Thursday, June 7, 2012

My G-Minor Prince : The Last Chapter


LAST CHAPTER

         Inip na inip na ang apat sa kahihintay kay MinHyuk sa ice cream shop pero isang oras na ang nakalipas ay hindi parin ito dumadating.


         "Nakakainis naman si MinHyuk! Okay lang ma-late sya ng limang minuto pero isang oras na syang late!"nag-mamaktol ng reklamo ni MyungSoo.


         Parang langtang gulay na nakasandal si JinWoon sa upuan habang pinipigil ang inis. Padabog naman inilapag ni SunWoo ang ice cream cup sa lamesa. "Badtrip naman oh! Nakaka-limang ice cream na ko! Bakit ba kasi ang tagal nya?"gusot na ang mukha nito. Pabiro syang binatukan ni Daniel.


        Pakamot sa ulo na tumayo si JinWoon. "Hay! Bakit ba ksi pinapunta pa nya tayo dito? Dapat mag-kasama kami ni JiYeon sa farm ngayon e!"reklamo nya. Paglingon nya sa mga ay nagulat sya sa malisyosong tingin sa kanya ng mga kaibigan nya. "Oh? Ano nanaman naiisip nyo?"saad nito. Biglang dumating si MinHyuk at gaya ng dati sumisigaw nanaman ito. Lahat napalingon sa kanya. Pag-lapit ni MinHyuk kay JinWoon ay sinakal sya nito ng mga braso. "Baki ba ang tagal mo hu?!"gigil na tanong ni JinWoon.


        "Ano ba! Bitiwan mo nga ako!"pag-susungit nito. Binitiwan sya ni JinWoon nang makawala ay muling nanunbalik ang excitement nya. "Guys!"tumatalon pa ito sa tuwa.


        "Ano?"sabay sabay na tanong ng apat.


        "Guys!"ulit nito.


        "Ano nga!"inis na saad ni MyungSoo.


        "May tumawag daw sa school!"putol putol nitong wiika na talaga namang nakakainis.


        "Umayos ka nga! Diretsohin mo na kami!"na-nguwelyo nanaman si MyungSoo. Pinag-hiwalay naman sila ni JinWoon.


        "Easy, easy."pinag-pagan pa nito ang balikat nya.


        "Sige na nga di-diretsohin ko na."huminga ng malalim si MinHyuk saka isinigaw ang nais nyang sabihin. "May kumuhang producer sa'tin para mag-record sa company nila!"sigaw nya. Agad na rumihistro sa utak ng apat ang magandang balitang iyo kaya nag-tatalunan sila sa tuwa. Nangibabaw sa ice cream shop ang hiyawan nila. Napasayaw pa sa tuwa si SunWoo. Walang mapag-lagyan ang tuwa nilang lima. Sa wakas ay unti-unti nang natutupad ang minimithi nilang pangarap.


          Nag-kita si SooYeon at JiYeon sa coffee shop. Matagal-tagal na rin kasi simula ng huli silang mag-usap na dalawa. Pareho din nilang na-miss ang ganung bonding na puro girl talk lang.


         "Tagal na rin nating hindi nagagawa 'to."saad ni SooYeon.


         "Oo nga. Nakaka-miss din."ngumiti sila sa isa't isa.


         "Bukas na nga pala ang  alis ni HeeChul papuntang America. Hindi na nya tatapusin ang natitirang one month bago ang graduation."paalala ni JiYeon. uminom ng kape si SooYeon bago nag-salita.


         "Masaya ako kung ano man ang naging desisyon nya."dagling napayuko si SooYeon bago tumingin kay JiYeon. "Baka hindi ko na rin matapos ang school year na 'to."pag-amin nya kay JiYeon na ikinagulat nito.


        "Bakit? Aalis ka rin ba?"kunot nuong tanong nito.


        Tumango si SooYeon, "Naka-pasok ako sa audition ko sa isang Entertainment Company. Magiging trainee nila ako sa school nila na naka-base sa Korea. Hindi ko alam kung hanggan kelan ako mag-ti-traning doon. Mukhang matatagalan bago ako ulit makabalik dito."aniya.


        "Talaga? Kaya mo ba 'yan ginagawa dahil dun sa nasabi mong lalaki na namatay para mailigtas ka?"


        "Gusto kong makabawi man lang sa ginawa nya para sakin. Nag-papasalamat ako sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya hindi ko rin ma-re-realized sa sarili ko kung ano talaga ang gusto ko."halata ang siseredad sa tono ng boses nito. 


        "Ibig mo bang sabihin na hindi lang para sa kanya ang ginagawa mo ngayon kundi dahil gusto mo rin ito?"gusto nyang maka-siguro. Masayang tumango si SooYeon.


        "Masaya ako para sayo."hinawakan pa nya ang mga kamay ni SooYeon. "Pag sikat ka na baka makalimutan mo na ko hu!"loko pa nito. Tumawa si SooYeon.


        "Ikaw pa! E idol kita!"palik biro nya.


        "Sip-sip!"at muli silang nag-tawanan.




AFTER ONE MONTH


        Sabay-sabay na nag-hagis ng deploma ang mga estudyante matapos ang seremonya ng kanilang graduation. Masaya sila dahil iyon na ang huling termino nila bilang isang high school at sa pag-pasok nila sa college ay panibagong hamon nanaman sa buhay ang kanilang kakaharapin. Bagong school, bagong kaibigan, bagong pakikisama.


       Masayang masaya si JiYeon ngayon dahil sa wakas ay graduate na sya. Aminado syang kailangan na nyang mas maging matured dahil ibang mundo na ang kakaharapin nya pag-tungtong nya ang college sa kurso nyang Filmmaking. Pero para sa kanya kahit ano pa man iyan ay kakayanin nya basta nasa tabi nya si JinWoon.


      Matapos ng graduation ay dumiretso si JiYeon sa Ice Cream shop na madalas nilang tambayan. Hindi mabilang angg dami ng taong nasa labas. Kitang kita rin sa labas ang malaking banner ng JYS Entertainment sa may gilid nga shop. Makikitang may hawak na CD ang mga taong nasa labas. Ang iba pa nga ay may mga tarpaulin habang tinatawag ang pangalan ng bandang naka-print doon.


     "J2MDS! J2MDS!"


     Sa loob ay maririnig mo rin ang sigaw ng isang lalaki.

      "Cut! Good shot!"

      Pag-pasok ni JiYeon ay napapalibutan ng maraming camera sina JinWoon, MyungSoo, MinHyuk, Daniel at SunWoo. Abala sa pag-shu-shooting para sa kauna-unahang MV nila sa kantang Jaywalking. Masya si JiYeon sa tagumpay na natatamo ni JinWoon at nang mga kaibigan nito. At kung nasaan man sina SooYeon at HeeChul ngayon nasisigurado nyang masaya din ang mga ito.


       Sabi nga nila ang high school ang may pinaka-masaya sa buhay ng isang estudyante. Dahil dito moi mararanasan ang unang pag-ibig, unang heart break. Dito mo unang haharapin ang mga pag-subok na ikaw lang mag-isa, wala ang tulong ng mga magulang. Na ang tangi mo lang takbuhan ay ang mga kaibigan mo. Dito mo rin mararamdaman kung ano ang totoong pakiramdam ng inggit at galit dahil lang sa hindi ikaw ang tipo ng lalaking pinapangarap mo. Ito rin ang stage na kahit hindi mo man napapansin ay nagiging-matured ka at nare-realized mo ang mga bagay na gusto mong gawin. Ang sarap balikan ang mga ganung pag-kakataon.


~FIN~






CHARACTERS



PARK JIYEON
[T-ARA]


JUNG JINWOON
[2AM]


JUNG SOOYEON and KIM HEECHUL
[SNSD and SUJU]


AHN DANIEL
[TEEP TOP]


CHA SUNWOO
[B1A4]


KIM MYUNGSOO
[INFINITE]


KANG MINHYUK
[CN.BLUE]



Salamat po sa mga nag-waste ng time para basahin tong story ko. Although hindi sya ganun kaganda sana nag-enjoy parin kayo. Again salamat po. Sa uulitin po.

GOD BLESS YOU ALL











  
       

4 comments:

  1. reading this was definitely worth my time! good job author! great finale!

    ReplyDelete
  2. grabe! i can't believe tapos na siya! ang ganda ng story! havey sa drama at uber sa kilig!

    ReplyDelete
  3. salamat po sa pag-basa .. sana yung next story ko suportahan nyo rin ..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^