Thursday, June 6, 2013

Mr. and Mrs. Smith with The Smurfs - The Pranks Family : Chapter Eight


8: Birthday Plans



▪◊▪The Mr. Smith POV▪◊▪



          Yung totoo, talagang kinabahan ako sa nangyari sa anak ko last week at hindi sa kung anong pwedeng gawin ng asawa ko sa mga naka-usap nya. I know she can handle that matter very well, kapag kasi ako ng humarap sa mga iyon malamang sa orthopedic center sila pupulutin.

          “Dade, malapit na kaming mag eighteenth birthday.” Paalala sa akin ni Pepper.

          Sa lahat ng anak ko, si Pepper ang lampa pero pinaka-maarte. Juskong bata yan, ang daming laman na dress ng closet nyan hindi naman lahat ginagamit.

          Si Pumpkin naman ang sala sa init, sala sa lamig kong anak. Sobrang moody nyang bata na yan, manang-mana sa ina nya.

          “Saan tayo pupunta sa birthday namin Dade?” tanong naman ni Pumpy.

          Paniguradong may aapela sa tatlong yan. “Anong saan ka jan Pumpkin? We will celebrate our birthday dito sa bahay, we will have a house party.” See, maarte talaga si Pepper.

          Si Muffin naman ang anak kong mahal na mahal ang lahat ng malambot. Maka-hawak nga lang yan ng asong mataba, yayakapin na nya yun at saka pipikit. Napaka-antukin nyang anak namin na yan, at hindi ko alam kung bakit.

          “Pepper’s right Pumpkin, dito na lang tayo sa bahay mag-celebrate ng birthday.” She seconds the motion. Ang bait nya yata ngayon, walang naiisip na kalokohan. “So we can be well-prepared para sa mga pranks natin.” Hindi pala sya mabait.

          Sa lahat ng anak ko, etong si Ginger lang yata ang kalahati lang ang namana sa Mame nya. Matalino ang isang yan, palibhasa mahilig magbasa ng kung ano-ano, at sya din ang pinaka-matino sa kanilang apat. Mana sa akin yan eh, seryoso sa buhay.

          “Mas masaya kapag sa bahay lang Pumpkin kaya wag ka ng lumayo pa.” talo na si Pumpkin, sa bahay sila magbi-birthday. “Dito na lang tayo, tapos invite natin lahat ng classmates and professors natin.” Sumimangot naman yung tatlo. “Tapos gawa ulit tayo ng time bombs. Ngayon pa lang Muffin tawagan mo na yung mga suppliers mo para mas madami tayong maitanim na surprise.” Fuck, lahat ng anak ko mga baliw.

          Napa-buntong hininga na lang ako sa mga naririnig ko sa kanila. Grabe, hindi ko talaga alam kung bakit sila lumaking ganyan. Hindi naman kami nagkulang sa kanila ng kalinga at pagmamahal ng asawa ko.

          “Ang hindi lang yun Ginger, gagayahin din natin yung sa Nickelodian Awards yung may mga slimes.” Dagdag naman ni Pepper.

          Panigurado may masamang plano na rin yang si Muffin kahit pa mukang kinulang na naman sya sa tulog. “Tapos lahat ng bisita kailangan naka-zombie outfit para mas cool.” See.

          “Tapos tapos yung swimming pool natin dapat kulay red na slimes yung laman tapos dun natin itutulak lahat ng professors and classmates natin para mas masaya ang party.”

          Akala ko ba gustong umalis ni Pumpkin sa birthday nila, pero bakit parang mas gusto na nya ngayon na dito na lang. Gracious God, parang gigibain nila ang mansion namin dahil sa mga pina-plano nila.

          “What do you think, Dade?” sabay-sabay nilang tanong sa akin.

          I really don’t like the idea, puro problema na naman kasi for sure ang makukuha ko jan. But on the other hand, sino ba namang ama ang hindi gugustuhin ang makakapag-pasaya sa mga anak nya? AKO YON!

          “AYOKO NG MGA NAIISIP NINYO PARA SA PARTY NINYO!”

          Tumayo na at lumayas ng living room si Ginger at si Pumpkin, kasunod nito si Pepper.

          “Ok, we will tell our plans na lang to Mame. For sure papayag sya sa dream 18th birthday party namin.” Naka-irap na sabi ni Pepper, at lumabas na rin ito.

          Si Muffin naman ayun, nakadapa sa isang couch at naghihilik na. “Dade gusto ko ng Triple Chocolate cake na kulay white!” parang nananaginip na sabi ni Muffin.

          Ang abnormal talaga ng mga anak ko, pero mahal na mahal ko yang mga iyan. Sila ang bunga ng aming pagmamahalan, pagsisikap, at pagod naming dalawa ni Snowy.

          Speaking of my life, eto na ang maganda kong asawa. “Hi mahal, ano ng balita dun sa Dean ng smurfs natin?” tanong ko agad sa kanya.

          Araw-araw ko syang tinatanong kung ano na ang latest tungkol dun sa nangyari kay Muffin. Hindi talaga ako matatahimik hanggat hindi nagbabayad ang dapat magbayad.

          “Of course, same answer. ‘We are still talking about it’ pa rin ang sagot nila sa akin.”

+++++++++++++++++++++++++++++

          “Its already one week since the incident, but until now wala pa rin kayong ginagawa na kahit na ano?” after Snowy told me na wala pa ring nananagot sa nangyari kay Muffy, sumugod agad ako dito sa Kingsley. “Ganito ba talaga kayo kabagal?”

          Ano, wala mang lang bang balak na mag-salita ang President ng lecheng eskwelahan na ‘to? Shit, ipapasara ko tong eskwelahan na to kapag wala pa ring nanagot sa nangyari sa anak ko.

          “Mr. Smith, we are just following the rules of this University.” Sagot nung VP yata yun. “We just have to have patience.”

          “Following rules? Bakit ngayon natuto yata kayo na sumunod sa rules?” iniinis talaga nila ako, inuubos nila ang pasensya ko. “Bakit kaya hindi naisipan ni Mrs. Brigino na sumunod sa rules ng University na ‘to? Hindi ba nya alam na bawal i-hold ang sino mang estudyante kung wala naman itong ginagawang hindi maganda?”

          “Mr. Smith…” epal naman nung president.

          Tapos ngayon napatulala kayong lahat. “Ano bang ginawa ng mga anak ko? Wala naman diba? Wala nga kayong kahit na anong katibayan na may ginawang labag sa patakaran ng paaralan na ’to ang mga anak ko.” Shit, I want to punch all of them.

          “We are doing all the necessary actions Mr. Smith, all you have to do is wait and have more patience.”

          Wait? “Paano kung may masamang nangyari sa anak ko, anong gagawin ninyo? Let me tell you this school directors, president, and VP’s! Kapag wala pa ring nanagot sa nangyari sa anak ko until tomorrow, hindi ako magdadalawang-isip na kasuhan ang eskwelahan na ito at ipasara. Ayoko ng mangyari pa sa ibang bata ang nangyari sa anak ko dahil lang sa kapabayaan ng mga namamahala nito!”

          Seriously, ipapasara ko talaga ang Kingsley University kapag wala pa ring managot sa mga nangyari. Alam kong pasaway talaga ang mga anak ko, pero hindi iyon dahilan para hayaan ko na lang ang mga nangyari. Alam kong hindi totoo ang mga bintang sa kanila. Paano nga naman mangyayari na sila ang may gawa nung kung nasa Germany kami ng mga panahon na iyon?!

          “Ano nangyari sa sinugod mo, may napala ka ba?” tanong agad sa akin ni Snowy ng makarating ako sa bahay.

          “Ipapasara ko ang university sa oras na wala silang maiharap sa akin na kailangang managot sa nangyari sa anak natin.” Seryosong sagot ko sa kanya.

          “And?”

          “Idedemanda ko silang lahat, we have the best lawyer in town, and you know that.” Seryoso talaga ako sa sinabi ko sa kanila. “Gawan na nila ako ng masama, wag lang nilang kakantiin ang mga anak natin dahil talagang paluluhain ko sila ng dugo dahil sa hirap na ipaparanas ko sa kanila!”

          “Ang swerte talaga ng mga anak ko at ikaw ang Dade nila. You will do anything to protect them, you love them so much.” Ang sweet ng asawa ko diba. “You know what Lucian, kahit na ganyang kapi-pilya ang mga anak natin, hindi ko rin alam kung anong kaya kong gawin sa mga taong magpapa-iyak sa kanila.”

          “Lalo na ngayon Snowy, malapit na silang mag-dalaga. Bakit ba kasi puro babae ang naging anak natin, sana lalake na lang para hindi ko na kailangang bumili ng sandamukal na mga baril para lang maka-iwas sila sa mga posibleng manligaw sa kanila.” Problemang malaki ko talaga yan, paano kapag nasa tamang edad na sila para ligawan.






No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^