Sunday, October 27, 2013

Oh My Ghost! - Chapter 2



Chapter 2

[ Jam’s POV ]


Kinabukasan.


“Cuz, magpapaload lang ako.” paalam ko sa pinsan kong si Julie.


Ako ang bantay niya ngayon dahil umuwi muna ang mommy niya. Wala naman siyang kapatid na pwedeng pumalit sa mommy niya. Nasa heaven naman ang daddy niya. At dahil sabado ngayon, wala kong pasok kaya okay lang na bantayan ko siya. Saka sa lahat ng mga pinsan namin, ako ang pinaka-close niya kaya ako ang gusto niyang magbantay sa kaniya. Para hindi daw siya mabored.


Hindi siya sumagot kaya tinanggal ko ang headset na nasa tenga niya.


“Uy! Bakit?”


“Magpapaload kako ko.”


“Ah...” Ibinalik niya ang headset sa tenga niya. “Bilisan mo, ah. Wala kong kausap dito.”


Wala daw kausap? Eh, mas trip pa nga niyang makinig sa ipod niya kesa ang kausapin ako. Buti nga at may wattpad app ako sa phone kaya nakakapagbasa at nalilibang ako.


Lumabas na ko ng kwarto.


+ + + + + + + +


I was humming a song nang mapahinto ako sa paglalakad. Lumamig kasi ang pakiramdam ko. Napalingon ako sa kanan ko. Kaya pala. Ang restricted area. Ayoko sanang humakbang sa gawing ‘yon pero hindi ko naman napigilan ang mga paa kong pumunta do’n. Ang lakas ng pwersang humahatak sakin, eh.


“Psst...”


Napahinto ako.


“Psst...”


Ano ‘yon? Lumingon ako sa likuran ko. Nakita kong nakatayo ang isang lalaki sampung hakbang mula sakin. Yung lalaki kahapon! Yung nurse na nakahuli sakin! Ako ba ang tinatawag niya? Lumingon ako sa paligid ko. May tatlong tao akong nakita pero pasakay na sila ng elevator.


“I’m talking to you, miss.”


Dahan-dahan akong lumingon sa lalaki. Tinuro ko pa ang sarili ko. “Ako?”


“Ay hindi. Yung halamang nasa likuran mo.”


Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis, eh. “Bakit, kuyang nurse?” tanong ko na lang.


“Kuya? Mukha na ba kong kuya?” hindi makapaniwalang tanong niya.


“Ahm. Hindi.” Mukha nga siyang college student, eh. College student na cute. Wahehe! Pero dahil nurse siya dito, kailangan ko siyang galangin.


“Hindi naman pala, eh.” Humalukipkip pa siya.


“Yun lang po ba ang sasabihin mo?”


“Wag mo nga akong popoin.”


Ano ba namang nurse ‘to? Napaka-demanding. Ayaw niya no’n? Ginagalang ko siya. Edi wag. Masunurin ako, eh.


“Sige, manong nurse. Aalis na ho ako.” Nagmamadaling iniwan ko na siya. Feeling ko kasi, nakita niya kong pupunta na naman sa restricted area. Baka isumbong niya pa ko.


“Aba’t! Hoy!”


Ano ba naman ‘tong nurse na ‘to? Napaka-ingay! Buti hindi nabibingi ang mga pasyente niya sa kaniya?


Pero on the second thought, siguradong madaling gagaling ang mga pasyente niya makita lang ang mukha niya. Paano pa kaya kung ngumiti siya? Hayyy...


Hoy, Jam! Umayos ka nga!


+ + + + + + + +


Nakapagpa-load na ako at hinihintay na magbukas ang elevator.


“Psst...”


Wala akong naririnig. Wala. Wala. Wala.


“Miss!”


Lumingon ako sa pinagmulan ng boses na ‘yon nang hindi ako makatiis. Nakita ko na naman siya. Ang demanding na pilosopo na makulit pero cute na nurse. Nakasilip siya sa pader. Nando’n siya sa restricted area.


Iniwasan ko na ngang tumingin do’n kanina nang dumaan ako. Para kasing hinihila ang mga paa kong humakbang do’n. Kakaiba talaga ang pakiramdam ko sa gawing ‘yon, eh.


“Hey, miss!”


Ano ba namang nurse na ‘to? Wala ba siyang duty ngayon?


“Come here!”


Ang ingay! Kung hindi lang siya cute, malamang sinungitan ko na siya.


“Bakit ho?” tanong ko sa kaniya. Nakita ko kung paano bumusangot ang mukha niya. Wahehe!


“Just come here.”


“Miss, sasakay ka ba?” Napalingon ako sa harapan ko dahil sa tanong na ‘yon. Nakabukas na ang elevator. At ang weird ng tingin nila sakin. Lihim akong napangiwi. Kanina pa ata nakabukas ang elevator at ako na lang ang hinihintay nila.


“Miss!”


Napalingon na naman ako kay cute na nurse. Pinapalapit niya ko. “Wait lang.” Pagbalik ko ng tingin sa harap ko. Pasara na ang pintuan ng elevator. Mukhang nainip na kakahintay sakin ang mga tao sa loob.


“Miss!”


I rolled my eyes. Nilingon ko ang lalaki. Kung hindi lang talaga siya cute, nabato ko na siya ng cellphone ko. At kung hindi lang siya nurse na cute dito, malamang nagawa ko na ‘yon.


“Miss!”


Humakbang na ako palapit sa kaniya bago pa mapatid ang litid niya kakatawag sakin.


“Ano ho ‘yon, manong nurse?”


Bumusangot ang mukha niya. “Come with me.” Humakbang siya papasok ng restricted area.


Sunod-sunod akong umiling. “Ayoko nga! Ba’t ako sasama sa’yo? Tapos dyan pa?”


Nilingon niya ko. Nawala na ang busangot ng mukha niya. Napalitan ‘yon nang pag-aalala. “Please.”


Napakamot ako ng ulo. “Oo na. Pero sa bungad lang, ah.”


He smiled. Oh my! He smiled at me! At putek! Hindi na siya cute. Naglelevel-up na. He’s gwapo na. Sana pala lagi na lang siyang ganyan.


Humakbang na siya. Sumunod naman ako sa kaniya. Hindi kami lumayo dahil huminto din siya sa gawi kung saan ako nakatayo kahapon.


“Manong nurse, anong sasabihin mo?” Magtatapat ka na ba sakin? Wahehe!


Hinarap niya ko. “Hindi ako nurse dito.”


“What?!” Umatras ako ng hakbang.


“Wait! Wag kang matakot, okay? Student nurse ako dito. Sa pediatric ward ako naka-assign.”


Nakahinga naman ako ng maluwag. Pero mas natuwa ako sa nalaman ko. Tama nga ko. Mukha siyang college student. Kaya pwede ko na siyang sungitan. Wahehe! “Pero bakit sabi mo kahapon, nurse ka?”


Tumaas ang sulok ng labi niya. Which makes him more Cuwapo as in cute na gwapo na pinagsama ko na para two in one na lang.


“Nurse naman talaga ako. Student nurse nga lang.”


“Hindi mo naman sinabi kahapon.”


“Paano ko sasabihin? Bigla ka na lang tumakbo.”


“Paanong hindi ako tatakbo? Akala ko nurse ka talaga dito. Restricted area kaya ‘to. Baka pagalitan mo ko.”


“Restrited area pala ‘to, bakit ka nandito kahapon?”


“Ano kasi...” Iginala ko ang tingin ko sa paligid namin. Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin. Ang malamig na pakiramdam. Ang pagtaas ng balahibo ko. May kilabot factor pero hindi naman ako natatakot. All in level up form.


“Nararamdaman mo rin ba?”


Napalingon ako sa lalaki. Kumunot ang noo ko. Tama ba ang narinig ko na sinabi niya? “Rin? Nararamdaman mo rin?”


“Oo. Kaya nga nandito din ako nung nandito ka. Napadaan ako dito nang makaramdam ako kaya pumunta ako dito.”


Nanlaki ang mga mata ko. Sa tuwa. “Parehas tayo! Ang galing!”


Kumunot ang noo niya. “Anong magaling do’n?”


“Kasi parehas tayong may kakayahang ganito. Na makaramdam ng mga kaluluwang nasa paligid natin.”


“Dapat ba nating ikatuwa ‘yon?”


Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Kung titingnan ko siya ngayon, parang hindi niya tanggap ang kakayahan niya. “Hindi ko naman sinabing dapat tayong matuwa. At hindi ko din sinabing natutuwa ako kasi may kakayahan akong ganito. Natutuwa lang akong malaman na may makakausap akong tao na makaka-relate sakin kasi parehas kaming may kakayahang ganito.”


“Does it mean na hindi ka natutuwa sa kakayahan mo?”


“Hindi sa gano’n. Hindi—”


“It’s a curse you know.” putol niya sa iba pang sasabihin ko. “Ang makaramdam ng bagay na hindi nararamdaman ng normal na tao. Ang maging weird sa paningin ng ibang tao dahil sa kakayahan ko. Ang mabuhay nang hindi normal  sa bawat araw na dumadaan dahil sa kakayahang ‘to. Lahat ng ‘to. Sumpa ‘to, eh.”


Sumpa. What a big word?!


Sa sinabi niya, corny mang sabihin pero para kong sinasaksak. Hindi ko tinuring na sumpa ang kakayahan kong ‘to. Oo. Nung una, hindi ko matanggap. Pero never kong sinabi sa sarili ko na sumpa ‘to.


“Sumpa? Grabe ka namang magsalita, manong nurse.” may diing sabi ko. Nakakainis, eh! “Oo. Hindi natin ginusto ‘to. Weird tayo sa paningin ng ibang tao, pero hindi naman lahat sila gano’n ang tingin satin. May mga tao rin namang open minded. And it doesn’t mean na kakaiba tayo, hindi na tayo pwedeng mabuhay ng normal gaya ng iba. Kaya naman nating gawin ‘yon, eh.”

“Hindi mo man lang ba naisip na may dahilan kung bakit tayo ganito? Kung bakit sa lahat ng tao sa earth, tayo pa ang nagkaro’n ng kakayahang ganito? Hindi mo man lang ba naisip na pwede tayong makatulong sa ibang tao kung gugustuhin natin dahil sa kakayahan natin?”
 
“Hindi mo man lang ba naisip ‘yon, hah? O talagang never mong inisip ‘yon kaya ganyan ka mag-isip? Sumpa? Grabe! Over grabe ka talaga! Para mo na ring sinabing anghel ako na pinatapon sa lupa. Oo. Ako lang. At hindi ka kasama. At kung mero’n lang fourth eye, pati ‘yon buksan mo na rin. Para naman makita mo ang dapat mong makita at ma-appreciate ang bagay na mero’n ka na wala ang iba. Dyan ka na nga!”


Hindi ko na talaga siya hinintay na umapela pa sa mga sinabi ko dahil mabilis ko na siyang iniwan. Tamang-tama at kakabukas lang ng elevator. Sumakay agad ako do’n.


“Nakakainis!”


Tumahimik naman agad ako nang mapalingon sakin ang mga kasabay ko.


“Bakit ang tagal mo?” reklamo ni Julie pagpasok ko ng kwarto.


Hindi ako sumagot. Mabigat ang pakiramdam ko.


“Why the sad face, cuz?”


Hindi pa rin ako sumagot. Hindi na rin siya umimik. Kilala na niya ako pag wala ako sa mood. Kumuha na lang ako ng orange at kumain.


“Hello, best! Hello, Julie!”


Napalingon ako sa bagong dating. Si Kim.


“Hayyy... nakakapagod maglakad.”


“Hindi ka ba nag-elevator?” tanong ni Julie sa kaniya.


“Nag-elevator. Kaya lang, nag-stairs na lang ako kasi sa second floor pa lang, lumabas na yung mga kasabay ko.”


“Natakot ka na namang mag-isa sa elevator.”


“Talaga namang nakakatakot dito sa hospital, eh. May ghost na nga, marami pang gumagalang baliw. Alam ninyo ba, narinig ko yung dalawang kasabay ko kanina sa elevator, may nakasabay daw silang babae kanina na kinakausap ang sarili niya.”


“Talaga?”


“Marami talagang baliw dito.” singit ko. “Hindi lang baliw, imba pang kausap.” Tumayo ako at humakbang papunta ng restroom.


“Anong nangyari do’n sa pinsan mo?” narinig ko pang tanong ni Kim.


“I don’t know. Nagpaload lang siya tapos pagdating niya, badtrip na siya.”


+ + +

2 comments:

  1. OMigosh..Wahahaha! I feel Jam really.. LOL>. >P And I smell something fishy..hahahhaa

    ReplyDelete
  2. Piling ko si MANONG NURSE ay isang... :)

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^