Chapter
5
[ Jam’s POV ]
One week later...
Nasa harap ako ng isang bahay. Pipindutin
ko na sana ang doorbell nang biglang bumukas ang gate. Hindi dahil kusang
bumukas ‘yon. May nagbukas no’n. Kung hindi lang ako sanay na tuwing malapit na
ang Halloween ganito ang makikita ko dito, malamang napatili na ko sa taong nakita
ko sa harapan ko. Pero kung titingnan, hindi siya tao. Mukha siyang zombie.
Mukha talaga siyang zombie from head to toe.
Ngumiti ang zombie. Imaginin ninyo na
lang ang itsura ng zombieng nakangiti. Sa halip na mapangiti ka din, kakaripas
ka na lang ng takbo pag nakita mo ‘yon. Iisipin mong nakangiti siya dahil ikaw
na ang isusunod niyang hapunan.
“Jam.”
Napalingon ako sa kanan ko nang marinig
ko ang boses na ‘yon. Kabababa lang ng kotse ng isang magandang babae. Nasa mid
thirties na siya pero parang nasa mid twenties lang ang itsura niya.
“Bakit nakatayo ka lang dyan, Jam?”
Ni hindi siya nagulat na nandito ako.
Lagi namang gano’n. Alam niyang darating ako kahit hindi ko sabihin. Katulad
ngayon.
“Hello, Tita Jody.” nakangiting bati ko sa kaniya.
“Ate Jam!”
Patakbong lumapit sakin ang batang babae
na kasunod ni Tita Jody. Lumuhod ako at sinalubong ang yakap niya. “Gumaganda ka
ata ngayon, Micha.”
“Talaga po?”
Ginulo ko ang buhok niya. “Oo.”
“Jake! Ano namang itsura ‘yan?”
Napalingon ako sa mag-asawa. Yap. Asawa
ni Tita Jody ang zombie na sumalubong sakin kanina. At anak nila ang cute na
batang ‘to na nakayakap sakin.
“Tinesting ko lang yung costume ko para sa Halloween party na
pupuntahan natin next week, hon. Bagay ba?”
“Yes, daddy! Mukha ka talagang zombie!” tuwang-tuwang
sambit ni Micha na hindi man lang natakot sa nakita niya. Lumapit pa siya sa
daddy niya at nagpakarga.
“Talaga, baby?”
“Opo. Gusto ko po ganyan din ang costume ko, ah.”
“Akala ko ba little witch ang gusto mo? Parehas kayo ni mommy
mong witch?”
“Anong sabi mo, Jake? Witch ako?”
“Ang sabi ko, hon. Witch ang costume ninyo ni Micha. I didn’t
say na witch ka. Pasok na tayo, baby. Baka biglang mag-cast ng spell ang mommy
mo. Gawin pa kong ipis.”
Napangiti na lang ako habang
pinagmamasdan si Tito Jake at Micha na nagkukulitan habang papasok ng bahay.
“Yang asawa ko, hindi na talaga nagbago. Isip bata pa rin. Hindi
man lang ako tinulungang kunin yung pinamili ko. Ba’t ko ba pinakasalan ‘yan?”
Nakangiting nilingon ko si Tita Jody.
Alam kong nagbibiro lang siya sa sinabi niya. Tinulungan ko na lang siyang
kunin sa compartment ang ilang plastic ng groceries na pinamili niya.
Nakapasok na kami ng gate nang lumabas
mula sa bahay si Tito Jake.
“Bumalik ka pa.”
“Baka sabihin mo, nakapaka-ungentleman ng asawa mo. Nakakahiya
naman kay Jam.”
“Buti alam mo. At talaga nahiya ka pa ng lagay na ‘yan. Ikaw
lahat magbitbit nito. Pati yung kay Jam.”
“Yes, boss.”
Hindi sila nag-aaway. Ganyan lang sila
maglambingan. Sa ilang taon na nakilala ko sila, nasanay na ko kapag ganitong
para silang teenager magsagutan.
Si Tita Jody at Tito Jake.
Tito at Tita ang tawag ko sa kanila pero
wala sa kanila ang kapatid ni mommy at ni daddy o asawa man ng kapatid ni mommy
at daddy o maging asawa man ng pinsan ni mommy at daddy.
Malayong kamag-anak ko sila. Kapatid ng
pinsan ng asawa ng kapatid ng pinsan—okay. Malayong kamag-anak na lang dahil
pati ako nalilito.
Sila ang tumulong sakin noon. Hanggang
ngayon.
Mga paranormal expert silang mag-asawa.
Hindi lang halata dahil kung umakto sila, parang normal lang sa kanila ang
lahat. Pero hindi lang sila basta mga paranormal experts na mga kululuwa lang
ang subjects and cases nila. Pati ang mga out of this world creatures, kasama
rin sa subject nila at sa mga pinag-aaralan nila. Para sila yung dalawang actor
na gumaganap na bida sa tv series na Supernatural na sina Jared at Jensen.
I sighed.
Kapangalan pa ni Jensen ang Hollywood
actor gumaganap do’n.
“Ate Jam!”
Napakurap ako at napatingin sa pintuan.
Si Micha. Tinatawag niya na ko. Hindi kasi ako agad nakasunod sa mag-asawa.
“Nandyan na, Micha.”
+ + + + + + + +
Nandito ako sa veranda at nakaupo habang
umiinom ng juice.
“Ate Jam!”
Napalingon ako sa likuran ko. Patakbong
lumapit sakin si Micha. Umupo siya sa katabi kong upuan. “What is it, Micha?”
“Watch po tayo ng movie! May binili po kami ni mommy kanina sa
sm!”
excited na sabi niya.
Pinakita niya sakin ang mga dala niyang DVDs.
Cover pa lang, alam ko nang nakakatakot. Apat na DVDs ‘yon na puro
suspense-thriller-horror ang tema. Micha is only eight years old pero mahilig
na siyang manood ng mga gano’ng genre. Yun daw ang favorite niya.
“Bakit gustong-gusto mo ng ganitong movies, Micha?” Curious lang ako.
“Gusto ko lang po.” simpleng sagot niya. “Ayaw ninyo po
bang manood?”
“Hindi naman sa gano’n.” Kaya lang hindi naman panonood ng horror
movie ang ipinunta ko dito.
“Para po kayong si Yosef. Ayaw niya ring manood ng mga horror
movies.” Si Yosef ang classmate ni Micha na madalas niyang i-kwento sakin.
“Ano naman kung ayaw niya ng nakakatakot?”
“Lalaki po siya, diba? Dapat po matapang siya.”
“Pero hindi nasusukat ang katapangan ng isang lalaki sa panonood
ng mga horror movies, Micha.”
She pouted. “Kahit na po. Kung gusto niya po kong
pakasalan, dapat po mahilig din siyang manood ng horror movie.”
Natawa ako ng mahina. “Kasal? Inaya
ka niyang magpakasal?” Kakaiba na
talaga ang mga bata ngayon.
“Opo. Kapag malaki na daw kami, he will marry me.”
Napangiti ako. “Micha. You’re too young pa. Wag mo munang
isipin ang kasal na ‘yan, okay? Marami pang mangyayari.”
“Basta po, he promised me na pakakasalan niya ko. No man should
break their promises. Kaya dapat manood din siya ng horror movie para
magpakasal ako sa kaniya.”
“Anong kasal ‘yang naririnig ko, Micha?”
Napalingon ako sa likuran ko. Palapit
samin si Tito Jake. Malinis na siya from head to toe. Nagmukha na siyang tao.
Isang gwapong lalaki na malakas ang dating. He’s two years older than Tita
Julia pero mukha lang siyang nasa late twenties. Kaya nga bagay sila ni Tita
Julia. Isang gwapo at maganda. Kaya ang kinalabasan, isang magandang Micha.
“Ano ‘yon, Micha, baby? Magpapakasal ka na? Kanino? Kay Yosef?”
“Yes, daddy. Because he promised me po.”
“Paano kung hindi pa rin siya nanonood ng horror movie paglaki
ninyo?”
“Hindi ko siya pakakasalan.”
“Edi ibang girl na ang pakakasalan niya.”
“No, daddy. He promised to marry me.”
“Pero ayaw nga niyang manood ng horror.”
Hindi ko alam kung mapapangiti o
mapapakamot ng ulo habang nakatingin sa mag-ama na seryosong pinag-uusapan ang
kasal. Seryoso talaga sila.
“Jake. Micha. Sa kwarto ninyo na planuhin ang kasal na ‘yan. At
habang pina-plano ninyo ‘yan. Manood na din kayo nito.” Kinuha ng
kararating lang na si Tita Jody ang mga DVDs na nasa table at binigay kay Jake.
“Let’s go, baby. May pag-uusapan pa si Mommy at si Ate Jam mo.
Anong gusto mong unahin dito?”
“Yung pinaka-nakakatakot, daddy. Ay yung zombie na lang po!”
Umalis na ang mag-ama. Umupo naman si
Tita Jody sa katapat kong upuan. Matagal na katahimikan ang dumaan bago siya
nagsalita.
“Someone’s bothering you, Jam?”
“Someone. Parang alam na alam ninyo na po, ah.”
She smiled. “What is it, Jam?”
Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat.
Ang lahat-lahat.
+ + + + + + + +
“Nararamdaman mo na pero hindi mo ini-acknowledge. At dahil
hindi ka pa nakakakita ng full-body apparitions, hindi mo naisip na kaluluwa
ang kasama mo dahil sa mga sinabi niya sa’yo.”
“Opo.”
“May mga kaluluwang mapanlinlang. Nagpapanggap na mga buhay pa
sa mga taong mahihina at madali nilang maloloko. May mga kaluluwang hindi
matahimik kaya nambubulabog sila ng mga buhay na tao. Minsan para manggulo at
manakit. Pahirapan ang mga taong nagpahirap sa kanila nung nabubuhay pa sila.”
“Pero mero’n ding kailangan lang ng tulong para sa ikakatahimik
ng mga kaluluwa nila kaya sila nagpaparamdam o nagpapakita. May mga kaluluwa ding
hindi aware na mga kaluluwa na sila at wala na sila sa katawang lupa nila kaya
para silang mga buhay na tao na pagala-gala at nakikisalamuha sa iba.”
Saan siya sa mga ‘yon? Ni hindi naman
siya humingi ng tulong sakin.
“Pero base sa kwento mo, hindi ka naman niya ginulo. Hindi naman
siya humingi ng tulong sa’yo.”
Ginulo na tinakot. Hindi. Pero ginulo
niya ang isip ko. Hanggang ngayon, ginugulo pa rin niya kahit wala na siya. Ang
dami kong tanong sa isip ko.
“May mga kaluluwang hindi aware na patay na sila. Pero maaaring
alam na niya na isa siyang kaluluwa kaya hindi siya dumikit sa’yo. Kahit may
mga multo namang may kakayahang humawak ng mga bagay.”
Hinawakan ko ang pisngi ko kung sa’n ako
sinubukang hawakan ni Jensen.
“Katulad mo rin siya. May kakayahan din siyang makaramdam.”
“Opo.”
“Yung huli niyang sinabi sa’yo, Jam.”
“Ano po?”
“Isipin mong mabuti yung huli niyang mga sinabi sa’yo. Read
between the lines, Jam.”
Pumikit ako.
Ibinalik ko sa isip ko ang huli naming
pag-uusap ni Jensen.
“Kailan ka nag-umpisang
makaramdam, Jam?”
“Makaramdam ng ano?” Ng crush sa kaniya?
“Makaramdam ng kakaiba sa
paligid mo.”
“Grade six ako no’n. After
kong ma-comatose.”
“Ang sabi daw nila, kapag
nasa coma ang isang tao, may tendency na humiwalay ang kaluluwa niya sa katawan
niya. May naaalala ka bang nangyari sa’yo habang comatose ka?”
Isang alaala ang
bumalik sa isip ko. “Oo.”
“Humiwalay ba yung kaluluwa
mo sa katawan mo?”
“Oo.” Unti-unting bumabalik sa alaala ko ang pangyayaring
‘yon. Totoo mang nangyari ‘yon o hindi, hindi ko din alam.
“Anong ginawa mo para
makabalik ka sa katawan mo?”
I closed my eyes.
“Sinabi ko
yung chant na tinuro niya sakin.” Parang
sarili ko lang ang kausap ko nang sinabi ko ‘yon.
“Anong chant?”
Napangiti ako ng
maalala ko ang chant na binigay ng lalaking ‘yon. “Dapat bukal sa loob mo na sabihin ‘yon.
Dapat may tiwala kang babalik ka sa katawan mo. Maniwala kang babalik ka.”
“Pwede kayang gamitin ‘yon
ng mga kaluluwang humiwalay sa katawan nila na comatose?
“Oo naman.”
“Pwede ko kayang gamitin
‘yon?”
“Oo naman. Maniwala ka
lang. Isipin mo yung mga taong naghihintay sa’yo. Basta—” Mabilis kong idinilat ang mga mata ko. Kumunot ang
noo ko. “Anong
sabi mo, Jensen?”
Hindi siya
sumagot dahil nakapikit siya. Halos isang minuto siyang nakapikit.
“Jensen!”
He smiled. He
opened his eyes. “Long time no see, Jam.”
Ano daw?
Humakbang siya palapit sakin. Kumunot ang noo ko habang lumalapit siya. Bakit
parang may nangyayari na kung ano sa kaniya? At habang ginagawa niya ‘yon,
nararamdaman ko ang marahang paghampas ng malamig na hangin sa katawan ko na
hindi ko alam kung sa’n nanggagaling. Hanggang sa unti-unting lumalakas ‘yon.
Tinatangay na ang buhok ko.
“Jensen, ano bang
nangyayari dito?” naguguluhang tanong ko.
Tuluyan na siyang
nakalapit sakin. “Alam mo bang trinay ko na ang chant na ‘yon? Pero hindi naman gumana,
eh. Alam mo ko kung bakit? Dahil nagdadalawang isip ako kung babalikan ko pa ba
ang mundong kinalakihan ko. Dahil sa mundong ‘yon, hindi ko matanggap kung sino
ako. Kung ano ako. Dahil hindi ko maramdaman noon ang halaga ko sa paligid ko.”
“Jensen? Anong nangyayari
sa’yo? Ano bang sinasabi mo?”
He just smiled
nang iangat niya ang kamay niya papunta sa mukha ko. “Sana
this time, gumana na. Gustong-gusto ko nang bumalik.”
Hindi ko alam
pero nangilid ang gilid ng mga mata ko. “Jensen, bakit parang...” Ni ayaw kong ituloy
ang sasabihin ko.
Tuluyan niyang
nailapit ang kamay niya sa pisngi ko. Pero nang subukan niyang hawakan ang
pisngi ko, para lang ‘yong malamig na hangin na dumampi sa pisngi ko. Kasabay
ng tuluyang pagkawala ng malakas na hangin na humahampas sakin ang tuluyang
pagkawala ni Jensen sa harap ko.
I opened my eyes. Unti-unting nagsink-in
sakin ang mga salitang narinig ko mula kay Jensen. “Tita...”
She smiled. “Bakit alam niya ang chant na ‘yon na hindi
mo nabanggit kung ano? Maliban sa’yo, samin ng Tito mo at ng parents mo, may
isa pang taong nakakaalam no’n hindi ba? Bakit sinabi niya ang salitang ‘long
time no see, Jam?”
“Tita Jody...” Nangilid ang gilid ng mga mata ko.
Tumayo siya at lumapit sakin. “Jensen. Or Sen
for short ayon sa’yo noon.”
“Pero panaginip lang ‘yon, Tita... Paanong...” Tuluyan nang
pumatak ang mga luha ko.
Hinaplos niya ang buhok ko. “May mga bagay
at pangyayari sa mundo na hindi natin maipapaliwanag ng mga salita lamang. The
world we’re living are full of mystery that only Him could truly understand.”
+ + +
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^