Thursday, April 25, 2013

You Are My Life : Chapter Twelve

(Fei's POV)
"Nga pala, Jai. Natawagan mo na ba sila Tita para malaman nila ang tungkol dito?" Tanong ko.
Pabalik na kami sa ICU.
Kaming dalawa lang muna. Nagcelebrate pa yung dalawa sa may labas eh. -.- Delikado pa naman. Baka sila naman dukutin nila Charles.
"Oo. Inantay ko ring makarating muna sila bago ako sumunod sa inyo." Sagot ni Jai.
"Hmm. Papayagan pa rin kaya ni Cyrus na lumaban si Mika sa Gang Fights? Ano sa tingin mo?" Tanong ko sa kanya.
"Di ko alam. Siguro hindi na. Baka mag-bakasyon muna yung dalawang yun para maalagaan ni Cyrus si Mika." Sagot niya sakin.
Pagkarating namin sa ICU, nandun si Tita Thea at si Prei.
Nakipag-beso ako sa kanilang dalawa.
"Kami na po muna ang magbabantay sa kanilang dalawa, Tita. Pwede na po kayong umuwi at magpahinga." Sabi ko.
"Hindi. Ayos lang naman kami dito, Fei. Salamat na lang." Sagot ni Tita.
"Sige po."
Nakaramdam ako ng pagkagutom kaya tumalikod ako.
"Kakain lang po ako sa labas. Jai, ikaw na muna bahala dito." Bilin ko.
"Sige. Mag-iingat ka, Fei." Sagot ni Jai.
Lumabas na ako ng ICU at bumaba sa may Parking Lot. Pumunta ako sa kotse ko at kinuha dun yung baril ko. Kinuha ko rin yung leather jacket ko at dun ko nilagay yung baril ko. Sinara ko na yung pinto ng kotse ko tapos nagpunta ako sa malapit na 7eleven.
"Miss, apat na order nga ng Siomai." Sabi ko dun sa babaeng naka-assign para dun sa may Siomai at Siopao.
"Paki-balot yung tatlo." Paalala ko.
Inayos niya yung order ko tapos binigay na sakin. Binayaran ko yun tapos naglakad ako papunta sa may mga refrigerator. Lumapit ako sa may mga tinapay. Kumuha ako ng dalawang creamroll na Cookies n' Cream. Lumapit ako sa may refrigerator at bubuksan ko na dapat nung biglang may narinig akong nag-tilian kasabay ng putukan ng baril. Nagtago ako sa may shelves ng mga lata ng sardinas. Hindi pa rin natitigil ang barilan. Tumayo ako at tumakbo papunta sa may refrigerator na lalagyan ng mga Ice Cream. Tumalon ako papunta sa likod nung refrigerator at dun ako nagtago. Nakakita ako nung parang plastik na makapal na kulay asul kaya kinuha ko yun at itinaklob sa ibabaw ko para di nila ko makita. Kinuha ko sa bulsa ko ang phone ko saka ko dinial number ni Jai. 
[Fei, bakit?]
"Punta ka sa may malapit na 7eleven. Mag-ingat ka, may nagbabarilan dito. hanapin mo ko sa may likod ng refrigerator ng Ice Cream. "
[TSK! Sige, sige! Mag-iingat ka dyan.]
"Oo."
~End Call~

(Jairus' POV)


FUCK! Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama kay Fei! Tangina! Bakit ba kasi hinayaan ko siyang magpunta dun mag-isa?! 
"Tita, pupuntahan ko lang po si Fei sa may 7eleven. Mag-iingat po kayong dalawa dito." Sabi ko.
Di ko na sila inantay na magsalita. Tumakbo na agad ako pababa at pumunta sa may Parking Lot. Binuksan ko yung kotse ko at kinuha ko yung dalawa kong pistol tapos sinara ko yung kotse ko. Tumakbo na agad ako sa may 7eleven. Basag-basag yung salamin. Maraming dugong naka-kalat. Basag-basag din yung mga salamin ng mga refrigerator tapos butas yung ibang bote ng tubig.
Refrigerator.
SHIT!
Napatakbo ako dun sa may refrigerator ng mga Ice Cream. Tinignan ko sa may likod nun. WALANG  FEI! Tangina!! Tumalikod ako at naghanap-hanap. Lumabas ako sa may 7eleven nung may bigla akong makita.
"FEI!" Sigaw ko.
Napalingon siya sakin.
Tumakbo ako papalapit pero may biglang kumuha sa kanya.
Ipinasok agad siya sa Van tapos humarurot na yung Van paalis.
FUCK! Tangina naman! Bakit si FEI pa?! 
Tumakbo ako ng mabilis pero palayo na ng palayo yung Van. Pumara ako ng Taxi at pinasundan yung Van.
Maya-maya lumiko sa isang kanto yung Van. Pagliko namin dun bigla na lang naglaho. Bullshit! Tangina Tangina!! 
"Sige manong, dito na lang." Para ko.
Binayaran ko siya ng tatlong daan tapos bumaba na ako ng taxi.
"Ser, sobra 'tong bayad niyo." Sabi nung taxi driver nung hindi pa ko nakakalayo.
"Teka. Balik tayo sa may Ospital manong." Sabi ko tapos sumakay ulit ako sa may Taxi.
Pinaandar ni manong yung taxi pabalik sa may ospital.
Pagkarating sa Ospital, bumaba na ako tapos kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko si Cyrus.
[Jai?]
"*Sob* Tangina, Cy. May dumukot kay Fei." Sabi ko. Di ko mapigilang hindi umiyak.
Ang saya-saya namin kanina! Tangina lang. 
[Dumukot?! TSK! Iniisa-isa nila tayo. Bumalik ka dito sa ICU. Pagpaplanuhan natin 'to.]
"Pre ang sakit. *Sob* Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko man lang siya nailigtas." Iyak ko.
[Jai, magpaka-tatag ka. Kung hindi mo siya kayang iligtas mag-isa, nandito naman kami eh. Tutulungan ka namin. Ililigtas natin si Fei.]
"Tsk. Di ko na alam gagawin ko, Cy. "
[Ganito na lang, umuwi ka na muna sa Condo niyo tapos magpahinga ka. Bukas natin 'to paguusapan.]
"Sige pre, salamat ng marami."


Pinatay ko na yung tawag tapos naglakad ako papunta sa kotse ko. Pumasok ako at pinaandar ko papunta sa may Condominium kung saan kami nakatira ngayon ni Fei. Pag-park ko nung Kotse ko dumiretso agad ako sa Pad namin. Pumasok ako at sinara yung pinto. Pag-harap ko sa Salas...
"Jai, anong gusto mong gawin kapag kinasal na tayo?" Tanong ni Fei habang nakayakap ako sa kanya at naka-higa kami sa mahaba naming sofa.
"Gusto kong gawin? Gusto kong magkaroon ng simpleng buhay. Yung malayo sa pagiging Gangster natin ngayon. Gusto kong maramdamang pwede pa tayong umakto na parang normal na tao lang para maranasan natin yung mga nararanasan ng iba. Yung walang patayan. Walang nagbabanta sa buhay natin." Sagot ko sa kanya.
"Parehas tayo ng gustong mangyari, Jai. " Nakangiti niyang sabi sakin tapos medyo hinarap niya yung mukha niya sakin tapos hinalikan ako sa labi.
"I love you, Jai." Bulong niya pagkatapos niya akong halikan sa labi.
"I love you too, Fei." Bulong ko rin saka ko siya hinalikan sa noo.


Biglang naglaho ang kaninang nakita ko sa Salas namin.
Memories... 
Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko.
Naglakad ako papunta sa kwarto namin ni Fei.
"HAHAHAHAHAHA!!! Tama na tama na! HAHAHAHAHA! Jai nakikiliti akooo! HAHA Anuba huy!! HAHAHA Tama na di ako makahinga! HAHAHAHA!!!!" Tili ni Fei habang nasa ibabaw kami ng kama at nakapatong ako sa kanya habang kinikiliti ko siya.
Umalis ako sa ibabaw niya at tumabi sa kanya. Tumagilid ako ng higa at humarap sa kanya.
"Mahal na mahal kita, Fei." Bulong ko sa kanya.
Nginitian niya ako ng matamis.
"Mahal na mahal din kita, Jai." Bulong niya rin.
Lumapit ako at hinalikan ko siya sa noo bago ko siya niyakap.


Naglaho na namang bigla ang mga nakita ko. Ano ba 'to! Buhay pa si Fei! Sadyang... Sadyang namimiss ko lang siya. Hindi ko alam kung anong gagawin nila kay Fei! Ano bang pinaplano nila sa kanya?! Bakit hindi na lang ako ang kunin nila?! Tangina naman eh!!
Naglakad ako papunta sa kama namin at naupo ako dun. Naisuklay ko ang kamay ko sa buhok ko dahil sa sobrang inis ko.
Ano bang dapat kong gawin para mailigtas ko si Fei?!! TSK! Tangina!
Unti-unti na namang tumulo ang mga luha ko. Ngayon wala na 'tong tigil sa pag-agos.
"Pakakasalan pa kita, Fei. Pangako ko, ililigtas kita. Hindi ko hahayaang may mangyari sayong masama." Bulong ko habang tuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko.
(Fei's POV)
"Pakakasalan pa kita, Fei. Pangako ko, ililigtas kita. Hindi ko hahayaang may mangyari sayong masama." 
Biglang tumulo ang luha ko. Si Jai... Kamusta na kaya siya? Nasaan siya? Dinukot rin kaya siya? 
Bigla kong naalala ang mga nangyari kanina.
Pagkatapos kong tawagan si Jai, ibinulsa ko na yung phone ko. Nakarinig ako ng yabag papalapit kaya dahan-dahan kong kinuha mula sa leather jacket ko yung baril ko.
Medyo nagulat ako nung may humatak nung asul na plastik pero nakabawi rin agad ako sa gulat kaya agad akong tumayo at binaril siya sa may dibdib. Tumumba siya kaya tumalon na ako paalis sa may likod nung refrigerator ng Ice Cream. Kelangan kong magpakita kay Jai. TSK! Baka kung ano nang nangyari sa kanya.
May biglang sumulpot na lalaki kaya agad kong binaril. Shit! Buti hindi yun si Jai.
Lumabas ako sa 7eleven at nagpalinga-linga ako sandila bago tumakbo papunta sa kabilang sidewalk. Fuck! Kelangan ko nang bumalik sa Ospital!
"FEI!" 
Napalingon ako. Si Jai!
Tumakbo siya papalapit pero may biglang humarang na Van.
Then everything went black...
(Cyrus' POV)
"Nakidnap daw si Fei." Kwento ko kay Mika pagkarating niya galing sa CR.
"WHAT?!" Gulat na tanong niya.
Shit! Bakit ko ba sinabi?! Buntis nga pala si Mika!
"Oo. Sinubukang habulin ni Jai pero hindi niya naabutan." Sagot ko.
Napahilamos si Mika sa mukha niya.
"God! Ano ba 'tong ginagawa nila?! Una sila Danielle at Martin. Ngayon si Fei?! Aaargh! Ano bang gusto nilang mangyari?!" Galit na tanong ni Mika.
Nakita kong unti-unting tumulo ang mga luha niya. Naupo siya sa upuan katabi nung Hospital Bed ni Danielle.
Lumapit ako at niyakap ko siya.
"Tahan na. Pag-uusapan natin 'to bukas kapag nakapag-pahinga na si Jai. Sa ngayon, tara na muna. Uuwi na tayo para makapag-pahinga ka." Pagpapatahan ko sa kanya.
Tinulungan ko siyang tumayo saka kami lumabas ng ICU.
Bumaba kami at dumiretso sa Parking Lot. Pagkarating namin sa kotse ko, pinagbuksan ko ng pinto si Mika tapos ako naman yung pumasok.
Kung naguguluhan kayo kung bakit kanya-kanya nang kotse ang dali namin, pinadala lang namin yung Van sa isa naming Back-up habang 'yung mga kotse namin, nakapark dito sa harap ng hospital.
Sinimulan ko nang magmaneho.
"Humanda sila kapag may nangyaring masama sa Bestfriend ko." Bulong ni Mika.
Napatingin ako sa kamay niya. Mahigpit itong nakasarado at nanginginig.
Galit siya. TSK! 
"Mika..." Pigil ko sa kanya.
Bumuntong hininga siya.
"Cy, bakit ba nila 'to ginagawa? Una si Danielle. Sunod si Fei. Bakit ba nila tayo pinapahirapan? Ano ba talagang gusto nilang kunin?" Naiiyak na tanong ni Mika.
"Hindi ko rin alam. TSK!" Sagot ko.
Maya-maya nakarating na kami sa Parking Lot ng Condominium kaya nagpark na ako sa space ko tapos lumabas ako at pinagbuksan si Mika.
Inalalayan ko siyang lumabas ng kotse tapos sinara ko yung pinto.
Kanina ang sigla-sigla niya. Ngayon pagod na pagod siya. TSK!
Inalalayan ko siya hanggang sa makarating kami sa Pad namin.
"Magpahinga ka na, Mika." Sabi ko tapos hinalikan ko siya sa noo.
"I love you." Bulong ko tapos hinalikan ko siya sa labi saka ko siya sinamahan papunta sa kwarto namin.
Humiga siya tapos pumikit. Ni hindi na siya nag-atubiling magpalit ng damit.
"Mika." Tawag ko sa kanya.
Idinilat niya ang mga mata niya.
"Hmm?"
"Magpalit ka muna ng damit. Mahihirapan ka matulog niyan." Sabi ko sa kanya.
Umiling siya.
Lumapit ako at lumuhod para maging kapantay ng mukha ko yung mukha niya.
"Mika... Gagawaan natin 'to ng paraan. Ililigtas natin si Fei." Bulong ko sa kanya.
Umiling ulit siya.
"Magpapahinga muna ko, Cy." Bulong niya rin.
"Sige." Sagot ko saka na ako tumayo at hinalikan siya sa noo bago ako lumabas ng kwarto.
~Kinabukasan~
(Jairus' POV)
Nagkita-kita kaming tatlo sa may HQ namin sa Manila. Nandun yung iba pa naming Back-Up. Nandun din yata yung mga ka-Gang ni Martin tapos mga ka-Gang din ni Russle pati si Ruijin.
Pagdating namin...
Nakahanda na silang lahat. Handa na rin naman kami. Pero pagpaplanuhan pa namin.
"Di niyo na kailangang maghintay pa ng tawag. Alam na namin kung saan nila dinala si Fei. Nasundan ni Prince yung Van na dumukot kay Fei. Pumasok daw sa isang Abandoned Village." Sabi ni Russle pagpasok namin.
"Prince, Jake, Trevor, and Rai, sa school kayo. Inform us kapag wala kayong nakita don. Kenneth, Kyle, Marvin, Marion, Carl, and Russle, sa Abandoned Mansion kayo sa gawing kanan. Back-ups, divide your groups. Jairus, Cyrus, Mika at Ako, sa Resort tayo." Pag-aasign ni Ruijin.
"Move! Move!" Sigaw ni Russle.
Lumabas na sila at narinig na namin ang mga makena ng kotseng paalis na.
"Teka, teka! Hindi pwedeng sumama si Mika." Pigil ni Cyrus.
"Bakit?" Tanong ni Ruijin.
"Buntis si Mika. Baka mapano pa siya pati yung dinadala niya." Sagot ni Cyrus.
Tumingin si Mika kay Cyrus.
"Cy..." 
Lumingon si Cyrus kay Mika.
"Di ka pwedeng sumama, Mika. Kailangan mong magpahinga." Sabi ni Cyrus.
"Kaya ko ang sarili ko! Hindi rin ako mapapanatag kapag hindi ako sumama sa inyo para mailigtas si Fei." Sagot ni Mika.
Humarap si Cyrus kay Mika at hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito.
"Mika, kaya na namin 'to. Ililigtas namin si Fei. Wag kang mag-alala, gagawin namin ang lahat para mailigtas namin siya." Pigil ni Cyrus.
Umiling-iling si Mika.
"NO! NO! Sasama ako sa ayaw at sa gusto niyo! Ililigtas ko si Fei sa ayaw at sa gusto niyo!"Tutol ni Mika saka tumakbo palabas.

"Mika!" Sigaw ni Cyrus.
Agad na sinundan ni Cyrus si Mika. Nagkatinginan kami ni Ruijin.
Paglabas namin, nakita namin na hawak ni Cyrus at kaliwang braso ni Mika.
"Bitawan mo ko, Cyrus! Ililigtas ko si Fei! Hindi ako papayag na hindi ako pwedeng sumama!" Piglas ni Mika.
Pumiglas piglas siya kay Cyrus, kaya nung makawala siya, agad siyang pumasok sa kotse niya at sinara ang pinto. Pinaharurot niya yung kotse niya at sinundan yung iba pa.
"Shit!" Mura ni Cyrus saka pumasok sa kotse niya at pinaharurot din.
Dali-dali din kaming sumakay sa sarili naming mga kotse at sinundan sila Cyrus.
~
Pagdating namin sa Resort, may mga nagbabarilan na. Shit! Si Fei!
Dali-dali akong lumabas. Sinalubong ako ni Cyrus at Mika.
"Jai, hanapin mo na si Fei. Kami nang bahala sa mga nagbabarilan." Sabi ni Cyrus.
Biglang tumakbo si Mika.
"Mika!" Tawag ko.
Shit! Baka mapahamak yun!
Hinabol ko agad si Mika. Ang bilis niya tumakbo. Libot siya ng libot hanggang sa makarating kami sa parteng paliguan. Yung may mga pool.
"FEI!" Sigaw ni Mika.
Bigla na namang tumakbo si Mika tapos tumalon sa pool.
Natulala ako.
Shit.
Am I Too Late?
Natauhan agad ako kaya tumalon din ako sa pool at nilangoy papunta sa gitna. Tuloy ang agos ng tubig. Shit!
Kinalas ko yung tali niya tapos pinagtulungan namin siyang buhatin ni Mika.
Nung maka-ahon kami, binuhat ko siya at inilapag ko siya sa semento. 
CPR. 
Right.
Kelangan niya ng CPR ngayon.
Naglean down ako at ginawa ko nga ang CPR.
Maya-maya nagbuga siya ng tubig.
Tinulungan namin siyang tumayo tapos tumakbo kami papunta sa may unahan nung Resort.
Umuna akong maglakad para alam ko kung may kasalubong kaming kalaban.
Nung malapit na kami sa may Gate, nakita na namin dun si Cyrus na naghihintay.
"Fei, iwas!" Sigaw ni Mika.
Napalingon ako sa likod ko.
May pumutok na baril.
"FEI!" "MIKA!" Nagkasabay na tawag namin ni Cyrus.
---------------------------------------------------------------------
Author's Note:
I'm sorry if sobrang tagal ng UD. :) May WB kasi ako eh.

1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^