Saturday, June 2, 2012

My G-Minor Prince : Chapter 6


CHAPTER SIX


          Walang kagana-gana si JinWoon habang nag-lalakad ito papasok sa gate ng school. Wala sya sa mood ngayon pero pinipilit nya lang dahil may practice sila ng banda nyang Eye Shadow at may quiz sya sa first subject nya. Nang makarating sya sa building nila ay napahinto sya ng makita nya si SooYeon na papasok ng library. Gustuhin man nyang lapitan ito pero wala talaga syang gana. Siguro dahil iyon sa nalaman nya kagabi. Ayaw nya muna makausap si SooYeon, gusto nya munang maka-limot. napapansin nya kasi na walang araw na hindi sya nasasaktan. Gusto nya naman ng break.


          Lupay-pay na pumasok si JinWoon sa classroom nya. Doon ay naabutan din nyang bored sina Ahn Daniel, Cha SunWoo at MyungSoo. Sila ang ka-bandmates ni JinWoo at the same time ay classmate din nya. Parang walang buhay na naka-upo si SunWoo sa upuan nito katabi si MyungSoo, si Daniel naman ay ginugupit ang kuko gamit ang ngipin. Ibinagsag ni JinWoon ang katawan sa upuan nito.


         "Anong problema mo?"halos bulong na lang ang boses ni MyungSoo.


         "Marami. Ayaw ko na isipin yun."mahinang boses ding sagot nito.


         "Hindi ba kayo nag-sasawa?"biglang natanong ni SunWoo.


         "Nakakasawa. Nakakasawang makita yang mukha mo."sagot naman ni Daniel. Ngumuso si SunWoo sabay sinipa sya sa binti. Hindi naman napatalo si Daniel. Tumayo ito saka binatukan si SunWoo, nag-gantihan silang dalawa hanggang sa humatong sa harutan. Napailing na lang si MyungSoo sa dalawa. Nang mapansin ni JinWoo na wala ang drummer nilang si MinHyuk ay agad nya itong naitanong kay MyungSoo.


         "Asan nanaman ba si MinHyuk? Mali-late nanaman sya-"pero hindi pa man sya natatapos sa sinasabi niya ay sumisigaw ng dumating si MinHyuk.


         "Classmates! Classmates!"excited itong tumakbo sa mga kaibigan. Lahat napatingin sa kanya. Maging ang nag-yayakapang sina Daniel at SunWoo ay napahinto


         "Ano ba yun? Ang ingay ingay mo."inis na tanong ni MyungSoo


         "Wala tayong teacher na first subject! Yehey!"ikinatuwa ng lahat ang balitang iyon ni MinHyuk except kay MyungSoo at JinWoon.


         "Anong nakakatuwa dun? Siguradong may teacher na tayo sa second subject natin."singit ni MyungSoo sa nag-kakatuwaang mga classmates nya. Para tuloy pinanghinaan ng loob ang mga ito. Pero si MinHyuk ay wala paring mapag-lagyan ang excitement.


         "Guys!"tawag nya sa mga ito. Niyakap pa nya ang mga ito palapit sa kanya na para bang confidential ang pag-uusapan nila. Nag-sisunuran naman ang apat sa kaniya. "May bagong bukas na Ice Cream shop sa Central! Balita ko masarap daw ice cream nila dun!"hindi maitago sa boses nito ang tuwa.


         "Talaga?"excited na wika ni Daniel at SunWoo. Mabilis na tumango-tango si MinHyuk. Naging curious ang dalawa sa sinasabi nya.


         "At meron din silang tindang Yogurt Ice Cream!"parang mga bata na tinatakam ni MinHyuk ang mga kaibigan. Ang kanina'y walang gana na si MyungSoo ay nadala sa Yogurt Ice Cream nya.


         "Totoo ba 'yan?"halata sa mukha ni MyunSoo ang pananabik. Lahat na sila ay nananabik sa Ice Cream shop na iyon maliban kay JinWoon na wala parin sa wisho. Pero sa huling sinabi ni MinHyuk ay dun nya lang nakuha ang mood nito.


         "At higit sa lahat! Meron ding Dukbokki!"sa sobrang takam napaluhod pa sa harap ni MinHyuk si JinWoon ng marinig nito ang favorite nya. Lahat ay napatingin sa kanya.


          "Talaga?"parang nag-mamakaawang tanong nito.


         Itinulak sya ni MyungSoo palayo. "Ano ka ba! Ang O.A mo naman eh!"pero O.A din pala ang magiging reaction nya. Inilapit nya ang mukha kay MinHyuk na para bang mahahalikan nya na ito saka nag-salita. "Nag-sasabi ka ba ng totoo?"


         Pabirong pinunasan ni MinHyuk ang mukha nya kahit wala namang laway na tumalsik doon. "Maniwala kayo!"pangu-ngumbinsi nya sa mga ito.


         "Hindi!"sabay sabay silang napalingon kay JinWoon. "Pano mag-kakaroon ng dukbokki sa isang ice cream shop? Niloloko mo ba kami? Tinatakam mo lang kami eh!"muli itong naupo sa upuan nito.


         "Oo nga naman! Gusto mo na bang mamatay hu?!"hinawakan pa ni MyungSoo sa kwelyo si MinHyuk na para bang nang-hahanap ito ng away. Inambahan at sinipa lang nya si MyungSoo dahilan para mapabitaw ito.


         "Totoo nga yun!"pag-papatuloy ni MinHyuk. "Gusto nyo puntahan natin?"yaya nya na mukhang nagustuhan naman ng apat. "Dating gawi?"hamon pa nya. Sumilay sa mukha ng lima ang mga pilyong ngiti.


         Ang dating gawi kasing sinasabi nila ay mag-cutting class para pumunta sa Central. Ang Central ay isa sa sikat na lugar na tambayan ng mga student sa ibat ibang schools. Kumpleto ang mga establishment doon. Mga food shop, entertainment shop at mga shopping centers. Madalas sila dun lalo na kapag bored sila sa klase. At para maka-labas sa school ay dumadaan sila sa secret passage na ginawa nila noong first year pa lang sila. Sa likod ng school ay may isang butas na screen na tinabunan lang nila ng mga halaman. Sila mismo ang gumawa nun.


         Isa-isa silang dumaan sa butas hanggang sa lahat na sila ay nasa labas na. Nag-bigayan pa ng high five ang mga 'to. Ilang sandali pa ay nasa Central na sila. Para silang mga nakawala sa lunga nila. Ang sasaya nila na para bang wala ng bukas habang sinisigaw nila ang paborito nilang pag-kain.


        "Dukbokki! Dukbokki!"sabay sabay nilang wika. Tumakbo paharap si JinWoon saka umarteng may hawak na gitara. Nag-strum ito sabay kanta sa favorite nyang chords. "G-Minor~Dukbokki~G-Minor~"nangin-nginig pa ang boses nito na para talagang tunog ng isang gitara. Nag-tawanan ang apat. Signature ni JinWoon ang G-Minor chords dahil kapag ayaw nitong mag-perform o kaya naman ay tinatamad ito sa practice ay puro ganon lang ang ginagawa nya hanggang sa mag-sawa sya. 


         Patuloy sya sa pag-sabi ng G-Minor habang paatras na nag-lalakad. Hindi nya napansin na may tao pala sa harap nya. Nabangga nya ito kaya naman agad syang napaharap para kilalanin kung sino yun. Nang-laki ang mata nya ng makitang si JiYeon pala iyon. Short hair ito ngayon hindi tulad ng dati na long blond hair. Ngayon ay short brown hair ang peg nya. Mukhang kagagaling lang nito sa parlor.


         "Ano ba? Bulag ka ba?"inis na saad ni JiYeon. Nang maalala ni JiYeon kung sino ang taong bumangga sa kanya ay mas lalong nabuhay ang galit sa dib-dib nya. "You again?!"nang-gaglaiting sabi nito.


         "Bakit? Kelan ba kayo huling nag-kita?"kunot nuong tanong ni SunWoo. Tumango naman si Daniel.


         "Kagabi! At itong kasama nyo sa cheap nyong banda ay manyakis!"wala talagang preno ang bibig nito.

         
        "Ano? Totoo ba yun?"gulat na tanong ni MinHyuk.


         Binatukan sya ni JinWoon. "Naniwala ka naman sa babaeng yan. Sinungaling naman yan eh. Hoy! Miss! Aksidente lang ang lahat kagabi! Kaya kalimutan mo na yun."wika nito.


         "Ano yung aksidente?"interesadong tanong ni MyungSoo.


         "Wag mo na alamin. Tara na nga."saad ni JinWoon kay MyungSoo. Paalis na sila ng bigla syang sipain ni JiYeon sa likod ng binti nya. Napaluhod tuloy syang bigla. Nagulat ang apat at sabay sabay na napalingon kay JiYeon. Para nanaman itong nag-transform into monster.


         "Dapat kang mag-sorry sa ginawa mo! Hinalikan mo ko! Sinadya mo yun!"para na talaga itong monster dahil sa nanglilisik nitong mata. Nagulat nanaman ang apat.


         "Hinalikan mo si JiYeon? Pano mo nagawa yun?"manghang tanong ni MinHyuk.


         "Ang tapang mo naman para gawin yun! Bilib na ko sayo bro.!"tinapik-tapik pa ni Daniel ang balikat ni JinWoon. Inis na hinawi ni JinWoon ang kamay ni Daniel at galit itong tumayo saka lumapit kay JiYeon.


         "Sinabi ko na diba? Hindi yun sinadya! Aksidente lang ang lahat! Hindi ko kailangang mag-sorry pa sayo dahil naka-ganti ka na. Sinampal mo na ko at pinag-sisipa diba? Kulang pa ba yun? Hindi ako mang-hihingi ng sorry sayo!"mukhang napuno na ito kay JiYeon. Walang kurap lang na nanunuod ang apat sa kanila.


         "Kung titingnan. Bagay silang dalawa."wika ni MinHyuk sa tatlo. Sumangayon naman ang mga ito.


         "Grabe! Para silang mag-boyfriend, girlfriend kung mag-away."si SunWoo naman ang nag-salita.


         "Kung si JiYeon ang magiging muse ng banda natin  siguradong sisikat tayo."singit naman ni MyungSoo na mas sinangayunan ng tatlo.


         "Tama ka dyan. Dapat wag na syang pakawalan ni JinWoon."sagot naman ni Daniel sa sinabi ni MyungSoo.


         "Pano naman mang-yayari yun? Eh mukhang mortal silang mag-kaaway."ngumuso pa si Daniel.


         "Alam ko na!"biglang nakaisip ng ideya si MinHyuk. Pinalapit nya ang mga ito saka nag-plano. Wala namang kaalam-alam ang dalawa na pinag-pa-planuhan na pala sila. Nang matapos ang pag-pa-plano ay lumapit si MinHyuk sa dalawa na nag-aaway parin.


         "Tama na nga yan. Pinag-titinginan na kayo ng mga tao oh."pigil nito. Nilingon nila ang paligid, mukhang totoo nga ang sinabi ni MinHyuk. Pareho tuloy silang nakaramdam ng hiya. "Hindi namin alam kung sino ang nag-sasabi ng totoo sa inyong dalawa. Wala din namang gusto mag-patalo. Kaya may naisip kaming ideya."nilingon ni MinHyuk na may pilyang ngiti ang mga kasama nya. Kina-alarma naman ni JinWoon ang sinasabi naisip niton ideya.


         "Ano nanamang kalokohan yan?"tensyonadong tanong ni JinWoon.


         "Ganito. Since papunta tayo dun sa ice cream shop na may dukbokki. Bakit kaya hindi tayo mag-contest. Paramihan ng makakaing dukbokki."pahayag ni MinHyuk sa ideya nya.


         "Ano namang mapapala namin sa contest mong yan?"mataray na tanong ni JiYeon.


         "Ang may pinaka-maraming makakain sya ang panalo. At ang matatalo naman ay magiging utusan ng nanalo hanggang matapos ang natitirang three months natin as fourth year high school."nag-palakpakan ang tatlo sa likuran ng sabihin ni MinHyuk ang consequence. 


         "Ano bang kalokohan ya-"natigilan si JinWoon ng mag-salita si JiYeon.


         "Okay sakin yun."confident ma saad ni JiYeon. Ikinatuwang  naman ng apat ang pag-payag ni JiYeon. Mukhang umaayo ang lahat sa plano.


         "Tumigil ka nga!"saway ni JinWoon dito.


         "Bakit? Naduduwag ka ba? Sabagay, tama lang yang nararamdaman mo. Ngayon pa lang sumuko ka na. Dahil alam ko namang matatalo kita."pang-hahamon ni JiYeon kay JinWoo. Tila sigurado na talaga itong mananalo ito.


         Pakiramdam ni JinWoon ay natapakan ang ego nya. Sa lahat pa naman ng ayaw nya ay tapakann ang ego nya, pero yun ang ginagawa ni JiYeon ngayon. At ayaw din nyang mapahiya sa mga kaibigan nya. Wala na syang nagawa kundi ang tanggapin ang hamon. Ilang minuto pa ay nandun na sila sa Ice cream shop. Totoo ngang may tindang dukbokki at Yogurt ice cream ang shop na yun.


        Unang in-order ni MinHyuk ang dalawang big size ng dukbokki. Ibinigay nya ito sa dalawa. Samantalang ang tatlo pa sa kasama nila ay kanya-kanya na ng bili.


       'Ready na kayo?"tanong ni MinHyuk ng itaas nya ang kakang kamay. Ito kasi ang mag-sisilbing go signal. Nang hawiin na ni MinHyuk ang kamay pababa kasabay ang pag-sigaw nya ng 'Go' ay nag-umpisa ng kumain ang dalawa.


       Mahigit isang oras na pero wala paring sumusuko sa kanila. Limang big sized na ang naubos ng mga ito. Trenta minutos pa ang lumipas pero parang naduduwal na si JiYeon. No! Kailangan nyang galingan dahil kung hindi ay magiging utusan sya ni JinWoon. Ganon din ang naiisip ni JinWoon ngayon. Nang lumipas pa ang twenty five minutes ay sumuko din si JiYeon ng masuka ito at iluwa lahat ng kinain nyang dukbokki.


        Napasuntok sa hangin si MinHyuk, habang sina MyungSoo, Daniel at SunWoon ay nag-yayakapan sa tuwa. Umayon ang lahat sa mga plano ni MinHyuk. Natalo nga si JiYeon, ngayon ay magiging utusan ito ni JinWoon.


        Pano tatanggapin iyon ni JiYeon? Hindi nya alam kung pano sya makikisalamuha dito kung galit sila sa isat-isa. Pinag-sisisihan tuloy ni JiYeon ang pag-patol sa contest ni MinHyuk. Ano nang mangyayari sa kanilang dalawa?

2 comments:

  1. ay wla nng kasunod???? kyaaaaaaaaaah! more update po author!

    meon k pong wattpad account pra mafan kta? i like ur story tlga! :D :D :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow .. thanks po .. ginagawa ko pa po ngayon yung chapter seven .. meron po kaso hindi ko pa po na-u-update .. e2 po wattpad cu ..

      http://wattpad.com/EunSeungRi

      salamat po sa effort na basahin story ko .. god bless po ..

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^