1: The siblings that sleep in one king size bed together kick asses
of one another!
“Pumpkin
wag ka ngang sumiksik jan sa pwet ko, uututan kita jan eh!” reklamo ni
Muffin. “Pumpkiiiiin!!!” yung totoo,
ano ba meron sa pwit ni Muffin at dun nakasiksik si Pumpkin?
“Shut
the hell up Muffin, tulog ako!” that’s Ginger. “Fuck you Pumpkin, stop snoring like a cow!”
“Ouch!”
that’s Pumpkin, sinipa ba naman ni Pepper.
“Damn you Pepper, why’d you kicked me?”
Si Muffin? Ayun busy na sya sa
pagta-thumb-suck nya, favourite past time nya yan kapag tulog. World war
seventy five ang magaganap kapag hindi nagtigil ang tatlo nyang kapatid sa
kaka-sigaw sa isa’t-isa.
“You
sounds like a pig na dinala sa slaughter house, shut up ok!” sagot naman ni
Pepper na tinakpan na ang muka ng unan. “Ginger
ano ba, mahuhulog na ako eh!”
They are the daughters of Mr. and Mrs.
Lucian Smith, one of the most powerful young couple in the country, and when I
say powerful I also mean rich! Oo mayaman sila, pero sadyang may sayad talaga
si Snowy Smith at sa iisang kwarto lang nga pinapatulog ang mga anak nila kapag
nasa bahay sila.
Hindi na nakatiis ang nagpipigil na si
Muffin, nadunggol kasi sya ni Ginger na kanina pa usog ng usog. Anong ginawa ng
magaling na si Muffin? Ayun isa-isa nyang sinipa paalis ng kama yung mga
kapatid nya.
“PAKYU
KA MUFFIN!!!” sabay-sabay na sigaw nung tatlo na hawak-hawak pa ang mga
pwet nila.
Dahil kabilang sina Pumpkin, Ginger at
Pepper sa Smith family, at anak pa sila ni Snowy ay hindi naman sila papayag na
ganon-ganon na lang yon. Isa-isang maingat na bumaba ang tatlo papunta sa
kusina nila, at kumuka ng kawali at kaldero na may kasama pang sandok.
Malakas ang panalangin ng tatlo na
sana ay tulog na ang mga magulang nila, lalo na ang Mame nila na pinag-manahan
nilang apat. After they got all the stuff they need, they are all in a hurry na
makabalik sa kwarto nila.
“One…”
simula ni Pumpkin.
“Two…”
sunod naman si Ginger.
“Three!!!”
at si Pepper.
Sabay-sabay nilang pinukpok na tatlo
ang kaldero, kawali at sandok sabay kanta ng “When I grow up I wanna be famous, I wanna be a star, wanna be on
movies!” habang hinahambalos ng sandok ang hawak nilang kaldero at kawali
habang sumasayaw at tumatalon sa water bed na hinihigaan ni Muffin. “When I grow up wanna see the world, drive
nice cars, I wanna have movies.” Hala sigi, tuloy pa rin sila sa party
nilang tatlo.
▪◊▪The Sleepy POV▪◊▪
Seriously, kapatid ko ba talaga sila
at ganyan sila kalakas mag-trip? Nyemas naman oh, inaantok pa ako eh. Kung
plano nilang magpakitang-gilas bakit hindi sila pumunta sa Araneta Coliseum at
mag-concert, o kaya naman puntahan nila si Luis at Billy at sumali sa Pilipinas
Got Talent, hindi yung pagtulog ko ang ginugulo nila!
“Pakyu
kayong tatlo! Layaaaaaaassss!!!!” sigaw ko sa kanila.
“Be
careful what you wish for cause you might just get it all, might just get it,
you might just get it all.”
Tung inu, sa halip na tumigil at
lumayas mas lumala pa. Ginawa na nilang microphone yung sandok, tapos yung mga
kaldero ginawang sombrero. Mga adik!
“Thank you MOA Concert Ground!” sigaw ni Pumpkin.
“We
love you Philippines!” si Pepper naman yang bumanat.
“Mehal
kow ke-yow!” magpapatalo ba naman si Ginger.
Hindi rin naman ako papatalo sa mga
gung-gong na to. “Fuck you all, ghels!”
sigaw ko sa kanilang tatlo. Hala sigi, tumalon pa kayo. Magising sana si Mame
at Dade.
Anong oras na ba at ayaw pang magtigil
nitong tatlo na to? Whaaaat??? Alas-tres pa lang ng madaling araw? Dapat sa
tatlo na to pinapasakan ng tapon sa bibig ng hindi na makapag-ingay eh.
“Ang
baboy mo naman Pumpkin!” sita ni Ginger sa kapatid. “Wala namang ganyanan, ang baho ng utut mo!”
“Naka-aircon
ang kwarto natin Pumpkin, ang bahooo!” reklamo pa ni Pepper.
Magkaron ka ba naman ng mga kakambal
na kagaya nila, ewan ko na lang kung hindi ka matuyuan ng dugo at utak!
“Buuuuurrrrfff…”
“Burpppp…”
“Booooorrrrfffffffppp…”
“Walang sinabi yung sayo, mahina!” naka-tawa na naka-ngiti pang sabi
ni Ginger kay Pepper.
Syempre hindi magpapatalo ang baboy na
si Pumpkin. “Maigsi lang naman yung sayo
eh.” Pagmamayabang pa nya.
“Walang
sinabi yang dighay nyo sa dighay ko. Yung burp ko may class!”
Ulul nitong si Pepper, kailan pa
nagkarong class ang pag-burp? Tadu talaga, manang-mana kay Mame. Basta ako kay
Dade ako nagmana, simple pero may malakas na dating.
“Yaaahhhh!!!”
araaaaayyyy… pusang di-maanak naman oh. “Tigidig, tigidig, tigidig! Yaaaahhhh!!!”
Naka-inom na naman siguro si Pumpkin
ng isang litrong soda kaya nasa mood na namang mambwisit.
“Punyeta ka ‘Kin lumayas ka jan sa
likod ko kung gusto mo pang mabuhay!”
Sa ganda ko na to, tama bang gawin
akong kabayo? Tingnan ko lang kung maka-ngiti pa kayo ng ganyan kapag
naramdaman nyo ang ganti ng api.
Paker talaga silang tatlo! “Tigidig, tigidig, yaaahhh!!!” sabay-sabay
nilang sigaw.
Bakit ba kasi ako ang trip nila
ngayong madaling-araw. Tangna naman kasi, dapat pala hindi ko na lang sila
sinipa pabagsak sa lapag eh, napagtulungan tuloy ako.
“Lumayas
kayong lahat sa likod ko! Gusto ko pang mabuhay!” at sinubukan kong tumayo.
“Pucha
naman Muffin, maki-cooperate ka naman! Hindi ka ba masaya at maligaya kami?!”
ang maarteng sabi ni Pepper na bumalentong nung sinubukan kong tumayo. “Yiiihaaaa!!!”
Antok at pasensya, nawa ay sumaakin
ang prisensya ninyo. Pero yung totoo, na-miss ko to. Kapag kasi wala sa bahay
si Mame at Dade, wala rin kami sa mood lahat na magharutan. Wala kasing sisigaw
ng ‘Anak ng pucha naman kayong apat oh, san ba kayo nagmana?’ kaya tahimik lang
kaming apat. Pero kapag alam namin na uuwi na sila, umasa ka na parang dinaanan
ni Ondoy, Pablo, at Habagat ang kwarto namin kapag nandito sila.
Biglang kiniliti ni Ginger si Pumpkin
sa tenga, kaya ayan parang may surot sa pwet nya, ahahaha. Sa sobrang kiliti
nya ayun gumulong pabagsak ng kama.
“Bwuahahahaha…
muka kang alien Pumpkin! Ahahaha!” sinubukan kong tumayo, ayun balentong na
naman ang lampang si Pepper. Sakto nadaganan nya ang moody na si Pumpkin. “Ahahahaha, tungunu muka kayong mga
palaka!” sige lang Ginger, sulitin mo na yang tawa mo.
“Ganti
ng api!!! Ako si Batman White!” tinulak ko si Ginger papunta kung saan
nalaglag yung dalawa. “Humanda kayo!!!!”
“Hindi
ako magpapatalo sayo Batman White! Spiderman Pink!” pakshet talagang
bumanat tong si Pumpkin, ibang-iba! “Ibabalot
kita sa kulay pink kong sapot.”
“Magsitigil
kayong lahat, nandito na si Iron Girl Violet, ang tagapagligtas ng buong Milky
Way!” oh, violet daw. Si Pepper yan, at idol nya talaga si Iron Man. Tadu
nga nya, ginawan pa ng isuue na bading daw si Iron Man kasi daw sobrang daldal.
“Booooogggsshhh!!!”
Ang isa pang may sapak na si Pepper
hindi rin yan magpapatalo, sino naman kaya ang peg nito? “Tikman nyo ang lakas ng kidlat na dala ko, Yellow Thor!”
pfffttt…tantadu talaga tong si Ginger kahit kailan. Yung amin puro may ‘man’
tapos yung kanya si Thor lang.
“Bugshuuuuunnngggg…” sound effects daw yan nung kidlat nya.
Kanya-kanya kaming kuha ng unan,
pillow fight! Madaya talaga tong si Ginger naninipa, dapat yata sya si Red
Horse eh. Eto namang si Pumpkin talon lang ng talon sa kama at pilit inaabot
yung kisame. Si Pepper, ayun tatalon sa kama tapos magpo-pose na akala mo may
kukuha sa kanya ng picture na naka-jumpshot. Ako? Bonggang-bongga kung hampasin
ko sila sa muka at katawan. Hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nilang pagsira
sa oras ng tulog ko.
“Ganti
ng apppppiiiii….waaaaaaaaahhhhh!!!” tumalon ako at saka ako sumakay sa
likod ni Ginger. “Uwahahahahaha!!!”
Si Pumpkin at si Pepper naman
naki-sakay naman sa likod ko. Ang ending, si Pumpkin ang nasa pinaka-ilalim
dahil matalino si Ginger kaya nagpati-buwal sya patihaya.
“Ha-ha-hachooooo!”
sabay-sabay naming pag-achoo.
“Gagu
kayo, sinong nagpasabog nung unan?” tanong ni Ginger sa aming tatlo? Sino
namang tanga aamin sa kasalanan nya, syempre hindi kami yon. “Tara dagdagan pa natin yung mga lumilipad
na mga feathers.” At natuluyan na talaga ang pillow fight. Kawawa ako kasi
sa kin napunta yung butas ng unan.
“Ganti
ng cute!” Pepper.
“Himagsik
ng sexy!” si Ginger yan.
“Sugod
mga kapatid!” si Pumpkin yan, wala ng iba! “Sugod!” sugurin nga naming tatlo, madali naman kaming kausap eh.
“Hambalos
ng mahinhin!” ako yan, sabay hampas kay Pumpkin sa pwet nya gamit yung unan
na hawak ko. “Mabuhay!!!”
Super enjoy to, nakalimutan ko na
dapat tulog ako ng mga oras na ito. Gago kasi talaga tong mga kakambal ko eh,
ang lakas mag-trip.
“WHAT
THE FUCK IS GOING ON HERE???!!!”
“Patay,
nagising si Mame!” sabay-sabay naming bulong sa isa’t-sa. “Lagot!”
“SINONG
NAGSIMULA NG GULO? BAKIT NANDITO YANG MGA KALDERO AT SANDOK?”
“Mahal
tulog na tayo, alas-kwatro pa lang eh. Bukas mo na lang sila pagalitan.” Si
Dade yun, sabi ko sa inyo sa kanya ako nagmana eh. “Mahal, tara na!” Tiningnan naman ng masama ni Mame si Dade namin. “Sabi ko nga ngayon na diba?”
Tiningnan kami ni Mame ng nakakalusaw
na tingin, akala nya yata madadala nya kami sa tingin lang? Huh! Sa kanya kami
nagmana!
Kakatawa tong first chapter na ito! Hahaha!
ReplyDeletemaraming salamat!!! :)
Delete
ReplyDeleteAɴɢ sᴀʏᴀ! ᴀɴɢ ᴄᴜᴛᴇ ʙᴀsᴀʜɪɴ!
Tenchu!!! Gawa ka na ng acct mo para di ka na anon... :)
DeleteAng kULet ng paMiLya prAnkstEr,,, hWaheHe,,,
ReplyDeletehihihi.. kahit ako natatawa nung ginagawa ko yan..hehe
Deletelafness!! yung totoo, 7 yrs old pa lang sila noh?hahhaha.. they already know the word "F" ?????hahaha.seriously!!!! riot to the highest level of mt. everest!!.. relate ako kei muffin! sleepyhead!!
ReplyDeleteactually,while reading,tinitingnan ko kung anong smurf ung bawat isa sa kanila.. para hndi ako malito... hahha..
basag si dade kay mame!! wwossh!
ahahaha... demi 17 na sila...di nga lang halata sa mga pinag-gagagawa nila...
Deletesi Muffin ang favorite ko sa kanilang lahat.. pero ikaw si Iron Girl Violet..ahahaha...