Monday, April 29, 2013

The Last Song: Chapter 3

The Last Song
(Joey POV)

Arrrgghhhh...ang ingay nila grabe, parang isang taon silang hindi nakita-kita at mukhang miss na miss pa nila ang bawat isa. Feeling ko tuloy nasa palengke ako at wala sa loob ng classroom. Hmmmm...speaking of PALENGKE heheheh dahil wala akong magawa at makausap, gagawan ko sila ng mga tinitinda. (evil eye)

"Hello ganda, dito na kayo tumingin 35 lang ang blouse."


"Hello mga suki bili na kayo DVD."

"Oh, hopia, mani, popcorn."

"Oh, dito na kayo biumili sa sampu-sampu, bente-bente."


 Hahahah...teka kailangan kong mag ready dahil panigurading magpapakilala ako sa kanila dahil new student ako. Kailangan magmukha akong mabait at matinong estudyante (eh matino naman talaga ako mukha lang hindi). Kailangan kong pulbusan ang gwapo kong mukha, dapat hindi lukot-lukot ang uniform ko, syempre kailangan kong magpabango at higit sa lahat ung buhok ko kailangan maayos.

Ok lets CHECK:

-My handsome face
(sabay tingin sa maliit na salamin) hmm..ngayon ko lang napansin na kahit saan anggulo pala ng mukha ko ay talagang ang ganda kong lalaki (bulong ko sa sarili ko) *check*
-Uniform
dapat hindi ako mukhang hinahabol ng plantsa, bawas sa pogi points yun eh. Kahit ano pala ang isuot kong damit bagay sakin.
-Collogne
*pisik...pisik* (sabay amoy sa uniform) hmm..ang bango ko na amoy artista na ko..hrehehe
-Hair
(ayos dito..ayos jan...medyo guluhin ng konti) at...ayan ayos na ang buhok ko nag ala K-POP na ang dating ko whahah..

At..........................

BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOMMMMMMMMMM !!!!!!

-TAAADAAAAAHHHHH-

Ready na akong ipakilala ang sarili ko sa kanilang lahat. Tingnan ko lang kung hindi malaglag ang mga panga nila at hindi lumuwa mga mata nila pag nakita nila ako heheheh...

Bumaling ng tingin sa akin si Lorenz...

(Lorenz POV)

"Wow....Joey ikaw ba yan?"
"Hindi, hindi picture lang ito."
"Hahahahah...naks ayos ah..bakit ka ba nag pulbos, nag-ayos ng uniform, inayos mo rin ang bihok mo at nagpabango ka pa...ano ba gagawin mo?"
"Di ba nga new student lang ako dito sa school na ito, syempre magpapakilala ako sa inyo...kaya kailangan kong mag-ayos ng sarili."
(kitam pati lalaki nagugulat sa kagwapuhan ko, eh pano pa kaya kung babae na ang nakatingin sa akin.....baka halos magkandarapa sila sa aking kagwapuhan hahahahha..)




Hindi nagtagal may pumasok na sa room namin. Isang babaing maliit, nakasalamin, mahaba ang buhok tapos ahhhhhmm....hulaan ko age nya mag nasa "38" na siguro, sya ang teacher (adviser) namin, nag-greet sya samin with smile, syempre nag-greet din kami sa kanya with smile din kaso ung iba kong classmate parang fake smile ang ginawa, ewan ko jung bakit. Tapos luminga-linga sya sa amin hanggang sa mahinto sya sa direksyon ko.
(na gwapuhan ata sa akin)

Teacher: "Ngayon lang kita nakita, new student ka ba dito?"
Joey: "Yes, opo maam"
Teacher: "Ipakilala mo ang sarili mo sa kanilang lahat dito sa harap."
(tumayo ako at pumunta sa harapan)
Joey: "Ehem...Ako si Joey Lopez....15 years old...blaaaaahhh....blaaahh...blaaahh"

"Pagkatapos kong magpakilala sa kanilang lahat bumalik na ako sa upuan ko. Natawa lang ako sa mga reaksyon nila para talaga sila nakakita ng poging katulad ko at hindi na ako magugulat dun. Tapos nagsimula na rin syang magpakilala sa amin, sinulat pa nga nya name nya sa board at binigkas nya ng malakas ang nya na ""Rashayne" (ra-sheyn) De Leon, ganun daw ang tamang bigkas sa name nya baka daw kasi magkamali ang spelling at sa pagbigkas sa name nya.(ang daming arte) kasi daw pagnagkamali sa spelling at sa pagbigkas ng name nya hindi na daw sya yun, ibang tao na daw yun, tinanong pa nga nya kami kung papayag kaming magkamali ang spelling at pagbigkas sa name namin, nagsagutan naman ang mga uto-uto ng "HINDI" sabay tawa pa nila. Kaya tandaan daw ung name nya at nag smile sa amin. Tinanong din nya ang ayaw at gusto namin sa isang teacher, nakinig lang sya sa mga sinabi ng classmate ko. Pagkatapos nun sinabi nya ang ayaw at gusto nya sa isang estudyante, sunod naman ang rules and regulation ang sinabi nya.

At ayun ubos ang time nya sa amin ng dahil sa haba ng sinabi nya at umalis na pagkatapos.



4:00 pm

Hapon na tapos na ang klase at uwian na ng lahat ng estudyante. Nakalabas na ako sa gate ng school, habang naglalakad ako may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Joey!!!!!" tumatakbo siya papalapit sa akin
"O Lorenz bakit mo ba ako tinawag?" tanong ko sa kanya
"Sasabay sana ako umuwi sayo"
"Ah..eh hindi mo naman sinabi kaagad na sasabay ka umuwi sa akinb eh."
"Eh bigla ka kasi nawala nung uwian na."
"Stempre uwian na natin, saka gusto ko na umuwi agad kasi ang sakit ng lalamunan ko sa pagpapakilala sa inyo. Saka may napansin ako sayo kanina bago ako umalis."
"Ano yun?"
"Para ka kasing tatakbomg pulitikong kumakaway at nakikipagkamayan sa mga kaklase natin eh...kulang na lang sabihin mong "Iboto nyo ko sa Eleksyon ah." biro ko sa kanya
"Ahhh...iyun ba eh nakasanayan ko lang kasi yun tuwing uuwi ako."
"Aaaahh...hahaha talaga..."
"Oo ako rin may napansin sayo."
"Ano yun? gaya-gaya ka."
"Diba kakauwi lang natin, bakit parang ang bilis mong maglakad..yung totoo may gulong ba yang paa mo?"
"Hhahahahah...Oo bakit?"
"Huwaaaat..weh di nga patingin nga.(huminto kami sa paglalakad, hinawakan nya ung binti ko at tiningnan nya ung ilalim ng paa ko)"
"Uy, Lorenz ano ba yang ginagawa mo, itigil mo nga yan"(hinila ko ang paa ko)
"Sabi mo kasi may gulong yang paa mo eh, kaya tiningnan ko"
"Joke lang yun syempre."(sabay hampas sa likod ni Lorenz)
"Ouch...aray naman, na bali ata spinal cord ko huhuhu..."(nakasimangot habang hinahawakan ang likod nya.)
"Ang OA mo naman. Pero alam mo hindi lang ikaw nagsabi nyan pati ung mga classmate ko dati tinatanong nila kung may gulong daw ba ung paa ko, kasi ang bilis ko daw maglakad. Kaya minsan sinasabi ko sa kanila may TURBO pa nga yun paa ko eh at ginagamit ko ung turbo na iyon pagmale-late na ako sa school."
"Wow naman..buti ka pa mabilis maglakad ako hindi"(sad face)
"Bakit naman...saka itigil mo nga iyang kaka emote mo, hindi sayo bagay."
"Ay sorry naman akala ko maku-cute an ka sakin eh hehehe.."
"Ewwww...hahaha dun ka nagkakamali, O ano ituloy muna ung sasabihin mo."
"Ganito kasi yun..ehem sabi kasi nila ang bagal ko daw maglakad para daw akong naglalakad sa buwan."
"Hahahaha kabaligtaran pala kita eh, ok...ok...ituloy muna ung kukwento mo."
"Hindi lang yun, meron pa mas malala..."
"Ano yun dali sabihin mo na, ayokong nabibitin."
"Putek...paano ko itutuloy-tuloy ung kinukwento ko eh apura singit mo sa akin."
"Ok sorry naman, bagal mo kasi mag kwento, naiinip na ako."
"Putek...hiyang-hiya naman ako sayo, ikaw na nga lang ang makikinig na iinip ka pa. Haiisst, maituloy na nga ung kinukwento ko..yun na nga, tapos sabi pa nila para daw akong nasa prusisyon sa bagal kong maglakad. Nung minsan nga nautusan ako ng mama ko na bumili sa tindahan may nakasabay akong bata at nagulat ako sa sinabi nya, ito ba naman ang sabi "O, kuya kamusta ang prusisyon?" gusto ko sana sya ibaon sa lupa kaso tumakbo sya kaagad nung sinabi nya sakin yun."
"Whahahah...nakakatawa naman ung kwento mo ang sakit na ng tiyan ko kakatawa. Lalo na ung sinabi ng bata sayo, eh totoo naman yun diba."
"Oo aminado naman alo eh... saka pagpapasok ako sa school kailangan maaga ako gigising."
"Anong oras ka ba gumigising?"
"4:00 am"
"Ang aga naman nun."
"Syempre sa bagal kong maglakad na ito, kailangan talaga ganon kaaga ang gising ko kung hindi...."
"Kung hindi ano?"
"Kung hindi, doon na ako sa higaan maliligo o kaya naman ung golden voice ng mama ko ang nagiging alarm clock ko."
"Whahahah...bakit golden voice?"
"Eh kasi mahihiya ang tilaok ng manok sa umaga sa lakas ng boses ng mama ko eh."
"Ahahahah ang astig pala ng mama mo eh, biruin mo hindi mo na kailangan bumili ng alarm clock para magising ng maaga."
"Oo nga eh talagang hindi ko na kailangan bumili ng alarm clock, pati nga kapitbahay namin nagpapasalamat sa mama ko eh kasi hindi na rin daw nila kailangan na alarm clock para magising na maaga. Ok na daw sa kanila ung golden voice ni mama."
"Saan ba pinag lihi ung mama mo?"
"Sa megaphone bakit?"
"Ahahahah...(sabay hawak sa tiyan habang tumtawa) sa dinamirami ng pwedeng mapaglihian ng nanay ng mama mo bakit doon pa? bakit sa mrgephone pa?"
"Ano nakakatawa dun? Eh totoo naman."
"Kakaiba kasi eh saka ngayon lang ako nakarinig ng ganun."
"Oh ngayon alam mo na, na may nagkakainteres din na paglihian ang megaphone."
"Oo hahahah..."
"O, sige dito na lang naman ung bahay namin eh.."
"Putek ka...kung makasabi ka ng "Jan lang sa tabi-tabi" kala mong sa tapat lang ng school ung bahay mo, yun pala malayo rin..halos limang bahay lang pala layo natin eh."
"Hahahah sorry naman. Puso mo baka malaglag sa galit mo i-tape mo dali...Ayos pala malapit lang pala bahay mo. Pupunta ako minsan."
"Loko, sige bye na."




No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^