"Lhei! Ihahatid ko lang muna si Kcee ha " paalam ni Xavier dito ng matapos ang date nila ni Kcee. At oo nandoon nga si Lhei habang nagdadate si Xavier at Kcee.Siya ang nagpaptugtog sa loob ng bahay habang nasa may garden ang dalawa. Minsan minsan ay tinitingan niya rinang mga ito at may mumunting luahng lumalabas sa mga mata niya.
" Sige,mag-ingat ka! Pag may nangyaring di maganda sa bestfriend ko lagot ka sa akin! "paalala pa nito. Ngumiti naman si Xavier na parang sinasabing malabong mangyari iyon.
Pagkaalis ni Xavier at Kcee nag umpisa ng maglinis ni Lhei ng kalat, mahigit dalawang oras naata ay di pa bumabalik siXavier kaya’t naisipan niya munang uminom.
Naubos na ni Lhei ang iniinom niya ay hindi pa bumabalik si Xavier.Nang magbubukas pa siya ng isa pa ay dumating na ito.
“Woaah, tama nayan Lhei madami ka ng nainom” pigil nito sa kanya.
“Kuhnti palangs” medyo iba na yung tono ng pananalita ni Lhei.
“Aish lasing kana eh bakit ka ba kasi uminom ha?May problema ka ba??” nag-aalalang tanong nito.
“Problema??Madami ako non Xaviiiiiiiiiier. “ ngiti-ngiti pang sabi nito. Lasing na talaga. “Pero alam mo ba kung anong pinakaprinoproblema ito …” nagulat si Xavier ng ituro ni Lhei ang puso niya.
“Huh??May sakit ka ba sa puso?”naguguluhang tanong nito.
“Bakit ba ang slow mo? O sadyang ayaw mo lang talaga akong pansinin, *sobs* bakit ba kasi wala akong kadala-dala. “hindi na naituloy ni Lhei ang sasabihin niya dahil naiyak na ito ng tuluyan
“Lheilani------------
“Ayoko na .Xavier. Ayoko ng magpanggap na hindi ako nasasaktan, nakakapagod ,nakakabuwang na yung ginagawa ko paulit ulit nalang ako. “
“Ano bang sinasabi mo Lhei ??” medyo nakukuha naman ni Xavier ang gusting sabihin nito pero ayaw niyang mag conclude. Naiinis naman si Lhei bakit hindi nito makuha ang sinasabi niya hindi ba nito nararamdaman na nasasaktan na siya.
Tumayo siya at nag umpisang maglakad “ Saan ka pupunta Lhei?”
“Sa impyerno” nagpatuloy lang si Lhei sa paglalakad ng pigilan ulit ito ni Xavier this time mas nagulat si Xavier sa ginawa ni Lhei.
Hinalikan siya nito at dahil nga nagulat siya naitulak niya to at napaupo. Ngumiti ng mapait si Lhei.
“ See?? Not just emotionally mo ako kayang saktan ,pati narin physical. “ sabi nito at nagsisimula na namang lumuha. Lalapit sana si Xavier para tulungan itong tumayo pero pinigil ito ni Lhei.
“Dyan ka lang ..”
“Lhei”akmang lalapit parin ito
“Sinabi ng dyan ka lang eh! Ayoko na Xavier! Sawang sawa na ako magpanggap ,sawang sawa na akong ngumiti pero deep inside nasasaktan na ako. Una palang alam ko ng posibleng umabot sa ganitong sitwasyon pero I still took the tisk pero ngayon I can’t do this anymore.I can’t be your friend any longer. “ pinilit nitong tumayo at nagsimulang maglakad kahit na nahihirapan siya .Nasprain kasi ang isang paa nito sa pagkakatulak ni Xavier.
Hinabol naman ni Xavier si Lhei at niyakap ito
“ Please ,Lhei don’t leave me like this , isa kang importanteng tao sa buhay ko please ,sabi mo ayaw mo ng temporary friend ,sabi mo “– naputol ng paglayo ni Lhei sa yakap ni Xavier ang sasabihin nito .Humarap siya ditto at siya mismo ang yumakap dito.
“ Mas masakit para sa akin pagkaraan ng ilang taon nagawa kong magmahal ulit pero sa maling tao na naman , sa bestfriend ko pa ,mali sa bestfriend ko na naman ilang beses na bang nangyari ito ? at ang masaklap pa kaibigan ko din yung minahal niya. Hindi ako at never magiging ako. Hindi ko kaya sabihin magiging Masaya ako para sa inyo ,it’s suicide Xavier hindi ko kayang patuloy kang suportahan para ko narin tinapos ang sarili kong buhay , ang tanging magagawa ko lang tanggapin na hindi ka talaga para sa akin .Kaya sana naman pag bigyan mo na ako .I can’t stay by your side anymore. “pagkasabi noon bumitaw si Lhei sa pagkakayakap niya kay Xavier.pero pinigilan siya nito.
“ Hindi na kita pipigilan kung yan ang gusto mo pero I can’t let you go home by this time ,delikado ipagpabukas muna ang pag-uwi mo “ marahang umiling naman si Lhei
“Uuwi na ako ,I can handle myself naman ,mas delikado ako dito Xavier mas delikado ang puso ko dito,habang mas tumatagal ako dito mas nasasaktan lang ako.” Pakasabi noon ay tuluyan ng nagpaalam si Lhei dito.
“Ginagabi ka ata ng uwi” medyo nagulat ng bagya si Lhei ng marinig ang boses ng ama niya pagpasok niya ng bahay nila . At sa halip na sumagot ay nagmamadali siyang lumapit dito at niyakap ito.
“ Hey! May problema ba ang bunso ko. “ pag-aalo ng ama ni Lhei ng mapansin nitong umiiyak na ito naamoy din nito ang alak kaya’t alam niyang lasing at my mabigat na dinadala ang anak.
“Dad naman eh! Bunso ka diyang kambal kaya kami ni Lara! “ reklamo nito pero patuloy padin sa pag-iyak.
“Kahit na ikaw parin ang huling lumabas, so tama na don, tell me what’s wrong at bakit naglasin ka ha? Di mo ba alam na delikado yon?” hindi naman galit ang tono nito kundi puno ng pag-aalala
“Dad ,pangit ba ako??”
“Sinong nagsabi niyan? Ipapakulam ko?! Wala sa lahi natin ang pangit ?” medyo pabiro pa ang sabi ng Dad niya niyan .Humigpit naman ang pagkakayakap ni Lhei sa Dad niya at napansin ito ng ama niya kaya sumeryoso nadin ang aura nito.
“ Kung hindi ako pangit bakit hindi nila ako magustuhan? Bakit lagi nalang akong nafri-friendzone. Laging second priority. “ patuloy lang sa pag-iyak si Lhei habang hinahaplos ng ama niya ang buhok niya upang kalmahin siya.
“Hindi ka pangit ,baby .Bulag at tanga lang sila kaya ganun. Lagi mong tatandaan na hindi lang naman yun yung makakapagpasaya sa iyo. Natatandaan mo ba yung laging sinasabi sayo noon ng Mama mo ,don’t mind those things,people that hurt but always foucs to those things na Masaya ka na Malaya kaya . Ang Lheilani na kilala ko yung babaing hindi umiiyak ng ganyan ,yung babaing pagkatapos ng isang unos ay tatayo at papatunayan na hindi siya basta mapapasuko ng anumang pagsubok. “ pachicheer sa kanya ng ama niya.
Tumango tango naman si Lhei at pinunasan ang luha niya.
“Gosh! Feeling ko tumanda ako ng sampung taon sa pag-iyak ko. “
“ Kasalanan mo yan ,O siya magpahinga ka na at anong oras na.”
“Salamat Dad! The best ka talaga! Kaya labs na labs kita eh.!”
“ Love daw ,eh iba naman yung iniiyakan” biro ng ama niya ngumiti naman ng payak si Lhei.
“He’s nice “
“ Yeah “ tipid na sagot ni Kcee sa Kuya niya pagkaalis ni Xavier.
“ You like him??” tanong nito.
“ Starting to “ simpleng sagot niya.
“ Inferview ang haba ng sagot mo” sarcastic na sabi ni Nathan.
“Eh ano ba kasing gusto mong malaman?? “medyo inis naman si Kcee sa Kuya niya.
“ Chill sis!! ang gusto ko lang naman itanong is kung ready ka naba ulit magmahal?? Willing to take the risk??”
Ngumiti ng payak si Kcee.
“ I wouldn’t agree na ligawan ako ni Xavier ko kung hindi , commonsense Kuya. “
“ Sabi mo eh . “ pagsabi noon ay umakyat na si Nathan sa kwarto niya. Nag-isip naman saglit si Kcee.
Handan a ba talaga siya?Alam niyang isa lang ang sagot sa katanungan niya kailangan niya ng harapin ang ma nangyari noon at tanggapin ang mga ito. After that sa tingin niya pwede na silang maging magkaibigan.
“ You really sure about this Lhei??”
“Ang kulit mo naman Kuya Nathan andito na nga ako eh ?? “
“Umayos ka ,Lheilani baka nakalimutan mong formal interview ito at nakasalalay dito kung tatanggapin kita sa firm na ito. “
“It’s your fault naman kaya Kuya,so kulit pipila ba ako ng pagkatagal-tagal diyan kung hindi ako seryoso?? Saka papalampasin mo bang pagkakataon na magkaroon ng Architecture slash Interior Designer dito sa Firm niyo??” makangiting sabi ni Lhei .Napabuntunghiniga nalang si Nathan. He knows kung gaanon kagaling si Lhei , kina Lhei ,Lara at Kcee si Lhei ang nangunguna sa larangan na iyon .
“Fine ,you can start tomorrow ,Ms.Marquez. “
“Thank you,Sir. “
Nakangiting lumabas si Lhei sa building nina Nathan , this is the start ng pagbabago ng buhay niya, Oh not really . Sinusunod niya lang ang bilin sa kanila ng yumao nilang ina.
Pero syempre sa bawat pag-uumpisa ,maganda na may closure lahat ng iiwan niya at doon pupunta ngayon si Lhei.
“Lhei!!”
“Bitiwan mo ako Xavier” seryosong sabi ni Lhei,napabitaw naman si Xaviersa pagkakayakap at tiningnan ang kaibigan.
“ Lhei--------
“ Andito lang ako para kunin ang mga gamit ko. “ malamig na sabi nito.
“Please Lheilani don’t do this.” May pagmamakaawa sa tinig nito.
Umiling lang si Lheilani.
*sighs*
“Kausap mo muna si Dad bago ka umalis. “
Napatingin naman si Lhei kay Xavier.
“ Huh??”
“Nakalimutan kong sabihin sayo na pinapalitan ni Dad ang titulo ng bahay na ito , sa ating dalawa nakapangalan ito ngayon. So kung iiwan mo ito tell Dad. “
“Bakit ka pumayag?”
“Wala naman akong nakikitang problema don since magkaibigan naman tayo”mapapansin ang lungkot sa boses niya
“Lhei hindi ba talaga pwedeng magkaibigan parin tayo??” tanong nito.
Mapait na ngiti naman ang isinukli ni Lhei.
“To offer woman a friendship when love is in her heart is like giving a loaf of bread to one who is dying of thirst .I’ll go ahead now Xavier ,I’ll talk to Tito some other time ,pero for now sige iiwan ko muna ang mga gamit ko dito.” Paalis na si Lhei ng pigilan siya ni Xavier.
“ Please Lhei,don’t to this.”
“Ako o Siya??”
“Huh??”
“Simpleng tanong Xavier Lee Santos, Si Kcee Ako. “
“Lhei --------
“Just answer it.”
“ Sorry but--------------
“ See?? Kahit anong pilit mo in the end siya parin-----------
“ Hindi iyon ang ibig kong sabihin, I just can’t choose.”
“ Ofcourse you can,hindi man ngayon pero time will come kailangan mong pumili , at alam kong pagdating ng panahon na iyon ay hindi rin ako ang pipiliin mo.At ayoko ng dumating yung panahon na iyon, panahon na alam kong masasaktan lang ako ng sobra. “ pagkasabi noon ay umalis si Lhei na pinipigilan ang luha niya.
ano b nman yan xavier!!! make-up ur mind!!!! nkkbwas k ng pogi points samen eh!!! naawa aq kei lhei ee... peo naiisip q kpag nlman n nman 2 ni kcee ay nakow!!!!!!!!!! peo okay n din... kceeXshun nman aq ee.
ReplyDeleteuu ngA kwAwa nMan c LHei dtO,,, y cAn't shE fiNd suM1 na mmHaLin xAh ng buO,,, aNu kYa kUng xAvieR n Lng tLga s kNya pRa c shUn n LNg tLga prA kEi kCee,,, hwAheHe,,,
ReplyDelete▒█░▒█ █▀▀ █ █▀▀ ▀▀█▀▀ █░░█ █▀▀ █▀▀█ █▀▀▄ █▀▀ █
ReplyDelete▒█▀▀█ █▀▀ ░ ▀▀█ ░░█░░ █▀▀█ █▀▀ █░░█ █░░█ █▀▀ ▀
▒█░▒█ ▀▀▀ ░ ▀▀▀ ░░▀░░ ▀░░▀ ▀▀▀ ▀▀▀▀ ▀░░▀ ▀▀▀ ▄
▒█▀▀▀█ █░░█ █░░█ █▀▀▄ ░░ █▀▀ █░░█ ░▀░ █▀▀█ █▀▀█ █▀▀ █▀▀█ █
░▀▀▀▄▄ █▀▀█ █░░█ █░░█ ▀▀ ▀▀█ █▀▀█ ▀█▀ █░░█ █░░█ █▀▀ █▄▄▀ ▀
▒█▄▄▄█ ▀░░▀ ░▀▀▀ ▀░░▀ ░░ ▀▀▀ ▀░░▀ ▀▀▀ █▀▀▀ █▀▀▀ ▀▀▀ ▀░▀▀ ▄