Saturday, May 25, 2013

Dream Come True : Chapter Ten


Chapter Ten
Come Back To Me


(Phoebe’s POV)

Paglabas ko ng CR sa may NAIA, may biglang nahagip yung mga mata ko.


Tama ba ‘tong nakikita ko? Anong ginagawa niya dito? Bakit nakaluhod siya at nakayuko? Anong nangyari?


Medyo lumapit ako saka ako nagsalita.


“Logan?” Tawag ko sa pangalan niya.


Napansin kong nagstiff yung likod niya. Tumigil din sa panginginig yung buong katawan niya. Maya-maya pa, dahan-dahan siyang lumingon. Napansin ko yung mata niya na basa at medyo namumula.


(Logan’s POV)


Nakayuko lang ako at umiiyak. Kainis! Paano kung pagbalik niya dito may iba na siyang mahal? Paano na?


“Logan?”


Nagstiff yung likod ko.


Tama ba ako ng rinig?


Teka, tama naman diba? Boses niya yun diba? Tama ba? Totoo ba?


Totoo ba talaga o baka panaginip lang ito? Panaginip na si Phoebe daw yung mahal ko. Na si Phoebe daw ay si Ann.


Dahan-dahan akong lumingon.


Nakatitig siya sakin. Parang nagulat din siya kung bakit ako nandito.


Eh siya? Bakit din ba siya nandito? Diba pumunta na siya sa ibang bansa?


Namilog ang mata ko. Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa kanya. Umatras-atras naman siya.


“Logan, ano bang ginagawa mo?” Nagtataka niyang tanong. Parang natatakot siya na hindi niya maintindihan.


Sa kaka-atras abante naming dalawa, umabot kami sa may pader. Lumapat yung likod ni Phoebe sa may pader kaya nilagay ko yung kaliwa kong kamay sa may bewang niya tapos hinawakan ko naman yung kaliwa niyang pisngi gamit ng kanan kong kamay.


Unti-unti kong nilapit yung mukha ko sa mukha niya at hinalikan ko siya sa labi.


Matagal na magkadikit ang mga labi namin bago niya ako itulak.


“Ano bang ginagawa mo, Logan?!” Inis niyang tanong sakin.


Lumapit ulit ako saka ko siya inipit sa pader. Hawak ko yung magkabila niyang balikat habang nakatitig ako sa mga mata niya.


Muling may tumulong luha sa mga mata ko.


“I’m so sorry, Phoebe. I’m so sorry kasi sinaktan kita. First of all, I’m sorry kasi hindi kita pinaniwalaan nung inamin mo sakin na ikaw si Ann. Sunod, sorry kasi hindi kita pinansin for one month. I’m so sorry dahil pinag-mukha kitang tanga dahil hinahabol mo ako parati para lang humingi ng sorry pero hindi kita pinapansin.” Sabi ko.


Umiiyak na rin si Phoebe. Hinawakan niya yung magkabila kong pisngi habang umiiyak siya.


“Hindi naman ako nagalit sayo eh. Tsaka eto tatandaan mo ha? Mahal kita. Mahal kita ng walang alinlangan. Kahit husgahan ako ng ibang tao wala akong pakialam. Basta mahal kita. Okay? Alam mo, kahit hindi mo ko mahalin ayos lang sakin. Hindi naman ako umaasa sa kahit na ano eh. Sapat na sakin yung Makita kitang Masaya sa piling ng iba. Or kahit Makita ko lang yung mga ngiti mo sa labi. Sapat na sapat na yun sakin!” Sagot niya sakin.


Patuloy na umaagos yung luha mula sa mga mata ko. Pinupunasan niya yung magkabila kong pisngi gamit nung thumb niya.


“Wag kang umiyak. It hurts to see you cry. Please.” Pakiusap niya saka niya ipinikit yung mga mata niya.


Tinanggal ko yung mga kamay niya sa magkabila kong pisngi saka ko pinunasan yung mga luha ko. Kinuha ko sa bulsa ko yung panyo ko tapos pinunasan ko yung pisngi niya.


Napatitig ako sa mga labi niya. Ang pula-pula nito. Parang gustong-gusto ko ‘tong sunggaban.


Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero hinapit ko siya sa bewang at hinila ko pa siya papalapit saka ko siya hinalikan sa labi.


Tulad kanina, matagal lang na magkalapat ang mga labi namin. Agad din akong kumalas tapos tinignan ko siya sa mata.


“Sorry.” Paumanhin ko.


Nginitian niya lang ako.


“Nga pala, Phoebe. Mahal din kita.” Medyo mahina kong sabi.


Namilog ang mga mata niya.


“Ma…mahal mo ko?” Di niya makapaniwalang tanong.


Ngumiti ako ng bahagya saka ako tumango.


May nag-form na malaking ngiti sa mukha niya.


Nagulat ako nung bigla siyang tumalon at dambahin ako ng yakap. Pero syempre, sinalo ko tapos niyakap ko siya ng mahigpit.


“Kyaaaaaa~” Kinikilig niyang tili saka pumadyak-padyak.


Lalo kong hingpitan yung yakap ko sa kanya.


Oo na. Inaamin ko na. Mahal ko siya. Mahal na mahal.


Maya-maya, ibinaba ko na siya.


Bakas pa rin sa mukha niya na Masaya siya.


Sana ganito lagi. Yung Masaya.


“I Love You.” Sincere kong sabi sa kanya.


“I Love You, too.” Sagot niya.


Then I kissed her again. But now, it’s passionate, yet gentle. And Sweeter.


“Ms. Fajemolin, Proceed to the Departure Area now.”


Tinitigan ako ni Phoebe sa mga mata ko.


Nginitian niya ko saka niya ako hinila papunta sa mga upuan. Lumapit kami sa may isang babae. Kinuha niya yung maleta mula sa kamay ng babae tapos tumingin siya sakin.


“Sorry. But maybe I need to find myself first. I Love You. Always remember that.” Sabi niya sakin.


Naguguluhan ako. Aalis pa rin siya?


“Pero—“


“I’ll be back soon. I’m sorry.” Sabi niya tapos hinalikan ako sa pisngi at nilagpasan na ako.


Tinignan ko na lang siya habang naglalakad siya paalis.

Maybe I need to set her free.


But I will make sure she will Come Back to Me.


I Love Her. Always and Forever.


I will wait, Phoebe Ann. I will. I Promise.


I Love You.



When You Find You, Come Back To Me.











1 comment:

  1. ayyieh! happy ending na..hohohoh.. na carried away ako sa music..huhuhu.. Sis..dream come true nga.. kami na nga ni Logan ko..ayie!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^