Sunday, October 27, 2013

Oh My Ghost! - Chapter 1



Chapter 1

[ Jam’s POV ]


“Best, bilisan mo. Gabi na. Iniwan na nila tayo.”


“Eto na.” Kinuha ko ang bag ko at walang pagmamadaling lumabas ng classroom.


“Best naman! Ang bagal mo!” Hinawakan ni Kim ang kamay ko at hinila ako para makahabol sa mga classmates naming nauuna nang naglalakad.


“Bakit ba takot na takot ka?” tanong ko sa kaniya.


“Madilim na kaya noh! Alam mo naman ‘tong school natin, maraming ghost stories.”


“Anong bago do’n? Hindi ka na nasanay. Fourth year na tayo, natatakot ka pa rin.” Kinuha ko ang phone ko at tinext si papa na palabas na kami ng school. Ginabi kami ng uwi ngayon dahil nag-practice kami ng play na ipe-perform namin bukas para sa English subject namin. “Saka halos lahat naman ng school may mga kwentong nakakatakot.”


“Pero iba ngayon.”


“Anong iba ngayon?” Tiningnan ko siya. “Ah! Kasi Magno-November na kaya marami ngayong magpaparamdam na mumu.” sabi ko sa nakakatakot na boses.


Impit siyang tumili at tumakbo palapit sa mga classmate namin sa unahan.


Napailing na lang ako. Pasimple akong lumingon sa paligid ko. Umihip ang malamig na hangin. Huminto ako at nakiramdam. May kung anong humaplos sa buhok ko na ikinatayo ng balahibo ko. Malamig sa pakiramdam.


“Jam!”


Nilingon ko ang mga classmates ko at si Kim .


“Tara na, best!”


Humakbang na ko palapit sa kanila habang hinahaplos ang buhok ko. Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin ang malamig na pakiramdam na ’yon kanina.


“Ba’t huminto ka?” tanong ng classmate kong lalaki.


“Baka may nakita na siyang mumu.”


“Anong sabi ng mumu sa’yo, Jam?”


Nagtawanan pa sila. Kotongan ko kaya sila ng sampu? Tatawa-tawa pa sila.


“Best.” Hinawakan ako sa braso ni Kim.


Alam ko ang gusto niyang iparating sakin. Gano’n talaga. Simula nang malaman ng iba na nakakaramdam ako ng multo sa paligid ko, dinadaan ng iba sa biro ‘yon. Na kesyo, nag-iinarte lang daw ako. Na hindi naman totoo. May natatakot pa ngang lumapit sakin sa takot na sundan sila ng mga multong nagpaparamdam sakin. Nasanay na din ako sa mga gano’ng reaksyon ng tao.


“It’s okay.” Hinarap ko ang mga classmates ko. Seryoso ang mukha ko nang magsalita ko. “May binulong yung mumu sakin. Ayaw daw niya ng pinagtatawanan siya.” Lumingon pa ko sa bandang likuran nila. “She’s standing there, o. Mukhang type kayo.”


Lumingon ang tatlong mokong sa likuran nila. Nagkatinginan sila at parang mga baliw na nagtatatakbo at iniwan kami ni Kim at ng tatlo pa naming classmates na babae.


“Kalalaking tao, mga duwag.”


“Ang lakas mang-asar, tapos tatakbo? Mas matapang pa tayo sa kanila, hah.”


“Don’t mind them, sis. Palibhasa, makikitid ang utak.”


Thanks to them. Na tanggap kung ano ang kakayahang mero’n ako.


“But is it true na may nakita ka? Nakita mo ba yung mukha niya? Babae ba talaga siya?” sunod-sunod na tanong ni Kim na todo ang kapit sa braso ko.


“Wala kong nakita. Tara na nga.”


Nakakaramdam ako.


Ramdam ko kapag may multo o kaluluwang nasa paligid ko.


Nakakarinig ako.


May pagkakataong bumubulong sila na parang nasa mismong tabi ko lang sila.


Kung tatanungin ninyo kung nakakita na ba ako ng multo o kaluluwa?


Yes. But only through dark shadows, shadows within the shadows and blurs wihin the air. I’ve never seen their faces. I’ve never seen a full-body apparition.


I was in grade six nang magsimula akong makaramdaman at makarinig ng kakaiba sa paligid ko. Naaksidente ako at na-comatose for one week. Pagkagising ko, do’n na nagsimula ang pagpaparamdam sakin.


Syempre, takot na takot ako no’n. Ang bata ko pa no’n para pagparamdaman ng gano’n. Pero sabi nga nila, walang pinipiling edad ang magkaro’n ng gano’ng klaseng kakayahan.


Habang dumaraan ang mga araw at sa tulong ng mga paranormal experts na nilapitan ng pamilya ko, unti-unti kong nakasanayan ang mabuhay sa araw-araw na mero’ng gano’ng kakayahan. But it takes one year bago ako tuluyang masanay.


“Best, nandyan na ba si Tito?”


Nilingon ko si Kim. “Yap.”


“Buti naman. Hindi na tayo mag-iintay. Hayyy... ang hirap talaga ng highschool. Buti pa yung mga college students, okay lang na gabihin.”


“Pero mas masaya ang highschool life, best. Right, girls?”


“Naman!”


+ + + + + + + +


“Sa’n ba tayo pupunta?” tanong ko kay Kim.


Nasa ospital kami. Iki-nonfine ang pinsan ko the other day dahil sa appendicitis. Naoperahan na din siya. Friday ngayon kaya dumalaw kami ni Kim after class.
Nakatulog ang pinsan ko kaya itong si Kim, hinila ako para bumili ng coffee. Yun pala, gusto lang gumala dito sa hospital. Naiwan naman ang mommy ng pinsan ko sa kwarto.


“Mag-iikot.” sagot ni Kim. Nasa harap na kami ng elevator at iniintay na magbukas ‘yon.


“Alam mo bang sa mga hospital na ganito, hindi nawawala ang mga multo? Alam mo ba yung kwento sa elevator?”


“Nakalimutan ko na.”


Tiningnan ko ang mga number sa taas na indicator kung anong floor na ang elevator. “May nakasabay na pasyente yung nurse pagpasok niya ng elevator. Tapos may sasakay pa sana na isa pang pasyente, pero pinindot niya agad yung close button. Nagtanong ‘yung isang pasyente na kasabay niya kung bakit hindi niya pinapasok yung isa. Ang sabi ng nurse, Kaluluwa na ‘yon kasi may tag na nakalagay sa kamay nung pasyente na nilalagay kapag patay na. Did you know what happened next?” Nilingon ko si Kim. “Itinaas ng kasabay niyang pasyente ang kamay nito sabay sabing ‘like this?’”


Nilingon ako ni Kim sabay ngisi. “Sorry ka, best. Maliwanag pa kaya hindi mo ko matatakot.”


“Hindi naman kita tinatakot, eh.” Pero tama siya. Maliwanag pa kaya hindi pa siya natatakot sa kwento ko. Sa gabi daw kasi lumalabas ang multo. Ayon sa kaniya. But most likely, spirits are more active at night.


“Pero, best...”


“Anong pero?” tanong ko.


Hinawakan niya ang kamay ko. “Parang mas maganda kung sa mag-stairs na lang tayo. Exercise din ‘yon.”


“Sabi mo, eh.” natatawang sumunod ako sa kaniya.


Hindi daw takot, ah.


+ + + + + + + +


“I think, best, we’re not allowed here.” sabi ni Kim. May nakita kasi kaming sign na restricted yung area. Under renovation daw ayon sa sign pero hindi pa nagsisimula.


“Gusto mo ng gala diba? Saka wala namang tao, eh.”


“Let’s go na. It’s getting late na rin. Kanina pa tayo nag-iikot, eh.”


“Natatakot ka kamo kasi dumidilim na sa labas.”


“Fine. I am. So, let’s go na?”


“Two minutes. Wait mo na lang ako dito. May titingnan lang ako.” Humakbang na ko.


“Best!” mahinang saway niya. Pero naman hindi siya nagtangkang sumunod sakin.


“One minute.” Lumiko ako sa isang pasilyo. Hindi na niya ko makikita. Saka lang akong huminto.


Sa totoo lang, may naramdaman ako kanina habang palapit kami dito sa restricted area. Kahit sanay na kong makaramdam, normal na sakin ang tumaas ang mga balahibo ko.


Pinakiramdaman ko ang paligid ko. Pumikit pa ko at nakiramdam. “Anybody here?” lakas-loob na tanong ko.


Nasanay na kong kausapin sila. May mga multo kasing naghahanap lang nang makakausap. So far, wala pa naman akong nae-encounter na multong nananakit o nagwawala. At parang ayokong may ma-encounter na gano’n. Wag muna. Hindi pa ko handa.


Pero ano nga kaya kung tuluyan akong makakita ng kaluluwa? Yung kaluluwang mula ulo hanggang paa, makikita ko at hindi lang anino? Kung gugustuhin ko kayang makakita ngayon, makakakita kaya agad ako?


“Miss, anong ginagawa mo dito? Hindi mo ba alam na restricted area ‘to? Hindi mo ba nakita yung sign?”


Napakislot ako sa matining na boses na ‘yon. Sinilip ko si Kim. May kaharap siyang nurse na babae. Hindi ako lumabas sa pinagtataguan ko.


“A-ano po... Naligaw lang.” sagot ni Kim, sabay pasimpleng tumingin sa gawi ko. Sinenyasan ko siyang mauna na siya. “Sige po.” Umalis na siya. Kasunod niya ang nurse.


Sumandal naman ako sa pader. Isang beses ko pang inilibot ang tingin ko sa paligid ko nang makita kong may nakatayo sa kanan ko. Isang lalaking naka-all white.


Ang cute naman niya. Hayyy...


Ehem! Ehem! Ayos, Jam. Cute lang ‘yan. Wag kang kiligin.


“Kuya, restricted area po ‘to. Bawal daw po ditong gumala.”


Lumingon ang lalaki sa likuran niya na parang hinahanap kung sinong kausap ko. Nang-aasar ba siya? Lumingon uli siya sakin. Sabay tingin sa sarili niya. Teka! Naka-white uniform siya! Oh my! Nurse siya dito?!


“Kuya, nurse ka?”


“Yeah.”


“Patay! Sorry!” Nag-peace sign ako. “Naligaw lang ako dito. Promise! Ba-bye!” Nagmamadaling umalis ako.


“Miss! Wait!”


Narinig ko pang pahabol niya bago ako tuluyang makaalis ng restricted area na ‘yon. Binilisan ko ang takbo ko. Nang makita ko si Kim, hinila ko agad siya.


“Ba’t ang tagal mo?” tanong niya.


“May nakakita saking nurse. Baka isumbong tayo. Hinahabol niya ko.”


“Ano?!”


Saktong nagbukas ang elevator. Pumasok agad kami ni Kim. Sabay kaming napasandal at nagkatinginan nang magsara ang elevator.


“Muntikan na tayo do’n.” sabay naming sabi.


Napabungisngis tuloy kaming dalawa. Sabay din naming tinakpan ang mga bibig namin nang lingunin kami ng mga kasabay namin sa elevator.


+ + +

1 comment:

  1. Wow, naman, New story ate Aiesha! :3 Basahin ko mamaya 'to :)

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^