Witchcraft
and Wizardry II: Escape the Fate
Chapter
Twenty Four
-----------------
-----------------
Sumandal
sa kinauupuan si Ministro Eros sa balitang dala ni King Brai nang
sadyain sya nito. Napasapo sya sa ulo, hindi nya alam kung ano ang
isasagot nya habang si King Brain naman ay tahimik lamang na naka-upo
sa harapan nya.
Bumuntung
hininga ang Ministro bago nag-salita. “Katatapos lang ng
kaguluhan sa Tir Na Nog, heto nanaman ang panibagong problema. Hindi
ko na malaman kung ano pa ang gagawin ko.”
“Paumanhin
Ministro Eros, sinubukan kong hanapin ang lumabag sa batas pero hindi
ko na sya makita.”pag-hingi
ng paumanhin ni King Brai.
Umiling
si Minitro Eros. “Kahit pa mahanap natin sya ngayon at
parusahan ng kamatayan, hindi na rin naman mababago pa ang
pang-yayari ngayon.”nanahamik
si King Brai.
Ilang
saglit pa muling nag-salita ang Ministro. “Ano daw ba ang
hinihingi nilang kapalit?”
Ilang
segundo muna bago sumagot si King Brai. “Nais daw nila
ang Elixir na matatagpuan lamang sa lugar ng mga Varcolac.”
“Ano?!”napatayo
sa kinauupuan ang Ministro at naidabog nya ang mga kamay sa lamesang
nasa harapan nya sa gulat. Nag-pakad lakad sya na parang hindi sya
mapakali sa kaiisip sa sinabi ni King Brai. “Napaka-imposible
ng hinihingi nila!”
“Alam
ko po Ministro Eros. Pero nag-banta sila na kung hindi maibigay ang
hinihingi nilang kapalit, ang Tir Na Nog daw ang kukuhain nila at
mapipilitan silang patayin ang susunod na magiging Hari kapalit ng
pagkakapatay sa kasamahan nila.”
Nang-gagalaiting
napatingin si Ministro Eros kay King Brai. Pulang pula na ito sa
galit at nagkukuyom ang mga kamao nito. Wala na itong masabi pa.
Hindi na nya alam kung ano pang gagawin nya. Katatapos lamang kasi ng
gulo pero may paparating nanamang bago. Ano nang gagawin nila ngayong
nasa panganib ang buhay ng susunod na Hari?
-------------
Kei's
P.O.V
------------
------------
Sus!
Ang arte! Kala mo naman kagandahan! Ano ba kasing problema ng babaeng
yun? Nag-papahabol pa! Feel na feel nya namang hinahabol ko sya!
Kaartehan! Daming alam! Taba ng utak!
Ang
arte! Ang arte! Ang arte! Ang arte!
“Kei!
Okay ka lang? Kulang na lang maputol yang puno sa kasisipa mo
eh.”hindi ko pinansin si Jin.
“Wala
akong paki-alam! Sisirain ko talaga 'tong puno na 'to!”
Bwisit!
Bwisit! Bwisit! Bwisit!
“Ano
problema nyan?”narinig kong
tanong ni Laurence kay Jin pero wala akong paki-alam!
Galit
ako! Galit! Galit! Galit!
“Busted
nanaman kasi kay Jay.”
Si Jay... naalala ko nanaman nung
gabing umiyak sya. Putik! Dahil sakin! Dahil sakin! Naba-badtrip
talaga ako!
/
“Bwisit!!!”sinuntok
ko ng malakas yung puno. At sa suntok na yun bumigay sya at dahan
dahang natumba.
“Hala!
Lagot ka Kei! Binali mo yung puno! Pano mo nagawa yun?!”sigaw
ni Laurence pero wala akong pake at hindi ko alam kung pano!
Galit
na galit ako! Galit ako... naiinis ako... sa sarili ko! Langya naman!
Ang corny ng nararamdaman ko ngayon! Bwisit!
“Asan
ba si Jeremy?!”galit kong
tanong sa kanila.
“Umalis,
pupuntahan daw nya si Jay mo sa library.”
Sa
library?
“Hoy!
San ka pupunta?”tawag ni Jin
pero di ko pinansin, tuloy tuloy lang ako sa pag-lalakad.
Takte!
Kailangan ko mag-paliwanag kay Jay! Hindi ko ginusto yun! Yung
malanding Prinsesa lang ang may gusto nun! Ni hindi ko nga ginantihan
yung halik nun kahit na pinagduduk dukan nya sakin labi nya!
Bwisit!
Pag naalala ko yung gabi na yun kumukulo dugo ko! Kung pwede ko lang
bugbugin sarili ko nagawa ko na eh! Badtrip!
“Keiigo!”parang
nag-dilim paningin ko nang may marinig akong pamilyar na boses. Heto
nanaman ang babaeng may kasalanan ng lahat!
Nilingon
ko sya, putik! Kung maka-suot ng damit kala mo pang party pilipinas
ang dating! Ilang beses ko nang sinabi na di ko sya type pero tigas
talaga ng bagul!
“Sinabi
ko na! Hindi kita type! Kaya lubayan mo na ko!”sarcastic
kong sabi.
Pero
martir nievera ata 'tong babae na 'to eh. Napapangiti pa kahit na
isinasampal ko na sa kanya ang katotohanang hindi ko sya type.
“Nung
gabing hinalikan kita, alam kong nagustuhan mo yun. Nahihiya ka lang
na gantihan ako dahil isa akong Prinsesa. At dahil sa nang-yari satin
mas komportable na kong tawaging kang Keiigo.”
Over
sa confindence. “Prinsesa
ka lang, Hari ako. Anong nagustuhan, anong nangyari? Walang nang-yari
satin! Baliw ka ba?”kung
di lang 'to babae nakatikim 'to ng Gomu Gomu no Jet Gatling Gun eh! *the
moves ni Luffy sa One Piece .. ^^
credit||VentureD23
Lumapit
sya sakin na para bang nang-aakit pa. Inilagay nya yung kaliwang
kamay nya sa batok ko tapos yung isa naman pinatong nya sa dib dib
ko. Landi talaga!
“Gusto
mo ulitin natin yun? Keiigo?”hahalikan
nya pa sana ako ulit pero di ko na hahayaang babuyin pa nya mga labi
ko!
Nginitiian
ko sya ng ubod ng tamis, bago ako bumulong... ng spell.
“Agghiacciare.”
at bigla syang nanigas na posisyon nya.
“Kei---Keiigo!
A---nong gina---wa mo?”halos
hindi na sya makasalita dahil nga naninigas sya sa spell ko.
“Siguro
naman lulubayan mo na ko? Pag hindi ka pa tumigil di lang yan
matitikman mo sakin!”banta ko
sa kanya. Pero bago pa sya mag-salita may tumawag na sa likuran ko.
“Kei!”
Putik!
Si Jeremy! Walangya! Kasama si Jay! At bwisit! Naka-yakap parin sakin
ang malanding Prinsesa! Basag nanaman!
Dalawa
silang nakatingin sakin. Judge bubble gum ang dating! Nakita ko
maluha luha nanaman si Jay. Tae naman! Ano ba kasing problema ni Jay?
Bakit panay iyak nya? Nauurat ako pag nakikita ko syang ganyan eh!
“Jay
sandali!”habol ko nung
tumakbo nanaman sya. Nakita kong natumba yung Prinsesa, pero wala na
kong paki-alam! Kailangan ni Jay marinig ang paliwanag ko! Hindi ko
ginugusto ang lahat! Badtrip!
--------------
Jay's
P.O.V
--------------
ANG kapal talaga ng mga mukha! Hindi
pa nakuntento sa ginawa nila noon. Tapos ngayon! Mismong sa public pa
sila nag-lalandian na dalawa! Sa tapat pa ng library!
Hay~heto
nanaman yung feeling na mabigat, nakakpang-lumo, nananakit pa.
Naiinis ako pag nararamdaman ko 'to. Dahil wala naman ako sa posisyon
para maramdaman ko 'to.
“Kainis,
kung mura lang talaga yung Magic Milk na ininom ko nung nakaraan
bibili talaga ako ng kahon kahon nun eh. Hay~”
“Jay!
Ano nanaman ba ginawa ni Kei sayo! Sinaktan ka nanaman ba nya!
Humanda talaga sakin yang mangloloko na yan! Niloloko ka nya! Humanda
talaga sya! Manloloko sya!”
Hindi
ko alam kung sang lupalop galing 'tong si Eleune pero nakakarindi
lang, kasi paulit ulit. “Pwede ba, hindi nga ako niloko
ni Kei dahil hindi naman kami.”
Tama, hindi naman kami. Kaya wala
akong karapatang mag-inarte ng ganito. Pero hindi ko talaga sya
maharap ng maayos. Hindi ko alam kung bakit.
Dahil
mahal ko sya...
Teka! Hindi! Hindi yun totoo! Hindi
ko sya ma...hal. Ayaw ko na nga mag-isip pa!
“Eleune!
Alam mo ba kung san makakabili ng Milk Magic?”tanong
ko kay Eleune, baka sakaling alam nya. Pero mukhang hindi dahil
nag-make face sya. “Di bale na lang.”
“Jay!”napalingon
ako nang bigla nya kong tawagin sa gulat nyang boses. “Wag
mong sabihin na nakita mo ang lalaking yun?!”
Napakunot
ang nuo ko. Kung ang tinutukoy nya ay si Klaud... “Oo,
nakita ko sya. Sya nga ang nag-bigay ng Milk Magic sakin eh.”
Lumipad si Eleune sa harapan ko na
may takot na takot na mukha. Halos maduling na ko sa lapit nya.
Kulang na nga lang ipag-nuknukan nya sakin yung napakaliit nyang
katawan eh.
“Jay!”tawag
nya ulit.
“Ano
nga! Kulit eh!”
“Wag
na wag ka na ulit lalapit sa lalaking yun!”
“Bakit
naman? Mabait naman sya. Binigyan nya pa nga ko ng pag-kain eh.”ano
problema nito ni Eleune?
“Basta!
Makinig ka sakin!”
“Bakit
nga?!”pilit kong tanong.
“Dahil
sisip sipin nya dugo mo hanggang sa ma-drain ka at mamatay!”
“Ano
pinag-sasabi mo dyan?”
“Isa
syang bampira! Jay!”
Para akong nang-lamig sa sinabi ni
Eleune. Kinilabutan ako, at bigla ko ulit naalala yung araw na
nag-kauasap kami ni Klaud. Tama nga ang hinala ko. May kakaiba nga sa
lalaking yun.
Vampire? Shetlungs!
--------------------------
End
of Chapter Twenty Four
...
to be continued
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^