Naglakad na ako uli at nagmadali ng umuwi sa amin. Ilang saglit lang nakarating na ako sa bahay namin.
"Mama, nandito na ako !!!!!!"
Pumunta agad ako sa kwarto ko para magpalit na ng damit. At pumunta na ako sa sala.
"Nasan ba si mama, bakit ang tahimik?"
Naupo ako sa sofa at kinuha ang remote at nanood na tv. Makalipas ang isang oras may pumasok sa pinto si mama.
"Ma, saan ka nagpunta?" tanong ko sa kanya
"Bakit na miss mo ba ako kaagad?"pang-asar na tanong ng mama ko
"Hindi ah....masama bang hanapin ka po."
"Wow, anak ikaw ba iyan?"
"Hindi po ma, picture lang ito"
"Himala nag PO ka? anong nangyari sayo? May sakit ka ba?"
"Hindi po ma, nakashabu lang. Gusto nyo?"
"Haahah...hindi na masaya na ako sa tanbucho at katol."
"Hahahah ayos ka rin mama ah...speechless ako dun." napatingin ako sa dala-dala nyang plastic.
"Ma, medyo bawas-bawasn mo ang pagsinghot ng tam"Mama ano ba iyang nasa plastic na yan?"
"Ah eto ba? iluluto ko para sa hapunan natin mamaya."
"Ah...eh saan ka nakakuha ng pera para makabili ka ng ulam natin?"
"Ha? eh nanood kasi ako ng balita kanina tapos sabi sa tv eh uulan daw ng pera kaya inabangan ko at naghanda ako ng lalagyanan para makasalo ako kahit papaano."bucho at katol ah."
"Haaa? bakit naman?"
"Eh kasi ang tindi ng epekto sa inyo eh."
"Bakit? hay naku, sulitin mo na ito kasi minsan lang magkaroon ng katulad ko."
"Oo nga po kasi nauubos na ata ang katulad nyo baka nga ikaw na lang po ang natitira eh."
"Hahahahha."sabay hampas sakin ng isang malakas na palo sa braso ko.
"Ouch...aray naman mama, ilang hampas na lang siguro bali na itong braso ko, kasi napapansin ko mukhang matagal nyo ng pinag-iinteresang baliin ung braso ko eh."
"Hahahahah..napansin mo rin, sa susunod ung isang braso naman."
"Haaa???" O.o
"Pwede bang pakiss sa cute kong baby? ang kyot..kyot mo kasi eh, pakurot na din." sabay nguso
"Ewww...>.< mama kadiri ka..ew..ew..ew....Don't do that to me."
"Wow pa english-english pa ang baby ko ngayon."
"Waaaahhh...mama wag mo na po ako tawaging baby."
"Bakit naman?....tumangkad ka lang ng konti eh."
"Mama, I'm big boy na."
"Oo na nga big boy ka na, pakiss na lang."
"Waaahh mama kadiri ka talaga."umiwas ako sa mama ko at nagmadaling tumakbo sa kwarto ko.
"Hmmm....dati ikaw pa ang nagre-request na i-kiss kita sa cheeks eh." sabi nya sa pinto ng kwarto ko.
"Hhmmm...sinabi ko ba yun dati? parang hindi naman, wala akong matandaan."
7:00 pm
"Ma, saan ka nga kumuha ng pera para makabili ka ng pagkain natin?"
"Hanggang ngayon ba naman tinatanong mo pa rin sa akin yan. Syempre kahit papaano may naipon naman ako."
"Ah ok sabi mo eh."
"Anyare sa unang pasok mo sa school?"
"Ayun nga nga."
"Ha? Bakit?"
"Hindi joke lang ma, ayun nagpakilala ng paulit-ulit....in short unli."
"Ganon talaga pag new student para makilala ka nila agad."
"Oo nga mama eh, nung nagpakilala nga ako sa kanila halos lumawa mata nila at tumulo ang laway nila nung makita ako. Yung tipong nakakita sila ng K-POP sa personal."
"Hhahah...Joey gutom lang yan, wag ka kasi nagpapalipas ng gutom tingnan mo nangyayari sayo kung anu-ano nasasabi mo."
"Hindi po ako nalilipasa ng gutom nagsasabi lang ako ng totoo."
"Hay, oo na lang, wala na akong sinabi."
"Hahaha..swerte ka nagkaroon ka ng anak na tulad ko."
"Katulad mong adik?"
"Hindi po, swerte ka na may anak kayong artistahin."
"Hala sige, ikaw na mag-urong ng pinag kainan natin tutl gwapo ka naman eh."
"Haaiiissttt...mama dapat hindi nyo pinapagod ang gwapo nyong anak."
"At bakit?"
"Ma, ung totoo? unli ka, paulit-ulit at ako namang si uot-uot paulit-ulit sa pagpapaliwanag."
"Joeyyyy!!!!!!"
"Ay naku, may laro nga pala San Mig at Rain or Shine ngayon. Ma, sa susunod na lang ako mag-uurong ah manonood lang ako."
Namadali na akong pumunta sa sala para manood ng basketball.
"Yeaaahh, ang galing talaga ng San Mig." *clap..clap*
"Uy bakit tuwang-tuwa ka jan sa pinapanood mo?"
"Ang galing kasi ng San Mig eh."
"Owwss..talaga?"
"Hindi ma joke lang yun."
Naupo si mama sa sofa at tumabi sa akin. Ilang sandali lang napatingin ako sa mama ko.
"O, ma..bakit ngiting-ngiti ka jan halos abot tenga na ngiti mo eh."
"Eh anak may tanong ako sayo."
"Ano po yun?"
"Sino ba yung lalaki na yun?Ano name nya?"sabay turo sa tv.
"Ah si James Yap po, bakit po?"
"Ah sya ba yun. Ang cute nya kasi eh."
"Hala si mama kinikilig kay tanda-tanda na. Nagdadalaga ka ba?"
"Hoy bunganga mo ha, sungal-ngalin ko kaya yan kung makapagsabi ka ng tanda jan parang 60 years old na ako."
"Ha? mama, hindi ka pa ba 60 years old?"
"Ay walang hiya kang bata ka 38 years old pa lang ako." biglang hampas sa braso ko.
"Aray naman mama nakakarami ka na, ang sakit kaya ng hampas mo, gusto mo i-try ko sayo?"
"Hu...wag na matulog ka na nga, maaga pa pasok mo bukas."
"Hu...lumiligtas ka lang eh...heheh sige ma, matutulog na ako."
"Sige matulog ka na ng matahimik ang buhay ko dito."
Pumunta na ako sa kwarto ko at nahiga na ako sa kama ko.
6:00 am
Nag-aayos na ako ng sarili ko at handa na akong pumasok sa school.
"Mama, papasok na po ako."sinabi ko habang nag-aayos pa sa harap ng salamin.
"Papasok ka na eh hanggang ngayon nakaharap ka pa jan sa salamin."
Npansin kong parang papunta si mama sa kuwarto ko. At lagot ako, bumilis ang tobok ng puso ko parang ganito....
*tigok....tigok...tigok..*
alam nyo ba kung ano ibig sabihin nyan? Hintayin nyo lang....
1...................
2...................
3..................
"Joeyyyyyyyyy !!!!!!!!!" pasigaw nyang tawag sa akin.
"Bakit po."
"Anyare sa kwarto mo?"
"Haaa? Bakit po?" pa-inosente kong sagot.
"Kunwari ka pang hindi mo alam, ano nangyari sa kwarto mo, bakit ang dumi at ang kalat...........ilang bagyo ba dumaan sa kwarto mo?"
"Hmmmm....limang bagyo po."
"Anong signal?"
"Signal no. 4 po, ang lakas nga eh muntik na akong liparin," sagot ko.
"Walang hiya ka, linisin mo nga ung kwarto mo."
"Opo mamayang hapon pag-uwi ko." nagmadali akong lumabas ng bahay at tumakbo ng mabilis.
Nandito ako ngayon sa daan at naglalakad papuntang school. May nakita akong isa pang naglalakad na estudyante, grabe ang bagal nyang maglakad halos maaabutan ko na sya, kanina ang layo-layu ko sa kanya ngayon magkasunod na kami..Binilisan ko pa ang lakad ko para makita ko ung mukha nya.
"Uy, Lorenz ikaw pala yan."
"Hindi..himdi picture lang ito mamaya pa papasok ung tunay na Lorenz."pilosopong sagot nya.
"Niloloko mo ba ako?"
"Wow galing mo, nahalata mo, nahulaan mo."
"Niloloko mo ba talaga ako."
"Ito naman hindi mabiro."
"Uy may itatanong ako sayo."
"Ano naman yun?"
"Si maam De Leon, mabait ba yun?"
"Oo mabait yun."
"Talaga, ayos pala yun."
"Mabait yun sa una pero pagtumagal ala dragon yun."
"Owsss..talaga"
"Oo"
"Ah kaya pala mga fake smile ang ginawa ng classmate natin kahapon, matapang pala sya."
Nandito na kami sa school at paakyat na sa second floor.
"Wow ang sipag pala ng estudyante dito."
"Bakit mo naman na sabi yun?"
"Ang aga na classmate natin, mas maaga pa sa atin."
"Syempre si maam De Leon adviser natin eh."
"Ah kaya pala."
Pumunta na kami sa upuan at biglang nagsalita si Lorenz.
(Lorenz POV)
"Joey gusto mo bang ipakilala ko sayo ang mga kaklase natin?"
"Oo sige ba para makilala ko na sila."
"Ayos...ehem...ehem.."
Simulan ko sa pinakaunang nakaupo sa unahan hanggang sa makarating tayo sa pinaka huling nakaupo sa dulo sa room natin. Ok simulan ko na.....
1. Girl Paos
- ang babaing laging may concert sa gabi kaya sa umaga laging walang boses.
2. Piccolot
- ang idol nya sa dragon ball ay si Piccolo tapos bumili sya ng costume na kahawig sa damit ni Piccolo kaso nakalimutan nyang isuot ung nasa ulo nun, kaya ang nangyari si Piccolo ay nagkabuhok na kulot.
3. The mountainer
- ang lalaking may dala lagi ng malaking bag na parang dala na halos ang lahat ng gamit sa bahay nila.
4. Mga Naka-shabung Filipina
- mga mukhang dalagang filipina sa unang tingin pero wag ka, pagnakilala mo ng lubusan ay mga loka-loka pala.
5. Tom and Jerry
- ang magkaibigang na pagnakita ay laging nagtutugisan, parang harutan na nila.
6. Cheche at Bureche
- mahilig nilang gayahin ang mga eksena sa palabas na iyun kaya minsan mukha na silang mga baliw.
7. Nyoy Bulate
- ang lalaking pinagpipilitang kahawig nya daw si Nyoy Bulante pero hindi naman.
8. Tropang Godzilla
- mga feeling God daw sila ng kagwapuhan.(pero hindi naman)
9. Kingkong
- ang hari nh kayabangan pero kung magsapatos naman ay laging may takong.(maliit na lalaki kasi)
10. Aiza Lasinggera
- ang babaing ginawang tubig ang alak, kaya para sa kanya mas masarap ang alka kaysa tubig.
11. Justin Bibo
- kahawig sa buhok pero sa katawan..................kasing laki ni kingkong sa katawan.
12. Justin Bibe
- Justin ang name nya pero kapag nagsalita sya kaboses ang bibe (parang ganito) *kwa..kwak*
13. Aang The Last Airbender
- sya daw ang susunod na Airbender part 2.
14. Hurry Potter
- ang lalaking palaging nagmamadali, kulang na lang ung magic walis nya para mabilis sya sa pupuntahan nya.
15. Zac Apron (Efron)
- ang gwapong lalaki magaling magluto pero hindi sya makakaluto pag walang apron.
16. Julius Baba
- sya ang may pinakamahabang baba sa room natin.
17. Denis Turnilyo
- ka look a like daw nya si Denis Trillo pero alam naman naming lumuluwag lang turnilyo nyan.
18. Ashley Tuesday (Tisdale)
- ang babaing tuwing tuesday lang naiisipang pumasok.
19. Pikachute
- ang babaing mahilig magpa cute sa picture.
20. Jessica Sosohong
- ang babaing may malaking takot sa sosohong.
21. Denis Patilya
- ang lalaking may pinakamahabang patilya sa room natin.
22. Vanessa Hages (Hudgens)
- isang cheerleader sa room natin na laging hinahagis sa ere tuwing may dance contest sa school.(muntik ng matigok yan matapos hindi masalo.)
23. Mel Chonggo
- ang unang kalove team ni Boots.(Dora the Explorer)
24. Dwayne Johnson
- ang lalaking hindi nauubusan ng Johnson's Baby Powder...in short pulbos.
25. Bea Binabebe
- ang ka look a like daw ni Bea Binene
26. Carla Balyena (Abellana)
- ang future partner ni kingkong at pingpaplanuhan ng gumawa ng new movue.
27. Peter Pants
- ang lalaking hindi nauubusan ng pants at laging nabubutasan ng pants.
28. Winnie Kaldero (Cordero)
- ang may-ari ng paggawaan ng kaldero.
29. Tuesday Vagang (Vargas)
- ang babaing sagana sa bagang
30. Gerald Understood (Anderson)
- ang pinaka madaling makaintindi sa mga tinuturo ng mga teacher natin.
31. Daniel Radclip (Radcliffe)
- ang gwapong lalaki na mahilig maglagay ng clip ca buhok. (bakla ata.)
32. Nicki Manas (Minaj)
- ang babaing hindi na nawalan ng manas sa katawan.
33. Anne Kutis (Curtis)
- ang babaing pinakamakinis ang kutis sa room natin.
34. Spongebomb
- ang lalaking may dalang pasabog/fierworks sa room natin.(KSP kasi)
"Ayan natapos din, sana nakilala mo silang maayos at nakabisado mo ang username nila."
"Wow sino ang umisip lahat ng username nila?
"Ako bakit? tagal kong pinag-isipan yun."
"Naks lang ah, taba ng utak, akalain mo yun nagawan mo sila ng secret username."
"Hahaha...hindi secret username yu, lantaran yun alam nila ang ginwa kong username."
"Ha? Talaga? buti hindi ka pinagtulung-tulungang bugbugin ng classmate natin."
"Hahahah...hindi sila nagalit, natuwa pa nga eh, dahil pinag-aksayahan ko pa daw ng oras ang pag-iisip ng username nila."
"Feeling ko tuloy nagkamali ata ako ng napuntahan."
"Ha? Bakit naman?"
"Eh kasi puro may sayad ang mga tao dito, lalong-lalo ka na, para na akong pumunta sa mental nito."
(Lunch)
Sa Canteen:
"Wow daming estudyante dito ngayon mukhang wala na tayong mauupuan nito ah."-Lorenz
"Meron yan sadyang bulg ka lang, tiwala lang may mauupuan din tayo."-Joey
Luminga-linga kaming dalawa sa canteen para maghanap ng pwedeng maupuan.
"Lorenz, ayun doon tayo maupo kaso medyo nasa sulok tayo pero pwede na yun."-Joey
"Oo sige dun na lang tayo, sandali lang naman tayo depende na lang kung mabagal ka kumain.hehe"-Lorenz
"Wow, hindi ako mabagal kumain baka ikaw."-Joey
"Ako? hindi ako mabagal kumain noh."-Lorenz
"Sige malalaman natin yan mamaya."-Joey
Pinuntahan namin ung nakita naming table at naupo na kami.
"Ano ulam mo?"-Lorenz
"Blanched green leafy veggie with sweet tomato in sparkling salted seafood."-Joey
"Wow!!! sosyal ang sarap naman yan, eh ano nga ba yan?"-Lorenz
"Talbos ng kamote at bagoong na may pinisang kamatis, ikaw ano ulam mo?"-Joey
"Fish fillet de el nino."
"Wow naks sosyal!!! ano rin yun?"-Joey
"Edi tuyo!!!"-Lorenz
"Hhahahah...O, sige na kumain na nga tayo."
Grabe ah! Mga hirit nila wagas! hahaha! Pero sis, nasan na ang love of their life? :)))
ReplyDeleteparang wala ngang bukas ateng eh.. haha.. bigla na lang daw lilitaw sa ere ang love of their life.. ;)
Delete