Tuesday, July 22, 2014

My Ex is a Secret Agent: 03



:Chapter 3:
Gabi na naman uli, kaya it’s time for me to start my plan B. Dalawang araw ko na pinapanood ang footage ng CCTV na nakuha ko tuwing gabi pero so far, wala pa naman kakaibang ginagawa ang mga tao na dumadaan. Nakilala ko na din iyong isa pang pari dito sa simbahan at si Father Noel naman ay hindi maganda ang pakikitungo sa akin.
Kaloka naman. May allergy ba siya sa mga kalahi ni Eva?
Pero infairness naman ang wafu talaga niya. Hindi naman masama kung hangaan ko siya bilang isang lalaki tsaka pinangako ko sa sarili ko na hindi ako main-love sa mga lalaki.
Nandito lang ako sa loob ng kwarto ko, dahil katatapos lang naman ng dasal namin kanina ay nagpaalam ako na magpapahinga na muna. Tsaka gabi naman `no. Hihintayin ko na lang na matutulog ang lahat before na lalabas ako.
While I was monitoring the footage, I saw a man went outside dito sa kumbeto. Si Father Noel. Nakakunot ang noo ko. Anong gagawin niya sa labas sa ganitong oras? Alas nuebe na kasi at sa ganitong oras ay nagsitulugan na ang mga tao dito.
Hindi ko sana aalisin iyong tingin ko kung hindi lang tumunog ang cellphone ko. “Hello?”
“Hija. May nakalap ka ba na bagong impormasyon sa serial killer?”
“So far wala pa po. Pero… may pinaghihinalaan na ako.” Sa totoo lang ayokong maging judgmental pero sa ganitong sitwasyon ay kailangan maging sigurado na tayo. Si Father Noel. This past few days kahit na hindi ko siya kilala ng lubusan ay kakaiba ang kinikilos niya. Kagaya ngayon. “Matanong ko lang, Tito, May information po ba kayo kay Father Noel?”
“Father Noel?”
“Yeah. Noel Dela Varga. Gusto ko lang malaman kung matagal na ba siya dito and etc. You know.”
“Oh okay. Teka lang.” Ilang minuto na naghihintay ay sa wakas ay nagsalita uli si Tito. “I’m afraid kunti lang ang information natin sa kanya. Nandiyan na siya naninilbihan sa simbahan for  six month…huwag mong…”
“Hindi pa ako sure, Tito, but as you said before the victims were killed near in the church.”
“Well there’s only one way to find out, my goddaughter of mine.” Hilig talaga itawag sa akin kuh.
“I’ll hang up the phone now, tito, susundin ko muna itong paring ito.”
“Sure. Ingat ka.”
“Bye.” In-off ko na iyong cellphone tas binalik sa bulsa ko. Kinuha ko iyong holster sa drawer tas kinabit sa hita ko at sinuksok doon ang baril.
Maingat pa sa pusa na lumabas ako sa silid ko at hindi man lang lumikha ng ingay habang naglalakad sa pasilyo.
Nang makalabas na ako sa building ay mabilis na naglalakad ako, pero hindi pa nga ako nakalapit sa gate ay nanigas ako ng makita ko si Father Sebastian. Nasa late thirties na siya pero kahit gano’n ay hindi mo maiisip na gano’n na ang edad niya dahil sa kanyang mukha.
Nakangiti siya na lumapit sa akin. Ginantihan ko naman ng ngiti. “Sister Alexa, anong ginagawa mo dito?”
“Lalabas lang po ako dito, Father, bibili kasi ako ng gamot para sa sakit ng ah…er…tiyan.” Bahagya pa akong ngumiwi.
“May gamot naman doon ah.”
“Mukhang na out of stock po eh. Sandali lang naman ako sa labas. Okay lang po ba?”
Nagdalawang isip na tiningnan niya ako. “Bilisan mo. Huwag kang masiyadong magtagal sa labas alam mo naman na hindi parin nahuhuli iyong killer.”
Tumango ako. “Salamat, Father.” Lumabas na nga ako tas sinundan kung saan dumaan si Father Noel.
Lintik talaga oh! Kung hindi lang talaga kay Father Sebastian ay sana nahabol ko siya. Malayo layo na din ako at madilim na dito sa parteng ito. Though, ngayon palang ako nakapunta dito. Makipot at kahit saan ka tumingin ay walang bahay.
“Saan na siya?”
“Huwag…po…a-ang sakit! Ahh…tulong! Agh!” hagulgol ng isang babae ang narinig ko.
Naging alerto ako sa paligid. Sinundan ko ang hagulgol na iyon. Nanggagaling iyon sa mahahabang damo, Tinaas ang laylayan ng damit ko at kinuha sa holster ang baril. Nahagip ng paningin ko ang isang dalawang rebolto ng tao, ang isa ay malaking tao na lalaki na nakadagan sa isang babae. Shit!
Bigla ko pinaputok iyong baril ko malapit sa kanila pero hindi ko iyong inasinta sa takot na baka matamaan ko ang babae.
“Potang ina!” Napamura siya at biglang tumayo at sa hindi ko inaasahan ay may ipinukol siya ng kung ano sa akin at tumusok iyong karayom sa balikat ko. Napaigik na sapo ang nasaktan braso.
“You fuckin’ bastard! I’m so gonna kill you! Stop!!!” Tumakbo kasi siya palayo at iyong babae naman humahagulgol. “Huwag ka munang kikilos diyan, Miss. Babalikan kita. Hoy!”
Sinundan ko iyong lalaki. Pinaputok ko iyong baril pero nakaiwas siya.
Pero habang tumakbo ay nakaramdam ako ng kakaiba. Shit. A-anong nangyayari sa akin?
“Damn!” Deretsong natumba ako sa lupa. “Ano…b-ba kasi…”
Gusto kong magmura, magwala pero hindi ko na nagawa dahil tuluyan ng nilamon ng kadiliman ang buong sistema ko. Ang huli ko lang na narinig ay may yabag na palapit sa akin.



No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^