“T
h e C h a n t”
I was humming a
song nang mapadaan ako sa park. Tanghaling tapat no’n pero ang lakas ng hangin.
Saka iba rin ang pakiramdam ko. Parang may...
Sunod-sunod akong
umiling. Wala ‘to. Wala lang ‘tong nararamdaman ko. Okay. Wala ‘to.
Kumunot ang noo
ko ng may makita akong batang umiiyak. Nilapitan ko siya.
“Bata, bakit ka umiiyak?”
Dahan-dahan
niyang inangat ang mukha niya. Basang-basa ang mukha niya. Sumingkit pa ang mga
mata niya habang nakatingin sakin. Nasilaw siguro sa araw na nasa likuran ko.
“Nakikita mo ko?” nagtatakang tanong niya. Tumahan na rin siya.
Kasabay ng pagkawala ng malakas na hangin sa paligid namin.
“Oo naman. Hindi naman ako
bulag.”
“Talaga?”
Napakamot ako ng
ulo. “Umuwi
ka na sa inyo, bata. Gutom lang ‘yan.”
Tinalikuran ko na
siya at inayos ang shades na suot ko nang may maramdaman akong malamig na
pakiramdam na tumagos sa kamay ko. “Ano ‘yon?” Nilingon ko ang bata na nakaupo pa
rin sa likuran ko. At ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko pero...
“Shit...” Sunod-sunod akong umiling.
“Kuya, nakikita mo talaga
ko?”
“Mu... mu...” Tagusan ang hawak niya sa kamay ko!
“Nakikita mo talaga ko!”
“M-multo!!!” sigaw ko na sinabayan ko ng karipas ng takbo sa
sobrang pagkabigla ko.
+ + +
“Bakit ganyan ang itsura
mo, insan?” tanong ng pinsan
kong si Sen.
“Trip ko.” sagot ko. Naka-shades kasi ako at may nakatakip na
panyo na sakop ang ilong at bibig ko. Nandito kasi kami sa park. May imi-meet
daw siyang babae. Kailangan kong mag-disguise. Baka mamaya nandito lang yung
multong nakita ko kahapon, eh. Makilala pa niya ko.
“Anong bangko ba ang
nanakawan mo? Pwede ba kong sumabit dyan?”
“Bawal sumabit.”
“Fine. Dito ka lang, ah.” Tumayo na siya.
“Hoy! Sa’n ka pupunta?”
Nilingon niya ko.
“Dumating na
yung ka-meet ko. Dyan ka lang. Bawal sumabit.”
Nilapitan niya
ang isang babaeng nakaupo sa bandang dulo ng park. Tatayo na sana ko para
lumapit sa kanila nang lumamig ang pakiramdam ko. May tumabi sakin. Hindi ko na
siya nilingon dahil ramdam ko kung sino siya.
Siya yung multo
kahapon!
Hindi siya
nagsalita. Nakahinga ako ng maluwag. Mukhang hindi niya ko nakilala dahil sa
disguise ko. Kailangan ko nang umalis. Tatayo na sana ko nang magsalita siya.
“Nasa’n na ba talaga ko?” narinig kong tanong ng bata. “Nasa’n na kaya si kuya? Sana naman
dumating na siya.” Ang lungkot ng boses niya. At hinihintay niya ko?
Pinikit ko nang
mariin ang mga mata ko. Hindi ko alam pero parang nakokonsensya ko.
Sa totoo lang,
hindi naman siya nakakatakot na multo. Dora ang buhok niya. Payat lang siya. At
hindi siya duguan katulad ng mga multong nakikita ko sa tv.
“Darating pa kaya siya? Ano
na ngayong gagawin ko?”
“Pwede ba wag mo na kong
konsensyahin?” Natakpan ko ang bibig ko nang marealize ko na
nagsalita pala ako.
“Kuya?”
Napailing ako. Me
and my big mouth.
“Kuya, ikaw ba ‘yan?”
“Oo na. Ako na ‘to. Bakit
ba?” hindi
lumilingong tanong ko. May ibang tao sa park. Ayokong mapagkamalan akong
nababaliw dito. Buti na lang may takip ang bibig ko kaya hindi nila makikitang
gumagalaw ang bibig ko.
“Hinihintay kitang
dumating.”
“Bakit? Para multuhin ako?” Kung madadalaw niya ko. Hindi naman niya kilala ang
mukha ko.
“Hindi. Gusto ko lang ng
kausap.”
Nilingon ko siya.
“Kausap?”
Ngumiti siya. “Alam mo ba nung
nalaman kong kaluluwa na ko, iyak ako ng iyak. Tapos nung nalaman kong nakikita
mo ko, natuwa ako. Kasi may makakausap na ko.”
“Sinong nagsabing
kakausapin kita?”
Nawala ang ngiti
niya. Napalitan ‘yon ng lungkot.
“I’m kidding.” biglang bawi ko. “Sa totoo lang, first time kong makakita ng
multo. Yung multong buong-buo kaya hindi ako sanay. Kaya kung kakausapin kita,
mapagkakamalan akong baliw ng mga makakakita sakin. Naiintindihan mo ba?”
Tumango siya. “Kausapin mo na
lang ako kapag walang makakakita.”
Napakamot ako ng
ulo.
“Wala kasi akong ginagawa
dito kung hindi tingnan yung mga tao. Hindi ako sanay na ganito. Ikaw lang ang
nakakakita sakin kaya ikaw lang ang pwede kong kausapin.”
“Okay. Okay. Basta wag na
wag mo akong susundan sa bahay, okay?”
Nakangiting
tumango siya. “Bakit
nakabalot ang mukha mo?”
“Wag mo ng alamin kung
gusto mong kausapin pa kita.”
“Okay.”
+ + +
Nilingon ko ang
batang nasa tabi ko. Tahimik lang siya na ipinagtataka ko. Madalas pag
nagkikita kami. Ikukuwento niya yung mga nakikita niya dito sa park. Hindi ko
alam ang pangalan niya o kahit na anong tungkol sa kaniya. Kapag nakita daw
niya ang mukha ko, saka lang niya sasabihin.
Na ayoko namang
gawin. Makikilala niya ko. Paano kung multuhin niya ko? Tuwing nagkikita kasi
kami, may suot akong shades at may nakatakip na panyo sa bibig ko.
“Bata.” tawag ko sa kaniya.
Nilingon niya ko.
“Gusto mo?” alok ko sa lollipop na hawak ko.
Hinawakan niya
ang lollipop.
“Ang lamig!” reklamo ko. Tumagos lang kasi ang kamay niya sa
kamay ko. “Alam
mo naman kasing hindi mo ‘to mahahawakan, hinawakan mo pa.”
“Alam ko.” Tumingala siya sa langit. Parang ang lalim ng iniisip
niya ngayong araw. “Ilang araw na ba simula nang magkita tayo?” tanong
niya.
“Hmm... One week na rin.
Bakit?”
“Wala naman.”
“Talaga bang hindi mo
napapansin na lumilipas ang oras o araw?”
Ayon kasi sa
nabasa kong article, walang sense of time ang mga ghosts and spirits.
Umiling lang siya at
tumingin sa kawalan.
“Bata.”
Nilingon niya ko.
“Hindi na
ako bata, kuya. Wag mo akong tawaging bata. Alam kong grade six lang ako. Pero
first year highschool na ko next school year.”
Yung mata niyang
parang iiyak, gano’n ang itsura niya.
“O, wag kang iiyak! Once na
umiyak ka, bata ka talaga.” First year na
pala siya sa pasukan. Akala ko ba, wala siyang sasabihin sakin na kahit ano
tungkol sa kaniya?
Pinunasan agad
niya ang gilid ng mga mata niya.
“Bakit ang lungkot mo
ngayon, bata?”
“I’m Jam, okay.”
“What?”
“Jam ang pangalan ko kaya
wag mo kong tawaging bata.”
“Okay. Okay. Wag ka nang
magalit.”
“Hindi naman ako galit,
kuya, eh.”
Sinabi niya ang
pangalan niya. Mukhang may problema siya, hah. Nagkaka-problema pala ang mga
multo? Sasabihin ko din ba ang pangalan ko? Pero paano kung hindi naman totoo
ang pangalang sinabi niya? Pero paano kung totoo nga ‘yon? Hindi naman siya
mukhang sinungaling, eh.
Pero gusto ko
lang makasigurado.
Isang pangalan
ang naisip ko.
“It’s Sen, okay. Sen ang
pangalan ko.” Nickname ‘yon ng
pinsan kong si Craysen. Jensen naman ang pangalan ko. May Sen naman ‘yon sa
dulo kaya nagsabi din ako ng totoo. “Wag mo kong tawaging kuya dahil feeling ko ang tanda ko
na. First year highschool pa lang kaya ako.”
Napahinto ako
nang mapansin ko ang dalawang teenager na nakatingin sa gawi ko. And I knew
them. Anak ng tinapa naman! Nakatingin pala ko kay Jam kanina habang kausap ko
siya! They were looking at my side weirdly.
“Sen.”
Hindi ako
sumagot.
“Manong.”
“Shhh...”
Nakakainis naman
‘tong batang ‘to. Baka mapasalita pa ko ng walang sa oras. Tinawag ba naman
akong manong?!
Saka lang ako
nagsalita ng makalayo ang dalawng teenager. “Kainis! Nakita ata nila kong nagsasalita
ng mag-isa dito.”
“Hindi ka naman nila
nakilala dahil sa suot mo, eh.”
“Kahit na. Ang weird pa rin
ng tingin nila sakin.” naiinis na sabi ko.
Hindi ko tuloy napigilan ang bibig ko. “Bakit ba kasi sa lahat ng tao, sakin pa napunta ‘to?
Hindi ko naman ginusto, eh. Ayaw ko nito. Sobra na sakin yung makaramdam ako.
Yung makakita ng mga anino. Bakit nakakita pa ko ng buong-buo?!”
“Sorry.”
Napalingon ako
kay Jam. Nakatayo na siya.
“That’s not what I mean,
Jam.”
“Hindi ko naman sinasadya,
eh.” Nagsimula na
siyang umiyak. “Hindi
ko naman gustong magpakita sa’yo. Hindi ko nga alam kung bakit ako nandito.
Hindi ko naman gustong guluhin ka, eh. Sorry...”
“Jam.” Hinawakan ko siya pero tumagos lang ang kamay ko sa
kaniya.
Umatras siya ng
hakbang. “Sorry
talaga...” Patuloy siya sa paghakbang paatras habang umiiyak.
Umiiyak siya at
nakokonsensya ako.
“Don’t move.” utos ko.
Huminto naman siya.
Humakbang ako palapit sa kaniya. Itinaas ko ang kamay ko para punasan ang
pisngi niya pero para lang akong nagtaboy ng malamig na hangin. Ikinuyom ko ang
kamao ko.
Parang bata
siyang umiyak nang umiyak. Napansin ko ring palakas ng palakas ang hangin sa
paligid ko. Nagliliparan na ang mga dahon. Parang may delubyong magaganap kung
hindi pa siya titigil sa kakaiyak. Buti na lang at walang tao ngayon dito sa
park.
“Jam! Stop crying!” malakas na utos ko. “Stop crying!”
Mukhang napansin
niya ang nangyayari sa paligid namin dahil dahan-dahan siyang tumigil sa
pag-iyak. Huminto na rin ang malakas na hangin.
“Bakit ka ba umiiyak?” tanong ko.
“Dahil patay na ko, Sen...
Hindi na ko makakabalik kina mama at papa... Hindi ko na sila mayayakap...
Hindi ko na sila makakasama... Hindi na...”
“Shhh... Wag ka ng umiyak,
okay. Tumahan ka na.”
“Anong gagawin ko..? Ayoko
pang mamatay... Bata pa lang ako, eh... Gusto ko pang mabuhay, Sen...” Yumuko siya at tahimik na umiyak.
Kinuyom ko ang
kamao ko. Ano nga ba? Ni ako, hindi ko alam. Ano bang pwede kong itulong sa
kaniya? May maitutulong nga ba ang katulad kong ni hindi tanggap ang kakayahan
ko?
Pero teka...
Totoo nga kayang patay na siya? Paano kung...
“Are you sure na talagang
patay ka na?” tanong ko sa
kaniya.
Umangat ang
tingin niya sakin. “Hah?”
“Sigurado ka bang patay ka
na? Paano kung nahiwalay lang ang kaluluwa mo sa katawan mo? Ang sabi mo, ang
huling natatandaan mo lang ay nung naaksidente ka.” Yun lang ang tangi niyang sinabi sakin ng tanungin ko
siya kung bakit siya nandito sa park. “Paano kung na-comatose ka lang?”
“Comatose?” tanong niya.
“Comatose. Nangyayari yun
minsan sa mga taong naaaksidente o kaya pagkatapos ng kumplikadong operasyon.
Mahirap i-explain pero ganito na lang. Para lang siyang si sleeping beauty.
Natutulog lang. And in your case, pwedeng humiwalay ang kaluluwa mo sa katawan
mo and somewhere out there, natutulog lang ang katawan mo.”
“Kung na-comatose nga ang
katawan ko, paano ako makakabalik?”
“Hindi ko din alam, Jam.” At sana nga tama ako sa theory kong humiwalay lang
ang kaluluwa niya sa katawan niya. Or else...
Napasigok siya.
Iiyak na naman siya.
Or else, araw-araw
ko siyang makikitang laging ganyan.
Umiiyak.
At naiinis ako.
Ni wala akong
magawa.
“Stop crying, okay? Ang
sabi mo hindi ka na bata. Kaya wag kang umiyak lang nang umiyak dyan. Mga bata
lang ang gano’n.”
“Ba’t ka ba nagagalit?”
“Hindi ako nagagalit.
Mag-iisip tayo ng paraan, okay.”
“Paano?”
“Mag-iisip ako.” Sana nga may
maisip ako. Tumingala ako sa langit. “It’s getting late. Kailangan ko nang umuwi. Bukas na
tayo mag-usap.”
“Pwede ba kong sumama?”
Nagulat ako sa
sinabi niya.
“Hah?”
“Pwede ba kong sumama
sa’yo? Nakakatakot kasing mag-isa dito sa park, eh.”
Tumaas ang sulok
ng labi ko. Hindi ko mapigilang mapangiti sa huling sinabi niya. “Ngayon ko lang
nalaman na may multong natatakot.” Tumalikod
na ko. Nilingon ko pa siya nang maramdaman kong hindi siya sumunod. “Ano pang
hinihintay mo dyan? Let’s go.”
Kahit pa sabihing
multo siyang naliligaw dito, bata pa rin siya. At kahit sabihin niyang hindi na
siya bata, lumalabas pa rin ang pigging bata niya. Kung ang mga mas matatanda
nga sa kaniya, katulad ko, ay nakakaramdam din ng takot, siya pa kayang bata.
+ + +
Pagdilat ko ng
mga mata ko, isang mukhang nakatunghay sakin ang namulatan ko.
“Goodmorning, Sen!”
Bigla akong
napabalikwas ng bangon. “Ano ka ba? Ginulat mo naman ako!” Ganyan ba
ang ginawa niya buong gabi? Ang titigan ako?
Ngumiti siya. “May naisip ka
na bang paraan para makabalik ako sa katawan ko?”
“What?” naguguluhang tanong ko.
“Ang sabi mo mag-iisip ka
ng paraan?”
Saka ko lang
naalala ang pinag-usapan namin kahapon. “Pwede paghilamusin mo muna ko?”
“Okay.” Nag-indian seat siya sa sahig. “Talaga bang ganyan ka matulog? May shades
at takip ang mukha mo?”
“Oo. At wag kang susunod
sakin sa cr, okay?”
Nakita kong namula
ang mukha niya bago siya tumalikod ng upo.
Nangingiting pumasok
ako ng banyo.
+ + +
“Chant?”
“Oo. Chant.” Sinulat ko sa papel ang chant na naisip ko. “Mag-concentrate ka at sabihin mo ‘to.”
“Sa’n mo nakuha ‘yan?”
“Inisip ko lang.” Wala talaga kong maisip na pwedeng makatulong sa
kaniya kaya naisip kong gumawa ng chant. Kesa naman kulitin niya ko ng kulitin.
“Tatalab ba ‘yan?”
“Depende sa kaluluwang
gustong makabalik sa katawan niya.”
Kung tama nga ba akong nahiwalay lang siya sa katawan niya. “Dapat bukal sa
loob mo na makabalik ka sa katawan mo. Dapat may tiwala kang babalik ka sa
katawan mo. Isipin mo yung pamilya mo. Ang parents mo na naghihintay sa’yo.”
“Okay.”
“Ayan, tapos na.” Pinakita ko sa kaniya ang papel. “Sabihin mo
lang ‘yan. Kahit ilang beses.” Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. “Papasok na ko
ng school.” Inayos ko ang shades ko at panyo sa bibig ko. Sa labas
ko na lang ‘yon tatanggalin.
“Ingat, Sen!”
+ + +
“Hi, Sen!”
Yan ang bumungad
sakin pagpasok ko ng kwarto. Kauuwi ko lang galing school. Humilata agad ako sa
kama at nilingon si Jam na nakaupo sa sahig. “Hyper ka ata.”
“Kasi makakabalik na ko sa
katawan ko.” nakangiting sabi
niya. “Hinintay
talaga kitang dumating bago ako umalis.”
“Okay.” Ipinikit ko na ang mga mata ko. Pagod ako. Naglaro
kami ng basketball nina Sen kanina.
Idinilat ko ang
isa kong mata nang marinig ko ang boses ni Jam. Nakita ko siyang nakapikit
habang binibigkas ang chant na ginawa ko. Ipinikit ko uli ang mga mata ko. Hinihila
na ko ng antok nang maramdaman ko ang hangin na tumatama sakin. Palakas ‘yon ng
palakas. At kakaiba ang hangin na ‘yon. Idinilat ko agad ang mga mata ko.
Nakita kong nagpapaikot-ikot ang mga papel sa kisame ng kwarto ko.
Bumalikwas ako ng
bangon at nilingon si Jam. Napansin kong parang unti-unti siyang...
“Kaluluwa kong naliligaw.
Magbalik ka na. Magbalik sa katawan kung sa’n nararapat ka. Magbalik sa
pamilyang naghihintay sa’yo. Magbalik sa mundong kinamulatan mo. Kaluluwa kong
naliligaw. Magbalik ka na.”
Unti-unti siyang
nawawala!
“Jam!”
Idinilat niya ang
mga mata niya. Ngumiti siya. Bumangon ako at lumapit sa kaniya. Inangat ko ang
kamay ko palapit sa mukha niya.
“Makakabalik na ko, Sen.”
Kasunod ng mga
salitang ‘yon ang pagkawala niya ng tuluyan sa harap ko. Kasabay ng pagbagsak
sakin ng mga papel na nagliliparan kanina.
Nakarinig ako ng
sunod-sunod na katok.
“Jensen!”
Narinig kong
nagbukas ang pintuan.
“Jensen, bakit ka sumigaw?”
“At bakit ang kalat dito sa
kwarto mo?”
Nilingon ko ang
parents ko.
“Si Jam.” wala sa sariling sagot ko. Hindi talaga ko
makapaniwala sa nakita ko. Sa mismong harap ko.
“Sinong Jam?” kunot noong tanong ni papa.
“Yung multo.”
“Ano bang sinasabi mo,
Jensen? Nagda-drugs ka ba, hah? Walangmulto, okay!” sigaw ni mama sabay labas ng kwarto ko.
“Jensen, umayos ka.” madiing bilin ni papa bago sundan si mama.
Kinuyom ko ang
kamao ko. Nilingon ko ang kinauupuan ni Jam kanina. “Totoo naman, eh. Totoo si Jam. Totoong may
multo. Bakit ba ayaw ninyong maniwala?” I gritted my teeth.
Kinuha ko ang
papel na sinulatan ko ng chant.
“Totoo kayang nakabalik na
siya sa katawan niya?”
Napalingon ako sa
bintana ng kwarto ko nang umihip ang hangin. Tumayo ako at lumapit sa bintana.
Tumingala ako sa langit. “O baka naman nasa langit na siya ngayon.”
I sighed.
Sinarado ko ang bintana.
“Magkikita pa kaya kami?”
+ + +
Jam: Ipapakilala
kita kina Tita Jody at Tito Jake.
Jensen: Who
are they?
Jam: Mga
paranormal experts sila.
Jensen: Masasagot
kaya nila ang mga tanong ko?
Jam: Katulad
ng?
Jensen: Kung
yung chant na ginawa ko ba ang dahilan kung bakit tayo nakabalik sa mga katawan
natin? Nagkataon lang ba ‘yon?
Jam: For me,
it’s our willingness to return kaya nangyari ‘yon. Pero kung sila ang
tatanungin mo, parang alam ko na ang isasagot nila.
Jensen: Ano?
Jam: May mga
bagay at pangyayari sa mundo na hindi natin maipapaliwanag ng mga salita
lamang. The world we’re living are full of mystery that only Him could truly
understand.
+ T H E E N D
+
Ate Ayesha’s Note : Alam
kong hindi ito yung ini-expect ninyong nakakatakot talaga. First time kong
gumawa ng ganitong genre. Babawi na lang ako next time, yung may lumulutang na
white lady, may binabalibag na mesa at upuan o may sinasapian na tao.
Gusto ko lang ipakita sa
story na ‘to na kahit nasa modern age na tayo at patuloy pa rin sa pag-evolve
ang mundo, may mga bagay pa rin talaga na hindi magbabago. May mga bagay pa rin
na mananatiling nandito. May mga bagay pa rin na hanggang ngayon, hindi pa rin
natin nabibigyan ng maliwanag na kasagutan.
Ghosts and spirits.
Hindi sila tuluyang
nawawala.
Umalis man sila.
May papalit pa rin.
naalala ko tuloy yung nabasa ko sa manga na sobrang na iyak ako .. yung One Winter ... TT^TT
ReplyDeleteYuno Gasaaaaaiiiii! XD
ReplyDeleteAte ang ganda po ng story na ito.. Kahit sobrang iksi lang -w-)/ nakakakilig at nakakakilabot. MOOOOOORE!
~AnnaBanana
Wow! Thank you girl at nagustuhan mo! ^_____^
DeleteHahaha. sana po may continuation .. Gandaaaa *O*
Delete~AnnaBanana
Wala na siyang book two eeh.
ReplyDeletePero may story akong pinaplano na related don sa dalawang bida.
Saka may ginagawa akong story ni MICHA.
miss aiesha..
ReplyDeleteLIKE! ang ganda po.. nakakakilig at nkakainlove ky cuwapo...
at shocking talaga..kasi naman kailan pa nla mging mumu para mgkita..
destiny talaga ang dalawa.. hehe
ang galing mu talaga mgsulat..
sana nga my BOOK2..hehe :) aja.
Thank you sis at nagustuhan mo. :)))
DeleteWala na siyang Book two. Kung mero'n man, hindi na sila yung main characters. Abangan ninyo na lang aah. hihihihi! Thank you ulit! Muaaahhh! ^________^