[The Poker Face and
the Iron Lady]
[Earl’s POV]
Alam niyo yung
pakiramdam na pigil na pigil ko na tumawa nung nakita kong sobrang nabadtrip
sakin si Jhonah? Super laugh trip lang.. kaso syempre pinigilan ko ang sarili
ko.
“Ikaw ang bad mo” sita sakin ni Quincy.
“Ako? Hindi ah” tanggi ko naman.
“Oo kaya…pati ako ginagamit mo pa… magpasalamat ka at magkaibigan tayo.”
“Yeah right… thanks Quincy”
Quincy and I met a
long time ago. Actually hindi ko nga alam na kapatid pala siya ni Laxus eh. Sa Canada
kami nagkakilala kung saan ako nagbakasyon. Magkaibigan pala ang mga
grandparents namin at inirereto kami ni Quincy sa isa’t-isa. Tandang-tanda ko
pa noon kung paano ako tignan ni Quincy
na puno ng disgusto. Iyon pala ayaw niya din na nirereto kami kasi may
boyfriend siya. Kaya naman nung sinabi ko sa kanya na ayoko din sa kanya eh
naging instant magkaibigan kami. Saka alam ni Quincy na may gusto akong iba.
“So…sino dun sa dalawa yung gusto mo?” untag sakin ni
Quincy.
“Sino sa tingin mo?”
“Hmmm… the one with the long hair?”
“Si Jhonah? Bakit naman siya yung nasabi mo? Eh dib a nga sabi ko little
sister lang ang tingin ko sa kanya at hindi ko siya type?”
“Eh kasi Earl… yung mga ganyang di ko type at little sister may
pinaghuhugutan yan eh….hindi mo naman sasabihin yan sa harapan ng isang babae
unless may gusto kang itago diba?”
“Quin…don’t start”
“Eh sa totoo naman eh.. bakit ba kasi hindi mo nalang aminin na gusto mo
siya.. ang dami mo pang arte eh”
“Hindi mo kilala si Jhonah Quin.. kung matigas ang ulo mo.. kasing tigas
ng hollow blocks ang ulo nun…at hindi yun ang tipo ng babae na basta basta mo
mapapasuko… kailangan mo ng strategy… makikita mo.. one of this days gagantihan
ako nun”
“Well…what can I say… mukha namang masaya ka sa ginagawa niyo eh…you
really love her don’t you? Ang swerte naman niya”
“Ganun talaga”
“I can’t wait to see what would happen between the two of you”
“Me too”
“Sa tingin ko may gusto din naman sayo yung girl na yun eh…nakita mo ba
yung reaction niya? She looks so funny”
“Kahit sabihin pa nating may gusto nga sakin si Jhonah.. hindi yun basta
basta aamin”
Sa tigas ba naman
ng ulo noon? Napakaimposible talaga.
“Sus.. eh di gumawa ka ng paraan para mapaamin mo.. problema ba yun?”
***
[Richelle’s POV]
Pagpasok ko ng
kwarto tanging si Jhonah lang ang naabutan ko...hindi ko alam kung anong trip
nitong babaeng ito at mukhang napakalalim ng iniisip.
“Psst! Bakit nandito ka?”
“Eh ikaw bakit nandito ka?” ganting tanong din niya sakin.
“ayoko sa labas eh... parang gusto ko na ngang bumalik
ng Manila” pag-amin ko.
Nahiga ako sa kama
at tumitig sa kisame. Ang bigat ng pakiramdam ko. After ng pag-amin sakin ni Laxus
na may gusto siya sakin hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang naramdaman
ko.
“May problema ka ba? Tara balik na tayo” tanong sakin ni Jhonah. Himala? Mukhang sensitive yata itong babaeng
ito ngayon?
“May sakit ka ba Jho?” imbes na sagutin ang tanong niya ay tanong din ang ibinato ko sa kanya.
“Wala” pero mas lalo
akong nagduda. Somethings fishy is going on.
“Come on bespren...may gumugulo sa isip mo?”
“wala nga”
“Okay fine...” muli akong nahiga
sa kama. “Jho...may sasabihin ako sayo”
“Ano yun?”
“Nagtapat sakin si Laxus”
“Nagtapat na ano?”
“Na may gusto siya sakin.. na mahal daw niya ako”
Inaasahan ko na na
hindi maniniwala sakin si Jhonah...ito pa? Eh kontrabida sa lovelife yan eh.
Pero nagulat ako sa sagot niya.
“Anong sabi mo?”
May something
talaga eh.. may nangyare sigurong hindi ko alam.
“sabi ko sorry... kasi hindi ko siya gusto.. na kaibigan
lang turing ko sa kanya”
“Si Trace pa rin ba?”
Hindi agad ako
nakasagot. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin eh.
“Oo” sa wakas ay
pag-amin ko.
“Okay na yun... atleast naging honest ka lang sa
sarili mo...kesa naman patulan mo si laxus pero si Trace pa rin ang gusto
mo...pero kung sakaling dumating yung time na marealized mo na mahal mo na pala
si Laxus tapos mahal ka pa din niya eh di mabuti”
Si Jhonah ba talaga
itong kausap ko?
“Sino ka? Anong ginawa mo sa kaibigan ko?” pagbibiro ko.
Hindi kasi ako
sanay na ganito itong babaeng ito. Mas sanay ako na puro siya reklamo.
Imbes na
makipag-asaran eh tinalikuran lang ako ni Jhonah.
“uy! Luka-luka.. anong nangyayare sayo.. may masakit
ba sayo?”
Pagtingin ko kasi
namimilit siya sa pagkakahiga. At sapo-sapo niya yung dibdib niya.
“huy Jho! Ano ba.. tinatakot mo naman ako eh.Anong
masakit sayo.. tatawag akong doktor.”
“Ang sakit dito Iche...ang init” turo nito sa dibdib.. partikular sa side ng puso.
“naninikip yung dibdib mo? Bakit? Wala naman kayong
lahing highblood ah.. mainit? Eh nasa Baguio tayo?”
“Hindi yun eh”
“Eh ano...masakit ang puso mo? Bakit?”
Hindi ko talaga
maintindihan kung anong nangyayare dito sa babaeng ito. Natataranta na ako.
“hay naku Chelle...inlove yan”
Napatingin ako sa
nagsalitang si Regine na ngayon nga ay nasa loob na ng kwarto. Hindi namin
namalayan na nakapasok na pala siya. Ito kasing si Jhonah eh.. pinapakaba
ako...teka???inlove?
“inlove???
Sino??”
“Sino pa eh di yang luka-lukang babaeng iyan”
“Si Jhonah???”
“sino pa ba ang luka-luka dito?”
“ikaw”
“sira ulo.”
“Seriously...inlove si Jhonah? Kanino?”
“kanino pa eh di kay Earl”
“Talaga??? Hindi nga???”
Gulat na tanong
ko.. aba syempre big revelation iyon diba? Ang tomboying babaeng ito inlove???
“Oo... at kaya nagkakaganyan iyan nagseselos at
nasasaktan kasi iyan”
“Regina tumigil ka ah!” saway ni Jhonah dito na kahit namimilipit na sa pagkakahiga eh nagawa
ng tignan ng masama si Regine.
”eh totoo naman eh”
“Teka.. may nangyare bang hindi ko alam?”
“Kasi ganito yun Chelle... kanina nakita namin si Earl
saka yung kapatid ni Laxus na si Quincy na nagkukulitan tapos nung nakita nila
kami.. nagtanong yung Quincy kung sino daw samin ang jowa ni Earl at sino yung
type niya...sabi ni Earl..hindi ako kasi Girlfriend ako ni Paul..at hindi niya
type si Jhonah kasi hindi naman daw siya babae at little sister lang daw ang
tingin niya dito” pagkukwento ni Regine.
Biruin mo yun?
Saglit lang akong nawala may ganitong kaganapan na?
“Little sister? Akala ko ba never tinitignan ni Earl
as little sister si Jhonah?”
“Ewan ko iyon ang sinabi niya sa kapatid ni Laxus eh..
siguro type ni Earl yun” pang-aasar pa ni Regine sabay
tingin kay Jhonah.
Bigla namang
sumimangot ang luku-luka....confirmed!!!
“Regine!!! Magpapyesta tayo!!! Babae na ang kaibigan
natin”
“Tumigil nga kayong dalawa” saway samin ni Jhonah at binato pa kami ng unan.
“Alam mo ba espren kung anong nararamdaman mo ngayon
ha?... Nasasaktan ka... nagseselos ka.... bakit??? Kasi inlove ka kay Earl...” paliwanag ni Regine.
“hindi nga ako nagseselos wala sa bokabularyo ko yun..
at lalong hindi ako inlove kay Earl” tanggi ni Jhonah.
“hay naku... ang tawag dyan...indenial stage” sabi ko naman.
Mukhang hirap
tanggapin itong si Jhonah na inlove na nga siya. Sabagay hindi naman ganun
kadali iyon para sa isang tulad niya.
“Hindi ako indenial” pilit na
tanggi nito.
“Eh bakit ka nagkakaganyan? Alam mo kasi Jho....” tinabihan ko si Jhonah sa kama at marahang hinaplos ang buhok...
mukhang kailangang paliwanagan itong babaeng ito.
“Ang puso...maliit
na parte lang yan...pero pag iyan nasaktan...apektado ang buong katawan”
“Aminin mo na kasing mahal mo si Earl...paradi ka na
mahirapan ng ganyan” payo ni Regine.
“Oh sige... oh di kaya wag munang mahal...kahit gusto
muna.” Segunda ko naman.
“Ewan ko” sagot ni Jhonah at
biglang nagtakip ng unan sa mukha.
Hayy!!! Mukhang ang
hirap talaga paliwanagan nitong babaeng ito.
Marahang katok sa
pinto ang nagpatigil samin.
“kakain na daw” sabi ni Jiyeon.
“Sige sunod kami”
“Okay” anito at lumabas
na ng silid.
“Tara na”
“sige mauna na kayo” sagot ni
Jhonah
“Sure ka?”
“Oo”
“Okay sige..tara na Chelle”
Iniwanan na namin
sa loob ng silid si Jhonah. Hahayaan muna namin siyang mag-isip.
***
[Yesha’s POV]
Nakakailang ang katahimikan ng mga tao dito.
Kasalukuyan kaming
nagdidinner ngayon…pero pawang hindi umiimik ang mga kasama ko sa mesa.
Nakakailang tuloy magsalita.
“Ahhmmm.. so guys. After nating mag dinner let’s have a bonfire outside…
Barbeque party tayo…” Basag ni Jeirick sa katahimikan.
“Sure… I love that” segunda naman agad ng nobya nitong si Demi.
“Dun tayo sa may malapit sa swimming pool para yung mga gustong
magswimming eh pwede”
“Ang lamig lamig magsuswimming kayo” kontra naman ni
Jiyeon.
Eh super lamig naman
kasi talaga… may point siya maski ako ayoko ding magswimming eh.
“Eh di wag kang lumangoy… problema ba iyon?” pambabara naman ni
Laxus.
Pansin ko lang ah..
ang init yata ng dugo ni Laxus kay Jiyeon eh wala naman siyang ginagawang
masama dito.
“Ang yabang nito” nakasimangot na sabi ni Jiyeon.
“Bahay ko ito”
“Okay guys awat na… nasa harapan tayo ng pagkain.” Saway sa
kanila ni Jeirick.
Parehong natahimik
naman ang mga ito. Bumalik na naman tuloy ang awkward silence sa amin.
Hindi sinasadyang
napatingin ako sa tapat ko na walang iba kundi si Gray. Napangiti nalang ako ng
ngumiti din siya sakin. Ang gwapo talaga.
Jiyeon si Trace na lang kaya ang sayo, saakin na lang si Laxus..hahahaha...
ReplyDeleteSis, isang chapter lang ba talaga? Isa pa!!! Hahaha...
hahahaha...pwede rin.. :)
DeleteuMamiN n kSi jHonaH,,, tMa nMan uNg mgA besPreN mu eH,,, iNLUv k n tLga,,, kHit s kniLa mu LNg munA amiNin pRa gumAan ang LOob mU,, duN nMAn kEi, waG k muNa uMamiN,,, gAntihAn mu munA xAh,,, tutAL nmAn, inAanticipAte n niAng ggAntihAn mu tLga xAh,,, gAwiN mu LNg bonggA,,, hwAheHe,,,
Deleteat wLa nmAn pLa tLgaNg sUmthiNg kEi qUincY eE,,, actuALLy bet p ngA niA tLga c jHo foR eArL,,, aNg probLeMa LNg tLga s dLwaNg kYa ndE p maGktuLuyAn ay dHiL cLa LNg riN ang ayAw umMin,,,
HaLa, aNg hbA ng commEnt q,,, neXt chPter n aq, hwAhihi,,,
bwahahahaha!!! i love your comment Nicole :)
DeleteIt made my boring day okay..haha...
Thank You.
so frnds pala ang dalawa.. oh that's new.. ngsisismula na ang lovestory nila laxus at ate rich.. sungaban mo na!haha..
ReplyDeleteinlove si at jho!! naku,yari tayo jan.. pahirapan pa bago umam in yan.. pipiliin pa nyan mahulog sa building kesa umamin.. hahah.. pwede ate rich and ate aegyo alugin nyo nga yung magulong utak nyan.. hahaha.. pumapaling eh..