Malakas
na hiyawan at palakpak ang sumalubong sa akin `pag labas ko lang sa sports car
ko. Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil alam ko na sa akin talaga ang mga `yon
at wala ng iba. Champion kasi ako sa drag racing at `ni isa sa mga kalaban ko
ay hindi nanalo kapag ako na ang kalaban. Siniguro ko talaga na nasa tamang
condition ang baby girl ko. Iyon ang
tawag ko sa aking red sports car.
“OUR
QUEEN OF DRAG RACE ONCE AGAIN WIN!!!” announce ng MC namin.
Kinayawayan
ko pa `yong mga fans ko. Okay~ I know na OA na `yong ginawa ko pero, haller?
Gusto din naman nila `no. Hindi ako nagmamayabang sadya lang na may ipagmalaki
ako.
Anyway,
My name’s Alexa Del Rosario, 23 years old and I came from a wealthy family.
Sa
tingin ng ibang tao lalo na `yong relatives
ko ay laki sa layaw, spoiled brat and a bum. Hindi naman daw ako ganito
noon pero n’ong iwan ako ng soon-to-be-husband ko ay nagkaganito na ako. Naging
rebelde. Pero sa totoo lang, hindi naman ako gano’n eh. I’m not spoiled brat,
laki sa layaw and most of all a bum.
Isa
akong adventurous na tao, gusto ko na may thrill sa buhay ko. I don’t want to act
as a boring person like before and besides, I work as a secret agent under the
Mysterix Butterfly Agency. So basically, hindi nila alam `yon, tanging parents
ko lang.
“Oh
em ge! Congratulations, Alex! I’m so proud na naging kaibigan kita!”
Tinaasan
ko ng kilay si Dana. “Ah gano’n? proud ka lang na maging kaibigan ako dahil
parati ako nanalo sa drag race?”
“Siyempre
hindi naman kaya lang dahil sa panalo mo ay parati akong nanalo sa pustahan!”
“Aba,
bawal `yon ah!”
“Ano
ka ba! hindi `yon bawal kung walang nakakaalam.” Nakangiti siya. Ngiting aso.
Matagal
ko na siyang best friend at kagaya niya ay isa rin siyang secret agent. Minsan
lang siya sumasali sa drag race dahil parati siyang mission noon. Pero dahil
hindi pa kami binibigyan ng bagong mission ng tito ben, ang godfather ko, ay
nagpakasaya muna kami dito. Hindi si Tito ben ang nagmamay-ari ng agency na
tinatrabo-an nila pero siya ang superior o namalakad ng agency sa kadahilanan
na parating busy sa ibang business ang may-ari niyon na si Rui Torres. Isang
business tycoon, madaming babae na nagkagusto pero ang problema ay may keychain
na siya.
Pero
huwag kayong mag-isip na may gusto ako sa kanya dahil humahanga lang ako sa
kagwapuhan niya `no.
“Ewan
ko sa`yo. Hay, kelan ba tayo bibigyan ng bagong mission ni Tito Ben?”
“Uh!
Paktay!” Exagerated niyang sambit.
“Anong
paktay ka diyan?”
“Em…err…sorry!
I forgot to tell you na kailangan pala natin pumunta sa office ngayon.”
Nag-peace sign siya sa akin habang ako naman ay matalim na tiningnan ko siya.
“Sorry na! nasilaw ako sa pera eh!” Nanghaba ang nguso niya.
Piningut
ko `yong tenga niya then I drag her inside my sports car and then before we
leave that place ay nagpaalam muna ako sa kanila at kinuha `yong premyo.
Mabilis
na pinaharurot ko `yong sports car ko. “Lintik ka talaga, Dana! Kapag sa iba
ibinigay ni tito `yong mission na `yon ay baka maghintay na naman tayo ng
tatlong araw o linggo! Teka, anong oras ba `yong oras ba dapat tayo pumunta
doon?”
“9:30
PM sabi niya.”
“Damn!
We only have fifteen minutes left! Kakalbuhin talaga kita, Dana!”
“Huwag
naman, wala pa nga akong boyfriend, kakalbuhin mo na ako?”
“You’re
late!”
Napangiwi
na lang ako sa malakas na boses ni Tito ben.
“Si
Dana kasi eh!” Sabay turo kay Dana na nagku-kwenta ng napalunan niya sa isang
pustahan, nang napansin niya na nasa kanya nakatutok ang buong attention ni
Tito ay isinuksok niya sa bulsa ang pera at nag-peace sign uli.
“Nakalimutan
ko, sir.”
He
let out a sigh while massaging his temple. “This will be the first and last
warning, you two, ayoko sa lahat ay `yong late. Anyway, may bago kayong
mission.”
Pumalakpak
ako. “Good, nangangati na ako dito. Ano ba kasi `yon?” Excited na sabi ko sa
kanya.
“Oo
nga, sir! Ano ba kasi `yon? Excited na ako! huwag naman sana `yong maging
bodyguard sa isang mayaman tao ha? boring `yon.”
“Actually,
para sa`yo ay iyon ang mission na ibibigay ko.” Sabi ni Tito kay Dana.
“WHAT?!
Oh em ge! No~!”
“I
will repeat it again, Dana, you will be working as a personal bodyguard for Mr.
Kent Smith. He ask me na kailangan niya ng bodyguard dahil lumalala ata `yong
obssess stalker niya. I will give you the details tomorrow. And as for you, my
goddaughter of mine, you will be investigating the case about the serial killer
sa san isidro. At dahil nandito na ang lahat ng impormasyon na ibinigay ng
kliyente natin ay sasabihin ko na ngayon na para makasimula ka na bukas.”
“hay
salamat, I thought na magiging bodyguard din ako.”
“Ang
daya!” nanghaba ang nguso ni Dana.
“Huwag
ka ng magreklamo Dana, maganda din naman `yong trabaho mo.” Pinapat ko `yong
balikat niya.
“Easy
for you to say! Dahil hindi naman ikaw `yong binigyan ng mission na `yon.
Makaalis na nga, good luck sa akin. I’m doom!” Nagmartsa na lumabas na siya sa
office. Natatawa na lang ako sa inasta niya.
Tumigil
lang ako ng tumikhim siya kaya bumaling uli ako sa kanya.
“You
were saying, tito?”
“As
I was saying, kailangan mo imbestigahan at tuklasing kung sino ang salarin.
Hindi lamang siya ordinaryong serial killer kundi rapist din.”
Bigla
kong ikinuyom ang kamao ko. Ang halang talaga ng kaluluwa ng lalaking `yon! Mas
lalong tumindi ang pagnanais ko na mahuli ang lalaking `yon! Langya!
“Anim
na buwan na iyon at limang tao na ang nabiktima niya at dahil wala naman
maasahan ang kliyente natin sa mga pulis ay sa atin na sila lumapit. Isa sa
nabiktima ng serial killer na `yon ang anak nila, mayaman, kaya malaki ang
bayad. I know you can do this job.”
“Don’t
worry, tito, I won’t let you down. I will find out who that person is at
sisiguraduhin ko sa kulungan siya dadamputin.”
“I
know, anyway, may isa pa. You need to disguise yourself as a nun, nakausap na
namin `yong kura paroko at naiintidihan naman niya ang sitwasyon.”
“Siya
lang ang nakakaalam kung sakali na maging madre ako do’n?”
“Yes.”
“But
why a nun?”
Oh
man! Of all the things to disguise—bakit madre pa? Oh lord, patawarin niyo ako
pero kailangan ko itong gawin para rin naman ito sa ikakabuti ng lahat eh at
sana makayanan ko ito, sa totoo lang hindi rin ako handa na pumasok sa isang
simbahan dahil naalala ko na naman `yong nakaraan. Masakit parin sa akin na maalala
nang hindi siya sumipot sa kasal namin, anong year na ba? ah, one year. Sariwa
parin sa alaala ko iyong ginawa niya but I have to move on at ang trabahong ito
ang makakatulong sa akin na makalimutan ko siya kahit na panandalian man lang.
“Because,
most of his victims were a nun at kung hindi naman ay malapit lang sa simbahan
na makita `yong bangkay ng biktima.”
>>> CHAPTER 2 HERE
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^