Thursday, June 6, 2013

Mr. and Mrs. Smith with The Smurfs - The Pranks Family : Chapter Nine


9: Abogagas!!!




▪◊▪The Brainy POV▪◊▪




          “Kailangan na naman nating pumasok, pwede bang mag-cutting classes muna tayo?” tanong ni Pumpkin na halatang wala sa mood mag-aral.


          Si Pepper masyado syang busy sa paglalaro sa phone nya, kaya wala syang pakelam sa kahit na ano na nasa paligid nya. Si Muffin naman ayun, busy sa pagta-thumbsuck nya.

          “Wag ka ngang bad influence Pumpkin, mabait kami kaya wag mo kaming idamay jan sa katamaran mo.” Sabi ni Pepper kay Pumpkin ng hindi man lang nya tinitingnan ang kausap. “Ginger, pahingi naman ako ng pretzel mo.”

          Hindi ko nga pinansin, hindi kasi kumuha sa kusina bago umalis tapos ngayon yung baon ko yung trip nya. “Bumalik ka sa bahay at dun ka humingi ng pretzel.” Inilabas ko yung isang pretzel stick at ipinakita ko kay Pepper habang sinasawsak ko sa Nutella na baon ko din.

          Papunta na naman kami ng University, at paniguradong para na naman kaming art piece na ibinandera sa museum. Ewan ko ba sa kanila, hindi ko talaga sila ma-gets kung bakit panay ang tingin nila sa aming apat. Hindi naman sila taga-bundok na ngayon lang nakakita ng magkakamuka.

          “Ginger, ang kadamutan hindi yan magandang asal. Isusumbong kita kay Dade kapag hindi mo kami binigyan nyan.” Gising na pala ang antukin kong kapatid, at nakuha pa akong takutin ha. “Share your blessings Gingy, pagpapalain ka ni Lord.”

          Pinagpapala? Eh bakit nung bigyan ko si Mame at Dade ng regalo hindi naman ako pinagpala ah, nakutusan pa nga ako eh. Paano pa ako maniniwala sa mga sinasabi nitong kapatid ko?!

          “Kung ayaw mo kaming bigyan nyang pretzel sticks mo, ilibre mo na lang kami ng ice cream. Strawberry flavour saken.” Katakawan talaga nitong si Pumpkin oh.

          “Grapes flavour sa akin, kasi violet!” singit naman ni Pepper.

          “Coffee flavour ang sa akin.” biglang sabi ni Muffin na tinataas pa ang kamay na akala mo sasagot sa recitation. “Bawal manghingi ah!”

          Parang kanina lang sinabi nya na ang kadamutan ay hindi magandang asal, tapos ngayon ayaw nyang mamigay!

          “Muffin, ang kadamutan ay hindi magandang asal. Share you blessings, pagpapalain ka ni Lord.” Naka-ngisi kong sabi sa kanya.

          “Nagamit ko na yon, umusip ka ng ibang magandang asal!” sumagot pa talaga ang bruha.

          “Nandito na tayo!” biglang sabi ni Tatay Unyo.

          Nagmamadali naman kaming apat na lumabas ng sasakyan para ipagpatuloy yung debate namin tungkol sa kagandahang asal. Keber na lang sa mga pinag-mamasdan kami.

          “Anong flavour ng ice cream ang gusto mo Ginger?” tanong sa akin ni Pepper.

          “Durian flavour.”

          “Yuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuucccccckkkkk!!!” maateng sabi nila na parang masusuka pa.

          Dinedma ko na lang silang tatlo, at naglakad na kami papunta sa CBP building kung saan nandoon ang room namin. Hello hindi ko type ang durian, ang baho kaya nun. Kawawa naman si Muffin kapag naging favourite ko yun dahil araw-araw syang madadala sa ospital.

          “Good morning class.” Bati sa amin nung kadarating lang na si Mr. Tuviera. “I have an announcement to make. I would like to inform all of you that we will have an exam the day after tomorrow. The top four scorers of the exam will represent our school in a debate competition.”

          Parang gusto ko yatang maging part nung debate competition na yon, parang magagamit ko dun yung pagiging abogaga ko.

          “Mga kapatid, mag-aral tayong mabuti para tayo yung maging representative ng school sa debate na yun.” They just give me ‘are you nuts?’ look. Katamaran talaga nitong tatlo na to eh. “Magagamit natin yung pagiging abogago nating apat, pwede pa tayong makipag-pustahan kila Dade.”

          “Talaga?” sabay-sabay nilang tanong.

          Mahilig kaya kaming lahat sa pustahan, at kapag si Dade ang kapustahan namin laging kami ang panalo. Ibinalik na namin yung atensyon namin dun sa nagsasalita, mamaya na kami magpa-plano kung paanong kaming apat ang magiging top scorers sa exam bukas.

▪◊▪The Moody POV▪◊▪

          Yeahbah! May magaganap na namang pustahan sa pagitang naming apat at ni Dade. Ano nga kaya ang magandang deal para sa pustahan ngayon. Si Mame na lang kaya ang ayain namin ng pustahan, tutal lagi namang talo si Dade eh. Wala na syang kwentang kapustahan.

          “Sigurado ka ba Ginger na kailangan pa nating sumali dun sa debate na yon? Punong-puno na ang schedule natin. Baka nakakalimutan nyo, kailangan pa nating hanapin yung mga tandadush na gumawa ng lahat ng paninira para lang ibintang sa atin.” Naiinis na sabi ni Muffin.

          Kaya nagkaka-ganyan yan kasi kailangan pang magreview, at kapag nagreview we need to stay awake until past mid-night. Syempre ayaw nya ng ganun since she really loves sleeping.

          “Ayoko nyang naisip nyong salihan!” si Pepper umepal na naman. “Ok lang makipag-pustahan kay Dade, pero hindi ko ipangangalandakan ang potential ko sa pagiging abogada.”

          Feeling naman ni Pepper talagang may potensyal sya. Puro kaululan lang din naman ang alam ng isang yan, ano bang alam nyan sa mga Republic Act at Presidential Decree.

          “Alam mo kasi Pepper, kapag tayo ang naging representative ng university makokonsensya sila sa mga ginawa nila kay Muffin at sa pagbibintang nila sa atin na salot tayo.” Paliwanag ko sa kanila.

          “Wag nyo ngang magamit-gamit na excuse yung moment ko, di yan uubra. Saka as if namang may konsensya yung matandang si Erlinda Brigino.” Bitter na sabi ni Muffin. “Saka malay ba natin kung anong pwedeng maging topic sa debate na yon. Malay nyo tungkol sa love ang debate, eh di talo na agad tayo.” Hindi naman halatang ayaw nya talagang sumali diba?

          Pero kung tutuusin tama naman sya, malay mo nga naman tungkol sa love ang issue. Nganga kami dun, super clueless kami tungkol sa bagay na yon. Ayoko na nga din sumali.

          “Ginger wag na tayong sumali, di yun masaya. Gawa na lang tayo ng ibang pustahan.”

          Sya kanina yung namimilit, tapos ngayon ayaw na nya! Kita mo yang si Ginger, pang-artista din ang isang yan eh. Saksakan ng arte eh, nag-puppy eyes na naman ang lintik na yan. Weakness pa naman naming tatlo ang mangiyak-ngiyak na si Ginger, muka talaga syang kawawa.

          “Hay nako Gingy, wag mo kaming daanin jan sa ‘One liter of tears’ mong drama.” Si Pepper yan, ang may pinaka-matigas na puso kapag duma-drama si Ginger. “Kapag binigay mo sakin yung one month supply mo ng Patchi chocolates, sige papayag na ako sa gusto mo.”

          Tangina, bakit hindi ko agad naisip na gawing kapalit yun ng pagpayag ko? “Di na no, mas mahal ko ang mga chocolates ko kesa sa pakikipag-pustahan kay Dade.” Sagot naman ni Ginger.

          “Oh tapos na ang meeting natin, oras na para maglaro.” Biglang sabi ni Muffin.

          Patakbo pang lumabas si Muffin sa detention room papunta sa playroom. Panigurado yung laro na naman ni General Aladeen, yung espadahan, yung pagalinganan sa pagpatay nung kawal. Titingnan mong ganyan si Muffin, brutal yang kapatid namin na yan.

          Sumunod naman kaming tatlo sa bruhang si Muffin, kasi gusto rin naming maglaro ng ganon. Malaki nga ang posibilidad na maging most wanted criminal kaming apat eh. Praktisadong-praktisado na kaya kami, pwede na ngang pandayo at ipadala sa North Korea eh.

          “Pucha Muffin, ibang klase ka talaga! Isa kang mahusay na kriminal!” sigaw naming tatlo!





No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^