Thursday, April 25, 2013

Mr. & Mrs. Smith with The Smurfs - The Pranks Family : Chapter 1


1: The siblings that sleep in one king size bed together kick asses of one another!


          “Pumpkin wag ka ngang sumiksik jan sa pwet ko, uututan kita jan eh!” reklamo ni Muffin. “Pumpkiiiiin!!!” yung totoo, ano ba meron sa pwit ni Muffin at dun nakasiksik si Pumpkin?

          “Shut the hell up Muffin, tulog ako!” that’s Ginger. “Fuck you Pumpkin, stop snoring like a cow!”

          “Ouch!” that’s Pumpkin, sinipa ba naman ni Pepper. “Damn you Pepper, why’d you kicked me?”


          Si Muffin? Ayun busy na sya sa pagta-thumb-suck nya, favourite past time nya yan kapag tulog. World war seventy five ang magaganap kapag hindi nagtigil ang tatlo nyang kapatid sa kaka-sigaw sa isa’t-isa.

          “You sounds like a pig na dinala sa slaughter house, shut up ok!” sagot naman ni Pepper na tinakpan na ang muka ng unan. “Ginger ano ba, mahuhulog na ako eh!”

          They are the daughters of Mr. and Mrs. Lucian Smith, one of the most powerful young couple in the country, and when I say powerful I also mean rich! Oo mayaman sila, pero sadyang may sayad talaga si Snowy Smith at sa iisang kwarto lang nga pinapatulog ang mga anak nila kapag nasa bahay sila.

          Hindi na nakatiis ang nagpipigil na si Muffin, nadunggol kasi sya ni Ginger na kanina pa usog ng usog. Anong ginawa ng magaling na si Muffin? Ayun isa-isa nyang sinipa paalis ng kama yung mga kapatid nya.

          “PAKYU KA MUFFIN!!!” sabay-sabay na sigaw nung tatlo na hawak-hawak pa ang mga pwet nila.

          Dahil kabilang sina Pumpkin, Ginger at Pepper sa Smith family, at anak pa sila ni Snowy ay hindi naman sila papayag na ganon-ganon na lang yon. Isa-isang maingat na bumaba ang tatlo papunta sa kusina nila, at kumuka ng kawali at kaldero na may kasama pang sandok.

          Malakas ang panalangin ng tatlo na sana ay tulog na ang mga magulang nila, lalo na ang Mame nila na pinag-manahan nilang apat. After they got all the stuff they need, they are all in a hurry na makabalik sa kwarto nila.

          “One…” simula ni Pumpkin.

          “Two…” sunod naman si Ginger.

          “Three!!!” at si Pepper.

          Sabay-sabay nilang pinukpok na tatlo ang kaldero, kawali at sandok sabay kanta ng “When I grow up I wanna be famous, I wanna be a star, wanna be on movies!” habang hinahambalos ng sandok ang hawak nilang kaldero at kawali habang sumasayaw at tumatalon sa water bed na hinihigaan ni Muffin. “When I grow up wanna see the world, drive nice cars, I wanna have movies.” Hala sigi, tuloy pa rin sila sa party nilang tatlo.

▪◊▪The Sleepy POV▪◊▪

          Seriously, kapatid ko ba talaga sila at ganyan sila kalakas mag-trip? Nyemas naman oh, inaantok pa ako eh. Kung plano nilang magpakitang-gilas bakit hindi sila pumunta sa Araneta Coliseum at mag-concert, o kaya naman puntahan nila si Luis at Billy at sumali sa Pilipinas Got Talent, hindi yung pagtulog ko ang ginugulo nila!

          “Pakyu kayong tatlo! Layaaaaaaassss!!!!” sigaw ko sa kanila.

          “Be careful what you wish for cause you might just get it all, might just get it, you might just get it all.”

          Tung inu, sa halip na tumigil at lumayas mas lumala pa. Ginawa na nilang microphone yung sandok, tapos yung mga kaldero ginawang sombrero. Mga adik!

          “Thank you MOA Concert Ground!” sigaw ni Pumpkin.

          “We love you Philippines!” si Pepper naman yang bumanat.

          “Mehal kow ke-yow!” magpapatalo ba naman si Ginger.

          Hindi rin naman ako papatalo sa mga gung-gong na to. “Fuck you all, ghels!” sigaw ko sa kanilang tatlo. Hala sigi, tumalon pa kayo. Magising sana si Mame at Dade.

          Anong oras na ba at ayaw pang magtigil nitong tatlo na to? Whaaaat??? Alas-tres pa lang ng madaling araw? Dapat sa tatlo na to pinapasakan ng tapon sa bibig ng hindi na makapag-ingay eh.

          “Ang baboy mo naman Pumpkin!” sita ni Ginger sa kapatid. “Wala namang ganyanan, ang baho ng utut mo!”

          “Naka-aircon ang kwarto natin Pumpkin, ang bahooo!” reklamo pa ni Pepper.

          Magkaron ka ba naman ng mga kakambal na kagaya nila, ewan ko na lang kung hindi ka matuyuan ng dugo at utak!

          “Buuuuurrrrfff…”

          “Burpppp…”

          “Booooorrrrfffffffppp…”

          “Walang sinabi yung sayo, mahina!” naka-tawa na naka-ngiti pang sabi ni Ginger kay Pepper.

          Syempre hindi magpapatalo ang baboy na si Pumpkin. “Maigsi lang naman yung sayo eh.” Pagmamayabang pa nya.

          “Walang sinabi yang dighay nyo sa dighay ko. Yung burp ko may class!”

          Ulul nitong si Pepper, kailan pa nagkarong class ang pag-burp? Tadu talaga, manang-mana kay Mame. Basta ako kay Dade ako nagmana, simple pero may malakas na dating.

          “Yaaahhhh!!!” araaaaayyyy… pusang di-maanak naman oh. “Tigidig, tigidig, tigidig! Yaaaahhhh!!!”

          Naka-inom na naman siguro si Pumpkin ng isang litrong soda kaya nasa mood na namang mambwisit.

          “Punyeta ka ‘Kin lumayas ka jan sa likod ko kung gusto mo pang mabuhay!”

          Sa ganda ko na to, tama bang gawin akong kabayo? Tingnan ko lang kung maka-ngiti pa kayo ng ganyan kapag naramdaman nyo ang ganti ng api.

          Paker talaga silang tatlo! “Tigidig, tigidig, yaaahhh!!!” sabay-sabay nilang sigaw.

          Bakit ba kasi ako ang trip nila ngayong madaling-araw. Tangna naman kasi, dapat pala hindi ko na lang sila sinipa pabagsak sa lapag eh, napagtulungan tuloy ako.

          “Lumayas kayong lahat sa likod ko! Gusto ko pang mabuhay!” at sinubukan kong tumayo.

          “Pucha naman Muffin, maki-cooperate ka naman! Hindi ka ba masaya at maligaya kami?!” ang maarteng sabi ni Pepper na bumalentong nung sinubukan kong tumayo. “Yiiihaaaa!!!”

          Antok at pasensya, nawa ay sumaakin ang prisensya ninyo. Pero yung totoo, na-miss ko to. Kapag kasi wala sa bahay si Mame at Dade, wala rin kami sa mood lahat na magharutan. Wala kasing sisigaw ng ‘Anak ng pucha naman kayong apat oh, san ba kayo nagmana?’ kaya tahimik lang kaming apat. Pero kapag alam namin na uuwi na sila, umasa ka na parang dinaanan ni Ondoy, Pablo, at Habagat ang kwarto namin kapag nandito sila.

          Biglang kiniliti ni Ginger si Pumpkin sa tenga, kaya ayan parang may surot sa pwet nya, ahahaha. Sa sobrang kiliti nya ayun gumulong pabagsak ng kama.

          “Bwuahahahaha… muka kang alien Pumpkin! Ahahaha!” sinubukan kong tumayo, ayun balentong na naman ang lampang si Pepper. Sakto nadaganan nya ang moody na si Pumpkin. “Ahahahaha, tungunu muka kayong mga palaka!” sige lang Ginger, sulitin mo na yang tawa mo.

          “Ganti ng api!!! Ako si Batman White!” tinulak ko si Ginger papunta kung saan nalaglag yung dalawa. “Humanda kayo!!!!”

          “Hindi ako magpapatalo sayo Batman White! Spiderman Pink!” pakshet talagang bumanat tong si Pumpkin, ibang-iba! “Ibabalot kita sa kulay pink kong sapot.”

          “Magsitigil kayong lahat, nandito na si Iron Girl Violet, ang tagapagligtas ng buong Milky Way!” oh, violet daw. Si Pepper yan, at idol nya talaga si Iron Man. Tadu nga nya, ginawan pa ng isuue na bading daw si Iron Man kasi daw sobrang daldal. “Booooogggsshhh!!!”

          Ang isa pang may sapak na si Pepper hindi rin yan magpapatalo, sino naman kaya ang peg nito? “Tikman nyo ang lakas ng kidlat na dala ko, Yellow Thor!” pfffttt…tantadu talaga tong si Ginger kahit kailan. Yung amin puro may ‘man’ tapos yung kanya si Thor lang. “Bugshuuuuunnngggg…” sound effects daw yan nung kidlat nya.

          Kanya-kanya kaming kuha ng unan, pillow fight! Madaya talaga tong si Ginger naninipa, dapat yata sya si Red Horse eh. Eto namang si Pumpkin talon lang ng talon sa kama at pilit inaabot yung kisame. Si Pepper, ayun tatalon sa kama tapos magpo-pose na akala mo may kukuha sa kanya ng picture na naka-jumpshot. Ako? Bonggang-bongga kung hampasin ko sila sa muka at katawan. Hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nilang pagsira sa oras ng tulog ko.

          “Ganti ng apppppiiiii….waaaaaaaaahhhhh!!!” tumalon ako at saka ako sumakay sa likod ni Ginger. “Uwahahahahaha!!!”

          Si Pumpkin at si Pepper naman naki-sakay naman sa likod ko. Ang ending, si Pumpkin ang nasa pinaka-ilalim dahil matalino si Ginger kaya nagpati-buwal sya patihaya.

          “Ha-ha-hachooooo!” sabay-sabay naming pag-achoo.

          “Gagu kayo, sinong nagpasabog nung unan?” tanong ni Ginger sa aming tatlo? Sino namang tanga aamin sa kasalanan nya, syempre hindi kami yon. “Tara dagdagan pa natin yung mga lumilipad na mga feathers.” At natuluyan na talaga ang pillow fight. Kawawa ako kasi sa kin napunta yung butas ng unan.

          “Ganti ng cute!” Pepper.

          “Himagsik ng sexy!” si Ginger yan.

          “Sugod mga kapatid!” si Pumpkin yan, wala ng iba! “Sugod!” sugurin nga naming tatlo, madali naman kaming kausap eh.

          “Hambalos ng mahinhin!” ako yan, sabay hampas kay Pumpkin sa pwet nya gamit yung unan na hawak ko. “Mabuhay!!!”

          Super enjoy to, nakalimutan ko na dapat tulog ako ng mga oras na ito. Gago kasi talaga tong mga kakambal ko eh, ang lakas mag-trip.

          “WHAT THE FUCK IS GOING ON HERE???!!!”

          “Patay, nagising si Mame!” sabay-sabay naming bulong sa isa’t-sa. “Lagot!”

          “SINONG NAGSIMULA NG GULO? BAKIT NANDITO YANG MGA KALDERO AT SANDOK?”

          “Mahal tulog na tayo, alas-kwatro pa lang eh. Bukas mo na lang sila pagalitan.” Si Dade yun, sabi ko sa inyo sa kanya ako nagmana eh. “Mahal, tara na!” Tiningnan naman ng masama ni Mame si Dade namin. “Sabi ko nga ngayon na diba?”

          Tiningnan kami ni Mame ng nakakalusaw na tingin, akala nya yata madadala nya kami sa tingin lang? Huh! Sa kanya kami nagmana!






8 comments:

  1. Kakatawa tong first chapter na ito! Hahaha!

    ReplyDelete

  2. Aɴɢ sᴀʏᴀ! ᴀɴɢ ᴄᴜᴛᴇ ʙᴀsᴀʜɪɴ!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tenchu!!! Gawa ka na ng acct mo para di ka na anon... :)

      Delete
  3. Ang kULet ng paMiLya prAnkstEr,,, hWaheHe,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. hihihi.. kahit ako natatawa nung ginagawa ko yan..hehe

      Delete
  4. lafness!! yung totoo, 7 yrs old pa lang sila noh?hahhaha.. they already know the word "F" ?????hahaha.seriously!!!! riot to the highest level of mt. everest!!.. relate ako kei muffin! sleepyhead!!

    actually,while reading,tinitingnan ko kung anong smurf ung bawat isa sa kanila.. para hndi ako malito... hahha..

    basag si dade kay mame!! wwossh!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahaha... demi 17 na sila...di nga lang halata sa mga pinag-gagagawa nila...
      si Muffin ang favorite ko sa kanilang lahat.. pero ikaw si Iron Girl Violet..ahahaha...

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^