Thursday, June 6, 2013

Mr. and Mrs. Smith with The Smurfs - The Pranks Family : Final Chapter


10: Happy Birthday!!!




▪◊▪The Author’s POV▪◊▪



          Super excited na si Snowy kasi debut na ngayon ng mga pasaway nyang mga anak. Kahit na alam nya na ayaw nung apat ng party, hindi pa rin sya nagpa-pigil sa pag o-organize ng isang bonggang birthday party para sa mga prinsesa nila ni Lucian.


          Samantala, yung apat na may birthday ay nandoon pa rin sa detention room. Dun sila natulog na apat dahil may ginawa na naman silang kabalbalan.

*FLASHBACK*

            “Birthday na natin bukas, ibig sabihin nun dalaga na tayo.” Hyper na sabi ni Pepper.

            “At bilang dalaga na tayo bukas, salubungin natin ang birthday natin ng isang masayang… INUMAN!!!” isang napatinong suggestion mula kay Pumpkin.

            Nag-spark naman yung mata nung tatlo sa narinig, first time nilang mae-experience ang pag-inom ng alak.

            “Eh saan tayo kukuha ng alak? Mamaya mahuli tayo ni Mame o kaya ni Dade, dito pa tayo sa detention room nag-celebrate ng birthday.” Takot na sabi ni Ginger.

            Si Muffin naman ang sumagot sa sinabi ng kapatid. “Ano ka ba naman Ginger, hindi naman tayo tanga para magpahuli sa kanila noh. Syempre kukuha lang tayo ng alak kapag alam nating tulog na sila Mame. Konting utak naman Ginger. Magiging dalaga ka lang bukas nabawasan na utak mo.” Mahabang sagot nito.

            “Eh anong pulutan natin?” tanong ni Pepper. “Pwede ba nating gawing pulutan ang chocolates?”

            Wala namang sumagot sa tatlo nyang kausap. Ano din bang malay nung mga kapatid nya, ngayon nga lang nila mae-experience ang pag-inom ng alak eh.

*END OF FLASHBACK*

          Kaya nga hanggang ngayon naka-nganga pa rin yung apat at naghihilik. Hindi pa rin naman binibisita ni Madam Snowy ang mga anak dahil nga busy ito sa surprise party na hinahanda nya para sa mga anak. Hindi man lang nga nya kinonsider yung suggestion nung apat nyang baliw na anak.

          “Yung mga pagkain na napili ko, nasimulan nyo na bang lutuin?” tanong ni Snowy sa kausap sa telepono. “What? Maka-kain kaya yan ng dinner? Ngayong araw ang birthday ng mga anak ko at hindi bukas o sa isang araw. NGAYON ANG BIRTHDAY NILA!!!”

          Nahigh-blood na naman si Snowy Johansson Smith, kawawa lahat ng nasa paligid na ngayong tumaas na naman ang BP nya. Sunod nyang tinawagan yung napili nya para gumawa ng mga souvenirs.

          “This is Mrs. Snowy Smith, ano ng status ng mga souvenirs na ipinapagawa ko?” tanong nya agad dun sa sumagot. “You, what? Anong akala nyo sa pamilya ko, small time para i-least priority nyo? Kayang-kaya kong bilin yang kumpanya ninyo.” See, high-blood na talaga sya. “But don’t worry, hindi ko naman yan bibilin dahil walang kwenta yang kumpanya ninyo, hindi ako kikita ng milyones jan. Ipapasara ko na lang yan!” at tinapos na nito ang tawag.

          “Fuck! I just want this party to be perfect, pero sa lahat na lang may problema. Leche talaga!”

          Yung magaling naman nyang asawa na si Lucian, mas pinili na lang pumunta sa trabaho kesa saluhin lahat ng init ng ulo ng asawa nya. Kahit naman sino ganon ang gagawin kapag si Snowy Johansson na ang nainis. Mas gugustuhin mo pang mag-kulong sa loob ng sauna bath kapag summer kesa ma-experience ang init ng ulo ni Snowy.

          Pinuntahan na ni Snowy ang mga anak nya sa kwarto nito, sa detention room. Pagbukas na pagbukas pa lang nya ng pinto, kumapit na agad sa ilong nya yung amoy ng alak na ininom ng sutil nyang mga anak. Mas lalong nag-init ang ulo nito dahil sa nakitang kalat ng kwarto. Nandyan yung mga bote ng alak na nasa sofa, balat ng chocolates sa side tables, popcorn na naka-kalat sa buong kwarto, at mga damit sa lahat ng sulok ng kwarto.

          “Snowy, cool ka lang. Birthday naman ng mga anak mo kaya kalma lang, pagbigyan mo sila.”

          Yun na lang ang nasabi ni Snowy sa sarili nya. Abot hanggang langit ang pagpapakalmang ginagawa nya sa sarili, kailangan nyang kumalma kung ayaw nyang magkaron ng one hundred seven signs of aging.

          “Mga anak gumising na kayo.” Malumanay na sabi nito, kaya hindi gumalaw yung apat. “Gumising na kayo.” Sabi ulit nito na konting diin, konti lang. Dedma pa rin yung apat, at sinisimulan na ni Snowy na tumawag sa Santo na pwedeng magbigay sa kanya ng pasensya. “GISING NA!!!” pero nabigo sya dahil hindi nya alam kung sino ang Santo na nagbibigay ng pasensyang kailangan nya!

          Matitigas na bungo ng apat kasi nga dalaga na sila, hindi sila nadadaan sa hiyaw ng Mame nila. Matapang lang sila ngayong tulog kasi nga naka-inom sila, ewan ko lang kapag nagising na sila.

          “Hindi ba talaga kayo gigising na apat?”

          Walang pumasin sa may topak na si Snowy, kaya naman lumapit sya sa ref na nasa loob ng kwarto para kumuha ng malamig na tubig para ibuhos sa mga anak. Wala ng plano si Snowy na tuparin ang pangako nya sa sarili na magiging mabait sya kahit ngayong araw lang.

          “Ano ba namang klaseng ref to, walang laman!”

          No choice naman na ako kundi hilahin na lang sila kesa bumaba pa at kumuha ng tubig pang-gising sa kanila. Isa-isa ko silang hinila sa paa, pabagsak sa carpeted floor ng kwarto.

          “Anak ng pechay naman Pumpkin, tamang trip ka na naman eh.” biglang sigaw ni Muffin na nakapikit pa rin kahit na muntik ng tumalbog yung ulo nya sa sahig. “Tumigil ka na Pumpkin kung ayaw mong masaktan!”

          Si Pumpkin naman yung hinila ko. “Kailangan nananakit agad Muffin? Hindi ko nga hinahawakan buhok mo eh.” gaaaaahhhh, bakit ganito ang mga anak ko?

          “Wag nyo nga akong idamay na dalawa sa alitan nyo! Busy ako wag nyo akong abalahin.”

          Si Ginger naman yan, at hindi ko pa sya hinihila pero nag-react na agad sya. Paanong hindi, sinipa sya si Pepper na feel na feel ang pag-nganga nya habang tulog. “Sipain ko nga si Ginger pabagsak ng kama nila, ewan ko na lang kung hindi pa magising ‘to.” Malakas na sabi ni Snowy sa sarili.

          At sinipa nga ng magaling na si Snowy ang anak. Siguro naman hindi na kayo magtataka kung bakit masyadong isip bata ang Smith Quadruplets, may pinagmanahan naman sila eh.

          “Taena nyo, sinong sumipa sa’ken?” pasigaw na tanong ni Ginger, pero wala ni isa sa mga kakambal nya ang sumagot. “Ah ganon!”

          Hindi nakita ni Ginger ang pinagmanahan nilang ina dahil dali-dali itong nagtago sa kung saan. Samantala, si Ginger naman ay isa-isang hinila ang paa ng mga kaparid nya para kumaskas ang mga muka nito sa mabahong carpeted floor ng kwarto nila. Yan ang kapangyarihan ni Yellow Thor.

+++++++++++++++++++++++++

          Kung buhay pa siguro si Michael Angelo at Leonardo Da Vinci, hindi rin nila maipipinta ang pagmumuka ni Snowy. Kasi naman, wala ni-isa sa mga binalak nya sa perfect debut party para sa apat ang nangyari.

          “Don’t frown Mame, you really look so horrible.” Maarteng sabi ni Pepper.

          Si Pumpkin naman ay tinabihan ang Mame nya at saka nagsalita. “Alam mo kasi Mame, wala ka po talagang talent para sa mga ganyan. Alam mo ba Mame kung ano ang talent mo, yun ay ang gumawa ng kalokohan at paibigin si Dade.” Mahabang sabi nito na agad namang sinigundahan ni Muffin.

          “Opo nga naman Mame, kaya naman Mame dahil sa nagmana kami sa inyo ay may naisip na kaming magandang plano.”

          Napatingin naman silang lahat kay Muffin, the other four doesn’t have any idea kung ano ba ang sinasabi nitong si Muffin. Ipinaliwanang naman ni Muffin kung ano ang naisip nya para ma-celebrate nila ang birthday nilang apat na masaya pa rin kahit na walang party.

++++++++++++++++++++++++++

          Samantala, abala naman si Lucian sa kaka-basa ng kung ano-anong report. Sa totoo lang wala namang naintindihan si Lucian sa mga binasa nya kunwari, gusto lang nya talagang maiwasan na maging taga-salo ng lahat ng init ng ulo ng asawa. From the very beginning, alam na nya na walang patutunguhan ang binabalak ng asawang si Snowy na party para sa quadruplets nila. He knows, ilang taon na silang mag-asawa at ilang beses na rin nyang nakita ang kinahantungan ng mga pinlano ni Snowy na party, nganga!

          “Julia…” sagot nito sa telepono.

          “Sir nasa line 3 po yung isa nyong anak, kailangan daw po kayong maka-usap.” Imporma ng sekretarya ni Lucian.

          “Ok, thanks.” At ibinaba na nito ang telepono, at agad dinampot kung saan naka-connect ang tawag ng anak. “Hello,” malumanay na sagot nito. Takot lang nya nab aka mamaya ginoyo lang ng asawa nya ang sekretarya nya.

          “Dade, dade… uwi ka na…” dalaga na ang anak ko, pero kung makapag-baby talk ang cute pa rin. “Lalayas na daw si Mame, niloko mo daw sya.” Si Pumpkin.

          “Dade nakita ka raw ni Mame na may kasamang ibang babae, she hates you so much daw.” Si Ginger naman yon.

          Sino naman kaya ang susunod na babanat? “You’re so kadiri daw Dade, wala ka daw taste. Ipagpapalit mo lang daw si Mame, bakit sa isang pangit na babae pa daw. Your so yucky kadiri to death, Dade.” Siguro naman alam nyo kung sino ang nagsalita, ang maarteng si Pepper.

          “We will go with Mame, Dade. We just called to inform you that we will leave you alone, not alone at all since you have that yucky girl.” Bakit parang nahawa na yata si Muffin sa kaartehan ng isa nyang kakambal? “Bye Dade, see you when you see us.” And they hang-up.

          Hindi naman agad na-gets ni Lucian ang pinag-sasabi ng mga anak nya. Sya, may kasamang ibang babae? Kailan nangyari yon at saan? Mga tanong ni Lucian sa sarili pero wala talaga syang mahagilap na sagot. Sa takot nga na baka layasan sya ng asawa at mga anak, nagmamadali nyang kinuha ang coatat patakbong lumabas ng opisina.

          “Julia, cancel all my appointments for ttoday and tomorrow. I’ll call you if there are changes on my schedules again.” Hindi na nito hinintay na magsalita ang sekretarya, at dali-daling lumayas doon. “Ano na naman ba ang pakulo nyong lima?”

++++++++++++++++++++++++++++

          “In five… four… three… two… one!!!”

          “Snowy! Quads!”

          Pagpasok na pagpasok ni Lucian sa mansion nila, agad nitong hinanap ang mga anak at ang asawa, pero kasabay ng pagtawag nya sa mga ito ay ang napaka-priceless na tawanan ng mag-iina nya!

          “Sabi ko sayo Mame eh, ang galing ko diba?!” nagmamayabang na sabi ni Muffin sa ina habang naluluha pa rin kakatawa. “Snowy! Quads!” at ginaya pa nito ang tawag sa kanila ni Lucian pati na rin ang malaking boses nito.

          Mas lumakas pa ang tawanan ng mga babae sa buhay ni Lucian, while him turn into scarlett red dahil sa pagkapahiya, takot, at lahat na ng pwede nyang maramdaman.

          “M-mahal! Hahaha, now I know!” panimula ni Snowy habang lumalapit sa asawang namumula. “Patay na patay ka talaga sa alindog na taglay ko.” At hinalikan nito sa pisngi ang asawa.

          “Yuuuuucccckkkk, go to your room oldies!” sabay-sabay na sabi nila Pepper, Pumpkin, Ginger, at Muffin sa mga magulang. “Nakaka-diri kayo!”

          “Don’t do that again, Mrs. Smith.” Sabay yakap ni Lucian sa asawa na ngayon ay kakulay na nya. “I’ll spank you big time kapag inulit mo pa ang ganong klaseng joke.”

          “So Dade feeling mo ikaw si Christian Grey?” tanong ni Ginger sa ama.

          Yung tatlo naman na kakambal nya ay naglapitan agad kay Ginger with ‘how did you know Christian Grey?’ look. Ibig sabihin ba noon naloko din ang isa sa quadruplets sa Fifty Shades Trilogy na yon?

          “Pahiram ako nung libro mo!” sabay-sabay na namang sabi ng tatlo.

          “Bente arkila isang araw.” Sagot naman ng negosyanteng pulpol na si Ginger.

          Natuturete naman na si Lucian Smith sa kaka-daldal ng mga anak nya. “Magbihis kayong apat, pati na rin ikaw mahal!” biglang utos nito. Binigyan lang sya ng mga babae ng ‘saan mo kami dadalin?’ look nila. “Kakain lang tayo, baka nakakalimutan nyo, birthday nyong apat.” at nagmamadaling tumakbo ang apat papunta sa kwarto nila para maligo at mag-bihis.

          Tiningnan lang naman ni Mrs. Smith ang asawa. “Bakit hindi ka nagtataka na wala ng party today?” tanong nito sa asawa habang naglalakad papunta sa kwarto.

          “I should have know, ilang taon na tayong kasal. It means ilang taon na rin akong saksi sa unsuccessful party na ikaw ang organizer.”

++++++++++++++++++++++++++++++

          Sa Wakamatsu Yakiniku naisipan ng pamilya na kumain, since they are all craving for Japanese foods. Ng tapos na sila ang quads sa pagkain ay lumabas muna sila ng kainan na iyon para bumili ng kanilang favourite ice cream from Golden Spoon.

          “Patikim naman ako nyang sayo Ginger.” Habang ine-extend ni Pumpkin ang dila at nguso nya palapit sa ice cream na hawak ni Ginger. “Wag kang malikot, sige ka masusubo ko lahat yan.”

          Samantalagang si Muffin naman ay hindi magkandatuto kung paano matitikman ang ice cream na hawak naman ni Pumpkin na kasalukuyang naglilikot dahil nakiki-tikim ito ng ice cream kay Ginger. Sa pagka-inis ni Muffin ay bigla nitong inagaw ang ice cream ng kapatid at saka ipinalit ang kanya. Oh kita nyo na, nakangiti na sya pati ang mata at taste buds nya.

          “Anong flavour ice cream mo Pepper?” tanong ni Ginger dito.

          “None of you business Gingy, I won’t share this.” Masungit na maarteng sagot ni Pepper. “Not unless ibibigay mo sa akin ang one-third ng Patchi chocolates mo sa bahay.” At tango lang ang isinagot ni Ginger sa kapatid.

          Dali-daling ibinigay ni Pepper ang ice cream nya kay Ginger, at iniabot na rin nito ang hawak na ice cream sa matakaw na si Pumpkin. Pagkabigay naman ni Ginger ng ice cream kay Pumpkin ay agad na inagaw nito kay Pumpkin ang ice cream na ibinigay sa kanya ni Muffin.

          Wala na silang problemang apat, nakuha nilang lahat ang gusto nila. Kaya naman naglakad na sila pabalik sa restaurant kung saan nila iniwan ang mga magulang. Sobra silang nasasarapan sa kinakain, kaya naman hindi nila masyadong nabibigyan ng pansin ang nasa paligid, pati na rin ang mga nakakasalubong nila.

          “Ice cream!”

“Ooohh!”

“Shit!”

“Fuck!”

“My ice cream!”

“My soda!”

“Ang shoes ko!”

“Fuck ang lagkit!”

Lahat sila may kanya-kanyang reaksyon sa mga nangyari, dahil lahat sila ay na-perwisyo dahil sa kanilang unexpected collision. Kung yung apat na babae ay may mga hawak na ice cream, yung apat na lalake na magka-kaibigan ay may hawak na kanya-kanyang drinks. Resulta, yung ice cream nung apat na-shoot dun sa iniinom nung apat na lalake na kabungguan nila.

“Wow! Float!” sabay-sabay na sabi ng quadruplets. At kanya-kanya silang kuha ng baso na hawak pa nung apat na lalake. “Salamat.” At nagsimula na ulit silang humakbang pabalik sa kanilang mga magulang.

“Hey!” sabay-sabay na tawag nung apat na lalake sa smurfs.

“Hindi nyo ba kami kilala?” tanong nung isa sa apat.

“Hindi!” sagot naman nung apat na babae.

“Saang bundok ba kayo galing?” tanong na naman nung isang lalake.

“Ahm, nakarating na kami sa Himalayas mountain, sa Mt. Everest, at sa Mt. Pinatubo, pili ka na lang kung alin ang gusto mo.” Pilosopong sagot ni Muffin na hindi man lang nag-abala na tingnan ang kausap.

“We are the Naughty-cal boys and you don’t know us?” maarteng sabi nung isa pang lalake.

Tiningnan naman ni Pepper yung huling nagsalita, at saka ito binigyan ng isang malawak na ngiti. “Kami naman ang power puff girls’ kasama si Mojo-jojo.” Sabay turo nito kay Ginger.

“Tungunumu Pepper!” biglang sabi ni Ginger ng makita na sa kanya ito naka-turo. “May itatanong pa ba kayo, kasi ung wala na mawalang-galang na sa inyo at aalis na kami.”

At sabay-sabay na tumalikod ang mga babae, at naglakad palayo sa apat na lalake na ang tawag nila sa kanilang grupo at Naughty-cal boys.

“Type ko yung naka-violet!”

“Ako type ko yung naka white.”

“Akin yung naka-yellow ha!”

“Oh sige, basta sa akin yung naka-pink.”

Tig-iisang pili nung apat na bugok sa mga babae na tumangay ng mga iniinom nila.



2 comments:

  1. aY tApOs n,,, mCcMuLaN q n xAh baSahiN,,, hwaHohO,,,

    ReplyDelete
  2. oh eeemmm jiiii!!! its already finished!! ill read this again.. hahha..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^