Sunday, October 27, 2013

Oh My Ghost! - Chapter 4



Chapter 4

[ Jam’s POV ]


Inaasikaso pa ang discharge papers and bills ni Julie kaya nagkaro’n ako ng time na makapunta ng restricted area. Hindi kami do’n dumaan nila mama at papa kanina, sa kabilang way kami dumaan.


Lumingon muna ko sa paligid ko to make sure na walang taong makakakita sakin bago pumasok ng restricted area. Hindi ko alam kung sa’n ko hahanapin si Jensen kaya I tried this place.


At ito na naman ang pamilyar na pakiramdam na ‘to. Goose bumps with kilabot factor. Hindi pa ko nakakaliko sa pasilyo kung sa’n kami nagkausap ni Jensen nang mapahinto ako. Bigla akong napalingon sa likuran ko.


“Jensen!” Ilang dipa lang ang layo niya sakin.


“Hi, Jam.”


“Akala ko kung sino.” O mas tamang sabihin, akala ko kung anong nasa likuran ko.


“Hinahanap mo ko noh?”


Umiling ako. “Hindi, ah.” Oo. “Nakikiramdam lang ako dito. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin mapinpoint kung anong klase ba ‘tong nararamdaman ko. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?”


“Break namin kaya tumakas muna ko. I was thinking na sumaglit dito. Baka kasi hinihintay mo ko.”


Waah! “Hindi nga kita hinihintay! Kapal mo!” Nilingon ko ang paligid namin. Change the topic. Baka mahalata. “Bakit ba tuwing kasama kita, kinikilabutan ako?”


“Dahil malakas ang dating ko. Dahil gwapo ako. Dahil—”


“Oo na! Ang yabang mo din.”


Napangiti siya. “So, bakit ngayon ka lang?”


“Madaming projects sa school. Saka sorry kung hindi na tayo nagkita last Sunday. Sa kabilang way kasi kami dumaan ni mama.”


“Hindi ko naman tinatanong, ah.”


“Ang sarap mong batukan alam mo ‘yon?”


“Grabe kang bata ka.”


“Hindi na ako bata!”


“Edi hindi. Basta wag na wag mo akong tatawaging manong o kuya para hindi kita tawaging bata.”


“Oo na.”


Lumingon siya sa paligid namin. Matagal bago siya nagsalita. “Kailan ka nag-umpisang makaramdam, Jam?”


“Makaramdam ng ano?” Ng crush sa kaniya?


“Makaramdam ng kakaiba sa paligid mo.”


“Grade six ako no’n. After kong ma-comatose.”


“Ang sabi daw nila, kapag nasa coma ang isang tao, may tendency na humiwalay ang kaluluwa niya sa katawan niya. May naaalala ka bang nangyari sa’yo habang comatose ka?”


Isang alaala ang bumalik sa isip ko. “Oo.”


“Humiwalay ba yung kaluluwa mo sa katawan mo?”


“Oo.” Unti-unting bumabalik sa alaala ko ang pangyayaring ‘yon. Totoo mang nangyari ‘yon o hindi, hindi ko din alam.


“Anong ginawa mo para makabalik ka sa katawan mo?”


I closed my eyes. “Sinabi ko yung chant na tinuro niya sakin.” Parang sarili ko lang ang kausap ko nang sinabi ko ‘yon.


“Anong chant?”


Napangiti ako ng maalala ko ang chant na binigay ng lalaking ‘yon. “Dapat bukal sa loob mo na sabihin ‘yon. Dapat may tiwala kang babalik ka sa katawan mo. Maniwala kang babalik ka.”


“Pwede kayang gamitin ‘yon ng mga kaluluwang humiwalay sa katawan nila na comatose?


“Oo naman.”


“Pwede ko kayang gamitin ‘yon?”


“Oo naman. Maniwala ka lang. Isipin mo yung mga taong naghihintay sa’yo. Basta—” Mabilis kong idinilat ang mga mata ko. Kumunot ang noo ko. “Anong sabi mo, Jensen?”


Hindi siya sumagot dahil nakapikit siya. Halos isang minuto siyang nakapikit.


“Jensen!”


He smiled. He opened his eyes. “Long time no see, Jam.”


Ano daw? Humakbang siya palapit sakin. Kumunot ang noo ko habang lumalapit siya. Bakit parang may nangyayari na kung ano sa kaniya? At habang ginagawa niya ‘yon, nararamdaman ko ang marahang paghampas ng malamig na hangin sa katawan ko na hindi ko alam kung sa’n nanggagaling. Hanggang sa unti-unting lumalakas ‘yon. Tinatangay na ang buhok ko.


“Jensen, ano bang nangyayari dito?” naguguluhang tanong ko.


Tuluyan na siyang nakalapit sakin. “Alam mo bang trinay ko na ang chant na ‘yon? Pero hindi naman gumana, eh. Alam mo ko kung bakit? Dahil nagdadalawang isip ako kung babalikan ko pa ba ang mundong kinalakihan ko. Dahil sa mundong ‘yon, hindi ko matanggap kung sino ako. Kung ano ako. Dahil hindi ko maramdaman noon ang halaga ko sa paligid ko.”


“Jensen? Anong nangyayari sa’yo? Ano bang sinasabi mo?”


He just smiled nang iangat niya ang kamay niya papunta sa mukha ko. “Sana this time, gumana na. Gustong-gusto ko nang bumalik.”


Hindi ko alam pero nangilid ang gilid ng mga mata ko. “Jensen, bakit parang...” Ni ayaw kong ituloy ang sasabihin ko.


Tuluyan niyang nailapit ang kamay niya sa pisngi ko. Pero nang subukan niyang hawakan ang pisngi ko, para lang ‘yong malamig na hangin na dumampi sa pisngi ko. Kasabay ng tuluyang pagkawala ng malakas na hangin na humahampas sakin ang tuluyang pagkawala








ni Jensen sa harap ko.





Tumahimik ang paligid.


Wala kong maramdaman.


Goose bumps.


Kilabot factor.


Wala.


Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang malakas na pagtibok ng puso ko. Para akong tangang nakatingin sa kawalan. Nanghihinang napaupo ako sa sahig.


“A-anong n-nangyari?” Sunod-sunod akong umiling. “Hindi pwede, to. Hindi ‘to totoo. Panaginip lang ‘to.”


Pero panaginip nga lang ba ang lahat ng ‘to? Dahil ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang pagpatak ng luha ko. At ramdam na ramdam ko pa rin ngayon ang malamig na hangin na humaplos sa pisngi ko.


“Jensen...”


“Miss, okay ka lang?”


Napaangat ang tingin ko sa taong nasa harap ko. Yung babaeng nurse na nakahuli kay Kim dati.


“Restricted area ‘to, miss. Hindi mo ba nakita yung sign? Ang kukulit talaga ng mga kabataan ngayon.”


Hindi ako sumagot.


“At bakit ka umiiyak? Saka sinong kausap mo dito kanina? Bakit nagsasalita ka ng mag-isa?”


When she said those last words, sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko.


“Miss, ano bang nangyayari sa’yo?”


Sunod-sunod akong umiling. “W-wala po.” Kahit nanghihina pa rin ang mga tuhod ko, sinikap kong makatayo. “S-sorry po.” Nagmamadali na kong umalis.


“Ang lakas talaga ng trip ng mga kabataan ngayon. Grabe.”


Narinig ko pang sinabi niya bago ako tuluyang makalayo. Sa restroom ako dinala ng mga paa ko. Walang tao. Humarap ako sa salamin. Pinunasan ko pisngi ko hanggang sa mapunta sa paghaplos ‘yon.


Bakit parang nakadikit na sa pisngi ko ang tila malamig na hangin na dumampi kanina ng subukan akong hawakan ni Jensen?


Wala kong maintindihan sa mga nangyayari.


Sinikap kong pakalmahin ang sarili ko para i-analize ang mga nangyari.


Bumalik sa alaala ko ang una naming pagkikita ni Jensen.


Hiniling ko ng araw na ‘yon na makakita ako ng kaluluwa. At nakita ko si Jensen.


Siya ba ang naramdaman kong kaluluwa do’n sa restricted area?


Kaya ba tuwing napapadaan ako sa restricted area, nakakaramdam ako ng kakaiba at malakas na pwersang hindi ko maipaliwanag dahil kay Jensen nanggagaling ‘yon? Tuwing nararamdaman ko ‘yon, kasama ko siya. Nasa paligid lang siya.


Kaya ba ang weird ng tingin ng mga taong nasa elevator no’n hindi dahil ‘yon sa tagal kong sumakay?


Kaya ba nang habulin niya ko palabas ng hospital at mapalingon sakin ang mga tao, hindi dahil ‘yon sa lakas ng boses ko?


Kaya ba nakatingin at pinagbulungan ako ng mga highschool students sa jeep?


Kaya ba nagtanong si mama kung sinong kinakawayan ko sa elevator?


Dahil sa lahat ng ‘yon, iniisip nilang nababaliw ako. Iniisip nilang ang lakas ng topak ko.


Dahil sa paningin nila, wala akong kausap.


Pero sa paningin ko, nakikita ko si Jensen.


Ako lang ang nakakakita sa kaniya.


Kaya ba hindi siya nakipagkamay sakin?


Kaya ba hindi niya pinindot ang button nang tanungin niya ko kung anong floor ako?


Kaya ba never pa siyang dumikit sakin?


Dahil siguradong tatagos lang siya sa bawat bagay na hahawakan niya.


At kaya ba lagi na lang siyang pagala-gala dito sa hospital dahil...


Ni ayaw kong sabihin ang salitang ‘yon.


Dahil...








Dahil si Jensen ay isa lamang kaluluwa.


Pero bakit? Paano nangyari ang mga ‘to?


Yung mga sinabi niya sakin. Yung mga kinuwento niya. Yung kakayahan niya.


Puro lang ba kasinungalingan ang lahat ng ‘yon?


Wala kong maintindihan.


Bakit niya ginawa ‘to? Bakit hindi niya sinabing isa lang siyang kaluluwa? Bakit pinagmukha niya kong tanga sa harap ng ibang tao? Pinagmukha niya kong baliw.


“Talaga namang nakakatakot dito sa hospital, eh. May ghost na nga, marami pang gumagalang baliw. Alam ninyo ba, narinig ko yung dalawang kasabay ko kanina sa elevator, may nakasabay daw silang babae kanina na kinakausap ang sarili niya.”


Ang sinabing ‘yon ni Kim. Ako ‘yon. Ako ang tinutukoy nila.


Sunod na sunod na pumatak ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng sakit. Hindi ko alam.


“Jensen...”


+ + +

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^