Sunday, March 15, 2015

My Ex is a Secret Agent: Chapter 26 - 27





 Chapter Twenty Six

“Alexa, tama na iyan.” Awat ni Dana sa akin pero pumiksi ako nang hawakan niya ang kamay ko.
“Ano ba hic! Anong tama na? Gusto ko pa eh!”  Matapos kong umalis sa condominium ay dumeretso ako sa bar, tinawagan ko kanina si Dana para may kasama ko dito. Kung alam ko lang na aawatin niya ako sa pag-inom ay sana ay di ko na lang siya pinapunta dito.
“Alam ko na nasaktan ka, Alexa, pero hindi solution ang pag-inom nang alak para maialis mo iyang naramdaman mong sakit eh. Daig mo pa ang drama queen sa pag-emote eh!” Alam ko na mali daanin sa alak ang problema ko pero ang nakakaletse eh! Para akong tanga all this time!
“Umuwi ka na…hic! Lang…hic! Akala ko ba best friend kita?”
“Kaibigan mo nga ako pero madami ka na kasing ininom. Tara na uwi na tayo.”
“Ayoko! Gago kasi iyon eh!”
“Oo na Gago na, tara…” Tinulongan niya akong tumayo kaso nga lang ay nahihilo ako sa dami nang ininom ko kaya natumba ako. Nakahandusay ako sa sahig, agad naman tinulongan ako ni Dana ulit and for the second time ay bigla ko naisuka ang lahat ng ininom ko.
“Ahh! Alexa naman eh!”
“Hic…hehe…sorry—“
NOEL’S POV
It was all mess up because of me, I should have told her a long time ago but I only did that para malaman ko ang dahilan nang pagkamatay ng kapatid ko. Now I suffer the consequence for not telling her the truth. Ayaw na niya akong makita. Ang babaeng mahal ko ay tuluyan nang nawala sa akin. Great, Noel, napakatilino mo talaga!
Naramdaman ko na lang ang pagtulo nang luha ko. Now what? Alam ko na kasalanan ko ito. Naiinis ako sa sarili ko dahil napakatanga ko. I should have told her pero huli na ang lahat. I hurt her so much that she even want me to stay away from. Pero kahit ganoon pa man ay hindi ko siya lalayuan. I won’t give up on her. Hindi ako titigil hanga’t hindi niya ako mapapatawad sa kasalanan ko.
I will do anything just to have her back. At kahit anong pagtataboy niya sa akin ay hindi ako susuko, ganoon ko siya kamahal pero sa ngayon pagbibigyan ko muna siya. I will give her some time para mag-iisip. Humugot ako nang buntong hininga at sumuko sa pagkatok nang pintuan nang bahay niya.  Mukhang hindi pa siya bumabalik sa condo unit niya.
Umalis na ako sa harap nang pintuan, imbes na bumalik ako sa bahay ay naisipan ko muna na magpahangin muna. Naglakad ako sa hallway at nakasalubong ko ang isang babae na nakatalikod sa akin at hila hila niya ang nakahandusay na isa pang babae. “Grabe ka talaga, Alexa! Ang bigat bigat mo! Akala mo ba ang gaan mo? Ah! Sa susunod wag ka ng uminom nang madami!”
Biglang may bumundol sa dibdib ko. Mabilis na lumapit ako sa kanya. “Anong nangyari sa kanya?”
Napalingon naman sa akin ang kaibigan ni Alexa. Naningkit ang mata niya na makita ko. “Sa nakikita mo wala siya sa huwisyo dahil sa kalasingan. Kasalanan mo ito eh, kung hindi mo niloko ang kaibigan ko hindi siya masasaktang ng ganito.”
Hindi na lang ako nagkomento tungkol doon. She was right, kasalanan ko naman. “Tulongan na kita.”
“Huwag na, baka magising pa ito at magawala.”
“Hindi. Tutulongan na kita, ako na lang ang magdadala sa kanya sa unit niya.” I insist. Tinignan niya ako nang maigi at nagmapakawala ng hininga.
“Fine. Ikaw na ang bahala sa kanya pero kapag nalaman ko na may ginawa ka sa kanyang masama ay lagot ka sa akin. Kailangan ko na din umalis may importante pa akong lakad. Tandaan mo ha, kapag ginalaw mo iyang kaibigan ko patay ka talaga sa akin!”
Tumango ako. “I promise. Hindi naman ako ganoon klaseng tao na e-take advantage ang walang malay.”
“Good dahil magkakasundo tayo diyan.”
Nang umalis na siya ay walang hirap na kinarga ko si Alexa at dinala sa bahay niya kaso sa dismaya ko lock pala iyon. Chineck ko ang bulsa niya kaso walang susi doon. Mukhang naiwan niya sa loob ang susi kaya wala akong magawa kundi dalhin siya sa bahay ko dahil iyon lang naman ang pinakamalapit. Nang makapasok na kami sa loob ay dinala ko na siya sa kwarto ko at doon ko na lang inihiga. Kumuha ako nang maliit na palangana na may laman maaligamgam na tubig, panyo at isa sa t-shirt ko, pinunasan ang mukha niya. Tinakpan ko muna nag katawan niya bago ko alisin ang damit niya at palitan nang damit bago punasan.
Ilang beses akong napalunok at pilit alisin ang kakaibang init na naramdaman ko, parang gusto kong pagsisihan na dinala ko pa siya dito eh. I won’t deny that I want to touch her badly pero kailangan kong pigilan ang sarili dahil ayokong samantalahin na vulnerable siya ngayon.
Chapter Twenty Seven
ALEXA’S POV
“Sure ka na okay ka na, bessy?” Tanong ni Dana sa akin.
Sapo ang ulo ko habang naglalakad. Sa totoo lang wala ako sa condition ngayon dahil madami akong ininom na alak kagabi. I still have a hangoever pero pumasok pa talaga ako sa trabaho ko. This is the biggest day dahil ngayon gaganapin ang tournament. Lahat ng kalahok ay sumama papunta sa Phoenix Island. Nandoon ang main headquarters namin, doon dinadala ang mga kliyente na delikado ang buhay para magtago muna pansamantala.
Ilang linggo na kami hindi nagkikita ni Noel. Ni anino ni Noel ay hindi man lang nagparamdam. Ano pa ang inaasahan ko eh ako naman ang tumaboy sa kanya. I hate myself, ang isipan ko ay sinasabing ayaw ko siyang makita pero ang puso ko naman ay tila nangungulila sa kanya. Shit!
Nakakainis!
Madami akong naririnig na cheers nang mga trainee at mga kasamahan namin sa trabaho. Nandito kami sa race track, may madaming  mga obstacle na haharapin namin kagaya ng kailangan namin dumaan sa Wild River, isa iyon sa mga main obstacle course namin, matatagpuan iyon sa pinakaliblib nang kagubatan. Of course tanging gamit kolang kapag dumaan doon ay ang lubid, wala ng iba. Pretty dangerous yet once I finished up all the obstacle and win the tournament, I’ll gain fame or so but I didn’t really care about the fame. The truth is, all I ever wanted was to get over this game then I’m gone pero kahit ganun pa man ay nagpasalamat dahil kasama ako sa tournament. Why? Dahil na rin dito ay pansamantala ko makalimutan si Noel.
Isipin pa lang siya ay kumukulo na ang dugo ko!
“Before we start the race, I wish you all luck! And have a safe race!” Sabi ni Mrs. Torres sa amin. Nagpapatawa ba siya? Safe race?! Eh una palang obstacle ay Wild River na! Ano pa kaya ang susunod?!
Nang narinig namin ang malakas na putok ng baril ay mabilis na nagsitakbuhan kami, maingat na pumili ako ng matatahak dahil kahit na hindi pa kami nakakarating sa sapa ay sigurado akong may trap na naka-set dito. I keep up my pace in order for me to surpass my opponent, of course, even If I’m against this game still I cannot loss to anyone. Afterall,  It’s a matter of pride.
Tumigil lang ako sa pagtakbo nang makarating na ako sa Wild River, malakas ang agos ng tubig, kung hindi ako mag-iingat ay sigurado akong tatangayin ako.
Hinugot ko sa likod ang pisi na sa dulo ay may hook. Pinapaikot ko iyon sa ere hangang sa inihagis ko sa kabilang bahagi ang hook. Nang masiguro ko na matibay ang pagkakapit nang hook sa malaking bato at tinali ko ang pisi sa malaking kahoy. Without batting my eyelashes, I submerge my half body onto the water, I was almost sweep away mabuti na lang napakapit ako ng maigi sa pisi. Halos sinusubukan ng malakas na agos ng tubig na tangayin ako.
“Kaya mo ito, Alexa, you can do it!” I encourage myself. Napasulyap ako sa ibang kasamahan ko, they were also struggling to cross the river. Pero may isang lalaki na mabilis nakatuwid sa sapa kaya pagkatapos niyon ay tumakbo na ito papalayo sa sapa. Shit!
It took me, two minutes to cross the river, ang iba naman ay ganun na din. “So long suckers!” Sigaw naman ni Darius sa amin. Kaasar talaga ang lalaking ito, kung makasigaw ay wagas talaga eh para naman siya ang nangunguna!
I took a deep breath before running fast but I knew I would never catch up with that guy dahil nanghihina pa ang paa ko.
“Humpty Dumpty sat on a wall,
Humpty Dumpty had a great fall.”
 Muntik na akong madapa sa narinig sa ear piece ko. Seriously? May gusto ba ipahiwatig si Mrs. Torres kaya nagpatugtog siya?
Subalit bago pa ako makapag-isip ng maayos ay bigla kong naramdaman ang malambot na bagay sa kaliwang paanan ko at n’ong pantay na ang pagkaapak ko ay bigla akong napatili nang tuluyan na akong nahulog sa butas. May matigas na bagay na tumama sa likod ng batok ko na dahilan na nawalan ako ng malay. 

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^