Tuesday, July 22, 2014

My Ex is a Secret Agent: 02



:Chapter 2:
 “This is so Fvcking shit!” Mahinang usal ko habang kinakabit ang CCTV camera sa puno, pero siniguro ko naman na hindi iyon madaling makita ng mga tao. Alas dose na ng gabi kaya wala ng tao dito sa kalsada malapit sa simbahan.
Pero kahit gano’n pa man ay kailangan niyang maging tripleng maingat baka kasi may tao dadaan. Nakasuot pa naman siya ng pang-madreng damit at magtaka pa iyon kung bakit ang isang kagaya ko na madre ay umaakyat sa puno.
Naipakilala na ako ni Father Jose sa mga kasamahan niya pwera sa dalawang pari dahil may nilakad daw ang dalawa sa kabilang bayan.
“One more to go.” Bumaba na siya sa puno tas naglakad sa gilid ng kalsada at naghanap ng lugar para paglagyan ng isa pang CCTV camera. Mahinhin na naglalakad ako—mahirap na `no.
Ilang minuto din ako naglalakad ay hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mahinang yabag na nasa likod ko kaya nilingon ko iyon. Wala naman tao sa likod ko, guni-guni ko lang ba iyon?
No…
Sigurado ako na hindi lamang iyon guni-guni. Kaya naman nagpanggap ako na hindi ko iyon pinapansin, besides I could handle him in hand to hand combat. Handa na ako sa mga atake kung sakali man pero wala eh. Nawala na din iyong yabag kanina, huminga na lang ako ng malalim tas lumiko na. Mamaya ko na lang siguro ilalagay itong camera, wala kasing magandang spot eh. Tsaka, pagod na ako, pagkatapos kasi ng biyahe ko papunta dito kanina ay wala pa akong tulog o pahinga.
Lumiko na ako pabalik sa kumbento pero sadya ba naman sa pagliko ko ay bigla ko nabangga ang isang matipunong katawan.
Mabilis na hinawakan niya ang beywang ko kaya hindi ako natumba. Cliché. I know pero ang tanong ay gwapo ba? “Careful.”
Natigilan ako nang marinig ko ang boses na iyon. That voice. Hindi ako nagkakamali ay…
Nang nagtaas ako ng tingin ay nakita ko ang gwapong mukha ng isang lalaki pero naghihinayang dahil hindi siya iyong lalaki na inaasahan ko. Hindi siya. Hindi siya si Damon. Ang EX ko. Ang lalaking hindi sumipot sa kasal namin.
Nakakunot ang noo niya na nakatitig sa akin. “Anong ginagawa ng isang madre na kagaya mo dito sa dis oras ng gabi, Sister?” Tanong niya na hindi parin inaalis ang kanyang titig sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero hinihypnotismo niya ako sa kanyang titig.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Why? Why am I feeling this way as if my heart telling me that I know him?
“Sister?”
Napapitlag ako at dumistansiya sa kanya. “Ah, nagpapahangin lang ako dito. P-pero pauwi na din.” Natigagal ako. I realize that he was not just an ordinary a super hunkilicious guy. His way more than what we called ordinary, because the man whom I mistook from my former lover was a preist. He serve only for God. Nakasuot siya ng itim na clerical clother and black pants.
“Pero hindi dito ang daan ng kumbento, Sister. Ngayon lang kita nakita dito.”
Teka. Don’t tell me isa siya sa preist na sinasabi ni Father Jose?
“Bagong salta lang ako dito sa bayan, and am…nakalimutan ko kung saan ang daan dito hehe!” Bigla naman ako napahiya kasi naman eh! Nadala siguro ako sa yabag na iyon kaya kung saan-saan  na ako dumaan. Tsk.
“Is that so? Well I have to warn you first, Sister…?”
“Alexa—I mean Sister Alexa.” Yeah, I used my real name. Malayo naman ang probinsiya na ito sa lugar kung saan ako nanggaling eh. Though, hindi ko ginamit ang real surname ko.
“Okay. Sister Alexa, as you may know, this place is not safe for a woman like you to be here outside in the middle of the night, if you haven’t know yet, there’s a serial killer lurking around this place. ” Inilibot niya ang tingin sa madilim na bahagi dito. Maliban sa hand to hand combat ay may baril ako na nasa holster na nakakabit sa thigh ko. “Ihahatid na kita pabalik sa kumbento since pareho din naman tayo pupuntahan.Anyway, Hindi ko ito sasabihin kay Father Jose ang paglabas mo ng kumbento pero siguraduhin mo na hindi na ito mauulit. Madre ka pa naman.”
Naasar ako. Sayang gwapo pero taken na siya ni lord. Anyway, naasar ako sakanya dahil sa sinabi niya. Alam ko na hindi naman niya alam na isa akong secret agent pero naasar pa din ako. Naapakan kasi niya ang ego ko `no!
Pigil na sapakin ko siya. Ayokong makasala sa mata ng Diyos.
Pasalamat siya at gwapo siya kung hindi naku!
“Salamat sa paghatid sa akin dito, Father…?” Akala talaga niya ay mabait siya na kagaya ng ibang mga pari dito pero siya pala ang pinakasuplado sa lahat. Hindi niya ako inimik hanggang dito.
“Father Noel.”
“Father Noel. Yeah. Thank you po. Sana naman hindi magkrus ang landas natin.” Pero alam ko naman imposible iyong hiling ko.
“What?”
“Wala po. Sige po papasok na ako sa silid ko.” Mabilis na pumunta ako sa silid ko at pigil hininga na tumili sa inis. I made my way towards my bed at kinuha sa ilalim ng kama ang lahat ng files kung sino ang nabiktima ng serial killer/rapist.
Ang mga babaeng nabiktima niya ay puro mga madre, at hindi lang doon kundi may hitsura din.
Pagkatapos kong basahin iyong Files ay ibinalik ko na iyon sa ilalim ng kama tas nagpahinga na, hindi ko na pinagkaabalahan na magpalit ng damit dahil na din sa pagod.


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^