Saturday, October 18, 2014

My Ex is a Secret Agent: Chapter 9-13



:Chapter 9:

Muntik na ako madulas sa pagsandig sa kotse niya nang sinabi niya. “Pwedeng pakiulit at e-explain? Baka kasi nabingi lang ako.”
“You heard me right. Si Damon Woodson ang taong target ko ngayon and I bet kaya ka nagmamadali kanina ay dahil nakita ka niya at ibinigay niya `yang rosas sa`yo. He’s a drug dealer. Bumalik siya dito sa pilipinas para ibenta `yong mga drugs niya sa mayayaman tao. Unfortunately nakalusot siya doon sa pag-scan doon sa airport. I believe na may kasabwat siya doon. Anyway, tinatrabaho na ng kasamahan ko tungkol doon. Ang main goal ay makakuha ng ebidensiya.”
“I don’t believe you. Damon couldn’t do such a thing. I know him. We dated each other for three years at kahit na galit ako sa kanya dahil hindi niya pagsipot sa kasal namin ay hindi ako naniniwala na magagawa niya ang ganyang bagay.”
“Matagal na kayong wala. Sa mga nakalipas na ilang taon ay madaming mangyari. Anything is possible when it comes to money, baby doll. Now get in before he could see you.”
Hinigit niya ang pulso ko para hilain palayo sa kotse para mabuksan `yon at pinasok ako na walang kahirap-hirap. Kung hindi lang sana occupied `yong isipan ko sa nalaman ko tungkol kay Damon ay baka  sinapak ko na siya. At n’ong marinig ko ang pangalan niya ay nag-angat ako ng tingin at tiningnan si Noel na kakapasok lang sa kotse. Inalis ko ang titig ko sa kanya at tumingin sa likod ko, tinted ang bentana sa likod kaya walang makakapansin sa titig ko sa labas. Hindi ko mahagilap si Damon pero sigurado ako na nandiyan lang siya sa paligid. Sabi nga ni Noel. Pinilit ko ang sarili ko na hindi magpaapekto tungkol sa nalaman ko.
“You still care about him, huh?” sabi niya saka pinaharurot ang kotse.
Umayos na ako sa pagkaupo at humalukipkip. Tuwid na umupo ako. “Of course not! Hindi lang ako makapaniwala na ginawa niya `yon. After what he did to me years ago? I don’t think I could forgive the man who ditch our wedding.”
“Good. Dahil kung meron ka man ni katiting pagtingin sa kanya ay baka mabulilyaso ang plano.”
Inalis ko muna ang pagkabara sa lalamunan ko bago ako magsalita. “So what do you want me to do anyway?”
“I want you to get close to him. Base na din sa ginawa niya kanina ay mukhang may pagtingin parin siya sa`yo.” Sumulyap siya sa akin sa maliit na salamin. And speaking of ginawa. Naalala ko na maliban sa rosas ay may maliit na papel siyang ibinigay kaya naman hinugot ko iyon mula sa bulsa ko at binasa.
You still look hot as ever, Alexa. – D.W
Yeah I still look hot as ever pero ikaw nagbago na talaga. Hindi mo na nga maalala `yong paborito kong bulaklak. Like I said before roses aren’t my favorite flower. Napansin ko ang handwriting niya. Bakit italic iyon? Sa totoo lang, hindi sa nilalait ko iyong handwriting ng ex ko pero ang panget kasi noon eh. Mukhang nag-improve ata.  
“May problema ba sa sinabi niya?”
Nakabusangot na tiningnan ko siya. “Bakit parang gumanda `yong handwriting niy—aray!” Bigla kasi niya inapakan ang preno at dahil isa akong magaling na tao—take note the sarcasm—ay hindi lumusot ang half ng katawan ko sa pagitan ng fron seat. Muntik ng tumama `yong maganda kong mukha sa harap.
“Shit! I’m sorry. M-may dumaan na pusa sa harap ko kaya—“ Hinampas ko siya sa balikat.
“Leche ka! papatayin mo ba ako, what if kung hindi ako nakahawak ng maigi? Eh di namamaga na ang mukha ko? At teka saan mo ba ako dadalhin?”
“Mag-uusap ng masinsinan.” Sabi niya. Namamangha na umayos ako ng upo uli.
“Wow lang ha? hindi pa ba ito masinsinan usapan?”
“What I mean is gusto ko makausap ka malayo sa bar na iyon. Saan mo ba gustong mag-usap tayo?”
Humalikipkip na inirapan ko siya. “Ikaw na ang bahala.”
Dinala niya ako sa pinakamalapit na coffee shop at doon na lang daw kami mag-usap pero bago iyon ay tinawagan ko muna si Tito Ben para makasiguro na totoo ba iyong sinabi ni Noel.
“Hello, Alexa?”
“Tito, totoo ba ang sinabi ng gwapong gor—I mean ng lalaking `to na kailangan ko siyang tulungan sa mission niya kapalit ng ginawa ko sa kanya?!” Nag-excuse muna ako kay Noel at tumungo sa ladies room para mag-retouch ng make up.
“What he said was true, hija. Napag-usapan na naming iyon at ng kanyang boss. Isa pa kulang din sila ng tauhan kaya kailangan nila ng tulong. Wala ka naman daw ipag-alala dahil babayaran ka naman nila as a part timer.”
“B-but—“
“No buts, hija, think of this as a punishment for what you did.”
Iyon lang at in-off ko na `yong phone ko at nagpatuloy sa pag-retouch. Napasulyap ako sa dalawang babae na kakapasok lang sa ladies room.
“Ang gwapo talaga niya!”
“Para siyang model, pero sa gwapong mukha niyon ay sigurado ako na may girlfriend na iyon.”
“Haller? Hindi iyon makuntinto sa isa `no. Wait and see.”
Mga usapan malalandi talaga! Nang matapos na ako ay agad na lumabas ako kasi naman puro gano’n na lang eh. Cliché! Hindi nauubusan ng ganyan klaseng babae na parating pinag-uusapan ay gwapo na obvious naman na kilala ko. Siya lang naman ang gwapong lalaki dito sa coffee shop. Kunti lang kasi ang mga lalaki na nasa shop eh puro mga babae kadalasan na nandito.
Naka-order na pala siya ng brewed coffee at isinama na ako.
“Tapos ka na?”
“Oo. So anyway, let’s get down to business. What you mean sa sinabi mo kanina ay makipaglapit ako sa kanya and then what?”
“Kapag nagawa mo iyon. I want you na kumuha ng ebidensiya kagaya ng drugs sa bahay niya.”
“Iyon lang?”
“Oo.”
“Bakit hindi na lang ikaw?”
“Hindi ako bakla at kung pakikipag kaibigan naman ay mas lalong hindi pwede.” Nagpatuloy lang siya sa pagsasalita but none of those reach my ears dahil abala ako sa pagtitig bawat galaw niya. Kung ipipikit ko ang mata ko ay boses lang niya ay nagpadala ng kakaibang damdamin sa akin. Even if his eye and voice reminds me of him sigurado ako na hindi naman siya ang lalaking iyon.  Hindi pa sana ako mapapitlag sa kinaupuan ko ng pinitik niya ang hintuturo niya at thumb sa harap ng mukha ko.
Tsk. Ano ba itong iniisip ko?
Pinilig ko na lang ang ulo ko at nakinig na lang sa kanya. Binigyan ko pa ng matalim ng tingin ang dalawang babae kanina sa ladies room ng magtangka sila na lumapit sa direksyon namin.  
“When will I start?” kahit na labag parin sa dibdib ko ay pumayag na lang din ako.
“As soon as possible.” He said in determine voice.
:Chapter 10:
And that as soon as possible ay mabilis talaga. Pagkatapos kasi ng usapan namin ay pinaempake niya ako ng damit at mag-stay daw ako sa isang apartment sa isang subdivision kung saan kasulukuyan na tumutuloy si Damon daw.
Agh. I hate it. Hindi dahil kay Damon kundi sa pagiging bossy ni Noel. I really hate it! Hindi rin naman ako nagtaka sa process ng paglilipat ko dahil alam ko naman kaya niya iyon lalo na may backup siya. When it comes to mission ay ang agency na ang bahala niyon sa mga kinakailangan mo.
Bumaba na ako sa condominium kung saan ako nakatira at sa baba nakita ko si Noel na prente na nakasandig sa kanyang kotse.
“Ready?”
“Ready as I ever be.” I rolled my eye as I stop in in front him. “Why are you here anyway and heck how did you know where I live?”
“I place a tracker to your clothes after our conversation last night.”
“Hindi ba sinabi mo na kailangan mo ang tulong ko para makakakuha ng matinding ebidensiya na makapagdiin sa kanya na isa siyang drug dealer and in order to that gagawin mo akong pain. Makipaglapit ako sa kanya like as if I didn’t care about what happen years ago dahil in-assume mo na may gusto parin siya sa akin? Really, it doesn’t make a sense. If he truly has feeling for me then why did he ditch me anyway?”
Blanko ekpresyon ang sinagot niya sa akin. Pero maya’t maya ay nagsalita na siya. “Masama bang e-assume `yon? Besides if he doesn’t have a feelings for you then why did he bother follow you there inside tha bar ang gave you a flowers?”
“Nagkataon lang iyon. Anyway, ang kotse ko na lang ang gagamitin ko kasi baka isipin ng lalaking iyon na may relasyon tayo.” Inirapan ko siya at nagmartsa patungo sa kotse ko na naka-parke lang sa `di kalayuan habang bitbit ang maleta ko pero bago ako makalayo sa kanya ay kinuha ko sa bulsa ko ang maliit na earpiece at microphone sa kanya na mabilis naman niya nasalo. “Use it. In case you want to talk to me directly. Mas convenient iyan kesa sa cellphone.”
Nang nasa likod na ako ng kotse ko ay ipinasok ko sa loob ng compartment ang maleta at nagmadali na pumasok sa loob ng kotse. Nakita ko sa di kalayuan na nasa loob na din si Noel sa kanyang kotse at pinaandar na. Sinundan ko naman siya at sa ilang minuto nakalipas ay nakarating na din kami sa subdivision.
“Good luck.” Matabang na sabi niya mula sa earpiece na nasa tenga ko. Pero gano’n pa man ang tono ng pananalita niya ay nagdulot iyon sa akin ng kakaiba eh sa himaymay ko.
Tsk, anong problema niya? Pero `yong tanong ko ay nasagot din dahil narinig kong may pumutok `yong gulong ko at sumasagitsit kaya naman mabilis pa sa alas kwarto ay inapakan ko `yong preno.
“Fuck! I swear I’m so going to kill you for this! How dare you did this to my baby!” I said, angrily.
“Oh come on, gulong lang iyan pwede pang palitan. This is only part of my plan.”
“Wow dude ha? thanks! Take note the sarcasm!”
Padabog na lumabas ako sa kotse ko at sinulyapan ang gulong na sumabog. Lintik talagang lalaking iyan. pano ko maiayos `to eh wala akong dalang spare wheels! Napupuyos na nasipa ko iyong kotse ko. “Damn you!”
Inilibot ko ang tingin pero nawala na `yong kotse niya.
“Huwag mo na din ako hanapin dahil nakapasok na ako sa subdivision at nasa bahay na. Anyway, better wear the spectacles that I left inside your car. If you don’t know there’s a hidden camera in it para naman kung anong nakikita mo ay makikita ko din dito sa monitor.”
Hindi rin naman ako nahirapan na hanapin iyon dahil nasa maliit na compartment lang iyong glasses. Gee, ano ang tingin niya sa akin, nerd? Pero sinunod ko na lang. Sakto naman inilabas ko iyong ulo ko sa loob ng kotse ay may bumusina sa gilid. At nang lumingon ako ay nakita ko ang isang silver Porsche na tumigil. Bumukas iyong bentana. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Oh god! Why—oh right I almost forgot that his my target and it was all according to Noel’s plan. He was looking at me with awe. “Alexa?”
Kahit na nakasuot siya ng sunglass ay he was still a handsome man kagaya noon but a jerk. Pero kahit malaki ang pinagbago niya ay kailangan kong alising ang agam-agam sa dibdib ko. Hindi ko dapat isali sa trabaho ko ang naramdaman ko ngayon. Even though right at these moment all I want to do with him was to punch him, kick him or even try to kill him. Pero nanaig pa din iyong gusto ko malaman kung totoo ba talaga na ipinaparatang ni Noel sa kanya.
I sigh and start to act. I stiffen at malamig na tiningnan siya. Siyempre, hindi ako umakto na parang in love and dead over heels sa kanya `no. Hello? Iniwan niya ako! kaya `yong acting ko ay dapat iyong hindi bitter pero hindi din love. Iyong parang galit or something? “—The hell?” Usal ko, bigla ko naman narinig ang boses ni Noel na napapitlag sa akin, muntik na ngang lumundag iyong puso ko na naman.
“Lexa, ano ba iyang acting mo?”
I hate it when he call me that. Yes that!
Hindi ko siya sinagot sa tanong niya mahirap na at mapansin iyon ni Damon. Nakita ko siya na lumabas sa kotse.
“Need a help?” tanong niya at lumapit sa akin.
“Kung tulong naman na galing sa`yo `wag na.”
Napatigil siya. Pesteng lalaki, hindi man lang na-guilty sa ginawa niya noon?! Kapal talaga! Malamig na tiningnan ko siya.
“Alexa… Naalala mo parin iyon?”
“Alangan naman hindi ko maalala iyon. Hindi naman ako matanda na may Alzheimer. Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pa pala nilamon ng empyern—“ napatigil ako sa pagsasalita dahil bigla niya akong hinayapit at niyakap ng mahigpit na para bang miss na miss na niya ako.
“I-I’m sorry, Lexa…but I have my reasons why I leave you.” Weird. Kung siguro noon iyong sorry niya at yakap lang ay bibigay na ako pero sa hindi ko malaman ay wala akong makapa na kahit ano man ngayon. Dahil siguro sa matagal na `yon. That must be it.
Napapitlag ako ng may kung ano akong narinig mula sa earpiece. Kaya biglang nagpagising sa akin.
“Let go of me.” Tinulak ko siya. Yeah. Hindi na `yan acting! Totoong totoo na `yan. Masakit parin sa akin iyon nangyari. Sinampal ko siya ng ubod ng lakas at lumayo sa kanya. Kinuha ko sa compartment iyong maleta at nilock iyong kotse at deretso na pumasok sa loob ng subdivision. Kahit na tinawag niya ako ay nagmartsa parin ako at nang makasiguro ko na hindi siya nakasunog ay nagsalita ako. “Hoy, Noel!  Letse ka! Hindi mo man lang ako binalaan na iyon pala ang plano mo! Letse!”
Wala akong narinig sa kabila kaya pinindot ko iyong maliit na microphone na nakakabit sa ilalim ng kwelyo ko. “Hello?!”
Napapailing na lang ako at dumeretso sa apartment. Wala naman problema sa akin kung saan iyon eh dahil may address ako. Humanda si Noel sa akin. Dobleng doble na ang kasalanan niya!
:Chapter 11:
“You asshole!” Hinablot ko iyong vase na nasa mesa at ipinukol sa kanya, maliksi naman na nakaiwas siya.
“Hey! Calm down for a sec!”
“Anong calm down?! Una sinira mo ang gulong ng kotse ko at pangalawa hindi mo sinabi sa akin `yong plano mo na kaya pala sinira mo iyon para makapag-usap kami nang lalaking iyon!”
Nang malaman ko na malapit lang pala nakatira din siya sa tinutuluyan ko ay sinugod ko talaga siya para maghiganti. Tinakbo ko iyong pagitan namin at sinuntok pero nahawakan niya `yong kamao ko.
Mabilis na sinipa ko siya nang ubod lakas sa gilid kaya hindi niya naiwasan. Narinig ko siyang napa-agh sa sakit. Lumipad ang braso patungo sa mukha niya subalit nahawakan niya iyon at bago pa ako makapalag ay nasa likod na siya akin. Mahigpit na hinigit niya ang dalawang pulso ko na nasa likod ko.
 “Let go of me, bastard!”
“Not unless you calm down.” Ilang minuto din na natiling gano’n ang posisyon namin. Nang kumalma na ako ay binitiwan na niya ako.
“Babayaran mo `yong ginawa mo sa kotse ko!”
He rolled his eyes. What the—did he just rolled his eyes on me?! Grr! Nakakapagpakulo ng dugo talaga pero pinilit ko na lang ang sarili ko na mapatay siya ngayon mismo. “Fine. Babayaran ko `yong na damage na pero sa susunod naman kung pwede lang huwag mo isali sa mission mo ang naramdaman mo sa kanya.” He said with a stoic expression. What’s his problem?
Inayos ko iyong buhok ko at nagusot kong damit at matalim parin na tiningnan siya. “Fine. Fine. Next time ay hindi ko na gagawin iyong ginawa ko kanina sa kanya.” Inirapan ko siya at akmang maglalakad na papunta sa pinto pero pinigilan niya ako. Hinigit niya ang pulso ko.
As he held my wrist, a sparks suddenly erupt between his hand and my wrist.
“What? Gusto mo makatikim sa akin ng sapak?”
“Nope. I was thinking that we need to step aside our pro—“
“Yeah, You right  pero sino nga ba ang nagsimula, di ba ikaw? You just broke my car! Alam mo bang nag-ipon ako ng pera para lang mabili iyon. I’d been using it for three years at dahil sa kotseng iyon madami akong pinalunan ng drag racing!” Singhal ko sa kanya.
“Hindi ba’t nag-sorry na ako sa`yo?” May bahid na irritasyon `yong boses niya.
“Sinasabi ko lang.” Inismiran ko siya tsaka iniwan.
*
Hindi mabilang kung ilang beses na akong humikab habang  nakatanaw sa labas ng bentana, sa kwarto ko—using a binocular. His three storey house located in the opposite direction of my house.
“Yawn~—“ Nabitiwan ko ang binocular at hindi mapigilan na mapangiwi ng marinig ko ang kakaibang tunog.
Ingkzz!
Parang pinagkiskis ang dalawang bakal. Nakakangilo!
Marahas na tinanggal ko ang Bluetooth earphone sa tainga ko at inihagis iyon sa kama ko. Padabog na iniwan ko ang pwesto. I was enjoying my peaceful hours. No Damon. No Noel na nagpapagulo sa isipan ko at heto na naman. Obviously sinadya ni Noel na lumikha ng pangit na tunog!
Hindi madadala ang lalaking iyon kung hindi ko patitikimin ng suntok eh.
Paglabas ko sa bahay ay malalaking hakbang na naglakad ako patungo sa bahay kung saan ngayon nakatira ang lalaki. Hindi pa nga ako nakarating doon ay may humarang sa akin.
It was Damon who block my way. Hindi ko namalayan kanina na lumabas pala siya sa kanyang bahay.
 “What do you want?” Pilit na pakaswalin ang boses ko. He was staring at me intently, for some reason ay wala akong makapa na naramdaman sa kanya, tanging galit ko na lang ang umaapaw sa ngayon.
“You.” Maiksing sagot niya.
My veins in my temple was as if about to burst but of course I didn’t snob him. Dahil kapag ginawa ko iyon ay baka sermonan ako ni Noel.
“Okay. So ano nga?” Kaswal parin na tanong ko sa kanya.
“Gusto kitang makausap ng masinsinan.”
“About?” Tumaas na `yong isang kilay ko.
“About us and what happen two years ago.”
“There’s no us, Damon. Hindi ka sumipot sa kasal natin at ang kapal n mukha mo `no? Ngayon ka lang nagpakita sa akin after all these years.”
Ilang sandali ay hindi siya kumibo. I rolled my eyes at nilagpasan ko siya pero hinigit niya ang kamay ko para pigilan ako. Pero agad akong pumiksi.
“I’m sorry.” Higing paumahin niya. “But if you just give me another chance ay hindi ko na gagawin iyon. Mahal parin kita, Alexa. Hindi ko lang nagawa na sumipot sa kasal dahil…” Hindi niya tinuloy.
Napukaw niya ang kursonidad ko. Sinabi niya sa akin n’ong nagkita kami na may rason daw pero dahil galit ako sa kanya at ang tanging gusto ko lang noon ay sampalin siya kaya hindi ko siya napakinggan.
“O, bakit hindi mo naituloy? Dahil wala. You don’t love me enough to marry me!”
“Naaksidente ako!”
Natameme ako. “A-anong ibig sabihin mo, ha? Huwag ka ngang magsinungaling.”
“Hindi ako nagsisinungaling sa`yo, Alexa. Papunta na ako sa simbahan ng maaksidente ang sinasakyan kong kotse. Dahil doon ay na-coma ako. A-at alam mo naman `di ba na ulilang lubos na ako kaya walang nakabalita sa i-inyo.” Hindi siya makatingin sa akin ng sabihin niya iyon. Hindi ko alam kung totoo iyong sinabi niya o hindi.
Kung totoo ang sinabi niya, bakit kailangan pa niyang masangkot sa isang sindikato na nagbebenta ng mga droga?
Huminga ako ng malalim. I guess I need to take my job seriously. I want to investigate further at malaman kung totoo ang sinabi ni Noel sa akin.
“Please forgive me.”
“Sinungaling ako kung sasabihin ko sa`yon a pinapatawad kita, Damon. Hindi madaling kalamutan iyon—not like I have feelings for you. Napahiya ako pati na ang pamilya ko. Naintidihan ko ang dahilan mo pero hinding hindi na maibabalik iyon.”
“I understand. Hindi ko ipipilit sa`yo ang sarili ko. We could just start all over again kagaya ng maging kaibigan tayo.”
Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin, nagdalawang isip ako na tanggapin iyon but for the sake of my job ay tatanggapin ko na lang. Hindi ko muna tinanggap iyong nakalahad niyang kamay. Um-acting ako na tila nagdalawang isip at ilang segundo lang ay tinanggap ko iyon.
“Fine.” I said and slightly slap his hand instead of shaking his hand.
Umaliwalas ang kanyang mukha. “Great. Then okay lang ban a imbitahin kita mamayang gabi para mag-dinner?”
Kita mo? Alam ko na pinupormahan niya ako pero pumayag na din ako. Pero hindi kagaya ng inaasahan niya na isang dinner date.
Tumango ako. “Huwag mo na ako puntahan sa bahay dahil may lakad pa ako. Magkita na lang tayo sa dating restaurant na parati natin pinupuntahan.” Bigla nawala ang ngiti niya ng sabihin ko iyon.
“Dati?”
“Yep. Memoires Restaurant. Don’t tell me nakalimutan mo?”
“Ah. Iyon. No. Hindi ko makakalimutan iyon.”
“Good.” Iniwan ko na siya at nagpatuloy sa paglalakad, hindi ko nga alam kung saan ako tatambay ng ilang oras eh. Habang naglalakad ay biglang may naisipan akong idea kaya daling-dali na kinuha ko iyong cellphone ko sa bulsa at denial an number ni Noel. Of course alam ko na kung anong cp number niya, inalam ko iyon kanina before ko siya pinagsisipa.
“Hello?” His voice were like a bedroom voice. Parang…ay ano ba naman itong iniisip ko. Erase! Hindi ko siya dapat pagnasaan!
“Are you free tonight?”
“Hindi ba may dinner kayo ni Damon?” Tinatamad na sabi niya. Naitampal ko ang libre kong kamay sa noo ko. Nakalimutan ko na sinuot ko parin pala ang maliit na microphone sa nakakabit sa likod ng kwelyo ko. Kaya Malayang marinig ni Noel iyon.
“Eh…”
“No. Ayokong maging sagabal sa trabaho.”
“Ah gano’n? eh ano naman ang trabaho mo? Sa tingin ko, ako lang naman an kumikilos ng trabaho na dapat sa`yo eh!”
“Hindi  niya akong pwede makita.”
“Why?”
“Basta. Ayoko. At pwede ba? Huwag kang makulit. Simulan mo na ang trabaho mo mamayag gabi. After your dinner, ask him if you could go inside to his house para makabit mo na iyong maliit na CCTV camera at Malaya na natin matingnan kung anong ginagawa niya.”
Iyon lang at pinatay na niya ang kabilang linya. Ang bastos. Hindi pa nga kami tapos na mag-usap ay pinatayan ba naman ako ng cp?
:Chapter 12:
PAGKATAPOS nang date namin dalawa ni Damon ay umakting na natapilok ako kanina at nagpanggap na masakit talaga para makapasok ako sa bahay niya. Lalaking-lalaki talaga an interior design sa loob. Nagpaalam sa akin ng sandali si damon at pumasok sa kunina para kunin ang cold compress.
Now what should I do?
I scan the whole place at n’ong ma-spot ko iyong magandang lugar kung saan ko ilalagay ang hidden cctv camera ay kumilos na agad ako. Walang ingay na naglakad ako patungo doon sa malaking kuwadro at kinuha sa purse iyong napakaliit na itim camera na parang marble lang ay dinikit ko iyon sa itim na pupil ng nakalarawan sa kuwadro, aba, professional ako `no. “Tapos ka na?” tanong sa akin ni Noel sa kabilang linya, mukhang inip na inip siya. Hindi ko mapigilan na mapasimangot.
“Dito palang sa living room nailagay ko, ba’t ba atat ka?” mahinang sabi ko sa kanya. I heard him grunt and didn’t say a word.
Paika-ika na pumasok ako sa kusina, nakita ko si Damon na naglalagay ng ice cube sa compress, hindi ako napapansin. Tumikwas iyong kilay ko, feeling asawa much? Ewan! Tiningnan ko ang paligid, lumapit ako doon sa kay Damon na nakatalikod,  sa gilid niya ay nandoon ang refrigerator may may maliit na stuff toy na bungo ang nakabitay doon. Seriously? Type niya ang ganoon?
Ay paki ko ba? Sinuksok ko sa bibig iyong maliit na camera. “Damon, saan ba ang CR dito?”
Nagulat naman si Damon dahil hindi nga niya ako inaasahan na nasa likod niya ako. Tinuro niya kung saan at nanigurado na okay lang ba sa akin na maglakad patungo doon. “Okay lang. Sprain lang ito.”
Pagkatapos ko lagyan ng CCTV camera halos lahat ng bahay niya except sa kwarto niya ay mabilis na bumalik ako sa sofa at umupo. Ang tagal niyang lumabas, ano ba ang ginagawa niya sa kusina eh cold compress lang naman iyong kailangan ko?
“Oi, grumpy old troll, pwede patingnan kung anong ginagawa niya sa loob ng kusina? I had already install a camera na!”
“May kausap siya sa cellphone.” Maikling sagot ni Noel sa akin.
Humanda talaga ang lalaking ito!
“Tsk! Ayusin mo iyang pakikitungo sa akin kapag ako ang mainis sa`yo ay hindi ako tutulong sa`yo!”
“May kausap ka, Alexa?”
“Ha?” Napalingon ako kay Damon na kakalabas lang sa kusina na may dala ng cold compress. “Ah, wala. May naalala lang kasi ako. Ba’t ba ang tagal mo?”
“Ah, may tinawagan lang ako kaya natagal. Sorry kung napaghintay kita. Itaas mo `yong namaga mong paa.” Lumapit siya sa akin, bigla tuloy ako nangamba baka mapapansin niya na hindi namaga iyong paa ko.
“No!”
Nagtataka na tiningnan niya ako. Come on, Alexa! Think! Kailangan mong mag-isip! May naisip siya pero hindi ko gusto iyon pero pwede na din. It’s like hitting two birds with one stone ika nga.
Hindi mo pa nalalagyan ng CCTV camera sa kwarto niya pero mamaya na lan iyon, I think you should leave.” Warning sa akin ni Noel sa kabilang linya. Shit! Pini-pressure niya talaga ako! madali lang niya masabi niya dahil hindi naman siya ang nasa sitwasyon ko!
“I mean no need na asikasuhin mo ako ng ganyan ang totoo niyan ay sinadya ko talaga ito.” Tumayo ako, I smile at him seductively. Chos! Pwede na talaga akong manalo best actress nito bilang isang seductress haha! Naglakad ako paikot sa kanya, tumigil ako sa likuran niya. Walang kiming nilagay ko ang kamay ko sa balikat niya, dinikit ang katawan ko sa likod niya.
What the bloody fucking are you doing?” iritadong tanong ni Noel sa akin. Inignora ko siya sa kabilang linya.
“I am not the same girl you always knew, Damon. I am more than willing to share a bed with you.” I said in suggestively. Letse! Nakakilabot naman itong sinasabi ko pero haller? Hitting the two birds with one stone dapat! Yeah! Iyon lang ang isipin mo Alexa!
Go!
Naramdaman ko na naging tense siya.
“You look so tense, honey.” Ginamit ko ang endearment na parati ko tinatawag sa kanya. Hinalikan ko `yong leeg niya tas tumawa ng mahina, humiwalay ako sa kanya mas pina-sway `yong balakang ko sa paglalakad ko patungo sa hagdan. Hindi pa nga ako naka-hakbang paakyat ay hinigit niya bigla ang balikat ko at iniharap niya ako sa kanya, he was about to kiss me but I stop him. I block my hand para makaiwas sa halik niya, I smirk at him. “Atat much? Mas gusto ko gawin natin iyon sa kwarto mo na lang.”
Kinakabahan pero kailangan kong gawin, kung mabulilyaso naman ang plano ko ay may baon naman akong syrine dito na may laman pampatulog. Gagawin ko na lang yung dati na ginawa k okay Noel but somehow, it feels not right though. Ano kaya ang reaksyon niya? Ah, ba’t ko ba iyon iniisip? Bwisit!
Dalawa lang iyong kwarto sa taas at dahil hindi ko naman kabisado iyon ay si Damon na lang ang nagturo kung saan ang master bedroom. N’ong nasa kwarto na kami ay akmang hahalikan niya ako at yayakapin.
“Bakit ba ang atat mo?”
You’re fuck’n crazy, lexa.” Noel said in venomous tone.
Hinagilap ko sa paligid kung saan ko ilalagay ang camera, at na-spot an ko naman may kwadro na naman, abstract ang nakapinta doon. Dark and blue ang motif, mabuti na lang talaga maliit iyong camera kung hindi ay naku baka mahirapan ako!
“Hindi pa pwede ngayon? We’re already in my room, sweetheart.” Disappointed. Ano naman ang expect ko? Magin gentleman siya kagaya ng dati? No. Marami ng taon nakalipas, so siguro kaya nakipaglapit siya para makuha niya ang gusto niya na hindi ko pa naibigay sa kanya dati.
“Hindi ba dapat gumamit ka ng condom?” I blurted out.
Shit.” Grabe lang, Noel? Shit na agad? As if naman hahayaan ko ito na may mangyari sa amin. Haller.
“Ba’t ko naman makakalimutan iyon? Wait.” Tumalikod siya at lumapit sa drawer. Sinamantala ko naman iyon. Hinugot ko iyong camera sa bulsa at malaking hakbang na lumapit sa portrait. Dinikit ko iyon doon. Nang lumingon si Damon sa akin ay umakto ako na tila tinitingnan ang paligid.
Chineck ko ang wristwatch ko. “Oh. It’s already late na. May trabaho pa pala ako bukas, kailangan ko palang pumasok ng maaga. Pwedeng postpone na lang?” Muntik na akong matawa sa sinabi ko. Haha! As if may mai-postpone ako. He looks disappointed pero tinago niya iyon.
“I knew it you were just fooling around with me, Alexa.”
“You knew?” I ask, incredulously. Ano? Nabisto na niya ang ginawa ko?!
“Yeah.” Namulsa siya. “I was just playing along. Ang dating alexa na kilala ko ay hindi ganyan.”
Ah, iyon pala. Akala ko kung anon a! phew! Akala ko bulilyaso eh!
*
Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok na ako sa bahay, mabuti na lang at hindi nagpumilit si Damon kung hindi naku! Ewan ko lang kung anong magagawa ko sa kanya but he sure do change a lot. Kinapa ko iyong switch para ma-on iyong light pero kusa iyong lumiwanag. –the heck?!
“Mabuti naman at nahimasmasan ka na sa iniisip mo. You’re one crazy woman I ever knew.” Nakatayo sa harap ko si Noel. Pano siya nakapasok…? Ah, madali lang pala sa kanya. Muntik ko ng makalimutan.
“Para naman kilala mo ako ng totoo.” I retorted. Hindi ito nagsalita sandali pero maya’t maya ay nagsalita siya.
“Ganito ka ba talaga? Do you always seduce men in order for you to get what you want?”
“Shut up. Natapos ko naman iyong pinapagawa mo sa akin di ba? so anong kinaiinis mo?”
“So it was like this, huh? And here I thought you were innocent.” Hindi ko nagustuhan iyong tono ng pananalita niya. How dare him! wala siyang karapatan na sabihin iyon sa akin kung wala naman siyang alam! Ano ba ang pinagpuputok ng butse niya at ganito na lang siya ka-inis?
“Eh ano naman? Hindi ako isang Ms. Goodie good shoes `no!” imbes na itama iyon ay pino-provoke ko pa siya.
Dumilim iyong hitsura niya, his gaze were blazing with fire. Uh-oh. 


:Chapter 13:

Ilang sandali lang na hindi tahimik kaming dalawa, madilim parin ang kanyang mukha. Dahil sa hindi ako makatiis sa tension na nababalot sa loob ay tumikhim muna ako at taas noong tiningnan siya. “Oh ano? Ba’t natameme ka? For your information, kahit anong gawin ko sa buhay ko ay wala ka ng pakialam. Ano ka ba sa buhay ko?” My brow arched. “Brother? Father? Oh oh! I get it! Boyfriend ba kita kaya ganyan ka? Hmm, let see, for the last time I remember. Wala akong boyfriend!”
Taas-baba iyong dibdib ko, pilit na hinahabol ang hininga.
Nagpakawala siya ng marahas na hininga, minamasahe ang kanyang sintido. “Your right, I am not you brother, not a father and definitely not your boyfriend. However, your still a gir—“
“Woman.” Pagtatama ko sa kanya.
“Yeah. Right. A WOMAN.  Eh pano kung  ipilit niya ang sarili niya sa'yo?”
“I could take care of myself. Besides, kahit na siguro nagbebenta ng illegal na droga siya ay alam ko na hinding-hindi niya ipipilit iyon sa akin!”
“Ha! Malaki ata ang kompyansa mo, ah? You never know what that man’s thinking neither do I. Kaya sa susunod na gawin mo iyon ay makakatikim ka sa akin.”
Kung umasta siya ay parang bata ang kaharap niya. “Hmp. Hindi mo ako masusunod. Kung gustuhin ko man e-seduce siya problema ko na iyon. As if naman kaya niya akong labanan. I know how to use martial arts.”
“Talaga lang, ha?”
“Oo—“
I was cut off when suddenly he pin me against the wall. Hawak niya ang wrist ko at tinaas iyon sa itaas ng ulo ko. “Alam mo, papalagpasin ko sana iyong sinabi mo kanina eh pero mukhang hindi mo talaga na-gets iyong ibig kong sabihin. Why don’t I prove it to you that men like me are much stronger than women.”
“Sexist! Let go of me, jerk! Ba’t ba pumayag ako na tumulong sa'yo, ha?!”
“Because you owe me something?”
“Like?” 
“Do I really have to recite it over again?”
Parang tambol iyong dibdib ko dahil sa lakas! Para akong mabingi, hindi ko nagugustuhan ang nanangyari! At lalo na itong position naming. He was pressing himself against mine. N’ong tangkain ko tuhurin siya ay tinukod niya ang tuhod sa dingding na nasa pagitan ng hita ko.
Shit!
Mas lalong hinigpitan niya ang pagkahawak sa akin. Kahit anong pamiglas ko ay walang silbi sa kanya.
“One. You’d kick me off from the bed, the moment you woke up.”
“Kasalan mo iyon. Sinamantala mon a mahina ako.”
Inignora lang niya ang dahilan ko. “Two. You went in to my room and seduce me like you did to Damon at binitin sa ere.”
“Ha! Mahina ka sa tukso!”
“Three. You stole all the documents that I had.” Palapit na palapit ang mukha niya sa mukha ko. Akala ko talaga hahalikan niya ako pero nilapit lang niya pala ang bibig sa tainga ko and whisper. “Four…”
“Four???”
Inilayo niya ang mukha sa akin tas seryosong nakatingin sa akin. “You really are a stubborn woman. Sa akin na lang 'yon kung anong pang-apat.”
Iyon lang at saka iniwan ako sa ere, tuluyan ng lumabas.
“WHY.THAT.JERK!”
*
“Tito naman eh. Ba’t ba kailangan ko makipag-cooperate sa lalaking iyon? In the first place, he’s not a member sa orginazation na ito! Ayoko sa kanya, pinapakialaman niya ang diskarte ko!”
Amuse na tiningnan ako ni Tito Ben. “Narinig ko din iyong side niya, Alexa, kasalanan mo din naman. Ba’t kailangan mo pang gawin iyon? Isa pa, hindi ka naman niya pini-pressure sa trabaho mo. There are plenty of time para maisagawa iyon.”
“Plenty of time? Siguro sa kanya OO pero sa akin hindi!” Dahil sa sobrang inis ay umalis ako sa apartment pansamantala at hindi man lang nagpaalam na mag-day off ako ng ilang araw. Aba, sinuswerte siya 'no?
“Excuse me.” Napatigil ako sa paglitanya ng marinig ko ang boses ni Paulin, ang secretary ni Tito. May isang babae sa likod niya, napaka-elegante tingnan sa suot niyang black dress, five inches black stiletto. Hindi ko makita ang histura niya dahil nakasuot siya ng black hat na may veil na tumatakip sa kanyang kalahating mukha, ganun pa man ay sigurado ako na magandang babar siya. Kahit na elegante siya tingnan ay para naman nagluluksa siya dahil sa kulay na suot niya.
“Mrs. Hanazawa! What a pleasant surprise to see you here!” Napatanga ako kay Tito. Teka, tama ba ang narinig ko? Mrs. Hanazawa? Ibig sabihin niyon ay…siya 'yong asawa ng may-ari ng organization na ito?!
Paktay! Narinig kaya niya iyong sinabi ko?
“I came here to visit this place. Inaalam ko lang kung anong nangyayari dito and I really am surprise…” Bumaling siya sa akin, napalunok ako. “Hindi ko akalain na mayroon pala tayong empleyado na panay reklamo sa trabaho nila.”
“Ah, it’s not like that, nagkaroon lang kasi ng hindi pagkaunawaan ang partner niya kaya nandito siya para magreklamo. Pasensiya na talaga sa inakto niya.”
“Hmm…” Ano bang problema ng babaeng ito? Well, kunsabagay ay may karapatan naman itong mag-reklamo pero…aggh! Ewan! “Anyway, maliban sa pag-bisita ko dito ay may gusto akong sabihin sa'yo, Ben. And please huwag mo akong e-po dahil twenty five lang ako.”
Ano daw? Twenty five?! Akala ko nasa mid thirties dahil sa kilos niya!
“Okay.” Bumaling sa akin si Tito. “Sa susunod na lang tayo mag-usap, Alexa. Bumalik ka na sa mission mo. Kung gusto mo matapos ng maaga ang mission na ito ay gawin mon a ora mismo. Isantabi mo ang personal mong problema.”
I rolled my eyes bago ako lumabas.
Pagkatapos kong umalis sa headquarters ay biglang tumunog iyong phone ko. Hindi tinitingnan kung sino iyon, agad na sinagot ko ang tawag. “Hello?”
“Ms. Del Rosario, kailan mo naman planong magtrabaho?” Muntikan na akong madapa. Shit! Si Noel na naman!
“Bukas.”
“Bukas? Woman, ba’t hindi mo subukan na maging professional sa trabaho? Pumunta ka sa IGNUME mall dahil mukhang may tatagpuin si Damon doon. Magkita na lang din tayo doon.”
*
Wala din naman akong magawa kundi sumunod sa utos niya. Tiniis ko na hindi ko siya masuntok nang magkita kami. Nasa ice cream booth siya, he was wearing casual clothes. Nakasuot ng sunglasses at bullcap. Kung hindi lang sana malaking katawan niya ay mapagkamalan ko siyang teenager. Linabas ko din naman iyong sunglasses ko at sinuot. “So?” Untag ko sa kanya.
“Gusto mo ng ice cream?”
“Hindi ako pumunta dito para kumain ng ice cream. So saan na siya?”
“Over there.” He jerked his head para maituro kung saan si Damon. Nasa isang coffee shop, mula sa glass wall ay kitang-kita ko siya na may kasamang isang payat na lalaki, may inabot siyang maliit na sobre dito. For some reason, iyong lalaki na kasama niya ay pamilyar sa akin. Saan ko ba ito nakita?
Ilang minuto na hinalungkat sa isipan ko kung saan ko nakita ito ay naalala ko na! Siya 'yong kapatid ng kaibigan ni Damon. Micheal ata iyong pangalan n’ong kaibigan niya. Although, hindi ko gusto iyong kaibigan niya dahil, well, err…kakaiba kasi tumitingin sa akin noon eh! It’s creeping me out kaya laking pasalamat na hindi ko na siya nakita pa.
“Ba’t magkasama sila?”
“You know that guy?”
 “Kapatid ata n’ong kaibigan ni Damon?” parang patanong iyong sinabi ko. “So akala ko ba may tatagpuin siya?”
“Susundan natin siya. I know na hindi iyang lalaki na iyan ang pinunta niya dito.”
Sinundan nga namin si Damon, minsan ay tila napapansin ata niya na parang may nakasunod sa kanya kaya minsan ay wala sa oras ay magtatago kaming dalawa ni Noel sa likod ng pillar at magpanggap na magnobyo. Oh gee, hindi madali ito sa akin lalo na kakaiba 'yong naramdaman ko kay Noel eh. Lalo na kapag napapadikit iyong katawan niya sa akin.
Lumabas na ito sa mall kaya naman n’ong lumabas din kami ni Noel ay nakita namin na may sumalubong sa kanyang sexy na babae. Hindi ko maiwasan na uminit iyong ulo ko. Hindi sa selos kundi sag alit dahil parang pinaglalaruan lang niya ako.
Nagpahiwatig siya na may gusto parin siya sa akin yet look at him now may babaeng kasama na parang may relasyon.
“Jealous?” Sabi ni Noel.
“Of course not! Like I said, binaon ko na 'yong naramdaman ko sa kanya!”
“Yeah right.”  Hindi naniniwalang balik niya sa akin.
Sumakay na din sila sa kotse bago kami umalis sa pinagtaguan naming poste tas mabilis na pumasok sa kotse ni Noel. Ngayon ko lang napagtanto na hapon na pala. Malapit na mag-alas sais.
Tumigil lang iyong red Porsche sa harap ng hotel. “Hindi parin nagseselos?”
“Anong problema mo? Sabi ko na hindi ako nagseselos eh!” Singhal ko sa kanya, napatid ko pa 'yong sahig ng kotse. Akmang lalayasan ko siya pero hinigit niya ang kamay ko. “E-park ko lang 'tong kotse ko at matapos niyon ay mag-accommodate din tayo ng room diyan.”
Pagkatapos niyang e-park ay nag-check in din kaming dalawa. N’ong makapasok na kami sa lobby ay nagpatiuna sa akin si Noel. “Miss, may nag-check in ba ditong magkasintahan ata kanina lang?”
“Yes sir. Ano po bang kailangan?” Halatang nilalandi niya si Noel. Nakakasurot ng dugo!
“Ah, wala naman kaming kailangan. Gusto lang namin mag-asawa na mag-check in ng room kasunod ng room n’ong taong iyon. Kaibigan kasi namin iyon.”
“What?!” bulalas ko. Dafuq?! Asawa, ako?
“Ayaw mo ba, hun?” Baling sa akin ni Noel, kahit na mukhang concern siya ay alam ko na may pinapahiwatig siya na tila sinasabing huwag ka ng umangal. Pero Hindi lang iyon ikinabigla ko.
Damn. Am I imagining things? Siguro. Ah, ano ba itong naiisip ko! Nasa isang room si Damon kasama iyong babaeng iyon!

  

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^