Chapter
7
[ Sen’s POV ]
“Buhay pa pala ‘tong bahay na ‘to hanggang ngayon.” Inilibot ko ang
tingin ko sa loob ng lumang bahay. “It’s been...” Nagbilang ako sa isip ko kung ilang
taon na simula ng huli naming punta dito.
“Three
years, Sen.”
Napalingon ako sa pinsan ko na nakatutok
ang atensyon sa isang portrait. “Tama! Three years! Ang galing mo talaga sa Math, insan!”
“Mag-aral
ka kasi. Hindi yung puro babae ang inaatupag mo. Simpleng Math, hindi mo alam.” hindi
lumilingong sagot niya.
I grinned. “Anong magagawa ko? Hinahabol nila ko.”
Lumapit ako sa kaniya. Sa tinitingnan niyang portrait. Kumunot ang noo ko. “Babae ba
‘yan?” Nabura na kasi ang ibang part. Kupas na, madumi na,
maalikabok pa. Mas tama ngang sabihing alikabok na tinubuan ng mukha.
Hindi sumagot ang pinsan ko. Nakatitig
lang siya sa portrait.
“Hindi ba ‘yan din ang tinitingnan mo three years ago? Ano bang
mero’n dyan sa portrait?”
Hindi pa rin siya sumagot. Napakamot na
ako ng ulo.
“Don’t tell me, type mo ‘yang babae?” Sumagot na sana
siya. Para kong may kausap na estatwa nito, eh.
Tiningnan niya ko. Ng masama. Pero hindi
pa rin siya sumagot. At least, pinansin niya ko.
Tinapik ko ang balikat niya. “I’m just kidding,
insan. Where’s your sense of humor? Naiwan ba sa kung saan?”
Mas lalong sumama ang tingin niya sakin.
Itinaas ko ang kamay ko. “Fine. Fine.
Titigil na po.” Lumayo na lang ako sa kaniya. “Pero seryosong usapan.” Nawala
ang sama ng tingin niya sakin. “I’m very glad that you’re back, insan.”
Simpleng ngiti lang ang ibinigay niya
bago niya ibinalik ang tingin sa portrait.
I sighed. Marami na talagang nagbago
simula nang bumalik siya samin. Para bang naiwan sa kung saan ang kalahati ng
pagkatao niya. Wala naman siyang kinukwento samin simula nang bumalik siya kaya
hindi namin alam kung anong iniisip niya.
Hindi na siya katulad noon na pilosopo,
mayabang at makulit. Dalawa lang ata ang naiwan sa kaniya. Ang pagka-masungit
niya at ka-gwapuhan niya. Pero syempre, dahil magpinsan kami, parehas lang
kaming gwapo.
Ano nga kayang nangyari sa pinsan ko?
Hindi ko din alam. Baka mabaliw pa ko sa
pag-iisip kung ano ‘yon.
Naglakad-lakad na lang sa loob ng bahay.
Nakarating ako sa isang kwarto. I smile curved on my lips. Isang pangyayari ang
bumalik sa isip ko.
- F L A S H B A C K –
Three years ago...
“Ang creepy naman ‘tong bahay na ‘to.” sabi ko habang nakatingin sa lumang bahay.
“Halata
naman.”
Nilingon ko ang pinsan ko. Parehas kaming
nakaharap sa lumang bahay na nadaanan namin.
“May nararamdaman ka ba?” tanong ko sa kaniya.
“Sen.”
may
pagbabantang sabi niya.
“Nagtatanong lang naman.” Tiningnan ko ang bahay. “Tara, pasok
tayo. Hindi natin alam kung kailan tayo makakabalik dito kaya lubus-lubusin na
natin.”
Akala ko tatanggi siya, pero sumunod din
naman siya sakin. Madilim pagpasok namin sa loob ng bahay dahil gabi na. Mabuti
na lang at may liwanag na nagmumula sa poste ng ilaw na malapit sa bahay na
tumatagos sa mga bintana. Pero tanging sa pinakasala lang umaabot ang liwanag.
Inilibot ko ang tingin ko. “Wala man lang
gamit dito. Bakit hindi pa ‘to sirain?”
“Mero’n.”
Napalingon ako sa pinsan ko. Nakaharap
siya sa dingding. May tinitingnan siya. Lumapit ako sa kaniya. “Ano ‘yan?”
“Wala
ka bang mata?”
Pabirong kukutusan ko sana siya sa ulo
nang lingunin niya ko. Ipinangkamot ko na lang sa ulo ko ang kamay ko. Ibinalik
niya ang tingin sa...
Portrait.
“Bakit nandito pa ‘yan?” tanong ko.
“Dahil
hindi dinala ng may-ari. O malamang dahil wala doon.”
Pilosopo talaga ‘tong pinsan ko kahit
kailan! Hinayaan ko na lang siya sa pagtitig sa portrait na parang mero’n
siyang nakikitang kakaiba do’n. Napabaling ang tingin ko sa may bintana.
Kumunot ang noo ko. At napangisi nang may pumasok sa kukote ko.
Kinalabit ko ang pinsan ko. “Insan, may
papasok.”
“Sino?” tanong niya.
“Dalawang babae. Naisip mo ba ang iniisip ko?”
“Ayoko.”
“Ang KJ mo naman. Basta magtago ka na, okay.” Isinuot ko ang
hood ng jacket ko at naghanap ng mapagtataguan. Sa madilim na parte ng bahay
ako napunta. Gamit ang liwanag ng cellphone ko, nakarating ako sa isang kwarto.
Nagtago ako sa likod ng pintuan. Nakapa ko ang madumi at maalikabok na pinto.
Napangisi ako. Ipinahid ko ‘yon sa pisngi ko at sa braso ko.
Ilang minuto ang lumipas nang makarinig
ako ng yabag papalapit. Bumukas ang pintuan. May liwanag akong nakita. Inayos
ko ang hood ng jacket na nasa ulo ko. Yumuko ako. At nagsimulang umarte.
“Tulungan mo ko...” sabi ko sa nakakatakot at mababang
boses.
Tumapat sakin ang liwanag. Nanginginig na
itinaas ko ang kamay ko at dahan-dahang humakbang sa kaniya. Tumama ang kamay
ko sa dibdib niya.
Babae ba talaga ‘to? Bakit parang flat
chested?
Itinuloy ko pa rin ang pagda-drama ko. “Tulungan mo
ko... Nahihirapan na ko... Parang awa mo na...” Itinaas ko ang kamay ko papunta sa leeg niya. May
sumabit sa kamay ko.
“Tulungan—“
“Aaaahhhh!!!!”
Isang malakas na tili ang nagpatigil sa
bibig ko.
“Aaaahhhh!!!!”
Napapikit ako sa tining ng boses niya.
Narinig ko ang mabilis na yabag papalayo. Tinakpan ko ang tenga ko. “Shit naman!
Ang sakit sa tenga!”
Idinilat ko ang mata ko. Mukhang wala na
ang babae. O kung babae nga ba siya dahil sa flat chested niya. Pero babae
talaga siya sa tining ng boses niya, eh.
Saka ko lang napansin na may hawak ang
kamay kong itinaas ko kanina. Kinuha ko ang phone ko at iniliwan ‘yon. “Necklace?” Ito pala yung bagay na sumabit sa kamay ko
kanina. May pendant ‘yon na letter ‘K’.
Lumabas na ko ng kwarto at hinanap ang
pinsan ko. Naabutan ko siya na nakatayo sa bungad ng pintuan ng bahay. “Insan, anong
ginagawa mo dyan?”
Nilingon niya ko. “Natakot sila.”
Humalakhak ako. “Ang galing ko talaga! Narinig mo ba yung
tili ng babae? Makabasag-eardrum, insan.” Kinalikot ko ang tenga ko.
“Natanggal
ata yung mga tutuli kong nakaimbak ng dahil sa tili niya, eh.” Nang
may maalala ako. “Teka, isa lang yung napunta sa gawi ko, eh. Yung isa ba natakot mo?”
“Hindi.”
“Teka lang. nagtago ka ba? Baka mamaya nakita ka din naman nila.
Edi walang kwenta din yung pananakot ko.”
“Hindi
nila ko nakita, okay.”
“Ba’t parang naiinis ka?”
“Umalis
na tayo dito. Baka hinahanap na tayo ng tropa. Bumalik na tayo sa sementeryo.”
Ang KJ naman. “Bakit naman? Manakot pa tayo. Undas naman
ngayon kaya tamang-tamang manakot.”
“Maiwan
ka kung gusto mo. Hindi na ko babalik sa tropa. Uuwi na ko.”
“Ang tagal ng byahe natin, tapos uuwi ka lang?”
Hindi na siya sumagot at lumabas na lang
ng bahay. Napakamot na lang ako ng ulo bago sumunod sa kaniya.
“May naramdaman ka ba sa loob ng bahay?” tanong ko.
“Oo.
Sa may kusina.”
Sabi na nga ba. Nag-iiba ang mood niya
kapag gano’n. Tiningnan ko na lang ang kwintas na nasa kamay ko. Hind naman
siguro mumu ang may-ari nito. Malamang hindi. Nahawakan ko, eh,
“Sen.”
“Ano?”
“Wag
na wag mong ipagsasabi sa tropa na nakaramdaman ako. Sinasabi ko sa’yo.
Bibigwasan kita.” may pagbabantang sabi niya.
Napakamot ako ng ulo. “Oo na. Hindi
ko naman sinasadya yung dati, eh. Nasa’n na kaya yung kaluluwang nakita—”
“Sen.”
“Oo na.” Ibinulsa ko ang necklace na hawak ko.
- E N D O
F F L A S H B A C K -
Napahawak ako sa suot kong necklace. “Nasa’n na kaya
ang babaeng ‘yon?” Inilibot ko ang tingin sa loob ng kwarto. Parang
naririnig ko pa ang makabasag-eardrum na tili niya.
Lumabas na ko ng kwarto at binalikan ang
pinsan ko. Ando’n pa rin siya sa harap ng portrait. “Naestatwa ka na dyan.” Lumapit
ako sa bintana pero bigla rin akong nagtago nang my matanaw akong tao sa labas.
Dalawang babae.
“Wag mo nga kong takutin!”
Ang sakit naman sa tenga ng boses no’n.
“Ayoko ngang pumasok dyan!”
Narinig kong pasigaw na sabi mula sa
labas ng bahay. Mabilis kong nilapitan ang pinsan ko.
“Bakit
ba?”
tanong niya.
“May papasok.” Hinila ko siya papunta ng kusina.
Sumiksik kami sa isang gilid. “Wala ka bang tenga at hindi mo narinig?”
Kinutusan niya ko. “I heard it. Sinong papasok?”
“Girls. Wag ka nang maingay.” bulong ko.
+ + +
[ Jam’s POV ]
“Sino ‘yon?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa gawi ng
bintana kung saan may nakita akong pigura.
“Anong sino, best?”
“I don’t know. Parang may nakita ako sa may bintana.”
Kumapit siya sa braso ko. “Wag mo nga
kong takutin!”
“Hindi kita tinatakot. May nakita talaga ko.” Humakbang ako
palapit ng bahay.
“Uy! Anong ginagawa mo?”
“Titingnan ko lang.” Para kasing hinahatak ang paa ko papasok
ng bahay.
“Ayoko ngang pumasok dyan!”
Napahawak ako sa tenga ko sa lakas ng
boses ni Kim. “You
don’t need to shout, okay. Tanghaling tapat, ang ingay mo. Dito ka na lang sa
labas. Hintayin mo ko.”
“Iiwan mo ko dito?”
“Edi sumama ka.” Humakbang na ko.
Napasunod din naman agad siya sakin.
“Best, paano kung multo yung nakita mo?”
“Natatakot ka?”
“Baka yung multong nakita ko three years ago.”
“How many times do I have to tell you na hindi yun multo? Diba
ang sabi ng classmate natin no’n, may nakita daw siyang lumabas ng lumang bahay
na dalawang lalaki. Tinatawag nga niya tayo kaya lang puro tili ka naman no’n
at hila-hila mo ko. Tinakot lang tayo ng mga kurimaw na lalaking ‘yon.”
“Kahit na. Alam mo namang takot na takot ako no’n. Hindi nga ko
makatulog sa kakaisip sa multong nakita ko, eh. At kung sino man ang multong ‘yon,
I’m very sure na nasa kaniya ang necklace ko.”
Nung binalikan kasi namin kasama ng mama
niya kinabukasan ang nawalang necklace niya sa lumang bahay, wala na kaming
nakita. At simula no’n, hindi na kami pumasok ni Kim ng bahay.
“Wala namang tao, best.” sabi ni Kim. Nasa loob na kami ng bahay.
Nilapitan ko yung portrait. “Nandito pa
pala ‘to.”
“Ano ‘yan? Babae ba ‘yang nasa portrait?”
“Oo. Kaya lang hindi na masyadong malinaw ang mukha niya.
Sobrang dumi na din at maalikabok. Yan siguro yung dating nakatira dito sa
bahay.”
Tinagtag ni Kim ang braso ko. “Best, lumabas
na lang kaya tayo? Dadalawin pa natin si Jenny, eh. Baka magmulto ‘yon satin.”
Kaibigan namin na namatay nung elementary
pa kami ang tinutukoy niya.
“Oo na. Oo na. Aalis na.” Baka atakihin pa
siya sa puso, eh. Namalikmata lang siguro ako kanina sa nakita ko sa bintana.
Inilibot ko muna ang tingin sa loob ng bahay nang makarinig ako nang malakas na
kaluskos.
Napatili si Kim. “Best, ano ‘yon?!” natatakot
niyang tanong.
Nilingon ko ang pinagmulan no’n. Sa may
kusina. Naalala ko. Sa parte ding ‘yon ng bahay ako nakaramdam ng huli naming
punta dito ni Kim three years ago.
Pero bakit ngayon? Bakit wala akong
maramdaman?
“Best, lumabas na tayo!”
Halos hilahin na ako ni Kim palabas ng
bahay.
“Insan naman, ba’t lumabas ka?”
Sabay kaming napahinto ni Kim.
“Narinig mo ba ‘yon?” sabay pa naming tanong.
Sabay din kaming lumingon sa likuran
namin. Sa bungad ng kusina, nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng t-shirt
na blue. At ang isa pang lalaki na naka-black t-shirt.
“Sino kayo?” tanong ni Kim sa kanila.
“Sino din kayo?” balik-tanong ng lalaking naka-black
t-shirt.
“Ako ang unang nagtanong.”
“Answer me first.”
“Ladies first.”
“Hindi na uso ‘yon ngayon. Right, insan?”
Hindi gano’n ang reakyon ko. Ni hindi ko
nga magawang magsalita habang nakatuon ang tingin ko sa lalaking naka-blue. Na
ang mga mata ay nakatutok din sakin.
“Oh... my... ghost...” I murmured.
+ + +
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^