4: The Amazing Spiderman
▪◊▪The Brainy POV▪◊▪
Its Monday once again, papasok na naman kaming apat. Sa
totoo lang nagsasawa na akong pumasok eh, wala naman akong natututunan sa mga
professors naming apat eh. Mas ok pa na magbasa na lang akong mag-isa.
“Pepper ingatan mo
yang gagamba ko ha, baka iwala mo yan eh iwawala din kita.”
Saan na naman kaya nakuha ni Muffin yung gagamba na yon,
don’t tell me pet nya yon kasi hindi ako maniniwala. Yang si Muffin, sya yung
madalang magsalita pero pag humirit at gumawa ng kagaguhan palong-palo.
“Don’t worry Muffin,
I’ll take good care of your wonderful and hairy pet.”
Si Pumpkin na saksakan ng kupad na lang ang hinihintay
naming tatlo para makalayas na kami. “Pumpkin
ano ba, baka mabasag na yung mga salamin natin sa bahay kakatingin mo! Magsawa
ka naman sa pagmumuka mo!” sigaw ko kay Pumpkin kasi parang wala pa rin
syang balak lumabas ng bahay.
“Eto na nga oh!”
Gulat kaming tatlo, hindi pa sya nakakapag-ayos ng sarili nya to think na ang
tagal na nya sa loob. Anong ginawa nya don? “Anong tinitingin-tingin nyo jan?”
“Ano ba kasi ang
ginawa mo sa loob at ang tagal mo? Tapos nung lumabas ka eh mukang hindi ka pa
nagsusuklay.” Tanong ni Pepper.
“Ano ba kasi yang
hawak mong kahon?” at inagaw ng chismosang si Muffin yung kahon na hawak ni
Pumpkin. “Tung inu mo Pumpy, saang sulok
ka ng talahiban sumuot at ang dami mong magagandang gagamba?” seryoso,
anong meron sa gagamba at parang napag-tripan nilang mangolekta?
Thirty minutes na lang start na ng first subject namin, at
twenty minutes drive yung school mula dito sa bahay. Pero mukang wala pa rin
silang balak umalis.
“Ano ba, papasok ba
kayo o ia-identify nyo pa isa-isa kung anong breed nyang mga gagamba nyo?”
sumakay naman na silang lahat sa van. “Let’s
go Tatay Unyo.”
“Pumpkin…” tawag
ni Muffin kay Pumpkin na busy kaka-silip dun sa mga alaga nya. “Mahilig ka talaga sa gagamba no, no
wonder ikaw si Spiderman Pink! Pssshh! Pssshhh!” at talagang umarte pa na
akala mo may lumalabas na sapot dun sa pulso nya.
Hay nako, mga baliw talaga sila! Isang saksakan ng baho kung
umutot, isang lampa na saksakan ng arte, at isang antukin pero kung bumanat
wagas. Pero kahit ganyan yang mga kakambal ko, matalino ang mga iyan at mahal
ko sila.
“Pumpkin, benta mo
kaya sila?! Malay mo humakot sa takilya yang mga alaga mong gagamba na
halo-halo ang breed.” Tungunu talaga tong si Pepper oh, mukang pera. “Tapos kapag nakamkam mo na ang pera,
ilibre mo kami ng ice cream.”
Ang ingay nilang tatlo, ako tahimik lang kasi nagbabasa na
ako in advance. Oo nga pala, iisang course lang ang kinuha naming apat at iyon
ay B.S. Pyschology. Hulaan nyo kung bakit psychology ang kinuha namin, syempre
to cure each others brain damage. Saka ayaw namin na maghiwa-hiwalay kasi hindi
kami magiging masaya, saka kung hindi kami magiging classmates na apat, pano pa
namin magagawa yung passion namin?
“Pakyu kayong
dalawa, wag kayong maingay at ang henyo nating kapatid ay nag-aaral. Kung gusto
nyong pakopyahin nya tayo, manahimik kayo!” saway ni Pumpkin sa dalawa na
tumahimik naman agad.
After so many minutes, nakarating na rin kami sa school at
syempre pa, center of attraction na naman kaming apat. Yung totoo, ngayon lang
ba sila nakakita ng quadruplets na magaganda?
▪◊▪The Moody POV▪◊▪
Everytime na darating kami sa school, hindi ko pa rin
ma-gets yung mga estudyante kung bakit nila kami laging pinag-mamasdan! Ano
bang problema nila kung magkakamuka kaming apat, malamang na halos iisa lang
ang itsura namin kasi nga quadruplets kami.
“Let’s go na to our
classroom, we’ll be late if isa-isa nyong pinapatay sa isip nyo ang mga
naka-tingin. They’re just a waste of time!” maarteng sabi ni Pepper.
Paduguin ko kaya ngusu nya, magsasalita pakaya sya ng ganyan? “Pumpkin kung amo man yang iniisip mo, wag
mo ng ituloy dahil masasaktan ka lang din.”
So ayun, pumasok na kami sa classroom namin at wala pa
kaming kasama. “Alam na!!!” biglang
sabi ni Muffin.
Alam na, may binabalak na namang kawalangyaan ang antukin
na yan. “Pepper, akina yung gagamba ko!”
kitams, may maitim na naman syang plano.
“No way in heaven
Muffin, may iba akong plano para sa kanya! Kuhanin mo na lang yung dalawang
alaga ni Pumpkin.” Bakit yung akin ang napag-diskitahan nila? Bilin nila
kung gusto nila neto. “Oh kaya bilin mo
sa kanya, pero humingi ka ng discount in my behalf dahil ako naka-isip na
ibenta nya yon.” seryosong sabi ni Pepper habang pinag-mamasdan yung
malaking gagamba.
Tiningnan naman ako ni Muffin at saka ngumiti ng
nakaka-gago. “Oh ayan, siguraduhin mo
lang nababayaran mo sakin yan.” At inabot ko na sa kanya yung mga alaga ko.
“Dalawa lang ha!”
Alam nyo ba kung saan nya nilagaw yung gagamba? Dun sa
drawer sa table sa harap kung saan nandun yung mga white board marker at
eraser. Kawawa naman ni Mrs. Scott, paniguradong sa guidance office na naman
pupulutin ang kung sino mang mapapag-bintangan.
“Pumpkin!” tawag
sa akin ni Ginger, tapos ipinakita nya sa akin yung super glue na hawak nya. “You know what to do!!!”
Agad kaming pumili randomly kung aling upuan ang lalagyan
namin ng glue sa upuan at sandalan. Nauna akong natapos kay Ginger, kaya
sinilip ko yung libro na binabasa nya kanina pa.
“Tungunu mo Gingy,
akala ko nag-aaral kang mabuti, pinatahimik ko pa yung dalawa na saksakan ng
ingay. Yun pala joke book na nakaka-inis lang pala ang binabasa mo!”
Nginisihan lang ako ng impakta, bwisit talaga. Si Pepper
kaya, ano kayang plano nya dun sa gagamba na hawak nya? Anong kalokohan kaya
ang tumatakbo sa isip nya? Hindi nagtagal dumating na yung mga classmates
namin, at kasunod na nila si Mrs. Scott.
“Good morning
class!”
“Good morning Mrs.
Scott!” ang walang kabuhay-buhay naming bati sa kanya.
Inilapag na nya yung dala nyang libro at mga cards dun sa
table, and next thing she do…
“Oh my goodness!!!”
tapos nagulat na lang sila, at kunwari pa rin kami nagulat nung sumigaw si Mam.
“Spiders, spiders! Take them away from
me!!!” arte, para gagamba lang eh.
“Ms. Pepper Smith, let me get rid of these spiders!”
“Naku Mam, teka
lang, teka lang!!!” kunwari pa tong si Pepper, may ibang plano tong babae
na to eh. “Hala Mam, pumasok sa damit mo
yung mga gagamba!”
Pa-simpleng nilagay ni Pepper yung malaking gagamba sa bag
ni Mam, tapos kunwaring tinutulungan nya si Mrs. Scott na alisin yung gagamba
sa loob ng damit nya.
“Don’t move Mam,
hahampasin ko sila ng libro para mamatay na sila!” tapos kinuha ni Pepper
yung malaking libro na dala ni Mam. “Mam
steady ka lang!” and… plaaaaakkk! Lumalagapak yung libro sa likod ni Mam,
tengene si Pepper parang gagu. “Ayan
Mam, may gumagalaw pa ba?”
Tahimik lang na pinapakiramdaman ni Mam yung katawan nya
kung meron pa ngang gumagalaw. She suppress a long sigh, a sign na nagtagumpay
si Pepper sa pagpaslang sa mga alaga ko.
“Thank you very
much, Ms. Smith.” Teka, tuloy pa rin ba ang klase?
Nung nagtatawag na si Mrs. Scott para sa graded recitation,
hindi man lang kami natawag, dahilan para magbunyi ang kaluluwa naming apat.
But the thing is, yung naka-upo dun sa nilagyan ko ng super glue at bumble gum
yung natawag. Ang malas na tao nya. Nadikitan na nga ng super glue at bumble
gum, natawag pa sa recitation.
“Shit!” biglang
sabi ni Anjo. “Sinong naglagay ng glue
sa upuan ko?” tanong nya sa aming lahat.
Syempre pa para hindi mahalata ng guilty kami, ginamit
namin ang natatago naming talent na namana namin kay Tita Scarlett todo acting kami.
“Kayong apat ang may
gawa nito, noh!?” aba naman, masamang magbintang.
“Wala ka namang
ebidensya eh.” Sagot ni Pepper.
“Kaya mo bang
patunayan ang bintang mo sa aming apat? Dahil kung hindi, alam mo bang pwede
kitang ipademanda sa kasong libel? Eighteen years old ka na, pwede ka ng
makulong.” Pananakot ng magaling na si Ginger.
Parang bulkan na sasabog any moment si Anjo. “I don’t need to prove it, dahil kayong
apat lang naman ang gumagawa ng ganito!” sigaw pa nya. Hindi na nahiya kay
Mam, kapal ng muka. “Nagpapanggap lang
kayo na hindi nyo alam.”
“Eh pano kung
nagpapanggap lang din yung iba nating classmates na hindi sila ang gumawa?
That’s not a fair judgement, don’t you think?” yan si Muffin, palakpakan!
“May araw din kayo
sa aking apat!”
“Sa pagkaka-alam ko,
at naming lahat iisa lang ang araw natin. So saan mo pa balak magnakaww ng
tatlo pang araw para sa aming apat? Saang lupalop ka ba ng universe galing?”
pilosopong tanong ko sa kanya.
“All of you, STOP!”
epal naman tong si Mam eh.
Feel na feel na naming apat ang makipag-away sa kanya eh,
saka feel na feel na din namin ang pagiging feeling abogago namin eh.
“Kayong lima, sa
guidance office. Now!” sungit talaga, at lumabas na sya ng room.
Tumayo na rin yung mga classmates namin na patay na patay
sa subject na vacant. Hindi nagtagal, may sumigaw na naman… “MAAAAAAAAAAAMMMM!!!!”
Guidance office na naman, eh wala naman talaga kaming
ginagawang masama. Sige, kapag napatunayan nila na kami nga ang may sala,
magda-drop na kami sa lahat ng subject namin at lilipat ng ibang school, kung
saan mas marami ang cool kesa sa pa-cool lang.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^