Thursday, June 7, 2012

10 Million Worth of Life : Prologue

~P R O L O G U E~



“Oy! Anong ginagawa mo jan?”



“Obvious ba? Eh di magpapakamatay!!!”


Nasa rooftop ako ngayon. Umiiyak. Wala nang pag-asa sa buhay.
Tapos biglang nasulpot itong si Meiro Pamplona.
Isang mayamang lalaki na kung ituring ng lahat ay prinsipe.



 “Gagawa ka pa ng eksena! Mai-issue lang ang school namin sa gagawin mo eh. Dudumihan mo pa yung daanan sa baba dahil sa lasog-lasog na katawan mo kapag tumalon ka jan.”



(______) - Ako



“Kung ako sayo, wag mo nang ituloy yan! Oh kaya, pili ka na lang ng ibang lugar.”



“Tumahimik ka! Bakit ba kahit sa pagpapakamatay ko may susulpot pang asungot!!!”



“Wag kang sumigaw! Nakakabinge!”





“Heh! Magpapakamatay na talaga ako! Ulila na nga ako ang laki-laki pa ng utang na naiwan saakin! Paano ko babayaran yun!!! Sa grupo pa ng Yakuza na plano akong itorture sa loob ng 100 days o gawin akong sex slave habang buhay!!! Ayoko na!!!”



Itutuloy ko na ‘to para matapos na ang paghihirap ko!
Heto na! Isang hakbang na lang!



“Oy teka!!! Are you really serious? Magpapakamatay ka talaga?”



Aning pala ‘tong lalaking ‘to eh!
Kanina pa kami nag-uusap, hindi pa rin pala naniniwala!
Seryoso ako! Magpapakamatay na talaga ako!!!



“Kung ayaw mo na talaga sa buhay mo, bigay mo na lang saakin!”



Ano? Ano daw?



“Ako ba talaga ginagagu mo?”



“I’m serious! Don’t throw your life away! Instead, give it to me.”



Lokohan na talaga ‘to!



“Let me buy you, at hindi ka na kailan man makakaranas pa ng paghihirap.”



WTH!!!



Seryoso yata talaga siya. Alam kong kasing sobrang yaman ng lalaking ito.
So what now Esmie?



Magpapakamatay pa ba? O benta ko na buhay ko sa kanya?

7 comments:

  1. naexcte aq llo s prologue! saklap ng buhay ni esmie kya pla xah mgppkmatay! sge byaan mung bilhin n lng muna ni meiro ang buhay mu. sna macmulan n agd!

    ReplyDelete
  2. wow! another romcom from the idol! this is a must read. i just hope you wont forget to update your other stories. lagi mo akong binibitin e.

    ReplyDelete
  3. ..wow exciting..
    >aj..

    ReplyDelete
  4. Ang cute. Ppkmtay n sna mei asungot p. Pro gift ndin yan ksi wls nmn mssolve nprblem kng mgsuicide dba,,,

    ReplyDelete
  5. Hahahaha. Nakakatawa si Meiro! Inisip pa din ang kapakanan ng school niya eh... kaloka!!! XD ibenta ko rin kaya buhay ko? XD

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^