Sunday, October 27, 2013

Oh My Ghost! - Chapter 8.5



Chapter 8.5

[ Jensen’s POV ]


Continuation of flashback...

Hindi uli ako umalis ng restricted area. Hinintay ko na dumaan ang babae. Wala naman akong maramdamang pagkainip sa paghihintay. Maya-maya ay natanaw ko na siya. Mukhang pauwi na siya. Napatingin siya sa gawi ko. Parang walang nakitang nilagpasan niya ko. Napakamot ako ng ulo.


“Miss!” Sinundan ko siya. “Miss! Wait!” Hindi niya ko nilingon. Sinabayan ko siyang maglakad. “Tungkol kanina.” Hindi siya umimik kaya nagpatuloy ako. “I know I’ve been rude when I told you about that curse thing.”
 
“You’re right. Never kong inisip na of all the people, bakit ako pa ang mero’n nito. Paano ko pa maiisip ‘yon kung bata pa lang ako, nasakin na ‘to? Paano ko pa maiisip ‘yon kung bata pa lang ako araw-araw akong nakakaramdam ng kaluluwa sa paligid ko? Paano ko pa maiisip ‘yon kung sa batang isip ko pa lang tumatak na sa isip ko na sumpa na ‘tong kakayahan ko?”


Paano ko pa maiisip ‘yon kung napapalayo naman ang loob sakin ng mga taong nasa paligid ko?


“I was six years old then. I was traumatized.”


“Hindi ka ba tinulungan ng parents mo?”


Hay. Sa wakas. Nagsalita din. “No. Because of my young age, they thought I was just making up stories. Hanggang sa tumatak sa isip ko na hindi na lang ako magsasalita ng tungkol do’n. Until one day, bigla na lang akong nakakita ng multo. Nakakakita lang ako ng shadow pero hind katulad nung nakita ko.” Naalala ko tuloy bigla ang pangyayaring ‘yon.


“Nakakita ka? Kailan?”


Ang lakas ng boses niya. Napalingon tuloy samin ang ibang tao. Sa kaniya lang pala dahil hindi naman nila ko nakikita. Iniisip siguro nilang nababaliw na siya. Nawala sa isip ko na kaluluwa nga pala. Nawala sa isip ko na hindi ko siya dapat kinausap sa harap ng maraming tao dahil magkakamalan siyang may topak.


Nagmamadaling umalis ang babae. Sumunod ako sa kaniya. Huminto siya sa jeepney stop. Walang taong naghihintay kaya nagawa ko siyang kausapin.


“Ang lakas naman kasi ng boses mo.” hindi ko napigilang sabihin sa kaniya. Totoo naman talaga. Parang excited na bata.


May sinabi siya pero sa sobrang hina ng boses niya, hindi naman umabot sa pandinig ko.


“Ano?” tanong ko.


“Wala. Ang sabi ko, kailan ka kako nakakita ng multo?”


“Once lang ‘yon. When I was in first year highshool. After that, hindi na nasundan. When I told my parents about it, inisip ba naman nilang nagda-drugs daw ako! Tss! Kumalat pa nga ‘yon sa buong school. Pinagpyestahan lang naman nila ako, hindi dahil sa gwapo ako, pero dahil sa kakayahan ko.”

“Bwisit kasi yung pinsan ko, napakadaldal! Kaya simula no’n, makaramdam man ako ng kaluluwa sa paligid ko, sinasarili ko na lang at hindi na pinapansin. Kaya masisisi mo ba ko kung tinuring kong sumpa ang kakayahang ‘to?”


Ilang saglit siyang hindi umimik. “Sorry, manong nurse.”


Bumusangot ang mukha ko nang tawagin na naman niya kong gano’n. “Don’t call me manong, okay.” Napahinto ako. Dahan-dahan akong ngumiti. “Hindi ka na galit?”


“Hindi na. Ayokong magalit. Baka tumanda agad ako.”


“Good.” ngiting-ngiting sabi ko. May makakausap na din ako.


“Kung ayaw mong tawagin kitang manong nurse, what should I call you?”


Sasabihin ko ba sa kaniya? Okay. Yun na lang ang kapalit ng hindi ko pagsasabing kaluluwa ako. “Jensen.”


“I’m Jam.” Inextend niya ang kamay niya.


Napatingin ako sa kamay niya. Hahawakan ko na sana ‘yon nang may maalala ako. “Hindi pa pala ko nag-aalcohol. May pasyente akong hinawakan kanina. Rule samin ‘yon.” Hindi ko siya pwedeng hawakan. Siguradong tatagos lang ang kamay ko sa kamay niya. Baka bigla na lang siyang magsisisigaw dito.


Ngumiti lang siya. “Kanina ka pang umaga dito, ah. Tapos na ba ang duty mo?”


Kanina pa ba kong umaga dito? Ewan ko. Hindi ko alam.“Kanina pa. Hinintay lang talaga kita.” Napatingin ako sa jeep na nakahinto sa likuran niya. May ilang pasaherong nakasilip sa bintana. At ang weird ng tingin nila sa kaniya. “Jam, gotta go.”


“Okay. Kita-kits tomorrow. Ba-bye na!” Sumakay na siya ng jeep. Sumilip pa siya at kumaway sakin “Bye, Jensen!”


Hindi ko mapigilang mapangiti kahit ng mga oras na ‘yon, nakokonsensya. Gumanti ako ng kaway sa kaniya.


“Jam. Nice name.” Humakbang na ko pabalik ng hospital nang mapahinto ako. “Jam. It sounds familiar. Parang narinig ko na siya dati.” Inalala kong mabuti. “Teka...” May naisip ako. “Tama! Siya ‘yon? Siya ba talaga ang batang ‘yon?”


+ + +


Nakita ko si Jam na papasok na ng elevator. Hinabol ko siya. Nasa loob na siya. Sakto. Walang tao. Nagulat pa siya nang mabilis akong pumasok sa loob.


“Hello, Jam!”


“Jensen!” Tuluyang nang nagsara ang elevator.


“Ba’t parang nagulat ka?”


“Nakakagulat ka naman kasi, eh.”


I just smiled at her.


“Ba’t ang saya mo?” tanong niya.


“Secret. Anong floor ka?”


“Fourth.”


“Sige. Pindutin mo.”


She pouted. Akala siguro niya, ako ang pipindot ng button. Hindi ko magagawa ‘yon. Baka magulat na lang siya kapag tumagos ang kamay ko do’n.


“Ikaw? What floor ka?” tanong niya.


“Rooftop.”


She rolled her eyes. “Okay. Rooftop. Sunday ngayon, ah. May duty ka pa rin?”


“Yap. Gano’n talaga.” Sunday na pala ngayon? Kailan ba ko naaksidente?


“Eh, bakit wala ka sa area ninyo?”


“May kinuha lang ako sa baba.” Tinitigan ko siya. “Jam. May sasabihin ako sa’yo. Wag kang magugulat, ah.”


Sasabihin ko sa kaniya na isa akong kaluluwa. Magugulat siya, alam ko. Pero mas lalo siyang magugulat sa isa pang sasabihin ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Alam kong hindi siya matatakot sakin. Nang sobra. Isa pa. Ayoko nang magsinungaling sa kaniya. Nakokonsensya na ko.


“Hah? Ano ba ‘yon?”


“Ano kasi...”


Biglang bumukas ang elevator. May nag-aabang na babae.


“O, Jam.”


“Mama!”


Mama pala ni Jam ang babaeng pumasok.


“Ba’t parang nagulat ka?”


“Ah, hindi po.”


Nilingon ako ni Jam. Tinanguan ko lang siya. Hindi ko na itinuloy ang sinasabi ko kanina. Baka kausapin pa ko ni Jam at magtaka ang mama niya. Hindi na ako kumibo hanggang sa magbukas uli ang elevator.


Lumabas sila. Pasimple akong nilingon ni Jam. Kinawayan ko siya. Nakangiting kinawayan niya din ako bago siya tawagin ng mama niya. Nagsara ang elevator. Para pa rin akong tangang kumakaway. Napatingin ako sa kamay ko. Kinuyom ko ‘yon.


“Kailan ba ko makakabalik sa katawan ko?”


+ + +


Hindi ko na nakita si Jam kaya pumasok sa isip ko na puntahan ang katawan ko. At ito ang mga eksenang lagi kong naaabutan. Si mama at papa na hawak ang kamay ng katawan ko at kinakausap ako. Sila na laging nakabantay sa tabi ng kinahihigaan ng katawan ko.


Hindi lang sila.


Ang pinsan kong si Sen na nakikita ko ding dumadalaw sakin. And for the first time in my life, I saw him cried. Nakita ko talagang tumulo ang luha niya habang kausap ako. Ang pinsan kong puro kalokohan at pinagtatawanan ang pagpaparamdam sakin ng mga kaluluwa, nakita kong kinakausap ako at sinasabihang gumising na with matching teary eyes pa.


Ang kamag-anak ko. Ang mga kaibigan ko. Ang mga kaklase ko. Nakikita ko silang dinadalaw ako.


At ngayong pumunta ako ng kwarto, si mama ang naabutan kong nakaupo tabi ko habang hawak ang kamay ko. Lumabas ng restroom si papa. Lumapit siya kay mama.


“Hon, papasok na ko. Kumain ka, okay?” Dito na sila halos mag-stay na dalawa. Nakikita ko ‘yon.


“Okay. Ingat ka.” Hinalikan ni mama sa pisngi si papa. Gano’n din ang ginawa ni papa. Kay mama at sa akin. Sa katawan ko. Hinalikan niya ang noo ko bago umalis. Napahawak pa ako sa noo ko na parang naramdaman din ng kaluluwa ko ang halik ni papa.


“Jensen.”


Napalingon ako kay mama. “Bakit, ma?” tanong ko na parang maririnig niya ko.


“Kailan ka ba gigising?”


“Hindi ko din alam, Ma.”


“I’m sorry, Jensen. Patawarin mo si mama.”


“Para sa’n, ma?”


“I’m sorry kung hindi ko matanggap ang kakayahan mo. I’m sorry kung binabalewala namin ng papa mo ‘yon. Ayaw lang naming lumaki ka na dala ang kakayahang ‘yon. Mahihirapan ka lang, anak.”


“Hindi po ba ko nahihirapan sa ginagawa ninyo?”


“Ayokong mahirapan ka ng tulad nang nangyari sakin noon.”


Kumunot ang noo ko. “What do you mean, ma?”


“Parehas tayo. May kakayahan din ako ng tulad ng sa’yo. Alam ng papa mo ‘yon.”


Nagulat ako. Nagulat talaga ako.


“Nahirapan ako, Jensen. Sobrang nahirapan ako dahil bata pa lang ako nang makakita ako ng mga kaluluwa sa paligid ko. Oo. Hindi lang ako nakakaramdam, nakakakita din ako. College ako ng bigla na lang mawala ang kakayahan kong ‘yon. Hindi ko alam kung paano. Ang alam ko lang, pinagbubuntis kita no’n. Pero natuwa ako dahil nawala na ‘yon.”


“Mama...”


“Ayokong maranasan mo ang naranasan ko no’n. Ang maging kakaiba sa paningin ng ibang tao. Ang mamuhay ng hindi normal kagaya ng ibang tao. Kaya nang malaman namin ng papa mo na may kakayahan kang makaramdam, hindi namin pinaniwalaan ang sinabi mo. Para isipin mo na naghahalucinate ka lang dahil bata ka pa lang no’n. Hindi namin alam na ‘yon din pala ang magiging dahilan para lumayo ang loob mo samin hanggang sa paglaki mo.”


Kinuyom ko ang kamao ko.


“Jensen, I’m sorry... Hindi sinasadya ni mama... Sinisisi ko ang sarili ko... Hindi kaya dahil halos isumpa ko ang kakayahan ko kaya napunta ‘yon sa’yo?”


“Gumising ka na... Tutulungan ka na ni mama... namin ni papa mo... Kung nakakaramdam ka ng kaluluwa, sabihin mo samin... Kung natatakot ka, sabihin mo samin... Nararamdaman kong hindi mo pa rin tanggap ang kakayahan mo hanggang ngayon... Tutulungan ka naming masanay... Tutulungan ka namin ng papa mo...”


Pumatak ang luha ni mama.


“Maraming naghihintay sa’yo, Jensen... Mahal na mahal ka namin... Naririnig mo ba si mama? Bumalik ka na...”


Hindi ako makapaniwalang ganito ako kahalaga sa kanila. Hindi ako makapaniwalang ganito ako kahalaga sa mga taong nasa paligid ko. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa mama ko.


Itinaas ko ang kamay ko para punasan ang pisngi ni mama pero tumagos lang ang kamay ko sa pisngi niya.


“Mama...”


Gustong-gusto ko siyang hawakan. Pero hindi ko magawa. Kinuyom ko ang kamao ko. At ipinikit ang mga mata ko.


Gusto ko nang bumalik.


I opened my eyes. Wala na ko sa kwarto ko. Nandito na ako sa restricted area. At may pamilyar na tao akong nakita. Nakatalikod siya sa gawi ko. Paunti-unting nabawasan ang emosyon na nakaipon sa dibdib ko habang nakatingin sa likuran niya. Dumating din siya. Katulad ng pagdating niya sa buhay ko no’n. Dahan-dahan akong humkbang sa kaniya. Ilang dipa na lang ang layo ko nang mapalingon siya sakin.


“Jensen!”


Parang nagulat pa siya na nasa likuran niya ko


“Hi, Jam.”


“Akala ko kung sino.”


“Hinahanap mo ko noh?”


Umiling siya. “Hindi, ah. Nakikiramdam lang ako dito. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin mapinpoint kung anong klase ba ‘tong nararamdaman ko. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?”


“Break namin kaya tumakas muna ko. I was thinking na sumaglit dito. Baka kasi hinihintay mo ko.”


“Hindi nga kita hinihintay! Kapal mo!” Lumingon siya sa paligid namin.“Bakit ba tuwing kasama kita, kinikilabutan ako?”


Dahil kaluluwa ako. “Dahil malakas ang dating ko. Dahil gwapo ako. Dahil—”


“Oo na! Ang yabang mo din.”


Hindi ko mapigilang mapangiti. “So, bakit ngayon ka lang?”


“Madaming projects sa school. Saka sorry kung hindi na tayo nagkita last Sunday. Sa kabilang way kasi kami dumaan ni mama.”


“Hindi ko naman tinatanong, ah.”


“Ang sarap mong batukan alam mo ‘yon?”


“Grabe kang bata ka.”


“Hindi na ako bata!”


“Edi hindi. Basta wag na wag mo akong tatawaging manong o kuya para hindi kita tawaging bata.”


“Oo na.”


Déjà vu.


Parang ganito lang din noon. Hindi talaga ko makapaniwalang kaharap ko na siya. Yun lang, nagkapalit kami ng posisyon ko. Pero paanong nangyaring nagkaro’n siya ng kakayahang makaramdam?


Inilibot ko ang tingin sa paligid namin. “Kailan ka nag-umpisang makaramdam, Jam?” tanong ko.


“Makaramdam ng ano?”


“Makaramdam ng kakaiba sa paligid mo.”


“Grade six ako no’n. After kong ma-comatose.”


Ngayon alam ko na kung paano. Natatandaan pa kaya niya ang pangyayaring ‘yon? At ang lalaking ‘yon? “Ang sabi daw nila, kapag nasa coma ang isang tao, may tendency na humiwalay ang kaluluwa niya sa katawan niya. May naaalala ka bang nangyari sa’yo habang comatose ka?”


“Oo.”


“Humiwalay ba yung kaluluwa mo sa katawan mo?”


“Oo.”


Napangiti ako. Natatandaan niya pa rin. Sayang, hindi niya ko matandaan. “Anong ginawa mo para makabalik ka sa katawan mo?”


She closed her eyes. “Sinabi ko yung chant na tinuro niya sakin.”


“Anong chant?” Kahit alam ko naman kung ano ‘yon.


“Dapat bukal sa loob mo na sabihin ‘yon. Dapat may tiwala kang babalik ka sa katawan mo. Maniwala kang babalik ka.”


“Pwede kayang gamitin ‘yon ng mga kaluluwang humiwalay sa katawan nila na comatose?


“Oo naman.”


“Pwede ko kayang gamitin ‘yon?” I closed my eyes.


“Oo naman. Maniwala ka lang. Isipin mo yung mga taong naghihintay sa’yo. Basta—Anong sabi mo, Jensen?”


Hindi ako sumagot. Nag-concentrate ako sa ginagawa ko.


Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakapikit at kung ilang beses kong binibigkas ang chant na nasa isip ko nang marinig ko ang pagtawag ni Jam sakin.


“Jensen!”


I smiled. I opened my eyes. “Long time no see, Jam.”


Halatang nagtaka siya sa sinabi ko. Hindi naman talaga niya ko makikilala. Gano’n din ako. Hindi ko agad siya nakilala. Ang laki na ng pinagbago niya. Payat lang siya no’n, kayumanggi ang kulay at mukha talagang bata. Ngayon, nagkalaman na siya at pumuti. Mukha pa rin siyang bata pero hindi katulad noon na parang idol niya si Dora sa hairstyle niya.


Humakbang ako palapit sa kaniya. Naramdaman kong parang may humihilang pwersa sakin.


“Jensen, ano bang nangyayari dito? May nagpaparamdam ba satin?”


Tuluyan na akong nakalapit sakaniya. “Alam mo bang trinay ko na ang chant na ‘yon? Pero hindi naman gumana, eh. Alam mo ko kung bakit? Dahil nagdadalawang isip ako kung babalikan ko pa ba ang mundong kinalakihan ko. Dahil sa mundong ‘yon, hindi ko matanggap kung sino ako. Kung ano ako. Dahil hindi ko maramdaman noon ang halaga ko sa paligid ko.” Pero ang totoo, may kasalanan din ako. Ako mismo ang naglalayo ng sarili ko sa mga taong nasa paligid ko.


“Jensen? Anong nangyayari sa’yo? Ano bang sinasabi mo?”


I smiled at her. Inangat ko ang kamay ko papunta sa pisngi niya. “Sana this time, gumana na. Gustong-gusto ko nang bumalik.”


Nakita kong nagtubig ang mga mata ni Jam. Naalala ko si mama. Ang mukha niya kanina. Gusto kong punasan ang pisngi ni mama. Gusto kong...


“Jensen, bakit parang...”


Isang dangkal na lang ang layo ng kamay ko sa pisngi ni Jam. Mas lalo ding lumalakas ang pwersang humihila sakin. Hinaplos ko ang pisngi ni Jam.


Gusto kong hawakan ang pisngi niya.


Pero katulad nang inaasahan, tumagos lang ang kamay ko sa pisngi niya kasabay ng tuluyang paghila sakin ng malakas na pwersa na hindi ko alam kung sa’n nanggagaling. Napapikit na lang ako.








And when I opened my eyes. Sinalubong ako ng isang mukha.


“Jensen? You’re awake!”


Ang mama ko.


- E N D  O F  F L A S H B A C K –


“Hoy! Anong gagawin mo kay Jam?”


Napakurap ako. Para kong nagising sa pagkakatulog. Sinalubong ako ng mukha niya.


“Hoy! Manyak! Lumayo ka nga kay Jam!”


“Aray!” Napatingin ako sa babaeng kasagutan ng pinsan ko kanina. Pinalo niya ang kasi ang kamay ko. Teka lang. Bakit nasa harap na nila ko nang hindi ko man lang napansin?


+ + +

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^