Sunday, October 27, 2013

Oh My Ghost! - Chapter 3



Chapter 3

[ Jam’s POV ]


Hapon na dumating ang mommy ni Julie kaya hapon na rin ako nakauwi. Nauna na sakin si Kim na umuwi kanina. May gagawin pa daw siyang project.


Lumabas ako ng elevator. Saka ko lang na-realize na sinabi ko sa sarili ko kanina na sa kabila ako dadaan pauwi para hindi ako mapadaan sa restricted area. Baka kasi nando’n na naman ang lalaking ‘yon. Cuwapo sana, imba naman.


Pero anong ginawa ko? Dito pa talaga ako dumaan pauwi. Paano naman, umaasa ang kabilang side ng isip ko na makikita ko siya do’n.


At tama nga ako, nando’n nga siya. At nakatingin siya sakin. Hindi ko siya pinansin. Lumagpas ako sa kaniya na parang wala akong nakita.


Napasimangot ako. Hindi niya ba ko tatawagin? Hindi ba siya magso-sorry sa sinabi niya kanina about sa curse thing na ‘yon? Hmp! Bahala siya! Bakit ba ako affected sa taong hindi ko naman kilala kung sino maliban sa demanding na pilosopo na makulit pero cuwapo na student nurse siya. Plus, masungit na imba.


Teka! Did I just praise him again with that cuwapo word?


Urgh! Isa din akong imba, eh.


“Miss!”


Tama ba yung narinig ko? May tumatawag ba sakin? Ang tanong, ako ba yung tinatawag? Pero kilala ko ang boses na ‘yon, eh. Paanong hindi ko matatandaan, ilang beses niya kong tinawag ng tinawag ng miss kanina.


“Miss! Wait!”


Hindi ko siya nilingon. Sa totoo lang, napag-isip-isip ko din kanina. Hindi rin tama yung reaksyon ko sa kaniya. Pati ang nananahimik na anghel at fourth eye, dinamay ko pa. Nainis lang naman kasi ako, eh.


Sumabay siya saking maglakad. “Tungkol kanina.”


Hindi ako nagsalita. Zipped mouth.


“I know I’ve been rude when I told you about that curse thing.”


Buti alam niya. Curse his cuwapo face.


“You’re right. Never kong inisip na of all the people, bakit ako pa ang mero’n nito. Paano ko pa maiisip ‘yon kung bata pa lang ako, nasakin na ‘to? Paano ko pa maiisip ‘yon kung bata pa lang ako araw-araw akong nakakaramdam ng kaluluwa sa paligid ko? Paano ko pa maiisip ‘yon kung sa batang isip ko pa lang tumatak na sa isip ko na sumpa na ‘tong kakayahan ko?”


Parehas lang kami. Bata pa lang din ako nang magkaro’n ako ng ganitong kakayahan. Yun nga lang, grade six na ko no’n. Hindi ko alam kung kailan siya.


“I was six years old then.” sagot niya na parang nabasa niya ang iniisip ko. Kamag-anak din ata ni Madam Auring ‘to, eh. “I was traumatized.”


Nakalabas na kami ng hospital. Saka lang ako nagsalita. “Hindi ka ba tinulungan ng parents mo?”


“No. Because of my young age, they thought I was just making up stories. Hanggang sa tumatak sa isip ko na hindi na lang ako magsasalita ng tungkol do’n. Until one day, bigla na lang akong nakakita ng multo. Nakakakita lang ako ng shadow pero hindi katulad nung nakita ko.


“Nakakita ka? Kailan?” Sa sobrang lakas ng boses ko, napalingon tuloy ang mga taong nasa paligid ko. They were staring at me na parang tatlo ang ulo ko. Nagmamadaling iniwas ko ang mukha ko at mabilis na naglakad palayo sa kanila. Sinundan naman ako ni cuwapo. Nakarating kami sa jeepney stop.


“Ang lakas naman kasi ng boses mo.”


“Ikaw naman kasi.” This time, sobrang hina na ng boses ko.


“Ano?”


“Wala.” Tinaasan ko ng kaunti ang volume ng boses ko. “Ang sabi ko, kailan ka kako nakakita ng multo?”


“Once lang ‘yon. When I was in first year highshool. After that, hindi na nasundan. When I told my parents about it, inisip ba naman nilang nagda-drugs daw ako! Tss! Kumalat pa nga ‘yon sa buong school. Pinagpyestahan lang naman nila ako, hindi dahil sa gwapo ako, pero dahil sa kakayahan ko.”
 
“Bwisit kasi yung pinsan ko, napakadaldal! Kaya simula no’n, makaramdam man ako ng kaluluwa sa paligid ko, sinasarili ko na lang at hindi na pinapansin. Kaya masisisi mo ba ko kung tinuring kong sumpa ang kakayahang ‘to?”


Kaya pala. Fine. Nagkamali ako kanina. Hindi ko kasi inisip kung bakit gano’n na lang niya sabihing curse ang kakayahan niya.


“Sorry, manong nurse.”


Bumusangot ang mukha niya. “Don’t call me manong, okay.” Napahinto siya. Dahan-dahan siyang ngumiti. “Hindi ka na galit?”


Big deal ba sa kaniya kung magalit ako? Hindi pa kami magkakilala nito, ah. Parang gusto kong kiligin. Pwede? Fine. Iipunin ko muna.


“Hindi na. Ayokong magalit. Baka tumanda agad ako.”


“Good.” ngiting-ngiting sabi niya.


Shemas! He’s so cuwapo talaga! Ehem! “Kung ayaw mong tawagin kitang manong nurse, what should I call you?” Pumaparaan lang ako, ah. Wahehe!


Matagal bago siya sumagot. “Jensen.”


“I’m Jam.” Inextend ko ang kamay ko.


Hahawakan na sana niya ang kamay ko pero hindi ‘yon natuloy. Napakamot na lang siya ng ulo. “Hindi pa pala ko nag-aalcohol. May pasyente akong hinawakan kanina. Rule samin ‘yon.”


Sayang! Bawi-bawi din next time. At least, concern siya sakin. Wahehe! “Kanina ka pang umaga dito, ah. Tapos na ba ang duty mo?”
 

“Kanina pa. Hinintay lang talaga kita.”


Oh my cuwapo! Ba’t ba ko kinikilig? Fine. Normal naman talaga na kiligin ang teenager like me, ah. Ehem! Ehem! Baka mahalata niya ko, ah.


“Jam, gotta go.”


“Okay. Kita-kits tomorrow.” Wait! Sinabi ko ba ‘yon? Waah! “Ba-bye na!” Nagmamadaling sumakay ako sa nakahintong jeep. Pero bago ‘yon umalis, sinilip ko pa siya sa bintana. “Bye, Jensen!” Wala ng manong o kuya kasi close na kami. Wahehe!


Gumanti siya ng kaway sakin. Ngiting-ngiting umayos ako ng upo nang mapansin kong nakatingin sakin ang tatlong babaeng highschool students na nakaupo sa harapan ko. Nagbulungan pa sila.


Problema nila? Inggit lang sila dahil may kilala akong demanding na pilosopo na makulit na masungit na imba pero cuwapong student nurse.


+ + + + + + + +


The next day.


“Nasa’n ka na?” tanong ni mama na kausap ko sa phone.


“Kakapasok lang ng hospital, Ma.”


“Nandito ako sa third floor. Kausap ko yung kabigan kong head nurse. Mauna ka na kay Julie.”


“Sige po.” Binaba ko na ang phone.


Naunang nakarating si mama sa hospital. Dumaan pa kasi ako kina Kim. Pasimple akong tumingin sa restricted area nang mapadaan ako do’n. Wala ang inaasahan ko.


Humakbang na lang ako palapit sa elevator. Bumukas ang elevator. Lumabas ang tatlong taong sakay no’n. Pumasok ako. Pipindutin ko na sana ang close button dahil wala naman akong kasabay na nag-aantay ng biglang may pumasok.


“Hello, Jam!”


“Jensen!” Nagulat ako. Napindot ko tuloy ang close button.


“Ba’t parang nagulat ka?”


“Nakakagulat ka naman kasi, eh.”


He just smiled. Hindi lang simpleng ngiti. Para bang nanalo siya sa lotto.


“Ba’t ang saya mo?” tanong ko.


“Secret. Anong floor ka?”


“Fourth.”


“Sige. Pindutin mo.”


I pouted. Akala ko pa naman siya ang pipindot kaya nagtatanong. Imba talaga. “Ikaw? What floor ka?”


“Rooftop.”


I rolled my eyes. “Okay. Rooftop.” Bahala siya sa trip niya. “Sunday ngayon, ah. May duty ka pa rin?”


“Yap. Gano’n talaga.”


“Eh, bakit wala ka sa area ninyo?”


“May kinuha lang ako sa baba.” Tinitigan niya ko. “Jam. May sasabihin ako sa’yo. Wag kang magugulat, ah.”


“Hah? Ano ba ‘yon?” Kinabahan naman ako.


“Ano kasi...”


Biglang bumukas ang elevator.


“O, Jam.”


“Mama!”


“Ba’t parang nagulat ka?” Pumasok siya.


“Ah, hindi po.” Nilingon ko si Jensen. Nakakaintinding ngumiti siya. Buti na lang at nasa kabilang dulo siya ng elevator. Nasa gitna namin si mama.


“Bakit dito ka dumaan? Mas madali do’n sa kabila, ah.”


“Exercise lang, Ma.” Wag mo naman akong bukuhin, Ma. Na kaya ako dito dumaan ay dahil kay cuwapo. Hindi tuloy ako makalingon kay Jensen. “Eh, kayo po? Diba po kausap ninyo yung kaibigan ninyo?”


“Nagkaro’n ng emergency.”


Bumukas ang elevator. Lumabas na si mama. Sumunod naman ako. Pasimple kong nilingon si Jensen. Kumaway siya. Kumaway din ako.


“Sinong kinakawayan mo dyan?”


“Wala po, Ma.” Buti na lang at nauna na siyang naglakad paglabas pa lang. Mabilis akong sumunod sa kaniya.


+ + + + + + + +


“Uy! Jam!”


Napakislot ako at napalingon sa likuran ko. “Wag mo nga kong gulatin.”


Umupo sa tabi ko si Kim. “Ang lalim kasi ng iniisip mo, eh.”


“Wala akong iniisip noh.”


Tinabig niya ko ng bahagya. “Wari pa si best. Boylet ‘yan noh?”


“B-boylet ka dyan!”


“Boylet nga!” tuwang-tuwang sabi niya. “Who is he, best? Gwapo ba? Cute? Anong name? Anong year? Anong section?” sunod-sunod niyang tanong.


Halata rin naman ako kaya sinabi ko na. “Crush ko lang naman siya.” Napangiti ako ng maisip ko si Jensen.


“Mag-kwento ka naman, best. Daya mo!”


“He’s demanding na pilosopo na makulit na masungit na imba pero cuwapong student nurse.”


“Cuwapo? Student nurse?”


“Cuwapo as in cute na gwapo. And yes, he’s a student nurse.”


“Don’t tell me sa hospital...”


“Yap, yap. Sa hospital ko siya nakilala.”


“Kaya pala atat na atat kang pumunta do’n ngayon, ah.”


“Ano ka ba? Ngayon kaya idi-discharge si Julie.”


“Pero hindi naman need ang presence mo do’n.”


“Oo na. Pero pupunta pa rin ako.” Friday na ngayon. Limang araw akong hindi nakabisita sa hospital dahil late na rin ang uwi ko. Madami kasing projects, assignments and activities na kailangan kong gawin.


“Kailan mo siya nakilala, best? Chika mo naman sakin! Ipakilala mo na rin sakin!”


Tiningnan ko lang siya. At makuha siya sa tingin.


“Hindi ko aagawin ang crush mo noh! May crush din ako. Sikat na artista pa. Bilis! Chika mo na kung pa’no kayo nag-meet!”


“Mukhang hindi ko na maitsi-chika sa’yo, best.” Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. “Nandyan na ang sundo ko.”


“Daya naman!”


+ + +

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^