Chapter
9
[ Jam’s POV ]
Hind ako makapaniwala sa nakikita ko.
Para akong nakakita ng multo.
Si Jensen. Nasa harap ko siya! Nakikita
ko siya!
O ako lang ba ang nakakakita sa kaniya?
Pero hindi, eh. Kinausap siya ng lalaking
kasama niya.
Totoo ba talaga ‘to o nananaginip lang ba
ako?
But when I saw him smiled, half of me
believed na hindi panaginip ‘to.
Dahan-dahan siyang humakbang palapit
sakin na parang ako lang ang nakikita niya. Na parang naglalakbay ang utak niya
sa kung saan dahil tagus-tagusan ang tingin niya sakin. Nasa harap ko na siya.
Dahan-dahan niyang inangat ang kamay niya.
“Hoy! Anong gagawin mo kay Jam?” sita ng pinsan ko
sa kaniya.
Napakurap siya.
“Hoy! Manyak! Lumayo ka nga kay Jam!” Pinalo ni Kim ang
kamay niya.
“Aray!” Napatingin siya kay Kim. Nagtatakang ibinalik niya
ang tingin sakin na parang hindi niya alam ang nangyayari.
“Anong manyak ang sinasabi mo, miss?” singit ng kasama
niya na lumapit samin.
“Manyak naman talaga siya! Hahawakan niya ang bestfriend ko!”
“Hinawakan ba niya, hah? At ikaw, insan? Ano ba kasing ginagawa
mo? Ang weird mo, hah?”
Hindi sumagot si Jensen. Nakatingin lang
siya sakin. Gano’n din ako sa kaniya.
“Ikaw.” sabay naming
sabi.
“Totoo ka nga.” sabay ulit naming
sabi.
He smiled. I smiled.
“Akala ko panaginip ko lang yung nagkita tayo sa restricted area.
Pero hindi pala. Totoong nangyari ‘yon. Totoong nakita uli kita.” He said.
“Akala ko din panaginip lang yung nakilala kita dati sa park.
Totoo pala ‘yon.”
“At totoo din yung chant na tinuro ko sa’yo. Kasi nakabalik din
ako sa katawan ko. Katulad nang nangyari sa’yo. Akala ko noon, multo ka na talaga.”
“At akala ko naman, tao ka talaga nang magkita ulit tayo. Yun
pala—”
“Aaaahhhh!!!”
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko
dahil sa tili ni Kim. Napalingon tuloy kaming dalawa ni Jensen sa kaniya. Hawak
niya ang t-shirt ng kasama ni Jensen.
“Yung necklace ko, best! Yung necklace ko!”
“Wait! Sa’yo ‘to?” nagtatakang
tanong ng lalaki habang nakahawak sa bagay na nasa leeg niya.
“It’s mine! Bakit nasa’yo ‘to, hah? Wait!” Nanlaki ang mga
mata ni Kim. “Ikaw
yung multong nanakot sakin?!”
“Ikaw yung babaeng flat chested?!”
“Anong flat chested?!”
Sabay pa kaming napalingon ni Jensen sa
isa’t isa.
“Ikaw yung babae no’n sa kusina?” hindi
makapaniwalang tanong niya.
Kumunot ang noo ko. “Ikaw yung nabunggo ko?”
Yung itsura niya na parang matatawa na
napapailing, gano’n ang reaksyon niya. Ako din. Ang daming pangyayaring hindi
namin maipaliwanag. So much words to ask. So much words to say. But we just
simply smiled. Habang parang aso’t pusa ang dalawang taong nasa gilid namin.
“Best, kilala mo ba ang mga dalawang mokong na ‘to, hah? Lalo na
‘tong magnang multo na ‘to?”
“Insan, kilala mo ba ang babaeng flat chested na ‘to at ang
kasama niya, hah?”
Sabay kaming umiling ni Jensen. Hindi
naman niya talaga kilala si Kim. At hindi ko naman talaga kilala ang kasama
niya.
But Jensen and I knew each other. Pero
siguro ngayon, nagkakaintindihan kaming saka na namin ipapaliwanag sa dalawa
ang nangyayari dahil siguradong mas maguguluhan sila, ngayon pa ngang ang
gulo-gulo na nilang dalawa.
“Hindi kami magkakilala.” sabay naming
sagot ni Jensen.
Ini-extend ni Jensen ang kamay niya
sakin. “I’m
Jensen Hidalgo.”
“I’m Jam Cadavez.”
And when I accepted his hand, sabay pa
kaming napangiti.
“Finally, nahawakan na din kita.” He said.
At ang hindi ko inaasahang gagawin niya,
niyakap niya ko! Oh my golly!
“Ang sabi mo, may dahilan kung bakit tayo nagkaro’n ng kakayahan
na ganito.” bulong niya. “You know why?”
“Ah... eh... Ano...”
He chuckled. “Because we both need each other to get
back.”
Hindi ko mapigilang mapangiti.
May tama siya.
My soul found her way to him, then. Of
all the people na pwedeng makakita sakin, siya pa.
His soul found his way to me, then. Of
all the souls na pwede kong makita, siya pa.
And now, our souls and body finally found
each other.
“Best! Bakit kayo magkayakap?!”
“Insan! Bakit mo siya niyakap?!”
+ + +
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^