Tuesday, April 28, 2015

My Ex Is A Secret Agent: Epilogue



EPILOGUE
It was the greatest thing I ever felt, isang bagay na akala ko noon ay `di na mangyayari. I always thought that fate was cruel because he let me feel the pain being left by someone you love, but all these time, there was a great happiness store upon us. Hindi pa pala yun ang tamang oras na maging masaya ko, and when we met Noel again. Sa totoong siya ay doon na pala nagsimula uli umikot ang mundo ko. And led me to my happy life, hindi natin masasabi na happy ending dahil walang ending sa totoong buhay unless kukunin na sila ng Diyos.
“Masayang masaya talaga ako sa`yo, nak. Sa wakas nakita ka na namin ulit ng Mommy mo na maging masaya, kasama ang lalaking mamahalin mo sa buhay. Hindi ko akalain na darating ang araw na maihahatid kita ng tuloy-tuloy sa Altar.” May ngiti sumungaw sa mga labi niya, hindi rin madali mapapayag ni Noel si Daddy na ibigay ako sa kanya. Maraming pagsubok na ginawa ni Daddy para lang patunayan na sincere si Noel at di lamang malaking kalokohan ang ginawa. Kasalukuyan kami naglalakad sa aisle.
Nakita ko si Dana, brides maid ko, tila naiiyak siya na makita ako, hindi ako sigurado kung tears of joy ba iyan o hindi. May natanggap kasi siya kanina panibagong mission at mukhang hindi niya yun nagustuhan.
Si Mommy naman tila naiiyak, pero pinipigil lang niya. Alam ko na masaya siya na makita ang anak niya na ikakasal. For real.
Inilipat ko ang tingin sa altar. Nandun siya, nakatayo malapit sa altar. Nakatitig sa akin. He was staring at me like there’s only the two of us, parang wala sa tabi si Daddy.
Nakaplaster sa kanyang labi ang ngiti, ganun din ako. Sa sobrang lagkit ng tingin namin, di ko napansin na nandito na pala kami sa altar. Binigay ako ni Daddy at bago pa umalis ay kinausap niya si Noel. “Ingatan mo ang anak ko, huwag na huwag mo siyang papaiyakin.”
“Makakaasa kayo, Sir.”
“Huwag mo na akong Sir-in dahil magiging manugang na kita. Call me Dad.” Yun lang at iniwan kami dito sa altar. Mula dito sa veil na suot ko kitang-kita ko ang saya niya.  Inilapit niya sa tainga ko ang bibig niya tas may binulong.
“I love you.”
Naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. “I love you too.”
“Ehem. Gusto niyo diretsahan na?” Biro ng pare sa amin.
“Pwede, Father?” Sabay namin tanong.
“Hindi.”
“Haha!” Dahil sa pare na ito ay medyo na wala yung kunting kaba sa dibdib ko.
Sa sobrang saya namin ay nagtitigan lang kami ni Noel, di ko nga napansin na tinanong na pala kami ni father. “Ehem! Ehem! Mamaya muna magtitigan, makakaantay naman iyan. Sige na, tuloy na natin itong kasal ninyo.” Napabaling ako kay Father, naman, si father talaga! Ayan tuloy pinagtatawanan kami ng dumalo sa kasal namin ni Noel.
“Yes father.”
“Hija, hindi pa kita tinatanong.” The church were full of laughter. “Eh ikaw—“
“Yes father.”
“Aba, nagmamadali ata kayo talaga `no?”
“Oo eh para wala ng kawala si Misis.” Sabay kindat ni Noel kay Father. Pinalo ko naman siya sa braso. “What? Totoo naman ah.”
“Che! Dapat ako ang magsabi niyan baka tatakbo ka rito eh.” Bigla niya akong niyapos at tinitigan ng kay init.
“Alam mong hindi mangyayari yun. Walang lumipas na panahon na `di kita iniisip Alexa. I was such a coward not being able to tell you the truth about my true identity. Natatakot ako na baka hindi mo ako tanggapin at pinagsisihan ko yun. Hindi ko sasayangin itong chance na mapatawad mo ako. I promise that I will make you the happiest woman alive. Ikaw lang ang gusto ko makasama habang buhay, maging ina ng mga anak ko because I love you.”
“And I love you more, Noel. I always love you. Walang oras na hindi kita nakalimutan, kahit na iba ang pagkatao mo noon ay minahal kita. Sensya na kung hindi gaanong kahaba itong speech ko pero sincere iyan sa buong kaibuturan ng puso ko.”
“Hindi na kailangan pahabain ang cheesy lines, babe,  dahil ramdam na ramdam ko yung pagmamahal mo. I love you, Mrs. Dela Varga.” Ulit na naman niya. Ah, hindi talaga ako magsasawa na marinig yun kahit na marami ng nanukso sa amin.
“I love you more.”
“Oh siya, since nagmamadali talaga kayo. Skip na tayo at doon na tayo sa you may kiss the bride.” Napapailing na sabi ni Father.
“Yesss! Kisss! Kiss!”
Hindi na kailangan ipagsigawan yun dahil gagawin naman talaga namin yun `no. Inalis ni Noel ang veil tas unting-unti na bumaba ang kanyang mga labi hangang sa tuluyan ng lumapat ang aming mga labi.
Masaya, kwela, may tampuhan na agad naman magpapansin. May problema man dumaan ay na solutionan naman namin dalawa ni Noel. Nagkaroon na din kami ng dalawang anak sa apat na taon namin pagsasama.  Puro babae, pero may plano ata itong asawa ko na dagdagan pa. Aw!
Pero siguro ito na ang pagtatapos ng kwento namin. Happy pero hindi ending dahil kagaya ng sinabi ko marami pang magandang mangyayari sa buhay namin ito…



No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^