Friday, December 14, 2012

Dream Come True : Chapter Four

CHAPTER FOUR
Secretly Jealous

(Phoebe’s POV)




“Salamat sa pagHATID, Logan. Naabala pa tuloy kita.” Nahihiya kong sabi.






Ngumiti siya ng matamis. “Wala yun. Mabuti na lang at nakita kita sa hallway kanina kaya tinulungan kita. Sige ha, mauna na ko. Ingat lagi. >.*” Kita niyo yon? Kinindatan pa ko!






“Ehem. Phoebe, kanina ka pa inaantay ng Bisita mo. Mga Bisita pala.” Singit ni Bea nung makaalis na si Logan.






Lumingon ako sa kanya. Kasama niya si Niall na kasalukuyang naka-akbay sa kanya. Si Niall nga pala ay isa sa mga Heartthrob ng CJU. Gwapo, Half-Filipino, Half-British pero di niya namana ang itsura ng mga Pilipino. Mas mukha pa rin siyang British dahil sa Blonde niyang Buhok, ayun nga lang may Braces. Pero di masyadong halata.






“Hoy, Phoebe Ann! Wag mong titigan yung boypren ko! Baka malusaw! I-le-laser kita kapag nalusaw ‘to.” Saka niya ko pinanlakihan ng mata.





May lumapit sa amin. Yung nakabungguan ko kahapon sa Cafeteria at yung babaeng maganda na mukhang anghel.






“Lou, siya ba yung nagtapon sa’yo ng Orange Juice?”Masungit na tanong nung babae.





“Ahm, oo. Pero…” Dadagdagan niya pa dapat nung nagsalita ulit yung babae.






“Alam mo bang regalo ko yun sa kanya? How dare you to put some stain on my gift for him!” Naniningkit niyang sabi.






Hinawakan nung ‘Lou’ yung braso nung babae. “Ele, Calm down.”






“But, Lou?” She protested.







“Enough for this, Ele. Tara na. Sorry sa abala, Ann.” Paumanhin niya saka niya na kinontrol sa balikat yung kaibigan niya.





Ann… Yung nasa panaginip ko… Ann yung tawag sakin dun ni Logan. Pero ngayong gising ako… Yung lalaking yun. Yun yung tumawag sakin ng Ann.




(Louis’ POV)





“Now what? Dahil sa ginawa ko hindi mo na siya ulit lalapitan? Lou naman! Palagi na lang ako yung nagiging dahilan para hindi ka lumapit sa mga babaeng nagugustuhan mo. Nakakapagtampo ka na ha.” Ele said softly.





I seated beside her. Hugged her like there’s no tomorrow. She Confessed last night. And I was so dumbfounded when I realized that My Best Friend is inlove with me. I’m a freaking asshole who lives in the freaking hell.





“Wag ka nang magtampo, ha? Baka pumangit ka, sige ka di na kita papatulan.” I trickly said to her.





“Eeh! Naman eeh! Wag kang ganyan, Louis! Baka umasa ako!” Makulit niyang sabi.

I pinched her nose.





“Ikaw lang ang babaeng hinding hindi ko pagsasawaang mahalin, Best Friend!” Nakangiti kong sabi.




Hinalikan ko siya sa pisngi. Tinulak niya ko saka siya nag-cross arms.






“Hmpf! Best Friend pala ah! Best Friend na lang palagi pwesto ko dyan sa puso mo! Bahala ka dyan!” Nakanguso niyang sabi tapos tumalikod sakin.





“Ele naman. Sige na, Sorry.” Paumanhin ko.





Humarap siya sakin.






“It’s El. E tapos El! Not Ele. E, El, tapos E ulet! Hmpf! Pati pangalan ko ayaw mong ayusin! Bahala ka dyan! Panget ka!” Bata-bataan niyang sabi.

Taray ah.





“Osige sige na! Basta wag ka na magtampo. Ito naman oh. Sorry na.” Nangungulit kong sabi.





“Hinde! Panget ka! Duon ka! Ibigay mo na lang yang peace offering mo sa kanya! Hmpf!” Tampo niya pa ring sabi.





“Sus! Panget pero mahal mo!” Biro ko sa kanya.





“Eh ano naman kung ma—Ohmygad!” Gulat niyang sabi.





Natauhan ata nung marealize niya yung dapat sasabihin niya.





Pinalo pala niya ko sa braso pati sa hita.





“Nakakainis ka!! Ang sama-sama mo, Louis!” Sigaw niya habang hinahampas pa rin ako.




Tawa lang ako ng tawa kasi ang cute niya tignan.



“AHAHA! Biro lang kase! Ito naman! Oy- oy! Tama na yan! Eleanor, tama na! Oooy! Sabing tama na kase! Masakit!” Angal ko. Pano ba naman kasi, kinukurot ako sa hita. Masakit kaya!





“Nakakainis ka! Hindi porket mahal kita ginagamit mo na yun para Biruin ako ng ganyan! Errr! Nakakainis ka!!!” Gigil na gigil niyang sabi.




Alam mo yung parang gusto ka niyang durugin ng pinong pino? Ganun siya ngayon.





Tumayo na ko. “Alam mo, magpalamig ka muna ng ulo. Babalik ako mamaya. Ibibigay ko lang ‘to sa kanya. Sige na ha. Iloveyou, Best Friend.” Paalam ko saka ako humalik sa ulunan niya at umalis na.





Naglakad-lakad ako habang hawak ko yung ‘Peace Offering’ ko sa kanya. Gusto kong makipagbati sa kanya. Ang sama ng first impression niya sakin eh.



*POK!*





Kusang nalaglag yung dala ko mula sa kamay ko. Nakatanaw ako ngayon sa dalawang taong nag-uusap na akala mo sila lang.





Anong ibig sabihin nito? Bakit apektado ako sa kanilang dalawa?





I feel like I’m Secretly Jealous.




~~~~~~~~~~~~~~~~

Eleanor and Louis











5 comments:

  1. pasimpleng selos. ibig sabihin inlababo! haha!

    ReplyDelete
  2. ow.. kailan pa kaya ako magkakaroon ng pag asa kay Lou..hahaa.. may Ele na siya eh..hahah! heart attack lang mapapala ko dito..si Logan na lang akin..pwede?

    ReplyDelete
  3. I like it. 1D kasi e

    ReplyDelete
  4. aNg gAnda ng updAte,,,, moRe p auThor!!! hwaHehE,,,

    ReplyDelete
  5. ud mo na toh..pwede? Nabibitiin ako..ulit-ulit ko ng binasa..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^