Chapter
6
[ Jam’s POV ]
“Bata.”
Nilingon ko ang lalaking nasa kabilang
side ng swing. Pero hindi ko naman makita ang mukha niya dahil bukod sa nakasuot
siya ng shades, may panyo pang nakatakip na sakop ang ilong at bibig niya.
Kumakain siya ng lollipop na nilulusot niya sa ilalim ng panyo.
Hindi ba siya nahihirapan sa ginagawa
niya? Hindi ko na nga matandaan ang mukha niya dahil nung una ko siyang makita,
nakatapata at nakatalikod siya sa araw. Nasilaw ako no’n. Umiiyak pa ko.
“Gusto
mo?”
alok niya sa lollipop na hawak niya.
Inangat ko ang kamay ko para kunin ang
lollipop kahit alam ko naman ang mangyayari kapag ginawa ko ‘yon.
“Ang
lamig!” reklamo niya.
Tumagos lang kasi ang kamay ko sa kamay
niya. Umayos na lang ako ng upo.
“Alam
mo naman kasing hindi mo ‘to mahahawakan, hinawakan mo pa.”
“Alam ko.” Tumingala ako sa langit. “Ilang araw na ba simula nang magkita
tayo?”
“Hmm...
One week na rin. Bakit?”
“Wala naman.” One week na pala. Pero bakit parang
hindi tumatakbo ang oras sa paligid ko? Ganito ba talaga kapag isa ka nang—
“Talaga
bang hindi mo napapansin na lumilipas ang araw?”
Umiling lang ako at tumingin sa kawalan.
“Bata.”
Nilingon ko siya. “Hindi na ako bata, kuya. Wag mo akong
tawaging bata. Alam kong grade six lang ako. Pero first year highschool na ko
next school year.” Sa isiping ‘yon ay nangilid ang gilid ng mga mata
ko.
“O,
wag kang iiyak! Once na umiyak ka, bata ka talaga.”
Pinunasan ko agad ang namumuong luha sa
gilid ng mga mata ko.
“Bakit
ang lungkot mo ngayon, bata?”
“I’m Jam, okay.”
“What?”
“Jam ang pangalan ko kaya wag mo kong tawaging bata.”
“Okay.
Okay. Wag ka nang magalit.”
“Hindi naman ako galit, kuya, eh.”
Matagal bago ko siya narinig na sumgot.
“It’s
Sen, okay. Sen ang pangalan ko. Wag mo kong tawaging kuya dahil feeling ko ang
tanda ko na. First year highschool pa lang kaya ako.”
Tiningnan ko siya. “Sen.”
Hindi siya sumagot. Ni hindi niya ko
nilingon.
“Manong.” naiinis na sabi ko.
“Shhh...”
Kumunot ang noo ko. Tiningnan ko ang
tinitingnan niya. May dalawang teenager na dumaan na nakatingin sa gawi namin.
O mas tamang sabihin, nakatingin sila kay Sen. At kakaiba ang tingin nila.
Saka lang nagsalita si Sen nang makalayo
ang dalawang teenager. “Kainis! Nakita
ata nila kong nagsasalita ng mag-isa dito.”
“Hindi ka naman nila nakilala dahil sa suot mo, eh.”
“Kahit
na. Ang weird pa rin ng tingin nila sakin.” naiinis na sabi niya. “Bakit ba kasi sa lahat ng tao, sakin pa
napunta ‘to? Hindi ko naman ginusto, eh. Ayaw ko nito.”
Ang makaramdam ng mga kaluluwa sa paligid
niya ang tinutukoy niya.
“Sobra
na sakin yung makaramdam ako. Yung makakita ng mga anino. Bakit nakakita pa ko
ng buong-buo?!”
Tinamaan ako sa sinabi niya. Kinagat ko
ang labi ko. Tumayo ako. “Sorry.”
Mukhang na-realize niya ang huling sinabi
niya. “That’s not what I mean, Jam.” Bumaba
na ang tono ng boses niya.
“Hindi ko naman sinasadya, eh.” Tuluyan na kong
napaiyak. “Hindi
ko naman gustong magpakita sa’yo. Hindi ko nga alam kung bakit ako nandito.
Hindi ko naman gustong guluhin ka, eh. Sorry...”
“Jam.” Sinubukan niya
kong hawakan pero tumagos lang ‘yon sa katawan ko.
Umatras ako ng hakbang palayo sa kaniya. “Sorry
talaga...” Patuloy ako sa pag-atras habang umiiyak.
“Don’t
move.”
Ayokong sumunod pero bakit sumunod ang
mga paa ko. Kusa silang huminto. Humakbang palapit sakin si Sen. Itinaas niya
ang kamay niya papunta sa pisngi ko. Wala kong maramdaman. Ni hindi ko
maramdaman ang init ng kamay niya. Hindi ko maramdaman dahil isa na kong
kaluluwa.
Patay na ko.
Hindi na ako bata. Yun ang lagi kong sabi
ko. Pero parang bata na umiyak ako. Umiyak ako ng umiyak.
Bakit ako pa? Bakit namatay agad ako? Ang
bata-bata ko pa, eh.
“Jam!
Stop crying!”
Saka ko lang napansin ang paligid namin.
Malakas ang hangin. Nagliliparan ang mga dahon sa hangin na parang may
ipo-ipong maliit na nagpapalipad no’n.
“Stop
crying!”
Huminga ako ng malalim. Pinakalma ko ang
sarili ko. Dahan-dahan kong itinigil ang pag-iyak ko hanggang sa pasigok-sigok
na lang ko. Dahan-dahan ding humina ang malakas na hangin sa paligid ko.
“Bakit
ka ba umiiyak?”
“Dahil patay na ko, Sen... Hindi na ko makakabalik kina mama at
papa... Hindi ko na sila mayayakap... Hindi ko na sila makakasama... Hindi
na...”
“Shhh...
Wag ka ng umiyak, okay. Tumahan ka na.”
“Anong gagawin ko..? Ayoko pang mamatay... Bata pa lang ako,
eh... Gusto ko pang mabuhay, Sen...” Tahimik akong umiyak habang nakayuko.
“Are
you sure na talagang patay ka na?”
Napaangat ang tingin ko sa kaniya. “Hah?”
“Sigurado
ka bang patay ka na? Paano kung nahiwalay lang ang kaluluwa mo sa katawan mo?
Ang sabi mo, ang huling natatandaan mo lang ay nung naaksidente ka.”
Pinunasan ko ang pisngi ko. Tama siya.
Nang idilat ko ang mga mata ko, naglalakad na ako. Tapos nakarating na ko sa
lugar na ‘to.
“Paano
kung na-comatose ka lang?”
“Comatose?” tanong ko.
“Comatose.
Nangyayari yun minsan sa mga taong naaaksidente o kaya pagkatapos ng
kumplikadong operasyon. Mahirap i-explain pero ganito na lang. Para lang siyang
si sleeping beauty. Natutulog lang. And in your case, pwedeng humiwalay ang
kaluluwa mo sa katawan mo and somewhere out there, natutulog lang ang katawan
mo.”
Nagkaro’n ako ng pag-asa. “Kung
na-comatose nga ang katawan ko, paano ako makakabalik?”
“Hindi
ko din alam, Jam.”
Napasigok na naman ako.
“Stop
crying, okay? Ang sabi mo hindi ka na bata. Kaya wag kang umiyak lang nang
umiyak dyan. Mga bata lang ang gano’n.”
“Ba’t ka ba nagagalit?”
“Hindi
ako nagagalit. Mag-iisip tayo ng paraan, okay.”
“Paano?”
“Mag-iisip
ako.” Tumingala siya sa langit. “It’s
getting late. Kailangan ko nang umuwi. Bukas na tayo mag-usap.”
“Pwede ba kong sumama?”
“Hah?”
“Pwede ba kong sumama sa’yo? Nakakatakot kasing mag-isa dito sa
park, eh.”
Tumaas ang sulok ng labi niya. “Ngayon ko lang nalaman na may multong
natatakot.” Humakbang na siya paalis. Nilingon niya ko. “Ano pang hinihintay mo dyan? Let’s go.”
Napangiti ako. Bago ako sumunod sa
kaniya, tumingala muna ako sa langit. I closed my eyes. “Papa God, sana po totoong buhay pa ko.”
“Jam! Gising na!”
Bigla akong napabalikwas ng bangon dahil
sa makabasag-eardrum na boses na ‘yon. Namulatan kong nakatayo at nakapameywang
sa ibabaw ng kama ko si Kim.
“Kim naman, eh...” reklamo ko bago nagtalukbong ng kumot.
Nananaginip pa ko, eh. Ipinikit ko uli
ang mga mata ko para balikan ang panaginip ko pero hindi ko na magawa dahil
parang batang nagtatatalon si Kim sa kama ko.
“Bumangon ka na, Jam! Aalis pa tayo, remember?”
Oo nga pala. Undas ngayon. Dadalawin
namin si Jen—
“Jam!”
“Oo na!”
+ + + + + + + +
“Ang creepy talaga ng bahay na ‘yan.”
Tiningnan ko ang tinutukoy ni Kim. Yung
lumang bahay na madadaanan namin papunta ng sementeryo.
“Bakit ba kasi hindi pa nila gibain ‘yan?”
Napailing ako. “Nananahimik yung bahay, best.”
“Kahit na. Tuwing makikita ko ‘yan, hindi ko mapigilang
mabwisit.”
“Once in a year mo lang naman makikita ‘yan, best. No choice ka
dahil ito lang ang daan papunta ng sementeryo.”
“Pag naging presidente ako, magpapatayo ako ng ibang daan.”
“Matagal pa ‘yon.”
“Basta.”
“Bakit ba inis na inis ka? Aaah! Natatakot ka noh? Umaga ngayon,
ah. Wala pang mumu.”
“Hindi dahil sa natatakot ako. Nabi-bwisit lang ako kapag
nakikita ko ‘yang bahay na ‘yan. Don’t tell me, nakalimutan mo na ‘yon? First
year highschool lang tayo nang mangyari ‘yon.”
Tiningnan ko uli ang bahay. Hindi ko pa
nakakalimutan ‘yon. Paano ko makakalimutan ‘yon kung ‘yon ang dahilan kung
bakit takot na takot sa multo ang bestfriend ko.
- F L A S H B A C K -
Three years ago...
“Best, uwi na tayo.” aya ko kay Kim. Undas ngayon at nandito
kami sa sementeryo.
“Mamaya na.”
“Gagabihin na tayo. Wala ng araw, o.”
“Ano naman kung walang araw?”
Kung alam lang niya.
Wala pang isang taon simula ng
maaksidente ako at ma-comatose. At wala pang isang taon nang mag-umpisang
makaramdam ako ng mga kaluluwa sa paligid ko. Hanggang ngayon, hindi pa din ako
masyadong sanay. Nakakaramdam pa rin ako ng takot. Ang parents ko lang ang
nakakaalam ng kakayahan kong ‘yon. Pati ang mag-asawang paranormal experts na
tumutulong sakin.
Sasabihin ko kay Kim ‘yon. Pero hindi pa
ngayon. Siguro kapag tuluyan na akong nasanay.
“Mauuna na kong umuwi sa’yo.” sabi ko na lang kay Kim. Ayokong
abutin ng gabi sa daan. Undas pa naman ngayon. Maraming kaluluwang pagala-gala.
“Best!”
Napahinto ako sa paglalakad at nilingon
siya. “Ano?”
Nakahawak si Kim sa leeg niya. “Yung kwintas
ko! Nawawala!”
+ + +
“Buti na lang nakita natin ‘tong necklace ko.” ngiting-ngiting
sabi ni Kim habang naglalakad kami pauwi.
Nakita nga namin, ginabi namin kami sa
daan. Although may mga kasabay naman kaming mga tao, ayoko pa rin talagang
gabihin.
Hayyy... Kung hindi lang mahalaga sa
bestfriend ko ang necklace niya, malamang hinayaan na lang namin ‘yon. Regalo
kasi ‘yon ng daddy niyang nasa heaven na.
“Thank you talaga, best, ah!” Kumapit pa si Kim sa braso ko.
“Welcome. Bilisan na nating maglakad.” Itinuon ko ang
tingin ko sa daan at hindi nag-abalang ilibot ang tingin ko sa paligid namin.
Iba na kasi ang pakiramdam ko, eh. Parang may nakatingin sakin.
“Wait lang, best.” At dahil nakakapit si Kim sa braso ko,
pati ako napahinto sa paglalakad.
“Ano na naman?”
“Yung lumang bahay.”
Nilingon ko ang tinutukoy niya. Yung nasa
kanan namin. “Anong
problema dyan?” tanong ko at iniwas ang tingin do’n.
“May naisip ako.”
“Ayoko ng iniisip mo.”
“Pasukin natin!” sabi niya na parang hindi narinig ang
sagot ko.
“Hindi ka ba natatakot, best?”
“Sa multo? Hindi naman totoo, yon, eh.”
“Kasi hindi ka pa nakakakita.” dugtong ko. Yun ang pananaw niya
when it comes with ghost. To see is to believe daw. Pero sadyang may mga bagay
sa mundo na hindi mo na kailangang makita para paniwalaan mo.
Kung alam lang niya na nakakaramdam ako.
At kung alam lang niya na mahirap ang makaramdam lalo na kung makakakita ka pa
ng kaluluwa. Na wag naman sanang mangyari sakin ang makakakita.
“Yap.” sagot ni Kim.
“Pa’no kung makakita ka?”
“Ewan.” Hinila niya ko. “Tara, pasukin natin.”
“Pero...” Naalala ko yung sinabi ni Tita Jody sakin. Wag ko
daw iwasan. Harapin ko daw. Para masanay ako at hindi na makaramdam ng takot. “Okay.”
+ + +
Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa
loob ng bahay, mabigat na agad ang pakiramdam ko. Mas bumigat habang naglalakad
kami papasok kanina.
“Wala kong makita.” reklamo ni Kim.
“Hinto muna tayo para masanay yung mata namin.” sabi ko. May
ilaw naman sa posteng malapit sa lumang bahay na tumatagos ang liwanag sa
nakabukas na mga bintana ng bahay. At hindi maganda ang pakiramdam ko sa lugar
na ‘to.
“Okay na.” Naglakad-lakad si Kim. “Sino bang nakatira dito dati?”
“Ewan ko.” Inilibot ko ang tingin ko. “Hindi pa ata tayo buhay, nandito na ’tong
bahay na ‘to.” Lumapit ako sa isang portrait. Hindi ko masyadong
maaninag ‘yon dahil bukod sa madilim, kupas
at marami ng alikabok ang portrait. Pero parang larawan siya ng isang
babae. Parang may humihila sakin na hawakan ko ‘yon. Pinigilan ko lang ang
kamay ko.
“Best, tingnan mo ‘to.”
Walang sumagot sakin.
Nilingon ko si Kim. Wala na siya sa
likuran ko. “Nasa’n
pumunta ‘yon?”
Hamakbang na ko para hanapin siya nang
makarinig ako ng kaluskos mula sa kanan ko.
“Best, ikaw ba ‘yan?”
Humakbang ako papunta sa pinagmulan ng
kaluskos na narinig ko.
“Bhest?”
Nakarating ako ng kusina. Madilim sa
bahaging ‘yon dahil hindi masyadong naaabot ng liwanag ng poste ng ilaw sa
labas. Ginamit ko ang liwanag ng phone ko.
“Bhest?”
Umihip ang malamig na hangin.
Nagsipagtaasan ang mga balahibo ko.
Iba ang pakiramdam ko.
Ang pakiramdam na ‘to.
Mero’ng kaluluwa dito.
Parang may humaplos pa nga sa buhok ko.
“Bhest?”
Humakbang ako paatras habang inililibot
ang tingin sa loob ng kusina.
May narinig akong yabag.
Yabag na papalapit sakin.
Kasabay nang pagkahulog ng kung ano sa
sahig ay ang pagbangga ng likuran ko sa kung ano.
Napalunok ako.
Lakas-loob akong humarap sa likuran ko.
Pero kasabay nang pagharap ko ay ang pagkidlat at pagkulog. Hindi lang ‘yon,
narinig ko pa ang malakas na tili ni Kim. Hindi ko na napagtuunan ng pansin ang
nabangga ko. Kung tao man siya o ano. Si Kim agad ang inisip ko.
Mabilis akong bumalik sa sala ng bahay.
Nakasabay ko pa si Kim na humahangos na sumulpot mula sa kung saan. Tili lang
siya ng tili nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin palabas ng bahay. Muntik
na nga kong makaladkad, eh.
“Hey!”
Lumingon ako sa bahay nang marinig ko ang
boses na ‘yon. May nakita akong itim na pigura sa may pintuan. Yun lang ang
nakita ko dahil natatakpan ng anino ng puno na nasa gilid ng bahay ang bahaging
‘yon ng pintuan. Umabot pa sa pandinig ko ang halakhak na nagmumula sa bahay.
“Best, may multo!”
Napatingin ako kay Kim dahil sa sinabi
niya. Nanginginig ang kamay niyang may hila sa kamay ko. Hindi pa rin siya
humihinto sa pagtakbo kaya gano’n din ako.
“Multo?”
“May multo!” Impit pa siyang tumili. Napapalingon na samin ang
mga taong nakakasalubong namin at nalalagpasan pero parang no pansin lang si
Kim.
“May nakita kang multo?”
“Oo! Totoong may multo! Ayoko na! Ayoko na!”
mangingiyak-ngiyak na sabi niya.
Totoo nga kayang may multong nakita si
Kim?
Yun ba ang multong naramdaman ko kanina?
Sino o ano ang nabangga ng likuran ko?
Sino o ano ang anino na nakita ko?
At ano ang narinig kong halakhak bago
kami makalayo ni Kim?
- E N D O
F F L A S H B A C K -
Nasagot ko ang mga katangungang ‘yon ng
sumunod na araw.
“Sinong hindi mabi-bwisit, best? Nawala ang necklace ko ng dahil
sa bahay na ‘yan!”
Nilingon ko si Kim. “At dahil sa bahay na ‘yan, natakot ka na
sa multo.”
“Nakakatakot naman talaga yung nakita ko no’n. With matching
kulog at kidlat pa daw ba. Sinong hindi matatakot?”
Tiningnan ko ang bahay. Nakakatakot nga
talagang tingnan. Para siyang haunted house. Ay, hindi. Haunted house talaga.
Teka lang...
Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan
ang bahay.
Ano ‘yong nakita ko sa may bintana?
+ + +
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^