Tuesday, June 5, 2012

My G-Minor Prince : Chapter 13


CHAPTER THIRTEEN

         Pareho nang nakaupo sa waiting shed sa sakayan ng bus sina JiYeon at HeeChul. Binasag ni HeeChul ang nagingibabaw na katahimikan. "Sorry."sabi nya. Napalingon sa kanya si JiYeon.


         "Naiintindihan kita."ngumiti pa si JiYeon.


         "Nag-sisisi ako sa mga nagawa ko."halata talaga sa boses nito ang pag-sisisi. Natawa naman si JiYeon.


         "Tapos na yun. Minsan kailangan talagang maramdaman ng isang tao ang ganyan para may ma-realized na isang bagay."saad ni JiYeon.

         "Tama ka. Ngayon marami akong na-re-realized. Isa na dun ang nararamdaman ko sayo."wika ni HeeChul. Hindi agad naka-pagsalita si JiYeon.  "JiYeon, give me another chance."pakiusap ni HeeChul. Hinawakan pa nya ang kamay ni JiYeon.


        Hindi na tinapos pa ni JinWoon ang pag-mamasid sa dalawa. Masakit na para sa kanya ang nang-yayari kaya umalis na lang ito na mabigat ang dib-dib. Pakiramdam nya mamamatay sya sa sakit. 


        Marahang inalis ni JiYeon ang kamay sa pag-kakahawak ni HeeChul. Nang makabitaw ay tumayo ito. "Alam mo kung ano ang isa sa bagay na na-realized ko sa mga nang-yayari?"humarap ito kay HeeChul. "Akala ko ang isang bagay na nakasanayan ko ay yun na ang pinakamasaya."ngumit si JiYeon bago nag-patuloy. "Mali pala ako. May mas sasaya  pa pala dun."tumingin sa harap si JiYeon. "Sa sobrang saya ayaw ko nang bumalik pa sa nakaraan."ano ba ang ibig sabihin nito? Na hindi na sya babalik pa kay  HeeChul dahil may iba ng nag-papasaya sa kanya?


       "Naiintindihan ko."kahit na masakit para kay HeeChul ay tinanggap na nyang hindi na babalik si JiYeon sa kanya. "Kung sino man ang nag-papasaya sayo ngayon sana hindi ka nya saktan gaya ng nagawa ko."dugtong pa ni HeeChul.


       Naupo ulit si JiYeon sa tabi ni HeeChul. "Wag kang mag-alala. Alam kong hindi nya ko sasaktan."confident na sabi ni JiYeon.


       Kanina pa nag-paulit ulit sa morning practice sina JinWoon dahil hindi nito makuha-kuha ang Oh! My Goddess ng TRAX. Nawawala ito sa tono sya sa tono maging ang pag-gitara nya ay sintunado. Halatang wala sya sa mood, na pinipilit nya lang ang sarili nya. Takang taka na sa kanya ang mga ka-banda nya. Hindi na nila maintindihan ang kaibigan. Kaya mas minabuti na lang muna nilang huminto.


      "JinWoon! Okay ka lang ba?"alalang tanong ni MyungSoo. Pilit na ngumiti si JinWoon bago sumagot.


      "Oo, ayos lang ako."walang gana nyang sagot.


      "Wag ka na nga mag-sinungaling. Halata namang may pinag-dadaanan ka e."pangu-ngusisa ni Daniel.


      "Okay nga lang ako."giit nya.


      "Kung ano man yang pinag-dadaanan mo nan dito lang kami para sayo."saad naman ni SunWoo.


     Tinapik ni JinWoon sa balikat si SunWoo. "Salamat."


     "Teka! Alam nyo na ba?"pag-iiba ni MinHyuk sa usapan. Napalingon ang apat sa kanya. "May mga producer daw na pupungta sa contest."anunsyo ni MinHyuk na ikinagulat nila.


     "Talaga?"paninigurado ni MyungSoo.


     "Oo. At gaganapin ang Battle of the Bands sa Anniversary ng school."wika pa ni MinHyuk.


     "Mukhang ingrande ang laban ah."si Daniel naman iyon.


     "Kaya nga galingan natinn e. May mga producers na pupunta. Malay nyo baka ma-discover tayo."positibong sabi ni MinHyuk. Sumang-ayon naman ang tatlo maliban kay JinWoon na parang wala sa sarili.


     Nag-tataka si JiYeon kung bakit hindi pa natawag si JinWoon para mag-pabili ng kape. Ano na kayang nang-yari dito?aka tulog pa ito o kaya naman lowbat ito o baka ninakaw ang cellphone nito? Kung ano-ano na ang naiisip ni JiYeon. Hanggang sa school ay si JinWoon parin ang iniisip nya.


     "JinWoon!"tawag ni JiYeon ng makita nya itong nag-lalakad papasok ng biulding. Pero kunyari namang walang narinig si JinWoon. Nag-mamada itong nag-lalakad papasok. "JinWoon! Sandali!"habol ni JiYeon hanggang sa hingalin sya. Nag-taka sya bakit hindi sya narini nito samantalang ang lakas ng tawag nya.


     Dumating ang break time na si nJinWoon parin ang nasa isip ni JiYeon. Ano ba kasing nangn-yayari dito? Nakita nyang naroon ito sa canteen kasama ng mga ka-bandmates nito. Muli nya itong tinawag. "JinWoon!"kumaway pa sya. Gaya kanina parang wala itong naririnig. Nang palapit na sya ay dali-dali itong tumayo sa upuan at nag-mamadaling lumabas. "Hoy! Ano ba!"inis na tawag ni JiYeon ngunit para talagang wala itong narinig. Galit na nilapitan ni JinYeon ang mga kaibigan ni JinWoon. "Ano bang nang-yayari sa kaibigan nyo? Bakit nya ko iniiwasan?"matapang nitong tanong. Clueless expression lang ng mukha ang sinagot ng apat.


       "Nag-away ba kayo?"balik tanong ni SunWoo. Napapikit na lang sa galit si JiYeon saka nag-walk out na iniwang kwestyonable ang apat.


       "Sila ba?"kunot nuong tanong ni Daniel sa mga ito. Kibit balikat lang isinagot nila.


       Hinahanap ni JiYeon sa campus si JinWoon pero hindi nya ito makita. Saan ba ito nag-punta? Gusto nyang malaman kung ano bang problema nito. Pero hindi nya naman ito makita. Napatingin sya sa rooftop ng fourth year building. Sigurado, naroon ngayon si JinWoon. Patakbo nyang inakyat ang rooftop. Naabutan nya nga doon si JinWoon. Pero hindi ito nakaupo sa paburito nitong pwesto. Kundi naroon ito naka-upo hawak ang gitara sa spot kung saan madalas tumayo si JiYeon kapag umiiyak ito.


       Kumakanta ito habang tinutugtog ang ginawa nyang kanta. Inaaliw nya ang sarili. Marahang naupo si JiYeon sa tabi nya. Napa-atras si JinWoon sa gulat ng mapalingon. "Ginulat mo naman ako!"sigaw nito. Sa halip na sumagot ay sinuntok nito si JinWoon sa balikat.


       "Bakit mo ko iniiwasan?"parang batang reklamo nito. Napayuko si JinWoon bago nag-salita.


       "Alam kong narinig mo ang mga sinabi ni SooYeon kagabi."saad ni JinWoon.


      "Yun ba? Ano namang meron dun?"kunot nuong tanong nito.


      "Ngayong alam mo na ang totoo. Pwede ka nang bumalik kay HeeChul."sabi ni JinWoon pero halata na labag ito sa loob nya.


       "Bakit? Gusto mo ba bumalik ako sa kanya?"


       Sasagot sana ng Oo si JinWoon pero ng maisip nya ang anong ni JiYeon ay nag-dalawang isip sya. "Ikaw. Kung masaya ka naman ayos lang."pag-sisinungaling nya. Naka-ngiti lang syang tinitigan ni JiYeon saka ini-hele nito ang ulo sa balikat ni JinWoon.


       "Gusto mo kantahan kita?"pag-kuway wika ni JiYeon. Parang hindi naman maka-paniwala si JinWoon sa narinig. Kumakanta pala ito? Inagaw ni JiYeon ang gitara kay JinWoon na akala mo ay marunong syang gumamit. Tumugtog  sya kahit na sintunado bago inumpisahang kantahin ang chorus ng Oh! My Goddess.

"Girl that makes my eyes only look at you

My heart has been filled with you
Accept my heart, I’m desperately waiting baby
Boy that is only looking at you

My heart, my heart, the boy that stole her heart
Oh please i don’t wanna be tired again no more baby
Oh! my goddess"

[Translated into English]

        Tawa ng tawa sa kanya si JinWoon. Lalo na ng tumayo si JiYeon at nag-head bang sa harap nya. Nag-patuloy lang sa pag-kanta si JiYeon. Masaya ulit si JinWoon dahil nasa harap nya ngayon si JiYeon. At kanyang kanya na ito.

       Muli syang ninanahan sa practice lalo pa't nanunood sa kanila si JiYeon. Palapit na kasi ang Battle of the Band kaya naman hindi narin sila mag-kanda ugaga sa pag-plano sa susuotin nila. Two rounds kasi ang contest. Una ay ang cover mong kanta. Ang second naman ay ang original. Naisip ni JiYeon na dalawang color ang gamit gamitin nila. Sa first ay red and black at sa second round ang pink and grey. Sumang-ayon naman sila. Si JiYeon na rin ang mag-aayos sa kanila sa araw na yun.

      Busy ang lahat ang lahat sa Ashita High Academy. Ngayon na kasi ang araw na pinakahihintay nila. Ang Battle of the Band. Hindi naman maiwasang kabahan nila JinWoon at ang mga kaibigan nito.

      "Nakaka-kaba din pala kahit sanay na tayo sa ganito."saad ni MyungSoo. Naka-ayos na ang mga ito at nag-hihintay na lang na mag-umpisa ang contest.

      "Basta! Tandaan nyo. Ito na ang break natin kaya dapat galingan natin."sabi ni JinWoon sa mga ito para kahit pano ay mawala ang kaba nila. Kakaalis lang ni JiYeon sa waiting area para mag-ayos na din ito at sa labas na lang mag-hintay para sa performance nila. Ilang saglit pa ay nag-umpisa na ang contest. Pinabunot sila ng number pala malaman kung sino ang una ang mag-kakasunod na mag-pe-perform. Si SunWoo ang nag-presentang bumunot. Nang-lamig sya ng mabunot ang number one. Sa inis ni Daniel ay sinipa nya ito. Ginantihan din sya nito.

     Wala na silang magagawa kundi maunang pumunta sa stage. Kinakabahan talaga sila. Lalo na nang makita nila ang dami ng mga tao at ang mga judges at producers na nakaupo sa harapan. Sa una ay naka-patay ang ilaw. Nang mag-bukas ito ay nag-katinginan silang lima. Tumango si JinWoon tanda na ready na ito. Hinanap nya sa crowd si JiYeon. Naroon ito sa harap nakangiting sinenyasan sya na kaya nya iyon. Nginitian din sya ni JinWoon saka nag-umpisang tumugtog.

      Sa pag-kanta ni JinWoon ay doon lang lumakas ang loob ng apat. Hanggang sa ma-enjoy na nila ang stage. Maging ang crowd at mga judges ay nadala nila sa masayang aura nila sa stage. Panay ang hiyawan ng mga tao. Samantalang si JinWoon naman ay walang ibang nakikita habang kinakanta iyon kundi si JiYeon. Sa kanya lang ito nakatitig na kulang na lang ay malusaw ito.

      Maganda ang naging performance nila at mukhang nagustuhan iyon ng mga judges. Nag-sisigawan silang bumalik sa backstage ng matapos ang performance nila. May nag-yakapan sila at nag-high five sa isa't isa. Pareho ang nararamdaman nila sa isa't isa. Na ang sarap mag-perform sa harap ng mga tao lalo na kung napapasaya mo sila. Dun pa lang ay panalo na sila.

      Masaya din sa naging performance nila si JiYeon kaya naman agad nya itong tinawagan para i-congratulate. Hindi na kasi sya pwede pumasok sa loob ng backstage. "Congrats! Ang ganda ng performance nyo."tuwang tuwang bati ni JiYeon.

      "Talaga? Kung totoo yan bilhan mo ko ng tubig. Hihintayin kita sa labas ng dressing room.'utos ni JinWoon.

      "Tsi! Okay."ibinaba ni JiYeon ang cellphone saka dali daling pumunta ng canteen para bumili ng tubig. Pero walang tao at sarado ang cantee. Wala  syang mabibilhan pang iba kaya naisip nya na lang na puntahan si JinWoon.

      Pag-talikod nya ay naroon si SooYeon. Galit ang mukha nito na para bang gusto sya nitong saktan. Sa halip na pansinin ay in-snub nya ito at lumakad kaso pinigil sya ni SooYeon, mahigpit syang hinawakan nito sa mga braso saka pinihit paharap sa kanya.

     Hinawi sya ni JiYeon. "Ano ba! Nasasaktan ako!"inis na saad nya.

    "Ikaw ang may kasalanan kung bakit iniwan ako ni HeeChul!"sisi nya. Ikinagulat naman iyon ni SooYeon.

     "Ano bang pinag-sasabi mo? Iniwan ka nya dahil nag-sinungaling ka sa kanya! Kaya wag mo kong sisihin!"galit na sabi ni JiYeon. "aalis nasana ito pero muli syang hinawakan ni SooYeon sa braso. Pumalag si JiYeon habang pilit syang hinahatak ni SooYeon. Nang hindi nya ito madala ay intinulak na lang nya ito. Sa lakas ay bumangga ang ulo nito sa kanto ng pader.

     Nanigas sa takot si SooYeon, hindi nya alam kung anong gagawin lalo ng bumagsak si JiYeon sa sahig na duguan. Tuluyan ng nawala si SooYeon sa sarili. Hindi ito maka-galaw, nakatitig lamang ito sa walang malay na si JiYeon. Habang nang-gigilid ang mga luha. Anong ginawa nya? Anong nang mangyayari kay JiYeon?

2 comments:

  1. sana ok lang sa mga bumabasa ang chapter na 'to .. minadali ko lang kasi ang masama po pakiramdam ko .. sana magustuhan nyo .. Thanks po sa mga sinusundan 'tong kwento ko .. God bless ..

    ReplyDelete
  2. napapasabay din ako sa kanta! anu ba yan! kinilig naman ako dun author!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^