Tuesday, April 30, 2013

Mr. and Mrs. Smith with The Smurfs - The Pranks Family : Chapter 2


2: Monster Mame


▪◊▪The Brainy POV▪◊▪




          “Detention!”

          When Mame said detention, it means one day kaming hindi makakalabas ng kwarto. Kung inaakala nyo na basta lang kaming hindi lalabas ng kwarto, nagkakamali kayo.

          “Mame naman ee, minsan lang naman to eh.” Umaapela pa talaga si Pepper.

          Kung ako sa kanila, hindi ko na uulitin ang umapela. The last time Muffin appeals, ayun isang linggo syang hindi pinakain ni Mame ng favourite nyang carrot juice.

          “Tulungan nyo kaya akong magdahilan na wag tayong ikulong dito? Ginger, tulungan mo naman ako.” Pepper just shut the hell up, that won’t help. “Gusto mo bang maamoy ang nakakamatay na utut ni Pumpkin buong magdamag?”

          Shet, ipit naman ako sa desisyon. Gustong kong magdahilan kay Mame kasi ayokong maamoy yung mabantot na utot ni Pumpkin buong araw, mawawalan ako ng ganang kumain.

          “Oh, bakit naman kailangang isingit pa yung utut ko Iron Girl Violet?” pfffttt, hindi maka-get-over ang bruha sa laro. “Baket, saan ka naka-amoy ng utut na mabango? Iharap mo sya sa akin at sasambahin ko sya.”

          Syempre hindi naman kayang manahimik ni Muffin, ayaw rin nya ang amoy ng utut ni Pumpkin eh. “Teka lang…” prrrrffffttttt… tung inu, umutot ang gaga. “Amuyin mo nga Pepper at Ginger kung mabango utut ko, para samabahin ako nitong si Batman White.”

          Si Dade naman di ko maintindihan yung itchura, lukot pero naka-ngiti. Nahawa na ba sya sa kabaliwan ni Mame? Naku, mukang wala ng pag-asa ang pamilya namin.

          “Si Yellow Thor tahimik, sya na lang sisihin natin mga kapatid.” Gagung Pumpkin to, anong akala nya, isang daang milya layo nya sa akin. “Mame, si Ginger po ang nagsimula ng gulo, kaya sya lang dapat ang maparusahan!”

          Tengene! “Tama po yun, tama po yun!” tengene nyo Pepper at Muffin, dadaganan ko kayo mamaya.

          “Pucha kayong apat, sabihin nyo nga sa akin… kanino ba kayo nagmana at ganyang kayong kakukulit? Huh?!” tumigil silang tatlo sa pagkaka-isa nilang pagka-isahan ako, sumigaw na ang mahal na kondesa Snowy eh. “Sumagot kayo!!!”

          Si Dade lagi kami nyang tinuturuan na maging matapat, kaya naman tinuro namin ang pinag-manahan namin.

          “Sayo po!!!” sabay-sabay naming sagot na apat, habang nakaturo sa kanya. Tiningnan nya kami ng masama. “Yun po yung sabi ni Dade eh!” dugtong namin bigla, nakakatakot kayang tumingin si Mame.

          After nung biglang humarap si Mame kay Dade. “Sa kanila ka tumabe, walangya ka!” at naglakad na si Mame papunta sa kwarto nila. Yes! Nakalimutan na nya yung tungkol sa parusa naming apat. “The five of you, to the detention room!”

          “What? Bakit pati ako nadamay sa kanila? Wala kang katabing matulog, for sure giginawin ka, mahaaaaalll!” tanong ni Dade.

          Hinila na namin ni Muffin si Dade papasok ng kwarto, habang si Pumpkin at Pepper tinutulak naman sya.

          “Wag ka na pumalag Dade, hindi ka uubra sa mahal na reyna!” nasabi ko na lang sa kanya. “Batas yan Dade, wala tayong laban.”

          Pagkapasok naming lima sa kwarto, agad humiga si Dade. “Dade, may dalaw na naman si Mame no? Ang init na naman kasi ng ulo nya…sobra.” Sabi ni Muffin habang humihiga sa tabi ni Dade.

          “Dade, kwento mo naman sa min kung pano kayo nagkakilala ni Monster Mame.” Si Pepper na chismosa yan.

          “Ang chismosa mo talaga Pepper!” comment ko.

          Di naman nya ako pinansin, si Dade pa rin ang kinukulit nya. “Sige na Dade, kwento mo na. Promise, hindi ka namin tutulugan.” Lukaret, tulog na kaya si Muffin. “Taragis naman tong si Muffin eh, patay-gutom sa tulog. Matulog na nga lang din tayo Dade!”

▪◊▪The Moody POV▪◊▪

          Ibang klase talaga ang trip naming magka-kapatid kapag nagkasama-sama, ayan tuloy kulong kami ng isang buong araw. At dahil kasama naman namin si Dade sa detention room, ok lang.

          “Pumpkin, sampolan natin si Dade nung bago nating natutunan.” Si Pepper yan. “Sabihin mo kila Ginger.”

          Ako naman tong magandang utu-uto sumunod sa sinabi ni Pepper. “Ginger, Muffin, sampolan daw natin si Dade nung bago nating natutunan.”

          Eto namang dalawang beluga kong kapatid game na game naman. “Game ako jan!” sagot ng mautak na si Ginger.

          “Game, game, game!” si Muffin naman yan, super excited.

          Bilang dito na pinatulog ni Mame ang Dade namin, wala na syang choice kundi ang matulog sa magulo naming kama. At habang tulog si Dade, hinanda na namin yung surprise namin sa kanya.

          Bilang si Pepper yung talagang gustong matuto nun, sya ngayon ang taga-utos, tapos kaming tatlo naman ang taga-gawa ng inuutus nya. Subukan lang ni Pepper na samantalahin ang sitwasyon, papaduguin ko ilong nya.

          “Yan Pumpkin, jan mo lagay yan. Saktong-sakto yan kapag bumangon si Dade mamaya.”

          “Gano ka naman kasigurado na dito sya bababa? Tungak ka naman Pepper eh, hindi naman natin alam kung pano bumangon si Dade.” Tama naman ako diba? Tatadjakan ko talaga tong si Pepper eh, hindi naman sya si Ginger eh, nagmama-asim na matalino ang bruha. “Ginger ikaw na nga lang mag-isip, nung nabaldog kanina si Pepper tumalon din yung utak nya eh.”

          “Eh bakit ako, hindi naman ako nakapanood nung video na yun. Si Muffin na lang, silang dalawa ni Pepper magka-jamming sa panunuod nun eh.”

          “Ako, ako, lagi na lang ako. Nananahimik ako dito ako lagi nakikita nyo.” Aktres ang kakambal ko, gusto yata mag-artista.

          Si Pepper naman na saksakan ng daldal, umariba na naman. “Muffin, look at me.” Tingin naman si Muffin. “Look at Ginger.” Tingin ulit ang antuking si Muffin. “And finally, look at Pumpkin.” Tiningnan din nya ako, sabay hikab. Bastos na bata. “Kita mo ba? Kahit saan ka tumingin nakikita mo ang sarili mo, luka-luka! Wag kang um-emote jan at baka sungalngalin kita.”

          Natawa naman kaming dalawa ni Ginger sa sinabi na yun ni Pepper. Oo nga naman, kapag tiningnan mo yung isa para mo na ring nakita yung sarili mo, para ka na ring humarap sa salamin. But I want to clarify, mas maganda ako sa kanilang tatlo.

          “Tengene nyo, ano ba kasi talaga yung binabalak nyo? Gawin na kaya natin kasi anong oras na oh, ilang oras na lang babangon na si Dade.” Bwisit na suggestion ni Muffin, kunwari pa sya na malapit ng magising si Dade, eh gusto lang naman talaga nyang matulog.

          “Kilos na, kilos na! ang kukupad nyo naman eh.” Si Ginger naman ngayon ang taga-utos. “Yung naisip ko na lang yung gawin nating surprise kay Dade, for sure mas magandan yun kesa sa gusto ni Pepper.”

          Hindi ba pwedeng maging mas matalino at mautak ako ng isang buong araw para ako naman ang mag-uutos sa kanila, para sila naman ang alila ko? Puchang buhay kasi to, lagi na lang ako ang kawawa.

          “Yan, lagay mo jan.” utos nya kay Muffin. “Taena Muffin, bilisan mo naman.” kabagal naman kasing kumilos ni Muffin, parang zombie lang. “Oh ikaw Pumpkin, iyan naman hawak mo lagay mo dun sa may pinto.” Sunod naman agad ako, baka bugahan nya ako ng apoy eh. “Pucha ka Pepper, ayusin mo naman yan, masyadong halata eh.”

          “Paker ka Ginger, subukan mo pa kayang lakasan yang bibig mo para magising na si Dade ng hindi pa tayo tapos sa surprise natin sa kanya.” Eh kasi naman, maka-sigaw wagas. “Bilisan na lang natin, malapit ng sumikat ang araw dilat pa tayo.”

          Si Muffin after nung inutos sa kanya ni Ginger tumabi na ulit kay Dade. “Oh, tapos na tayo. Matulog na tayo para hindi isipin ni Dade na tayo may gawa nyan. First time nya dito kaya iisipin nya si Mame may gawa lahat ng yan.” After nun, plakda sya.








No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^