako nang bigla siyang sumipol at pinasadahan din niya ako ng tingin. Kung makatingin sa akin ay parang kakainin niya ako ng buo. Isipin ko palang ay naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Ipinilig ko ang ulo ko upang alisin ang nakakatwang naramdaman ko.

Tumikwas ang kilay ko at humalukipkip. “Titingin ka na lang ba diyan o aalis na tayo?”

“Kung pagbibigyan ba?”

I rolled my eyes. Anong problema ng lalaking ito? He wasn’t his usual self or maybe I was just imagining it?

Gasp!

Hindi kaya may plano ang lalaking ito? Baka. He might still have a grudge on me dahil sa nangyari noon? Kaya ngayon gumaganti siya. Pfft. Nah. Hay naku, ano ba itong iniisip ko. Parang eng-eng!

“Tara na nga!”

“Na ganyan ang hitsura mo?” Siya naman ngayon ang tumikwas ang kilay.

Kumunot ang noo ko. Anong meron sa hitsura ko?

Humakbang siya palapit sa akin, ilang hibla lang ang layo namin.

Dug! Dug!

For some reason, my heart beating became unstable. He lift up his hands, mas lalo pa nagridogon ang dibdib ko dahil ang mga titig niya ay napaka-init! Para bang…ako lang ang pinakamagandang babae sa mundo niya.

“A-anong gagawin mo?” Nauutal na tanong ko sa kanya. Genius! Alexa! Huwag ka ngang magpakita ng ano man kaba! Baka kung anong isipin ng lalaking iyan eh.

Nanatiling nakatitig lang siya sa akin. Muntik na akong himatayin when he caress my cheeks. Sinalubong ko ang mga titig niya. Ah, ang mga titig niya ay para akong dinala sa isang magandang panaginip.

Dug!

“You have red smudge on your right cheek.”

Toinks! Iyon pala ang dahilan! Akala ko pa naman kung anong gagawin niya. Tinanggal lang pala niya ang lipstick na nasa pisngi ko. Great! Bakit nakalimutan kong alisin iyon?!

Tsk!

Tinulak ko siya, napaatras siya ng ilang hakbang. “Hmp!” Inirapan ko siya at nilagpasan siya. “E-lock mo iyang pinto pagkatapos mong lumabas. Bilisan mo baka magbago ang isipan ko. Imbes na sumama sa'yo manood ng movie ay baka magkulong na lang ako dito sa bahay!” Tsk.

“Haha. Bakit bigla na lang uminit iyang ulo mo?” Sabi niya matapos niyang e-lock ang pinto. He looks amuse if you ask me and I didn’t like it a bit.

“Whatever, Noel. Tara na nga!” I grunted. Secretly, I bit my lower lips bago ko hinawakan ang kamay niya at hinila siya patungo sa elevator.

Nang nasa loob na kami ng elevator ay mabilis na binitiwan ko ang kamay niya dahil sa init na hatid ng kamay ni Noel. Hindi lang dahil doon… hayan, tuloy dahil sa kakaibang pakiramdam ko dahil sa pagkahawak ng kamay namin ay napatitig ako sa aking kamay.

*

TAMANG-TAMA lang ang dating namin sa sinehan dahil kakasimula palang ng pelikula ng makapasok na kami sa loob. Umupo na ako sa bakanteng upuan.

“Iwan muna kita sandali lang para bumili ng potato chips and mocha frappuccino shake.” Tumikwas iyong kilay ko. Iyon din kasi ang nasa isipan ko. Ah, coincidence.

“Okay. Ganun na din sa akin. At bilisan mo baka madami kang ma-miss ditong scene.” Sabi ko habang iwinasiwas ang kamay ko. Nasa kalagitnaan ako ng panonood ko ng movie nang biglang naramdaman ko na nag-vibrate iyong phone ko kaya chineck ko kung sino iyon.

The text message came from Dana.

Piggy Pink D: Where ba you?

Mabilis na ni-reply-an ko siya.

Me: Nasa sine ako. Nanood ng Maleficent. Why?

Piggy Pink D: Wat?! Sinong kasama mo? Ohmo! I wanna watch it 2! Punta ako diyan! Saan ba?

Me: Wag. Istorbo ka lang. Then press the send button. Maya’t maya ay nakaramdam ako ng pagsisi sa message ko doon. Shit! Baka malaman niya!

Imbes na text message ay tumawag si Dana sa akin. What to do?! What to do?!

“How dare you! Bakit hindi mo sinabi sa akin na may boyfie ka na? Congratulation! Akala ko ay magiging matandang dalaga ka dahil sa nangyari two years ago! Sino siya? Do I know him?”

Ito na nga ang sinasabi ko, hindi niya ako titigilan hanga’t hindi niya makukuha ang gusto.

“Oh wait! Wait! Siya ba 'yong hunky guy na nakasama mo noon sa mission?” Tinutukoy niya ba si Noel? Gee! “Si Noel ata ang pangalan niyon! Tama! Uyyy! Sila na!”

“The heck?! Hindi ko boyfriend si Noel, Dana!”

Someone shush me dahil naiingayan na ata sa akin.

“Sure. Sure. Nasa first stage palang kayo. Nag-date pa. Oh siya. Sayang ang load ko so I will hang out na ha?”

“Hindi pa—“ Nakasimangot na binalik ko sa bulsa ko ang cellphone. Asar talaga itong si Dana!

Nakasimangot parin ako habang pinapanood iyong scene na kinakausap ng batang Maleficent si Stefan. Napaigtad ako nang maramaman ko ang malamig na bagay sa pisngi ko. Marahas na luminga ako kung sino iyon, it was him. Nakabalik na pala siya. Hindi ko napansin. Tsk!

“Nakasimangot ka parin?” Napapailing siya na umupo sa tabi ko. Binigay niya sa akin ang potatoe chips and mocha Frappuccino shake. Ganun din ang set ng pagkain ang binili niya para sa sarili.

“Ngumiti ka nga. Parati ka na lang nakasimangot. Daig mo pa ang nag-menupause na babae.” Inihilamos ang malaking kamay ni Noel sa mukha ko. Napanganga ako sa ginawa niya.

“Anong menupause ka diyan!? Tse!”

“Is the Baby Little Alexa mad?” He cooed. I must say, his kinda cute nang sabihin niya iyon. Nakakatawa din at the same time, lalo na at suot niya ay napaka-childish!

“Pfft! Tumigil ka na nga. Ang baduy mo. Kasing baduy ng shirt mo.”

“Anong baduy? Hindi naman baduy si Pepe La Pew!” Seryosong sabi niya sa akin.

“Hahaha. Hindi daw. Ang weird mo, paborito ma ba iyang skunk na iyan sa looney tunes?”

“Nope. Nakatuwaan na binigay sa akin ito ng kaibigan ko. I tried to watch that cartoons pero bago ko pa matapos iyon ay nakatulog na ako. Pero mas gusto ko panoorin iyong justice league.”

I press my lips, refrain myself to laugh. Haha! Akala ko na serious type siya but I guess I was wrong. Addict lang 'no?

Gawd. Ang sakit ng pisngi ko sa kakapigil sa pagkatawa.

“Pfft!”

“Oh anong nakakatawa sa sinabi ko?” Nagtatakang sinulyapan niya ako.

“Nakakatawa kasi iyong sinabi mo. Ang tanda-tanda mo na pero nanood ka parin ng cartoons.”

“Haha. Very funny. Kung makasalita ka parang matanda na ako. Ilang taon lang ang tanda ko sa'yo, Lexa.”

“Eh sa totoo naman eh!” I laugh.

“Shhhh! Tumahimik nga kayo, kung gusto niyo mag-usap ng cartoons ay umalis kayo dito. Istorbo.” Naiinis na sabi ng isang lalaki na nakaupo sa likuran namin.

Hindi na lang namin pinatulan iyong sinabi niya. Kasalanan din naman namin kung bakit inis na inis sa min ang taong iyon eh.

“Alam mo. You should smile often. Mas cute ka.”

“Huh?”

“Nevermind.” Narinig ko naman iyong sinabi niya kanina, I wanted to make it sure kung tama ba ang narinig ko. But from the looks of it, wala siyang planong ulitin iyon.

Cute daw ako? Gosh.

*

MALAKING pasalamat ko na kahit na malayo ang H.Q at sa tinitirhan ko ay mayroon naman private helicopter nasa airline. Matapos namin manood ng movie ni Noel ay hindi lang iyon ang nagtatapos ang date namin, pumunta kami sa arcade para maglaro. I really enjoyed his company. Sadly, every happy moments must end. Nang hapon na iyon, matapos namin mag-dinner ay inuuwi na niya ako. Naging gentleman siya at minsan nagkaasaran kami. Nalaman ko din na tumigil na siya sa pagiging secret agent at siya na ngayon ang humahawak sa business ng kinikilalang magulang niya.

I guess this is the fresh start for me to date a guy. Hindi naman ako assuming 'no pero napapansin ko kasi na may pinapahiwatig sa akin si Noel. Pero kailangan mag-ingat muna ako baka maling akala ko lang iyon.

 Nakisakay na rin ako papunta sa H.Q. para lang school bus pero iyon nga lang apat o lima lang ang pwede sa loob. Nakasabay ko doon si Timmy, Casper, Miki at ang pilot namin na si Seirra. She was wearing a white tight suit that na terno sa eye patch niya na puti din.

What’s with the eye patch anyway?

Napansin ko na may platinum phoenix emblem siya na nakadikid sa breast pocket niya na palatandaan na mas mataas ang rank niya kaysa sa amin. Funny, siya ang mataas na rank ata dito tas siya ang piloto. “I know you find it funny but believe me, today is your lucky day because I’m your pilot today.”

Shocks. Pano niya nalaman na iyon…when I glance at my side ay natatawa din ang hitsura nila. Ah, hindi lang pala ako ang nag-iisip niyon.

Nang makarating na kami sa H.Q ay nagsibabaan na kami sa helicopter. Bago pa ako makaalis ay bigla akong tinawag ni Seirra. Napakatangkad niya, if you ask me. Nasa 5’10” ata siya at mas lalong tumangkad dahil sa white boots niya. She looks so cool and beautiful yet possess a dark aura.

“Agent Del Rosario.”

“Yes?”

“I want you to come with me to the torture room. Since isa ka naman sa nakadakip kay Mike ay dapat sumama ka na sa akin.”

“Bakit, hindi ba’t ang mga interrogator na ang bahala sa kanila at isa pa, di bas a Scorpion Org. na ang bahala niyon?”

Her smile was sinister that sent me a goosebump. “I know, dear but I manage to convince them to let the Phoenix Emblem Organization handle the Helviti Syndicate. And oh, I know you’ll wonder why I did that, because there’s someone I’d been looking for. As of now, ikaw ang maging assistant ko muna dahil absent ang assistant ko.”

Tumango na lang ako. Pumasok uli siya sa helicopter at kinuha ang dalawang brief case, pinasa niya sa akin ang isa. “Hawakan mo iyan at sundan ako.”

Ano ako alipin? And then again, mas superior siya sa akin. Nalaman ko kasi na ten years na pala siya dito nagtatrabaho. Sa edad na fifteen ay nagsimula na siya sa pagiging secret agent. Nang makapasok na kami sa loob ng H.Q ay may mangilan-ngilan na napadako sa direction namin.

“Ano bang laman nito?” Hindi ko mapigilan na itanong sa kanya. She just look at me in the corner of her eyes while fixing her gloves.

“Toys.”

Iyon lang ang sagot niya, bakas sa mukha ko ang pagtataka nang makapasok na kami sa isang room. Sabi niya torture room pero sa pagkaalala ko ay interrogation room ito. Madilim sa loob kaya naman ay kinapa ko ang sa gilid ng pintuan at baka nandoon ang switch and when I finally switch the light ay lumiwanag ang paligid, itim ang kulay ng dingding at ganoon din ang marble.

Sa corner ng dingding ay may nakalabit na speaker at CCTV camera.

Mula sa sentro ay may isang lalaki na naka-blindfold na nakaupo sa chairs, may table sa harapan niya.

My bloods boiling when I recognize him.

Gusto kong sumugod sa kanya at ipaputok ang baril na nasa holster ko!

The last time I saw him, his face looks the same as Damon but now, siya na iyong lalaking nakilala kong Mike. Hindi ko alam kung bakit nila ibinalik ang dating mukha ni Mike pero mas okay na iyon upang kapag panaparusahan na ito ay hindi ang mukha ni Damon ang makikita kong dumadaing sa sakit.

Matalim na tingin ang pinukol niya sa amin pero sandali lang iyon. Ngumisi ito ng nakakaloko. Susunggaban ko sana siya ng suntok pero pinigilan ako ni Seirra.

“Hold it, shorty.” Yeah. I know she’s taller than me pero kailangan ba talagang tawagin akong shorty? “He’s mine.”

“Oh how sweet of you, babe. If you really want me that much, I can be yours. Kahit dalawa pa kayo basta ba alisin niyo ang pagkapusas ng kamay ko.”

“Asshole!” Singhal ko sa kanya.

“Really? Why would we do that? Hindi pa nga tayo nakakasimula sa  laro natin ay atat na atat ka na agad?” Ano daw? Anong pinagsasabi niya? “Ms. Del Rosario, would kindly open the brief case at kunin mo iyong wooden box and needle.

Kahit na naguguluhan ako sa kanya ay sinunod ko na lang. Isang black wooden box ang nakita ko na madaming maliit na butas sa buong bahagi pwera sa isang bahaging iyon na kasiya ata ang kamay. Kinuha ko din iyong square form na box na agawa sa glass, naglalaman doon ang mahahabang needles.

Narinig kong tumawa na parang baliw si Mike.

“That’s more like it.” He’s sickening me!

“Yes. You’re gonna like it, dadalhin ka sa luwalhati sa gagawin ko but for now let me ask you. Where are they?”

“They? Who?”

“One of the Heviti Syndicate member. I know you know them.”

“Hindi ko sila kilala.”

I could sense that his lying. “Napakasinungaling mo talaga! Sabihin mo na sa amin kung sino!” Singhal ko sa kanya.

“Oh Alexa, you’re quiet feisty one. Kaya nga gustong gusto kita eh. Pero hindi ko talaga kilala kung sino sila o anong klaseng sindikato na iyan.”

Kinuyom ko ang kamao ko. “Ms. Del Rosario. Pakitanggal nga iyong handcuff niya, siguraduhin mo ang isang kamay niya ay nakapusas sa likod ng upuan niya and then ipasok ang isang kamay niya sa hawak mong box.”

“Sisimulan na natin?”

“Ang bastos mo. Pasalamat ka marami kaming gustong itanong sa'yo kung hindi mapapatay talaga kita!” Sinipa ko iyong tuhod niya kaya napahiyaw ito sa sakit. Serve him right!

“Ow! Ow!”

Kahit na nagpumiglas siya ay nagawa ko din naman ang utos ni Seirra na ilagay ang isang kamay niya sa box. Good. Parang nahuhulaan ko na ang gagawin ni Seirra.

“Tapos na.” Umatras ako ng kunti at saka lumapit si Seirra dito.

“Now, we shall start our play, you rotten egg.” Kumuha siya ng needle sa loob ng lalagyan niyon at naka-position na siyang ipasok iyon sa maliit na butas ng box kung saan nasa loob niyon ang kamay ni Mike.

“A-anong gagawin m-mo?” Biglang napalis ang ngisi ni Mike at napalitan ng takot.

“Let just say na kapag hindi mo ako sasagotin sa mga tanong ko ay may kaakibat na parusa. Magdasal ka na lang na hindi ko matamaan ang fatal point ng kamay mo kung hindi ay baka tuluyan ng mawala ang isang kamay mo.” A sinister smile plaster on her lips. “Now answer my question. Sino pa ang kasabwat ng Helviti Syndicate?”

“Wala akong alam!”

“Tsk! Tsk!” Walang kiming pinasok niya ang karayom sa loob. Namilog ang mata ko, there was small blood seeping outside those holes.

“Ahh! Ahh! Wala talaga akong alam! Ah!”

“Hurt like a bitch, isn’t it? Oh kulang pa.” Inulit ni Seirra iyon ng apat na beses. Halos iumpog na ni Mike ang ulo sa mesa dahil sa sakit. Gosh, napakasadista ni Seirra! No wonder why they called them a tyrant. Ano pa kaya ang torture na gagawin niya kapag hindi parin umamin si Mike?

“Wala talaga akong alam!”

“Liar!” kasing bilis pa ng kidlay ay nakuha ni Seirra ang baril ko na nasa holster ko. She shot him on his legs. “Magsasalita ka na ba?”

“P-please. O-oo na. H-huwag…mo lang akong pa-pat-ayin!”

“Good.”

He cited all the names of the HS members kahit nanghihina na.

“Hindi ba sobra na iyong ginawa mo, Seirra?” Hindi makatiis na sabi ko sa kanya. Malamig na tingin na bumaling siya sa akin.

“Kulang pa iyan. If I were to choose I would want him dead but because our beloved boss don’t want us to kill him ay wala akong magagawa. Surely, you also want him dead, Ms. Del Rosario. Sa ginawa niya sa dati mong kasintahan ay naawa ka parin sa kanya?”

Heat crept up on my head. My bloods boiling sa sinabi niya. “Hindi ako naawa sa kanya! Siguro nga mali ata ang sinabi ko pero kagaya mo gusto ko din siya patayin but not in your way.”

“Pity. I prefer to torture them before I kill.”

“What’s wrong with you? Kahit na superior ka namin ay—“

“Shut up. Wala kang alam sa akin. I do not mix my business with pleasure and most of all I kill for justice.” Nilagpasan na niya ako. “Oh by the way, tumawag ka na ng nurse dito para asikasuhin ang basura na iyan. At iyang laruan ko, sabihin mo din sa kanila na pakilinis ha bago ibalik sa akin.” Iyon lang at iniwan na ako.

“Tsk.” Nagmartsa na lumapit ako sa intercom para tumawag sa medical department. Pagkatapos niyon ay lumabas na ako pero bago pa ako tuluyan makaalis ay nagsalita si Mike.

“N-nagkikita parin ba kayo ng l-lalaking iyon?”

“Sino?” Malaming na tanong ko.

“Si Damon.”

“Shut up! Damon’s dead because of you! Wala kang karapatan na banggitin man lang ang pangalan niya and the guy you were talking about, si Noel iyon!” marahas na humarap ako sa kanya.

Kahit na nanghihina ay nagawa pa niyang tumawa.

“Eck! iyon pala ang totoo n-niyang…pangalan. Haha. Ack! Shit! Shit! It’s hurt! Agh! Oo nga naman, patay na pala ang Damon na iyon!”

Parang puputok na ang utak ko sa pinagsasabi niya. Tama lang pala sa kanya ang nangyari sa kanya!

“I killed him! And I failed to kill the poser!” May halong daing ang tawa niya. To me, I only see a madman who had lose his mind. Pero ganun pa man ay hindi ako mapakali sa sinabi niya. Poser?

Kahit na natapos na ang trabaho ko at training sa nalalapit na tournament ay nasa isipan ko parin iyong sinabi niya at iisa lang ang nabuo ko. I must find it out. Anak ng tufo! The truth behind those mystery was almost in my grasp but I just let slipt it away!

Nang nasa harapan na ako ng pintuan ng bahay ko ay bigla may tumawag sa akin. Agad naman akong lumingon sa direksyon niya.

Chapter Twenty Four: Poser

HALOS mabibiyak na ang utak ko sa kakaisip kung tooo ba ang sinabi ni Mike sa akin. Kung tutuusin ay pwede ko naman baliwalain ito, pero hindi eh. Lalo na sa sinabi niyang poser—na ang kinakasama ko noon ay isang impostor lang.

“Alexa, yoohooo?!” Untag ni Dana sa akin. Napapitlag naman ako sa ginawa niya. And yes, si Dana ang kasama ko ngayon. Siya iyong tumawag sa akin sa pintuan.

“Hm?”

“Anong hm ka diyan? Kainis ka naman eh! Parati mon a lang akong hindi pinapakinggan!”

“Sorry na nga eh. Ano ba kasi iyon? Pakiulit na nga lang dahil madami talaga akong iniisip eh.”

Nanghaba ang nguso niya. “Sabihin mo, iniisip mo si Noel! Kuh, porque nagkaroon uli ng love life ay baliwala na ako dahil bokya parin ako diyan.”

“Hindi ah. Wala naman kaming relasyon ni Noel. Nanood lang kami ng movie at namasiyal.”

“Oo na. Oo na. Pero ganun parin iyon eh, doon parin kayo hahantong. Magiging mag-jowa kayo tas pakasal then…ah basta iyon!”

“Tumigil ka na nga diyan, Dana.” Sa totoo lang naiilang ako sa sinabi niya na hahantong kami ni Noel sa ganun. I can’t imagine it! “Isa pa, kahit na mahulog man ang loob ko sa kanya, eh pano ang naramdaman niya? Hindi naman tayo sure sa naramdaman ng taong iyon. At isa pa, wag ka nga assuming. Wala tayong mapapala sa ganyan bagay. It will only cause you heart ache and time. Kesa iyan ang inaatupag mo ay ba’t hindi ka na lang mag-practice para sa tournament next week?”

“Sorry, bessy, but no can do. Even if I participate in the tournament ay magpapatalo ako sa first round. Bwahahaha! Alam mo bang shooting range ang first round?” Tumango ako. Nalaman ko lang iyon dahil sa tulong ng Deep Website nang Phoenix Emblem.

“Gusto mong magpatalo? Eh anong iisipin ng kasamahan natin na mayroon pala silang co-worker na loser?”

Natigilan siya na tila ba inaalisa pa ang sinabi ko. Napapitik siya. “Uwah! Ayoko! Ayoko, Alexa! I don’t wanna think na loser ako!”

Gee, bakit ba nagkaroon ako ng timang na kaibigan?

Maya’t maya matapos siyang kumalma ay bumuntong hininga siya. “Oh well, mahusay naman ako doon. Sa second round o sa third round na lang ako. Anyway, balik tayo tungkol kay Noel. So, anong nangyari sa date ninyo?” Excited na tanong niya.

Nagpakawala ako ng hininga. “It was great. Pero…”

“Pero…? Dali na!”

“Hindi ito related sa date namin, ha? Remember Seirra Partington?” Tumango siya bago ba ako nagpatuloy sa sasabihin ko. “Kanina kasing umaga, sinamahan ko siya sa torture room at nakita ko na nandoon si Mike—“

“Oh em ji! Nakita mo kung pano niya tinorture ang Mike na iyon? Tell me! Is it gruesome?”

“I’m not finish yet. And yes pero sandali lang iyon. Anyway, iyon na nga. Matapos niyang e-torture si Mike. Mayroon sinabi ang gago na iyon tungkol kay Damon at si Noel daw ay Poser or something. Weird 'no?”

“Poser? As in iyong nagpapanggap na ibang tao o chubachuhu?” Seriously, may pagkabakla talaga itong kaibigan ko. Saan lupalop ba niya nakuha iyong chubachuhu word? At anong ibig sabihin niyon? Bahala na nga.

“Oo.” Sagot ko na lang sa kanya tas kinuha ko iyong kwentas ko at tiningnan ang singsing. Ginawa ko na lang iyon kwentas.

“Baka naman ibig sabihin niyon na baka, iyong kasama mo ngayon ay si Damon?” Masama na tinignan ko siya. Minsan iniisip ko talagang bakit naging agent siya? Kahit ang deduction niya ay hindi tama—wait! Wait! Nagpanggap? Imposible naman si Damon si Noel ngayon. Napasulyap uli ako sa engagement ring, hindi ito sa akin kundi kay Damon. Pano nakuha ni Noel ito?

Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ng Mama niya.

“Intuition at sa picture na iyan two years ago na. At wala na akong naririnig tungkol sa kanya noon na papalit-palit ng babae. Ikaw siguro ang pinagkaabalahan niya anim na buwan siguro? Ma-limit lang kasi ang pag-uusap namin noon and after those months ay bumalik siya sa amin.”

Two years ago. Possible kayang…ah hindi. Hindi pa sapat ang ebidensya na ito kaya kailangan ko pa ng matibay na ebidensya. “Dana…” Tawag ko sa kanya.

“Hm? May sinabi ka?”

“Wala pa. Pero ngayon OO. Pwedeng magtanong?”

“Sure. What is it?” Tinanong ko siya kung may alam ba siyang balita tungkol sa nasunog na bahay at sinabi ko din sa kanya ang saktong address ng bahay ni Damon. Sabi ni Noel ay nasunog daw iyong bahay niya kasama na din si Damon na nilamon ng apoy. “Sorry bessy, pero wala akong alam eh. Pero search na lang natin sa internet.” Inilabas niya ang kanyang laptop at pumunta sa google.

At meron ngang resulta! Bahay nasunog. Isang Patay (3/23/12)

“Oh iyan. Gabi na nang mangyari ang sunog. At dahil hating-gabi at halos lahat ng residente ay tulog ay hindi agad nila nalaman iyon. Bakit mo gustong malaman ito, Alexa?”

Hindi ko na sago tang kanyang tanong dahil nakatitig ako sa petsa ng mangyari iyon. Sumandig ako sa couch at parang gustong sabunotan ang buhok ko.

“Shit! Shit! This is bullshit!”

“Hala. Natatae ka na?”

“Seryoso ako, Dana! Hindi pwedeng mamatay si Damon niyan! Sure, hindi kami nagkita ng ilang linggo pero ganun pa man ay buhay siya. Ilang linggo na hindi siya nagpakita sa akin. Akala ko ay baka laro-laro lang sa kanya ang relasyon  kaya hindi niya ako kinontak pero after those hellish week ay nagpakita siya sa akin. Nakasama ng ilang buwan and…and he even proposed to me but it turns out na hindi niya ako sinipot.”

“OMG! Oo nga 'no? That makes since! So ibig bang…”

“…ibig sabihin, nung mga panahon na iyon ay hindi na si Damon ang kasama ko!” Dugtong ko sa sinabi niya. “Shit! Shit! Hindi pwede ito!”

“Pero nangyari na, bessy. Ibig sabihin din niyon, ang kasama mo at muntik mo nang pakasalan ay hindi si Damon kundi si Noel. Tama ba ako?”

Nanginginig ang mga kamay ko. Sa sobrang galit ko ay parang gusto kong isuntok ang kamay ko sa dingding. How dare him? He deceive me! All that time, I thought it was Damon pero hindi na pala!

“Anong gagawin mo ngayon?” Tanong ni Dana sa akin. Namamasa na ang mata ko but I wipe it away. Hindi dapat ako maging mahina sa pagkakataon na ito. Ang lalaking pinagkatiwalaan ko, ang lalaking gusto ko ngayon ay isa palang manloloko. Siguro pinagtatawanan niya ako dahil sa nangyari? At siguro pinaglalaruan na naman niya ako. What for? Hindi pa ba siya satisfied sa ginawa niya? Oh baka naman may gusto siyang makuha sa akin?

Kinuyom ko ang aking kamao. I won’t let him, hurt me again like he did before. “Anong gagawin ko? Simple lang, gaganti ako.”

“Ay revenge agad? Hindi ba pwedeng tanongin mo muna siya kung bakit niya ginawa iyon?”

Masama na tiningnan ko siya. “Kinakampihan mo pa ang lalaking iyon! Hindi mo kasi alam kung anong naramdaman ko eh dahil you always live yourself in a carefree life. He deceive me, Dana, not only that but also to my family! Pinagmukha din niya akong tanga sa altar and I thank God na hindi naituloy iyon dahil hindi naman pala si Damon iyon!” Binali wala ko ang konsensya na naramdaman ko. I was so angry at him.

“Hindi ko siya kinakampihan, Alexa, pero isipin mo muna ang consequence na gagawin mo baka magsisi ka lang. You know what? Aalis muna ako. Iiwan muna kita para mag-isip and I hope na hindi mo itutuloy ang revenge na iniisip mo sa kanya.” Iyon lang at iniwan na niya ako.

Nang mag-isa na ako ay naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko. Ayokong umiyak pero ang sakit eh. I was trick by him! Kaya pala, kakaiba na ang naramdaman ko sa kanya, lalo na kapag tumitig ang sa kanya mata na tila kilalang-kilala ko na siya dahil siya pala iyong lalaki na nakasama ko. The man I unconsciously fell in love with. It’s hurt but I have to stay strong.

Inilabas ko ang cellphone ko and I text Noel kung pwede ba siyang pumunta sa condo unit ko mamayang nine ng gabi.

Chapter 25

Matapos kong ayosin ang table set up ay kasunod niyon ay nagsalang ako ng disc sa DVD drive. Everything that I plan was already set. Akala ba nang lalaking iyon ay gano’n lang ako kadaling lokohin? All that time, akala ko si Damon ang kasama ko tas siya lang pala. Mabuti na lang talaga at hindi kami nakasal nang hayop na iyon!

Matapos niyon ay narinig ko na tumunog ang door bell. Daling-dali na pumunta ako doon at pinagbuksan si Noel. Just by looking at him right now, wanting me to strangle him to death but there was a part of me, longing for him but I put it a side. Walang makakapigil sa plano ko. “An gaga mo ah.” Sabi ko sa kanya.

“Five minutes lang naman akong maaga.” He step inside. “Anong okasyon at inimbita mo akong mag-dinner?”

“Well gusto ko lang naman magpasalamat sa'yo n’ong isang araw dahil inimbita mo akong manood nang movie at namasiyal.”

“Ah wala 'yon. Na-enjoy din naman akong kasama ka na mamasiyal.” He smiled at me, sincerely. Oh baka naman acting lang iyon? Mahusay siya sa gano’n eh. Pero agad na napalis ang ngiti niya nang mapadako ang tingin sa suot kong damit at singsing. I was wearing a white drape billow dress, the same dress na sinuot ko noong nag-proposed siya nang kasal sa akin. At engagement ring ko. Mabuti na lang at hindi ko pa ito naitatapon.

“May problema ba sa suot ko?” Tanong ko sa kanya, bigla naman inalis niya ang tingin sa suot ko at napatitig sa akin.

“H-ha? Ah wala. You look beautiful tonight.”

“Haha tonight lang?” Pilit na tawa ko, mabuti na nga lang at hindi nakahalata eh.

“Maganda ka naman pero iba ka ngayon. May okasyon ba? Birthday mo ba?”

“Parang hindi mo naman alam ang birthday ko.” Nakaplaster parin ang mala-anghel kong ngiti but deep down ay nagwawala na ako.

“Ha?”

“Ah wala. Forget about what I said. Minsan kasi naalala ko ang kapatid mo sa'yo.” Mukhang may gusto siyang sasabihin pero hindi niya ginawa. Nakonsensya ba? Hindi ko alam. Wala akong pakialam. Niyaya ko na siyang kumain, kagaya nang inaasahan ko ay bakas ang sopresa niya kasi ang inihanda kong pagkain ay pinakakaayaw niyang kalderitang manok at Sinigang. “Anong klaseng hitsura iyan? Ayaw mo ba nang luto ko?”

“A-ah hindi. Paborito ko nga ito eh.” Weird pero wala akong makitang disgusto sa hitsura niya. Sure, nagulat siya pero…parang kabaliktaran 'yong nakita ko. Oo! Kabaliktaran dahil halos maubos na niya ang pagkain. Is it possible na paborito niya talaga ito pero nagpanggap lang siya noon na hindi? Hindi bale kung hindi naging successful ang plano kong ito. May plan B pa naman 'no! Nagsalin ako nang grape juice, allergic siya sa grapes at sigurado akong hindi na siya makakaligtas dito!

Hindi siya nagtanong sa akin, deretsong inabot niya 'yon tas ininom. What the heck is wrong with my plan?!

Nginangatngat ko ang inner cheeks ko sa inis. Hindi talaga! Posible ba na lahat nang pinakita niya sa akin ay hindi totoo? Mas lalong uminit ang ulo ko dahilan na maihampas ko ang aking kamay sa mesa. Gusto ko sana ipagpatuloy itong plano ko kaso nga lang naunahan na talaga ako sa galit.

“May problema ba, Lexa?” Look at him, wala parin kamalay-malay na alam ko ang sekreto niya.

“Oo meron!” Matalim na tiningnan ko ang pinukol sa kanya. “Kung inaakala mo mabibilog mo ang ulo ko pwes nagkakamali ka, Noel. Uh teka, ano ba dapat kong itawag sa'yo, hm? Noel o Damon?”

Parang tinakasan siya nang dugo sa mukha sa pagkagulat. Hindi siya makatingin sa akin. “A-alexa…”

“Damn you!” Kinuha ko ang baso na laman nang tubig at tinapon ang laman niyon sa mukha niya. “Niloko mo ako! All that time hindi na pala si Damon iyong kasama ko kundi ikaw pala, manloloko! Bakit mo ginawa iyon ha? Wala naman akong kasalanan sa'yo ah para lokohin a-ako.” Pumiyok ako, hindi ko na napigilan na umiyak sa harap niya. Ayokong makita niya na mahina ako pero hindi talaga kaya nang damdamin ko. “Hindi ka pa ba masaya noon na pinagmukha akong tanga at ngayon lumalapit ka pa sa akin para ano? Lokohin din?!”

“P-panong…”

“Pano ko nalaman? Matagal na akong naghinala sa'yo pero n’ong una ay inisip ko na baka mali ako, wala sana akong balak alamin kaso dumating ang mommy kaya bumalik uli ang suspetiya ko at pinatuyan pa 'yon ni Mike isang impostor ang lalaking nakasama ko noon at ikaw iyon! Huwag kang magkaila dahil madami akong ebidensya na nagpanggap ka na ikaw si Damon noon. Damon died a long time ago bago 'yong kasal!”

Biglang tumayo si Noel at akmang lalapitan ako. “I-I’m sorry, Alexa, hindi ko naman talaga balak kang lokohin but I don’t have choice back then—“
 
“Wag ka nang magpaliwanag! I don’t need your explaination! Umalis ka na sa bahay ko!”

“Look, listen to me. Makinig ka naman sa explaination ko, Lexa.” Pumiksi ako nang hawakan niya ang kamay ko at sinampal siya nang kay lakas sa pisngi. Padabog na pumunta ako sa pintuan at binuksan iyon.

“Alexa, makinig ka naman oh. Alam ko na hindi mo ako mapapatawad sa ginawa ko pero sana naman makinig kang mabuti sa explaination ko. I only did that because of my brother’s death.”
Pero mistulang bingi na ako, ayoko na. Ayokong makinig! “Alis!”

“Alexa—“

“Umalis ka na sabi! Hindi mo ba ako narinig, ayokong makinig sa'yo! Wala ka na dapat ipaliwanag sa akin dahil malinaw na ang lahat sa akin kaya please lang umalis ka na sa buhay ko. Huwag na huwag kang magpapakita sa akin kahit kailan!” Lumapit ako sa kanya at tinulak palabas nang bahay ko. Subalit, napakalakas niya kaya di ko siya magawang maipalabas. “Ayaw mong lumabas? Pwes akong lalabas!”

Umalis na ako sa bahay, lakad ang takbo ko pero nakasunod parin si Noel sa akin. Tinawag niya ako sa akin pangalan pero inignora ko lang siya. Pumasok ako sa loob nang elevator, halos masira ko an ang close button ngunit laking dismaya ko ay mabilis na nakapasok si Noel. Bwisit!

Akmang lalabas ako ngunit mahigpit na hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at marahas na sinandig sa malamig na metal na dingding. “Please, m-makinig ka naman oh.” Ngayon ko lang napansin na namamasa ang mata niya, nababanaag ko ang lungkot niya.

“Ayoko! Biwitiwan mo ako!” Nagpumiglas ako ngunit 'di ko magawa dahil nanghihina ako. “I hate you! I hate you! I—“ he suddenly hug me tightly na para bang mawawala ako once na bitawan niya ako.

“Sorry…” Humagulgol ako nang iyak. Pinagbabayo ko ang dibdib niya sa tindi nang sakit. Ayoko na nang ganitong klaseng sakit, kung ganito naman pal asana hindi na ako nagmahal. Pero ano bang malay ko na ganito pala ang kahuntongan ang love life ko? Hindi ko alam kung mapagkatiwalaan ko pa ba siya o hindi.

“Hindi kayang matumbasan nang sorry mo ang sakit na naramdaman ko, Noel!” Tumigil na ako sa pagbayo sa dibdib niya dahil sa pagod.  “Please, huwag ka nang magpakita sa akin…”

“Ayoko…balak ko naman talaga noon na sabihin 'yon sa''yo pero natatakot ako, Alexa, nahuhulog na ang loob ko sa'yo. I am scared na kapag nalaman mo na hindi ako ang totoong Damon ay magalit ka at layuan mo ako…”

Inipon ko talaga ang buong lakas ko at tinulak siya. “Anong aasahan mo sa akin, Noel, na hindi ako magagalit? Tanga ka! Akala mo ganoon lang kadali magpatawad? Hindi, Noel. Ganoon parin ang kahinatnan nang lahat. Sinaktan mo parin ako. Kaya mas makakabuti na…” Iniiwas ko ang mata ko sa kanya. “Hindi na tayo magkita.”

Nang bumukas ang pinto nang elevator ay nilagpasan ko siya. Hindi na ako lumingon sa likod ko. Ayokong makita siya, natatakot ako na kapag ginawa ko iyon ay baka balikan ko siya…
 

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^